Share

Chapter Six

Author: BG Writes
last update Last Updated: 2024-02-20 03:12:07

Buong klaseng halos tulala si Lucy, o mas tamang sabihing halos buong oras ng klase nila pagka-bwisit ang nararamdaman niya sa acting proffesor nila nang araw na iyon.

Hindi niya alam kung ano ang plano nito at bakit kinakailangan nitong maging replacement ni Mr. Agassi.

Tinawag pa siya nito sa recitation at nagpapasalamat na lang din siya alam niya ang mga tanong nito. Handa naman siya sa lahat; hindi naman siya ang klase ng estudyante na tsaka lang mag-aaral sa oras ng klase. Advance palagi si Lucy, at iyon ang hindi nya iwawala sa sarili niya.

"Ang gwapo niya talaga, Girl.."

"Akin siya ha. Wala nang pweding umagaw sa kaniya sa akin nagkakaintindihan ba tayo?"

Hindi napigilan ni Lucy ang sariling matawa sa mga narinig niya sa mga kaklase niyang mga Disney Princess kung umasta. Palibhasa mayayaman ang mga ito at famous din talaga sa university na to- iyon nga lang saksakan ng masasama ang ugali at literal na mga bully ang tatlong 'tong kinaiinis niya.

"Saan ka kakain?" tanong ni April sa kaniya nang matapos itong maglagay ng kolorete sa muka nito. Naglagay lang siya ng kaunting polpo at lipstick; okay na sa kaniya iyon.

"Ikaw ba?" balik tanong niya kay April- mag-a-alas-onse na at nakaramdam na rin naman siya ng gutom. Pero kailangan niya pang ipadala ang mga parcel ng mga costumer niya bago muli ang schedule niya sa panghapong klase nila.

"Sa food court na lang din siguro. Sasabay ba tayo? Wala kang lakad?" tanong sa kaniya ni April.

Wala sa sariling napatingin siya kay Archangel, naka-upo pa din ito sa desk ni Mr. Agassi sa may sulok ng kanang bahagi.

'Bakit kaya hindi na umalis ang koroko na 'to?' nagtatakang tanong niya sa sarili niya. Wala siyang pweding daanan paglabas kun 'di sa gawi lang na iyon- paano na lang kung sa pagdaan niya tawagin siya nito at pagalitan? Kaunti na lang sila sa loob ng classroom na iyon at ang mga Disney witch princess ay nag martsa nang umalis.

"Magpapadala ako ng mga parcel ko eh.. Para makapagbayad na agad at mabayaran na rin kita.." sabi nya kay April. Ngumiti sa kaniya si April, naiintindihan naman siya nito madalas kapag hindi sila nagsasabay na dalawa.

"Sige na. It's okay, unahin mo na iyan... Pero kumain ka naman baka nakakalimutan mo na ang sarili mo," may himig pag-aalang sambit nito sa kaniya.

"Ako bahala sa sarili ko, Pril. Salamat ha."

Sinundan niya ng tingin ito nang tumayo, ready na itong lumabas. Isa pang tingin ang pinakawalan ni Lucy kay Archangel, nakatuon ang pansin nito sa laptop na nasa harap nito.

Wala ba itong balak na umalis? Nakakagigil!

Tumayo si April at nagpaalam na sa kaniya, sasabay na lang daw ito sa isa pa nilang kaklaseng naiwan pa. Tumayo din si Lucy, wala na siyang choice kun 'di sumabay sa mga ito.

"Ms. Sandoval..."

Napahinto si Lucy ganoon din si April at ang isa pang kaklase nila nang marinig nya ang tawag ni Archangel sa apelyido niya. Nagkatinginan pa sila ni April, at sa mga mata nito nandoon ang pagtatanong.

"Moment.." aniya pa.

"Sige na, Pril. Kumain na kayo."

"Are you sure? "

Tinapunan niya ng tingin ang lalaking hindi man lang nag-atubiling magtaas ng tingin sa kanila matapos siya nitong tawagin- pigil hininga niya nang itulak niya ng mahina palabas si April, ayaw niyang may makarinig ng kahit na sino kung pagagalitan man siya nito.

Nang masiguradong wala na ang dalawa, mabilis niyang hinarap si Archangel.

"Ikaw ang may kasalanan kung bakit kita ni-lock d'on..." May sama ng loob na paunang sambit ni Lucy sa lalaki.

"What?"

Natigilan siya sa naging tugon nito- mukha pa itong nagulat sa sinabi niya nang magtaas ito ng tingin. Napalunok si Lucy, isa pang sulyap ang pinakalwan niya sa paligid para masiguradong walang ibang tao ang naroon.

"Yes. Ni-lock kita sa rooftop 'di ba? Gumanti lang ako. And, we are tie. You know? At ni-lock mo rin ako ha!" dugtong pa niyang puno ng tapang sa harap nito.

Napataas ang kilay niya nang bigla na lamang itong natawa't umiling-iling pa.

Ano ang drama ng lalaking 'to? nalilitong tanong ni Lucy sa sarili niya. She was expecting na sasabunin siya nito dahil sa ginawa niya.

Sinundan niya ng tingin ang mga kamay nitong may kinuhang libro sa bag na dala-dala nito.

"I want you to xerox this.."

Pagkunot ng nuo ang naging reaksyon ni Lucy sa narinig niyang utos nito.

"What?"

"You said you locked me there, right?"

"And, it was your fault.." pagdadahilan nya.

"Gusto mo bang makarating sa opisina ang ginawa mo sa akin, Ms. Sandoval? Considering that I'm the owner of this university and you're acting professor now. Right?"

'Power tripping koroko na 'to ah! Iyon na lamang ang naibulong niya sa sarili- pero hindi niya alam kung bakit walang lakas na sabihin iyon sa harap nito.

"Am I right, Ms. Lucifer?"

"It's Lucy Pearl.." Pagtatama niya sa pronouncation ng pangalan niya.

'Ang gago natawa lang!'

"Just xerox this. I need this on 1:30 P.M.. And, were quits. Hindi kita isusumbong, hindi kita gagantihan!" aniya pa nito sa kaniya.

She rolled her tiny black balls of her eyes.. Inirapan niya pa ito nang kunin nya ang librong inaabot nito.

"Make sure na wala ka nang rebound dahil kung hindi, hindi rin ako matatakot na ibalik sa iyo ang mga maiitim mong gawain po, Sir Archangel.." aniyang nagtataray sa harap nito.

"Super sure.." nakangiting tugon naman nito sa kaniya.

"How many copies.. po?" labas sa ilong nyang tanong dito.

Kunwa pa itong nag-isip ng ipasok niya sa paper bag na dala niya ang librong gustong ipa-xerox nito.

"500 copies per page of that book.."

Pagkagulat ang naramdaman ni Lucy sa naging tugon nito sa kaniya - halos nag-echo pa ito sa tenga niya.

"Are you serious?" Hindi makapaniwalang tanong niya rito. Ginagantihan ba siya ng lalaking 'to? Kaya siya pinapahirapan ng ganoon-ganoon na lang? 500 copies! Watdapak? Aniya ng isip niya.

"I'm pretty serious.. Im planning to give that copies to someones can't afford through xerox copying. It's like an angel move, right?" Nandoon pa rin ang ngiti sa labi nito nang magtaas ito ng tingin sa kaniya.

Halos hindi siya makapaniwala sa lahat ng mga naririnig mula rito.

"As if hindi ko alam na gumaganti ka lang talaga sa akin!"

"Hey! You're judging me ha.. Sige na. Here's the money kapag kulang abonohan mo muna, I'll pay you."

At ang kapal ng mukhang pa-abonohin siya?

Tiningnan niya ang inaabot nitong iilang libo nang tumayo ito at akmang aalis na.

"500 copies each.. 1:30 P.M on my office. Is that clear, Ms. Sandoval?"

Hindi halos siya makasagot sa huling mga salitang sinabi nito dahil sa sobrang inis na naramdaman niya dito.

"Good luck, Lucifer.." dugtong pa nang tumalikod na.

"It's Lucy Pearl.. Lucy Pearl.." Malakas ang boses niyang pagtatama sa bigkas nito- hindi man lang lumingon ang unggoy at humingi ng pasensiya sa ginagawa nito sa kaniya.

"Grrrrrr! Humanda ka! Lucifer ha.. Ipapakilala ko talaga sa iyo ang Lucifer na gusto mo!! Koroko!!!" galit na galit niyang sambit sa sarili habang pinapatay ng tingin ang lalaking sinusundan ng mga mata niya.

HALO-HALONG emosyon ang nararamdaman ni Lucy dahil sa parusa sa kaniya ni Michael— hindi niya akalaing seryoso ito sa pinapagawa nito sa kaniya kaya heto siya't nag-iisang naghihintay sa pinapa-xerox nitong napakarami. Sa kasamaang palad hindi niya na nagawa ang orihinal niyang planong ipapadala ang mga parcel na iniwan niya sa guard nang pumasok siya.

  'Baliw lang ang naniniwala sa kaniya na hindi siya gumaganti sa akin! Power tripping talaga eh. Ang sama ng ugali, gwapo sana!' masama ang loob niyang bulong.

'So! Inamin mo rin na gwapo siya?' Pasaway na kastigo ng sarili niya.

'Mukha lang siyang malinis at mabango, pero pangit siya! Pangit ang ugali niya!' dugtong niya pa.

Isang malalim na buntong-hininga ang pinakawalan ni Lucy.

Ito na ba ang karma niya? Sa ginawa niya rito? Halos maiyak-iyak na siya sa tagal at dami nang pinagawa nito sa kaniya. Ang hindi niya maintindihan kung bakit sa dinami-dami ng tao sa eskwelahan na iyon siya pa ang napili nito?

May agenda talaga ang koroko na iyon! Humanda talaga siya sa akin.

'Pero kung gaganti ako? Gaganti rin siya. It will not stop. Walang magpapatalo kapag nangyari iyon. E, ano ang gagawin ko? Basta na lamang ako magpapa-api sa lalaking iyon?' aniya.

  "Miss, give me more 30 minutes ha. Medyo marami talaga 'to." Untag sa kaniya nang babaeng nagbabantay sa shop na iyon. Hindi makapaniwalang napatingin siya sa mga natapos na nito; hindi niya alam kung kaya niya bang bitbitin ito.

Nakaramdam na rin siya ng gutom na naging dahilan kung bakit mas nakaramdam siya ng inis kay Archangel.

'Paano ko mabibitbit 'to?' bulong niya sa sarili niya.

May kalayuan din ang computer shop kung nasaan siya. Sadya niyang inuna ito bago siya kumain dahil hinahabol niya ang oras ng klase niya.

Sumabay pa talaga ito, aniya.

'This would be the last na hahayaan kong ma-enkwentro kita, Archangel.. Wala nang kasunod 'to!' bulong niya.

Pinili niyang hintayin ang lahat ng gusto nitong matapos niya. Bibili na lang siya ng biscuit at tubig kapag natapos na ang lahat ng 'to.

"Sana makonsensya ang lalaking iyon at maisip niyang hindi tama ang ginawa niyang 'to! Maling-mali kahit saang anggulo pa tingnan..'

  Isang sulyap ang pinakawalan ni Lucy sa university kung saan niya natatanaw mula sa kinatatayuan niya— kung hindi lang talaga niya pangarap matapos ang pag-aaral niya ora-mismo ngayon pipiliin niya na lang tumigil sa pag-aaral niya at magtrabaho. Mapait siyang ngumiti.

'Matatapos din 'to, Lucy. Lahat ng paghihirap na 'to, matatapos din..' Puno ng positibong bulong niya, kasabay ang pagtaas niya ng tingin sa malawak na kalangitan.

'Bigyan n'yo ako ng maraming-maraming pasensiya sa lalaking iyon. Pagsubok lang 'to at isang asungot lang talaga siya, iyon lang ang magiging papel niya sa buhay ko wala nang iba pa.'

   "Lucy.. Lucy.."

Natigilan si Lucy nang marinig ang boses ni Angelo nang hininto nito ang kotseng dala nito sa harap niya.

'Dumagdag pa talaga 'to!' saad niya.

"Ano ang ginagawa mo diyan? Wanna ride?" Anito.

Pinasadahan niya ng tingin ang kotseng itim nito, mukhang mamahalin; ngayon niya lang nakita ang lalaki na naka-kotse. Sabagay, kailan ba siya nagkaroon ng pakialam dito?

  "No thanks.." malamig niyang tugon dito.

  "Cold as always.." tugon nito.

  "Can you please leave me alone here. Don't you see, gusto ko mapag-isa?" Reklamo niya rito.

"Nagmamagandang loob lang.. masama na naman ba?"

Nakaramdam siya ng kaunting konsensiya nang marinig niya ang may himig pagtatampo sa boses nito.

"Maam, tapos na po. Kaya n'yo ba ang lahat ng 'to?"

Napalingon si Lucy, nang marinig ang babaeng nag-aasikaso sa lahat ng pina-xerox niya. Muli niyang binalik ang tingin kay Angelo at sa alok nito sa kaniyang tulong.

  "Dami niyan ah.. business mo?" tanong nito sa kaniya't pinako ang tingin sa ilang bitbit ng babaeng tila wala pa sa kalahati sa bilang ng sadya niya.

  "Ngayon ko lang tatanggapin ang alok mong tulong ha. Kailangan ko lang talaga at may hinahabol pa akong klase, Angelo.." lunok pride niyang sambit dito. Naging maliwanag ang mukha nito nang tumingin sa kaniya, mabilis pa sa alas-kwatrong bumaba ng sasakyan si Angelo at nilapitan siya.

   "Mas maganda ka kapag kalmado ka, Lucy.." sabi nito sa kaniya nang magkaharap silang dalawa.

   "Gusto mo bang bawiin ko?"

   "Nagbibiro lang.. saan ba? Ito lang ba lahat?"

   Napangiti siyang napailing-iling sa reaksyon ni Angelo nang ituro ang lahat ng natapos nang papel.

   "Buhatin mo lahat iyan ha," biro niya rito.

   "Ito lang pala eh. Kayang-kaya," sagot sa kaniya ni Angelo. Nandoon pa rin ang ngiti sa labi nito at kumindat pa ito sa kaniya. Umiwas na lang siya ng tingin sabay na napailing-iling.

   ____

      TRENTA-MINUTO na lang ang hinihintay ni Michael sa time limit niya kanina kay Lucy. Sinadya niya talagang ipagawa iyon sa dalaga dahil sa ginawa nito sa kaniya sa rooftop. Nagmamagandang-loob lang siya rito kanina, pero nagawa siya nitong i-lock doon at ang sabi pa nito quits na sila.

  'Pasaway lang din talaga ang isang iyon,' aniya ni Michael.

  'Tingnan natin kung hanggang saan ka,' dugtong pa niya. Ang tinutukoy niya ay kung kaya ba ni Lucy ang pinagawa niya rito. Alam niyang may klase ito at maaapektuhan ang grade ng dalaga kapag um-absent siya sa subject na iyon kaya kinausap niya ang proffesor na masasagaan ng oras ng dalaga.

  "Dumating ako sa oras."

Napataas nuo si Michael sa boses ng babae sa harapan niya. Hindi niya napansin ang pagpasok nito sa loob ng pribadong opisina niya; nabaling ang tingin niya sa ilang estudyante na kung hindi siya magkakamali nasa sampu ito sa likuran ng dalagang nangunguna sa harap niya't may makapal na bitbit ng mga papel.

  "Good. Great job.." Nakangiting tugon niya kay Lucy. Sumenyas ito sa mga estudyanteng ibaba ang mga dala at pwedi nang umalis pagkatapos niyang magpasalamat.

"Happy po?" tanong sa kaniya ni Lucy nang makaalis na ang mga kasama nito matapos isalansan ng maayos ang lahat.

"Yes. Happy. Good job. Ikaw? Happy ka ba?" ganti niyang may pang-aasar dito.

Tiningnan siya nang tuwid ni Lucy, nanatili siyang nakaupo ng prente sa swivel chair niya.

  "Hope your totally happy.. kasi ako happy eh.. sobrang happy, sa sobrang happy ko gusto kong ipa-billboard ka na may lumilipad na kalapati. Alam mo ba iyon?" Malakas na tawa ang naging tugon ni Michael sa mga sinabi sa kaniya ni Lucy, alam niya ang ibig sabihin nito.

  "Joker ka pala, Ms. Sandoval. Hindi man lang ako na-inform," natatawa niya pang saad dito.

  "Funny.." anito naman sa kanya.

  Tumingin siya nang tuwid dito nang mapansin ang pagkapikon sa mga mata nito. Pinatong niya ang dalawang kamay sa mesa niya nang tumayo siya para magpantay silang dalawa ng dalaga. Sinalubong niya ang mga mata nito.

  "Hindi ka pa bayad sa ginawa mo sa akin, Lucy. May utang ka pa."

  "Utang? Naririnig mo ba ang sinasabi mo, Mr. Archangel ha? Hindi mo ba nakikita ang lahat ng iyan ha." Turo nito sa lahat ng nasa likuran nito. Nandoon na naman ang galit sa mga mata nitong pinagtatakhan niya kung bakit mabilis tumaas ang presyon ng dugo nito lalo na kapag siya ang kausap nitong wala naman siyang ginagawang masama rito.

  "Lets have dinner together.. And, we will quits. Wala nang gantihan, wala nang kahit na ano pang magiging problema." Matapang niyang saad sa harap ni Lucy.

  "Dinner your face! Ambisyoso!"

Iyon ang mabilis na naging tugon sa kaniya ni Lucy, matapos itong tumalikod nang walang paalam pagkatapos niyang sabihin ang sadya niyang totoo rito; ang makasama ang dalaga para mas makilala pa ito.

____

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • The Ceo's Obsession | Lucy Pearl    Chapter 60

    The Ceo's Obsession| Lucy Pearl____60"KAMUSTA PAHINGA MO? PASENSIYA KA NA KUNG NABANGGIT KO KAY DOK MIKE NA 24 HOURS KANG NAG-DUTY HA," bungad ni Farrah kay Lucy nang bumaba siya ng canteen pagkatapos magpaalam kay April; nakaramdam na rin siya ng pangangalam ng sikmura at hindi niya na hinintay na bumalik pa si Dr. Martinez sa office nito."Okay lang, Farrah. Wala naman problema, pero ewan ko ba medyo naging oa lang siguro reaksyon ni dok at okay lang naman din talaga ako. Sanay na.""Alam ko naman na sanay ka na, pero syempre kailangan mo pa rin unahin ang sarili mo, Lucy. Tama naman si dok na wala kang kamag-anak dito na mag-aalaga sa iyo kapag nagkasakit ka.""Para ano't naging nurse pa ako kung 'di ko rin naman kaya alagaan ang sarili ko, Farrah—""Iba pa rin iyong tao, iba pa rin iyong pag-alala ng taong magbibigay sa iyo n'on. Ewan ko nga ba sa iyo kung bakit 'di mo na lang bigyan ng pagkakataon si dok sa buhay mo eh.""Ha?" tugon nya sa gustong tumbukin ni F

  • The Ceo's Obsession | Lucy Pearl    Chapter 59

    The Ceo's Obsession| Lucy Pearl ___ 5 YEARS AGO "STAY OUT OF ANGELO'S LIFE! STAY OUT FROM OUR LIFE, LUCY!" Hindi pa rin magawang kalimutan ni Michael ang mga huling salita niyang iniwan kay Lucy nang pinagtabuyan niya ito sa harap mismo ni Cheska limang taon na ang nakakaraan. Paano niya nga ba makakalimutan ang mga katagang iyon kung mas sobra siyang nasaktan kaysa kay Lucy; kung alam lang nito ang dinadala niya hanggang sa mga sandaling iyon sa kabila ng ilang taon. Pero alam niyang hindi niya masisisi ang dalaga kung bakit ito tuluyang nawala sa kaniya— kasalanan niya ang lahat, nagpadala siya sa takot na posibleng tuluyang mawala sa kaniya si Angelo kapag pinagpatuloy niya ang pakikipagrelasyon n'on sa dalaga. Ang naiwan sa kaniya ngayon ay ang kahungkagan, lungkot at sakit dahil wala siyang nagawa para proteksyunan ang damdamin ni Lucy n'on. Sa kabila ng lahat, sa lahat ng nabalitaan niya rito naging masaya siya sa mga narating ni Lucy; nasa Amsterdam na ito at nagin

  • The Ceo's Obsession | Lucy Pearl    Chapter 58

    The Ceo's Obsession| Lucy Pearl ___ "NURSE PEARL, tawag ho kayo ni Dr. Martiñez." Napalingon si Lucy sa boses sa likuran niya si Nurse Farrah. Inayos niya ang upo nang pumasok sa isip niya ang binanggit nito. "Nasa office siya," aniya nito. "Susunod ako. Thanks, Farrah." Ngumiti siya rito nang ngumiti ito sa kaniya. Muling binalik ni Lucy ang tingin niya sa kawalan, sa labas ng bintana kung saan natatanaw niya ang makulay na iba't ibang sari ng bulaklak. Parang kailan lang nasa Pilipinas pa siya, nakikipaglaban sa tinatawag na hamon ng buhay. Ngayon, malayong-malayo na siya rito.. pero sa isip niya nandoon pa rin na parang tila kahapon lang ang lahat; lahat ng sakit, lahat ng hirap na pinaramdam sa kaniya ng mundo. "Miss Pearl?" Muling untag sa kaniya ni Farrah. "I'm going.." Tumayo siya't inayos ang sarili bago tuluyang iniwan ang ward niya. Nagpaalam siya kay Farrah at binilin dito ang gusto n'yang lunch pag bumaba ito sa canteen mamaya. Iisa lang naman din ang gus

  • The Ceo's Obsession | Lucy Pearl    Chapter 57

    The Ceo's Obsession| Lucy Pearl _____ NAKARATING si Michael sa hospital kung saan sinugod si Angelo; wala siyang sinayang na oras para malaman ang kondisyon nito. Ang sabi sa kaniya ni Cheska nang tumawag ito sa kaniya ulit pagkatapos niyang umalis sa unit ni Lucy ay nasa maayos na raw ito —binigyan daw ng pampatulog si Angelo dahil sa labis na pag-ubo. Hindi halos maitago ni Michael ang nararamdamang pag-aalala sa kapatid niya. Kahit sa kalawang banda sa bahagi ng isip niya nandoon din ang pag-aalala sa naiwang dalaga. Nakiusap itong sumama sa kaniya, labis lang na pagtanggi ang ginawa niya rito. Hindi dahil sa natatakot siya na pweding magtaka ang mga ito kung bakit sila magkasama; dahil ang totoo madali lang naman din gawan ng paraan iyon. Ang kinakabahala niya lang talaga ay ang maipit na naman si Lucy sa sitwasyon—ang sakaling awang maramdaman nito kay Angelo kapag nagkataon at hindi niya hahayaan iyon sa pagkakataong iyon. Mag-isa niyang aayusin ang sitwasyon ni Angelo

  • The Ceo's Obsession | Lucy Pearl    Chapter 56

    THE CEO's OBSESSION| LUCY PEARL ____ "PARA SAAN ANG NGITING IYAN?" nakangiting tanong ni Micheal habang hawak ang palad niya't dinala sa labi nito't hinalikan. Kapwa na sila nakabihis na dalawa't nagpasyang umuwi ng condominium na tinutuluyan niya. Halos wala pa nga siyang dalawang araw d'on pero heto na at kasama niya na ang lalaki pauwi don. Hindi naman siya nasurpresa kung bakit alam nito ang daan, dahil pagmamay-ari pa rin ng pamilya nila ito. "Sana para sa akin iyan," dugtong pa. Nahihiyang binawi niya ang tingin dito, tsaka naalala ang nangyari sa kanila sa sasakyan na iyon. Lihim na hiling ng puso niya na sana walang kahit na sino ang nakapansin sa kanilang dalawa. Ang weird dahil sa may simenteryo pa talaga may nangyari sa kanila. "Babalik ka na ba sa bahay?" Muli siyang napalingon sa lalaki nang marinig ang tanong nito. Kailangan niya bang bumalik d'on? At kung oo, ano ang magiging dahilan niya kay Angelo at bigla-bigla na lamang siya bumalik. "K-kailangan ba?" tanon

  • The Ceo's Obsession | Lucy Pearl    Chapter 55

    THE CEO's Obsession | Lucy Pearl _____ "HINDI ko na hahayaang mawala ka pa ulit, Lucy.. Simula sa araw na ito, mananatili ka na sa tabi ko.. This I promise you, Lucy.." Kasalukuyan silang nasa loob ng van ni Michael ng mga oras na iyon, dahil na rin sa lakas ng ulan sa labas kaya nagpasya silang magpatila d'on. Suot-suot niya ang jacket ni Michael nang maramdaman ang panginginig dahil halos nabasa ang damit niya. Hindi pa rin siya makapaniwala sa mga sandaling iyon, na kasama niya ang lalaki— at kung bakit ito nar'on ay hindi niya na rin nakuhang tanungin pa. Ang mahalaga sa kaniya ang lahat ng mga narinig mula kay Michael, ang sinabi nito kanina habang yakap-yakap siya; mahal siya ni Michael. "Naniniwala ka naman sa 'kin 'di ba?" tanong pa sa kaniya. Nilingon niya ito sa kaliwang bahagi niya kung saan ito naka-upo sa driver seat. "Dapat ba akong maniwala sa iyo?" balik tanong niya rito. "You should have too, Lucy. Inaamin ko nagkamali ako, pero bigyan mo ako ng pagkakataon pa

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status