"ANGELO, SALAMAT HA. MALAKING BAGAY PARA SA AKIN ANG PAGMAMAGANDANG-LOOB MO NGAYON.." puno ng sinseridad na pasasalamat niya kay Angelo nang ihatid siya nito sa tinutuluyang niya. Nag-boluntaryo itong samahan siyang maipadala ang parcel niya't ganoon na rin ang paghatid nito sa kanila. Pero dahil hindi naman nakapasok ang sasakyan nito sa eskinita nila kaya hanggang sa kanto lang siya.
Kinakabahan pa nga siya dahil baka pag-trip-an ng mga tambay sa lugar nila si Angelo; mag-a-alas sais na rin kaya kunti na lang laganap na ang dilim."Anything for you, Lucy, alam mo naman na lodi kita eh."Natawa sya sa mga sinabi nito sa kaniya; mukhang galing si Angelo sa isang mayamang pamilya at wala naman siyang interes alamin ang bagay na iyon sa binata. Gaya nga ng sabi niya kanina iyon ang una at huling hihingi siya ng tulong dito."So! Friends?"Binaba niya ang tingin sa palad nitong nilahad sa harap niya; nasa loob pa rin sila ng kotse ng binata at prente siyang nakaupo sa unahan katabi nito.'Dapat pa bang umabot sa friendship ang pabor na binigay nito sa kaniya?' tanong niya sa sarili niya. Umiwas siya nang tingin hindi alam kung ano ang itutugon dito; may malaking trust issue sa mga tao si Lucy kaya hindi siya sigurado kung sincere din ba ito sa pakikipag-kaibigan nito sa kaniya."Hey. Hindi pa rin ba tayo magkaibigan?" Muling untag ni Angelo sa kaniya."Pwedi bang pag-isipan ko muna? Hindi talaga kasi ako nakikipag-kaibigan eh..""Eh, 'di pakikipagka-ibigan na lang.."Sumingkit ang mga mata nya nang tumingin siya rito."Angelo!!" May halong kunwang galit sa boses niya nang banggitin niya ang pangalan nito. Natawa na lang si Angelo sa reaksyon nya."Just kidding. Basta kapag kailangan mo ako, nandito lang ako for you. Anytime, Lucy..Okay?" Nakangiting saad sa kaniya ni Angelo. Mabilis ang ginawa niyang pag-iwas ng tingin mula rito. Hindi niya alam kung bakit may kung anong nagsasabi sa isip niyang kilalanin niya muna ito."Hindi nga ako interesado!" Malakas na pagkakasabi ni Lucy sa sarili niyang dapat sa kaniya lang."Nagsusungit ka na naman.." saad naman ni Angelo sa kaniya. Natawa si Lucy dahil napalakas pala ang pagkakasabi niya. Napakagat-labi siyang tumingin dito, hindi niya naman sinasadya ang tugon na iyon dapat secret lang nila ng sarili niya."Sorry! Napalakas pala.." aniyang nahihiya."Willing to wait, Lucy.""Sige na. Pwedi ka na umuwi, mag-iingat ka. Salamat ulit, Angelo."Binuksan niya ang pinto sa gawi niya, hindi niya na hinintay pang bumaba si Angelo para pagbuksan siya."See you tomorrow, Lucy. Bye. Ingat ka. Masaya ako ngayon at gusto kong malaman mo iyon."Lihim siyang napalunok. Ano ba ang mga sinasabi nito? Napailing-iling na lang siya nang tuluyan siyang bumaba hindi na siya nag-atubiling sagutin ito- kumaway na lang siya dito para na rin umalis na ito at hindi na tuluyang gabihin pa.Patay malisyang tumalikod si Lucy, hindi na muling lumingon pa kay Angelo nang marinig niyang umandar na ulit ang sasakyan nito.'I'm not interested, Angelo. I'm sorry!'Buo ang loob niyang sambit sa sarili para sa binatang nararamdaman niyang may ibang hangarin sa kaniya't hindi lang basta pakikipagka-ibigan gaya ng inaalok nito. Hindi siya manhid at sigurado siya d'on._______KATATAPOS lang kumain ni Michael, hindi niya na nagawang hintayin ang kapatid niyang si Angelo- alas-otso na at hindi pa rin ito nakauwi sa bahay nila. Sanay naman siya at malaki ang tiwala sa bunso niyang kapatid na malapit sa kaniya, lalo na n'ong namatay ang lolo nilang nag-alaga at nagpalaki dito.Napatingin siya sa cellphone niya nang biglang narinig niya ang caller tone. Si Cheska ang nasa kabilang linya, agad niya itong sinagot at tinungo ang library niya sa kaliwang bahagi ng dining area nila."Sweetie?" Bungad ni Michael sa kasintahan."Hi, Sweetie. How are you?" Masiglang bati naman sa kaniya ni Cheska. Agad siyang nakaramdam ng pangungulila nang marinig ang boses nito. Ilang linggo na rin silang hindi nakapag-usap dahil sa pagiging abala niya sa turn-over ng ownership sa university kasama ang ilang board members at ganoon din itong alam niyang abala sa trabaho nito bilang head nurse sa Amsterdam."I'm doing good here. Ikaw diyan? Wala kabang pasok ngayon?" balik tanong ko sa kaniya- tanghali pa lang sa bansa kong nasaan ito ngayon. Malamang nagpapahinga ito."I have a good news for you, Sweetie. Kaya ako napatawag.""Good news? What is it?""Na-approve iyong bakasyon ko, kaya malapit na akong umuwi ng Pilipinas. Sounds good, right?"Awtomatiko ang ngiting sumilay sa labi ni Archangel nang marinig ang magandang balita sa kaniya ng nobya niya."Of course. Oo naman. Kailan? Para naman mapaghandaan ko.""I will tell you the details, Sweetie. That's all for now. Basta malapit na, magkikita na tayo ulit." Ramdam ni Michael ang saya sa boses ni Cheska, halos tatlong buwan na rin silang hindi nagkikita sa personal nito mula nang magpasya siyang umuwi sa lamay ng lolo niya."Be a good boy there ha. Just behave, Michael." Bilin pa nito sa kaniya nang magpaalam ito. May pasok na raw siya kaya kailangan nya nang patayin ang tawag nito dahil iyon lang naman ang sadya sa kaniya.Napatingin si Michael sa wallpaper ng cellphone niya nang napaupo siya sa swivel chair niya. Picture ito ni Cheska, sa isang beach nang huling araw na magkasama silang dalawa. Maganda si Cheska at wala na siyang hahanapin pa rito- she's almost perfect, iyon ang madalas na sigaw ng isip niya. Ganoon din ang relasyon nilang dalawa ng nobya niya; selosa lang ito pero kahit minsan hindi niya binigyan ng pagkakataong magselos ito. Halos pitong taon na rin ang relasyon nilang dalawa, at umaasa na ang lahat na sa simbahan ang tuloy nang mayroon silang dalawa.Muli niyang pinagmasdan ang nakangiting mukha ni Cheska sa screen ng cellphone niya; nang wala sa sariling napapikit siya't hindi malamang dahilan bigla na lamang rumehistro sa isipan niya ang galit at pikong mukha ng dalaga si Lucy Pearl.Mabilis ang ginawang pagdilat ng mga mata ni Michael at ang masayang mukha ni Angelo ang nabungaran niya ng tingin."Kuya, you can't believe it.. but I'm with her today. I'm with my Lulu."Masayang balita nito sa kaniya. Malakas ang kutob nyang tungkol ito sa babaeng binibida nito sa kaniya nakaraan._____The Ceo's Obsession| Lucy Pearl____60"KAMUSTA PAHINGA MO? PASENSIYA KA NA KUNG NABANGGIT KO KAY DOK MIKE NA 24 HOURS KANG NAG-DUTY HA," bungad ni Farrah kay Lucy nang bumaba siya ng canteen pagkatapos magpaalam kay April; nakaramdam na rin siya ng pangangalam ng sikmura at hindi niya na hinintay na bumalik pa si Dr. Martinez sa office nito."Okay lang, Farrah. Wala naman problema, pero ewan ko ba medyo naging oa lang siguro reaksyon ni dok at okay lang naman din talaga ako. Sanay na.""Alam ko naman na sanay ka na, pero syempre kailangan mo pa rin unahin ang sarili mo, Lucy. Tama naman si dok na wala kang kamag-anak dito na mag-aalaga sa iyo kapag nagkasakit ka.""Para ano't naging nurse pa ako kung 'di ko rin naman kaya alagaan ang sarili ko, Farrah—""Iba pa rin iyong tao, iba pa rin iyong pag-alala ng taong magbibigay sa iyo n'on. Ewan ko nga ba sa iyo kung bakit 'di mo na lang bigyan ng pagkakataon si dok sa buhay mo eh.""Ha?" tugon nya sa gustong tumbukin ni F
The Ceo's Obsession| Lucy Pearl ___ 5 YEARS AGO "STAY OUT OF ANGELO'S LIFE! STAY OUT FROM OUR LIFE, LUCY!" Hindi pa rin magawang kalimutan ni Michael ang mga huling salita niyang iniwan kay Lucy nang pinagtabuyan niya ito sa harap mismo ni Cheska limang taon na ang nakakaraan. Paano niya nga ba makakalimutan ang mga katagang iyon kung mas sobra siyang nasaktan kaysa kay Lucy; kung alam lang nito ang dinadala niya hanggang sa mga sandaling iyon sa kabila ng ilang taon. Pero alam niyang hindi niya masisisi ang dalaga kung bakit ito tuluyang nawala sa kaniya— kasalanan niya ang lahat, nagpadala siya sa takot na posibleng tuluyang mawala sa kaniya si Angelo kapag pinagpatuloy niya ang pakikipagrelasyon n'on sa dalaga. Ang naiwan sa kaniya ngayon ay ang kahungkagan, lungkot at sakit dahil wala siyang nagawa para proteksyunan ang damdamin ni Lucy n'on. Sa kabila ng lahat, sa lahat ng nabalitaan niya rito naging masaya siya sa mga narating ni Lucy; nasa Amsterdam na ito at nagin
The Ceo's Obsession| Lucy Pearl ___ "NURSE PEARL, tawag ho kayo ni Dr. Martiñez." Napalingon si Lucy sa boses sa likuran niya si Nurse Farrah. Inayos niya ang upo nang pumasok sa isip niya ang binanggit nito. "Nasa office siya," aniya nito. "Susunod ako. Thanks, Farrah." Ngumiti siya rito nang ngumiti ito sa kaniya. Muling binalik ni Lucy ang tingin niya sa kawalan, sa labas ng bintana kung saan natatanaw niya ang makulay na iba't ibang sari ng bulaklak. Parang kailan lang nasa Pilipinas pa siya, nakikipaglaban sa tinatawag na hamon ng buhay. Ngayon, malayong-malayo na siya rito.. pero sa isip niya nandoon pa rin na parang tila kahapon lang ang lahat; lahat ng sakit, lahat ng hirap na pinaramdam sa kaniya ng mundo. "Miss Pearl?" Muling untag sa kaniya ni Farrah. "I'm going.." Tumayo siya't inayos ang sarili bago tuluyang iniwan ang ward niya. Nagpaalam siya kay Farrah at binilin dito ang gusto n'yang lunch pag bumaba ito sa canteen mamaya. Iisa lang naman din ang gus
The Ceo's Obsession| Lucy Pearl _____ NAKARATING si Michael sa hospital kung saan sinugod si Angelo; wala siyang sinayang na oras para malaman ang kondisyon nito. Ang sabi sa kaniya ni Cheska nang tumawag ito sa kaniya ulit pagkatapos niyang umalis sa unit ni Lucy ay nasa maayos na raw ito —binigyan daw ng pampatulog si Angelo dahil sa labis na pag-ubo. Hindi halos maitago ni Michael ang nararamdamang pag-aalala sa kapatid niya. Kahit sa kalawang banda sa bahagi ng isip niya nandoon din ang pag-aalala sa naiwang dalaga. Nakiusap itong sumama sa kaniya, labis lang na pagtanggi ang ginawa niya rito. Hindi dahil sa natatakot siya na pweding magtaka ang mga ito kung bakit sila magkasama; dahil ang totoo madali lang naman din gawan ng paraan iyon. Ang kinakabahala niya lang talaga ay ang maipit na naman si Lucy sa sitwasyon—ang sakaling awang maramdaman nito kay Angelo kapag nagkataon at hindi niya hahayaan iyon sa pagkakataong iyon. Mag-isa niyang aayusin ang sitwasyon ni Angelo
THE CEO's OBSESSION| LUCY PEARL ____ "PARA SAAN ANG NGITING IYAN?" nakangiting tanong ni Micheal habang hawak ang palad niya't dinala sa labi nito't hinalikan. Kapwa na sila nakabihis na dalawa't nagpasyang umuwi ng condominium na tinutuluyan niya. Halos wala pa nga siyang dalawang araw d'on pero heto na at kasama niya na ang lalaki pauwi don. Hindi naman siya nasurpresa kung bakit alam nito ang daan, dahil pagmamay-ari pa rin ng pamilya nila ito. "Sana para sa akin iyan," dugtong pa. Nahihiyang binawi niya ang tingin dito, tsaka naalala ang nangyari sa kanila sa sasakyan na iyon. Lihim na hiling ng puso niya na sana walang kahit na sino ang nakapansin sa kanilang dalawa. Ang weird dahil sa may simenteryo pa talaga may nangyari sa kanila. "Babalik ka na ba sa bahay?" Muli siyang napalingon sa lalaki nang marinig ang tanong nito. Kailangan niya bang bumalik d'on? At kung oo, ano ang magiging dahilan niya kay Angelo at bigla-bigla na lamang siya bumalik. "K-kailangan ba?" tanon
THE CEO's Obsession | Lucy Pearl _____ "HINDI ko na hahayaang mawala ka pa ulit, Lucy.. Simula sa araw na ito, mananatili ka na sa tabi ko.. This I promise you, Lucy.." Kasalukuyan silang nasa loob ng van ni Michael ng mga oras na iyon, dahil na rin sa lakas ng ulan sa labas kaya nagpasya silang magpatila d'on. Suot-suot niya ang jacket ni Michael nang maramdaman ang panginginig dahil halos nabasa ang damit niya. Hindi pa rin siya makapaniwala sa mga sandaling iyon, na kasama niya ang lalaki— at kung bakit ito nar'on ay hindi niya na rin nakuhang tanungin pa. Ang mahalaga sa kaniya ang lahat ng mga narinig mula kay Michael, ang sinabi nito kanina habang yakap-yakap siya; mahal siya ni Michael. "Naniniwala ka naman sa 'kin 'di ba?" tanong pa sa kaniya. Nilingon niya ito sa kaliwang bahagi niya kung saan ito naka-upo sa driver seat. "Dapat ba akong maniwala sa iyo?" balik tanong niya rito. "You should have too, Lucy. Inaamin ko nagkamali ako, pero bigyan mo ako ng pagkakataon pa