LOGIN“Pakiusap, huwag mo akong iiwan, Calliope, hindi ko yata kayang mawala ka sa buhay ko. Bigyan mo pa ako ng pangalawang pagkakataon na baguhin ang lahat,” nagsusumamo na ani ni Kael sa asawa. ********** Paano kung isang kang martyr na asawa at bulag pagdating sa pagmamahal sa asawa, ngunit bigla itong nagbago, isang iglap lang? Paano kung bigla na lang nagbago ang lahat dahil sa anak mong nag-aagaw-buhay at ang tanging nais mo lang ay makasurvive ito sa operasyon na alam mong 50/50 ang tsansa. Sa ilang taong pagiging martyr na asawa ni Calliope, tila ngayon lang siya natauhan. Tila lahat ng masasakit na nakaraan ay nag-flashback sa utak niya habang nakatitig sa anak niyang si Elara na nakaratay sa hospital bed. At ang tanging nararamdaman niya lang ay ang galit sa puso niya para sa asawa niyang si Orion Kael Almazan, The Cold-hearted Zillionaire. At wala siyang ibang nais kundi ang maghiganti sa asawa niyang walang alam kundi ang mambabae.
View MoreHalos ibalibag ni Calliope ang hawak nyang cellphone nang sa panglimang dialed nya sa number ng asawa ay hindi pa rin siya nito sinasagot.
“Hindi naman naka-off ang cellphone mo, Kael, pero bakit ayaw mong sagutin? ” Saad ni Calliope at dali-daling lumapit sa anak nyang si Elara na ngayon ay inaapoy ng lagnat.
Agad niya itong kinarga at dali-daling bumaba ng hagdan. “Manang Neneta, samahan nyo po ako, dalhin natin si Elara sa hospital. Sobrang taas ng lagnat nya. Natatakot ako baka mapano sya rito,” pilit pa pinapakalma ni Calliope ang sarili habang sinasabe yon.
Nataranta naman si Neneta na inalalayan si Calliope, malakas pang bumuntong hininga ang dalawa ng sandaling mabuksan ni Neneta ang pinto ng mansyon ay siyang pagsalubong sa kanila ng napakalakas na hangin na may kasama rin na malakas na ulan.
Ngunit hindi ito hadlang para kay Calliope na ang hangarin ay maging maayos ang lagay ng kanyang anak na kasalukuyang nasa bisig niya.
“Manang Neneta, ikaw muna ang magbuhat kay Elara at kukunin ko ang kotse,” saad ni Calliope sa matanda at dahan-dahan na inilapat sa dalawang braso ni Neneta na nakahanda nang saluhin ang bata.
Nang tuluyang makarating si Calliope sa garahe ay doon niya naramdaman ang sobrang lamig ng hangin, ngunit hindi yata mapapantayan ng malamig na hangin at pagdampi ng malalaking patak ng ulan ang lamig ng puso niya.
Naramdaman niya rin ang pagsikip ng dibdib niya ng sandaling maalala niya ang asawa.
“H-Hindi ko na alam ang gagawin ko sayo, Kael, bakit tila sobrang layo mo kahit palagi ka naman nasa tabi namin ng anak mo? ” bulong ni Calliope sa sarili. Hindi niya maiwasan maging emosyonal kahit nasa kalagitnaan sila ng emergency.
“I need to think wisely, or else my daughter’s life will be in danger,” usal nya pa sa sarili at agad na lumulan sa kotse.
Samantala, mabilis ang kilos ni Neneta at ni Calliope, at ngayon ay nasa loob na sila ng sasakyan; sinuong nila ang kasagsagan ng malakas na ulan na may kasama pang pagkidlat.
“Ma’am, Cali, hindi po ba natin tatawagan si Sir Orion para ibalita ang nangyari kay Elara? Tiyak po na mag-aalala yun,” tanong ni Neneta kay Calliope.
Umiling si Calliope at tipid na ngumiti. “Huwag na po, kaya ko naman na po itong i-manage, ako naman po ang ina ni Calliope, Manang Neneta,” malumanay nya pang sabe.
“Ganun po ba? E kailan nyo po balak sabihin, ma'am? Birthday po ngayon ni sir. Hindi po kaya magalit yon kapag huli nya na malaman? ” bakas sa mukha ng mayordoma nila Calliope ang takot.
Sinong hindi matatakot kapag ang Orion Kael Almazan na ang usapan? Ang Isang Orion Kael, na cold-hearted CEO, tila lahat naman yata nang nakakakilala sa asawa ni Calliope ay takot dito.
Calliope used to scare him too, but not until today. Tila may kung anong humampas sa ulo ni Calliope upang matauhan siya; hindi lahat ng oras magiging tanga siya pagdating sa asawa niya.
Asawa niyang ngayon ay nagpapakasaya sa piling ng kabit nito. Mas piniling i-celebrate ang kaarawan kasama ang kabit nito kumpara sa kanila ng anak niya.
Samantala, habang mabilis na nagmamaneho si Calliope sa gitna ng malakas na ulan, hindi niya maiwasang kabahan para sa kalagayan ng kanyang anak. Halos sagad na ang apak niya sa pedal nang biglang may mag-overtake sa kanya. Kaya walang nagawa si Calliope at binuksan niya ang hazard light para maabisuhan ang driver na on rush sila, ngunit tila yata manhid ang driver dahil dire-diritso lang ito sa pagmamaneho na syang ikinainis ni Calliope.
Sa sobrang gulat nya agad nyang kinabig ang manibela ng muling mag-overtake ang sasakyan dahilan nang pagsalpok ng unahan ng kotse nya sa traffic island.
Samantala, napayakap naman ng mahigpit si Neneta kay Elara at nanginginig na tumingin kay Calliope.
“Ma’am Calliope, dahan dahan lang po,” sigaw pa ni Neneta.
Agad naman na nakapreno si Calliope kaya sa maliit lang na poste sila nakabangga; hindi ganon kalaki ang damage, ngunit ganon lang kalaki ang inis ni Calliope sa sarili, at sa sandaling yun hindi na napigilan ni Calliope ang maging emosyonala.
Kasabay ng pagbuhos ng malakas na ulan ay siyang pagbuhos din ng mga luha ni Calliope. Puno ng galit at poot ang nararamdaman niya ngayon, galit para sa sarili dahil sa sobrang martyr niyang asawa at poot para kay Kael.
Nang makita ni Neneta ang nakasubsob na si Calliope sa manibela ay hindi niya maiwasang maawa ngunit nanaig pa rin ang kagustuhan na makarating agad sila sa hospital.
“Ma’am Calli, pasensya na po ngunit kailangan natin magmadali baka kombulsyonin si Elara dahil sobrang taas na talaga ng lagnat nya,” malumanay na ani ni Neneta.
Agad naman napabalikwas si Calliope at tumingin sa gawi ng matanda kung saan nakaratay si Elara sa bisig nito. Nakaramdam ng guilt si Calliope; agad nyang inatras ang sasakyan at nagpatuloy sa pagmamaneho papuntang ospital.
Mabilis silang nakarating sa hospital, nagmamadali syang naglakad papasok sa loob ng hospital habang buhat-buhat si Elara, ngunit nang sandaling ma-admit ito ay agad na nagwawala ang inis ni Calliope sa puso.
Nanghihina si Elara na nakaratay sa hospital bed habang tinitigan ni Calliope. Kailangan nitong sumailalim sa blood test, at nais ni Calliope na tumutol. Pilit nyang hinawakan ang kamay ng anak na ngayon ay nahihirapan huminga, tila dinudurog ang puso ni Calliope sa kalagayan ni Elara. Ngunit hindi niya ito ipinakita sa harap mismo ng anak dahil ayaw niyang mas lalo itong manghina.
“Ang anak nyo ay kasalukuyang nasa serious case at kailangan nitong sumailalim sa undergo lung lavage,” the doctor said solemnly.
Kasabay non ay pagbagsak ng balikat ni Calliope; nanghihina syang napaupo at halos malamukos nya ang mukha sa sobrang frustration.
Hindi nya inaasahan na sa murang edad ay sasailalim na agad ang anak nya sa isang critical na operasyon na walang kasiguraduhan kung magiging successful ba ito or hindi.
Agad na kinuha ni Calliope ang CT scan na inabot sa kanya ng doctor. At doon nya lamang naintindihan ang lahat. Mahina ang immunity system ng anak nya, bagay na ipinagtaka nya.
Ngunit agad siyang naputol sa pag-iisip nang yugyugin ng doktor ang balikat niya. “Naiintindihan nyo ba misis ang mga nakasaad sa CT scan? ’ tanong pa sa kanya nito.
Tumango si Calliope. “Oo, please save my daughter, doctor,” nagsusumamong sambit ni Calliope.
Lumapit naman sa kanya si Manang Neneta at bumulong. “Ma'am, wala ka po ba talagang balak sabihin kay Sir Orion ang tungkol dito? ”
Tumingin si Calliope sa kamay ng anak niya at hinawakan ang noo nito. “No need, I can manage my own daughter, Manang Neneta; I don't need my husband anymore,” seryusong sagot nya sa matanda.
At sa sandaling yon naramdaman ni Calliope ang pagiging matapang nya na ni minsan hindi nya naramdaman noon. Tila yata nagbago lahat ng pananaw niya ng sandaling magdesisyon sya mag-isa at hindi kailangan ng pahintulot ng kanyang asawa.
W-What? S-She's your what? ”Pag-uulit ni Kael," ngunit hindi na ito pinansin pa ni Calliope at bumalik na sa kinauupuan nya.Muling nalunod si Calliope sa mga senaryo na posibleng mangyari kapag dumating na sila sa poder ng biyanan niya.Malapit na niyang makita muli ang biyenan at sister-in-law niya na talaga namang malaking balakid sa relasyon nila ni Kael noon para kay Calliope.Sariwa pa ang ala-ala kay Calliope 8 years ago nang maaksidente si Kael nang siya ay 12 years old at na coma ito; sobrang nanginginig na tinungo non ni Calliope ang hospital kung saan nagtatrabaho ang papa niya and kung saan naka-admit si Kael, and nang panahon na yun ay nag-volunteer si Calliope na alagaan si Kael. Sa sobrang devastated ng mother-in-law ni Calliope that time, ay agad niya itong napapayag.Kaya ang ending, tila naging mas nurse pa si Calliope kung umasta sa pag-aalaga kay Kael; walang pagkukulang at walang humpay na pag-aalaga ang ginawa niya, na tila isa siyang mapagmahal na babaeng ginaga
Halos isang linggo ang lumipas na hindi man lang nagkatinginan nang diritso sa mata sila Calliope at Kael, pareho silang umiiwas sa isa't isa.Umiiwas si Calliope dahil sa sobrang inis sa sarili; hindi niya dapat pinatulan si Kael at dapat naging mahinahon lang siya sapagkat nakakasiguro siya na nakakahalata na ang asawa sa pagbabago niya.Samantalang si Kael naman, umiiwas ito kay Calliope sa hindi malamang dahilan; hindi niya maintindihan kung bakit sa tuwing makikita niya si Calliope ay nakakaramdam siya ng hiya at tila may kung anong kumakaripas sa buong sistema niya.Samantala, kasalukuyang araw nang lunes ngayon, at nasa airport na sila kasama ang anak na si Elara. Sunod-sunod ang pagbuntong hininga ni Calliope nang maramdaman niya ang mga tingin ng mga taong nasa paligid; sikat ang asawa hindi lang sa business world, kaya hindi na siya nagtataka pa, ngunit hindi pa rin niya maiwasan mailang dahil alam naman ng lahat na hindi si Calliope ang madalas na kasama ni Orion sa bawat f
Marahang inalis ni Calliope ang kamay ni Kael sa braso niya, at siya na mismo ang humila sa asawa palabas ng kwarto ng anak nila; dumiritso siya sa veranda malapit lang sa kwarto niya at isinalampak si Kael sa railings.“Anong trip mo, Kael? "Hindi na napigilan pang ipakita ni Calliope ang pagkainis sa asawa dahil hindi siya sanay sa inakto nito sa harap niya; hindi ganun ang Kael na kilala niya, at hindi ito iiyak dahil lamang sa hindi niya ito pinansin. Kadalasan pa nga ay si Calliope pa ang nag dedemand kay Kael na bigyan siya ng kahit konting atensyon noon.“You’ve changed, Calliope. Bakit ganon? Ilang linggo na rin kitang bihira pansinin, pero hindi ka na nagrereklamo, hindi ka na pumupunta sa kwarto ko para magdabog hanggang sa mapansin kita. Bakit ganon, Calliope? Bakit parang nagbago kana? Totoo ba talaga na may nagugustuhan ka ng iba? ”“Ano bang pinagsasabi mo, Kael? Hindi ba't ikaw na rin ang nagsabi na nakakasawa na ang pagiging demanding kong asawa? Nakakasawa na ang pal
Bumalik si Calliope sa sarili nyang kwarto, at doon nya inilabas lahat ng inis para kay Kael. Gusto niyang paghahampasin ang asawa, ngunit pinigilan nya ang sarili dahil hindi nya pa pwedeng gawin yon; hindi pa pwedeng mahalata ni Kael ang unti-unting pagbabago nya. Kailangan niyang mag-ingat hanggat hindi pa niya lubusang nakukuha ang loob ni Elara; hindi pa siya pwedeng iwan si Kael hangga't mas lamang parin sa puso ni Elara ang ama.Habang patuloy na hinahagis ni Calliope ang unan nang mag-ring ang cellphone niya, agad niya itong kinuha nang mabasa ang pangalan ni Zaniel, ang itinuturing niyang nakatatandang kapatid na lalaki.Pinakalma muna ni Calliope ang sarili bago sinagot ang tawag. “Hello,” Ang masayang boses ni Zaniel ang agad na narinig ni Calliope. “Calli, how are you? What's your decision? Have you decided to join the plan? ”Napakagat labi si Calliope bago siya nagsalita. “H-Hindi pa yata, Kuya Zaniel; may kailangan pa akong mas unahin. Pwede mo ba akong bigyan ng maram
On the next 3 days, Calliope's relationship with her daughter Elara improved considerably. After all, pinalaki nya ang anak nya nang may mabuting asal at mabuting puso simula pagkabata nito. Natuon man sa iba ang pagmamahal ng kanyang anak, ngunit hindi naman mababago ang katotohanan na hindi mabil
Nang makauwi si Primo, doon lamang nakahinga ng maluwag si Calliope; tinungo niya ang silid ng kanyang anak at nakita itong tila nababagot kakahintay sa kanya.Nakasimangot na tumingin sa kanya si Elara. “Mommy, bakit po antagal mo? I'm so dirty na, please take me to the bathroom and wash my body n
Napataas ang kilay ni Calliope sa winika ni Primo; hindi siya makapaniwala sa itinuran nito. Kilala niya si Primo; loyal siyang bestfriend pagdating sa asawa niyang si Kael, kaya palaisipan sa kanya ang tinuran nito.“Are you drunk? Or maybe you’re challenging me dahil inutusan ka ni Kael? Sinusubu
Marahas na hinila ni Kael si Calliope palayo kay Primo, nagliliyab din ang mata nito sa galit.“What the hell are you doing, Calliope? Are you trying to cheat in front of me? ” Nakakalokong ngumiti si Calliope at tumango. “Yun ba ang dating sa’yo, Kael? Siguro? At least harap-harapan, diba? Hindi












Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.
reviews