تسجيل الدخولAgad na nagpunta sina Deborah at Ram Luiz sa Wuluf Cave. Nais nilang ipagbigay-alam sa datu ang kanilang natunghayan tungkol sa pakikipagsabwatan nina Deryk at Benedict kay Victoria."Adult Ram Luiz," tawag ng tagapagbantay sa kaniyang magiging kabiyak. "Pumasok na raw kayo saad ng mahal na Datu."Tumango rito si Ram Luiz. "Salamat!"Bumaling naman ito sa kaniya, "Tayo na, aking binibini."Biglang tila mapalundag ang puso niya nang dahil sa pagtawag nito. Habang tumatagal ay nagkakaroon na ng kahulugan sa kaniya ang pagtawag nito ng "aking binibini.""Su-susunod ako, Ram Luiz." Muntik pang mautal niyang sagot.Pakiramdam niya ay may ibang sensasyon ang dumaloy sa kaniyang mga kalamnan nang dumampi sa kanang braso niya ang isang palad nito. Pinigilan niya ang sarili na huwag ilayo rito ang kanan niyang braso. Napalunok na lamang siya habang humahakbang papasok sa himpilan ng datu."Aking grandfather na Datu!" pagbibigay-galang ni Ram Luiz kay Datu Nebunizar."Saan kayo nanggaling, Ram
Labis ang kabog ng dibdib ni Samuel habang humahakbang palabas ng kaniyang silid.Wala siyang maalala na kakilalang Mortana sa Guzen. Hindi niya mahulaan kung sinong Mortana ang sinasabi ni Emmanuel na nais makipagkita sa kaniya.Narating nila ang kinaroroonan ng kaniyang bisita. Hindi siya makapaniwalang si Hulda at Hannah ang makikita niya."Hulda!" tawag niya sa kababata. "Hannah? Bakit kayo naririto?" baling naman niya sa kaibigan.Mas lumapit pa siya sa mga ito. Kinusot niya ang mga mata upang makasigurong tama ang kaniyang nakikita."Naisip ko lang subukan kong mahahanap ka ng mahiwagang bato, Samuel." Sagot ni Hannah."Mahiwagang bato?" pagtataka niya. "Nahanap ako ng isang mahiwagang bato? Paano naman ako mahahanap sa pamamagitan niyon?"Nagkatitigan sina Hannah at Hulda."Mahirap ipaliwanag ngunit batong Crisante ang tawag ko rito." Pagtukoy ni Hannah sa batong hawak nito."Hindi ko pa naririnig ang tungkol sa batong iyan. Tila isa nga iyang mahiwagang bato." Komento niya."M
Agad na naglakbay si Deborah kasama si Ram Luiz pabalik ng Edoma Forest. Sinikap nilang makabalik agad sapagkat ayaw nilang mahalata nina Deryk at Benedict ang pagmamanman nila sa mga ito.Pareho silang walang imik ng magiging kabiyak dahil sa nalaman nila. Sapat na ang kanilang mga narinig mula sa mga kasamahan at sa espeyang si Wano upang ipagbigay-alam iyon kay Datu Nebunizar.Hindi niya mabasa ang iniisip ni Ram Luiz ngunit mas pinili niyang huwag na muna itong usisain. Ayaw niya munang magtanong ng kung ano rito dahil alam niyang masama ang loob nito kina Deryk at Benedict.Wala rin siyang ganang magkuwento tungkol kay Victoria. Bumalik lang ang lahat ng takot at pangamba niya nang makita itong muli. Matagal na panahon na mula nang atakihin siya nito dahilan kaya naging infected werewolf siya. Marami na rin siyang nakaharap na mga werewolf. Ngunit nang makita niya itong muli, nakaramdam na naman siya ng takot. Nangamba siya na baka sa muli nilang pagkikita ay matuluyan na siya ni
"Tila ito na ang kanilang kampo, Binibini." Pabulong na saad ni Ram Luiz sa kaniya nang marating na nila ang kinaroroonan ng dayang na kakausapin nina Deryk at Benedict."Nasa Canama Forest na marahil tayo, aking binibini." Mahina ang tinig na singhal ni Ram Luiz sa kaniya."May ganito pa palang lupain sa Qanna," namamangha niyang sambit. "Mas malawak ito na 'di hamak kaysa sa Edoma Forest.""Hindi ako makapaniwala na mararating natin ang lugar na ito. Hindi ko inasahan na ang sinasabi nilang kampo ng iba pang werewolf clan ay ganito ang tanawin. Napakaaliwalas at nakabibighani." Pagpapangalawa naman ni Ram Luiz sa sinabi niya."Ngunit sino kaya ang dayang ng werewolf clan na pinuntahan nila?" puno ng kuryosidad niyang agam-agam. "Ang Adono kayang iyan ang nakita kong nag-eespiya sa Edoma Forest?""Ano ang nasa isipan mo, aking binibini?"Lumapit siya rito upang bumulong. "Kanina ko pa iniisip ngunit hindi ako sigurado. Paano kung ang Adonong iyan na kasama nila ay ang werewolf na nak
Ilang Melyntor days na ring minamanmanan ni Deborah sina Deryk at Benedict. Matagal nang malakas ang kutob niya na nakikisabwatan ito sa kabilang werewolf clan.Ang nais niyang malaman ay kung ano ang nais makuha ng mga ito sa pakikisabwatang iyon."Sigurado ka bang dito tayo kikitain ni Wano?" narinig niyang tanong ni Deryk sa kasama nito."Dito nga iyon. Maghintay lang tayo." Sagot naman ni Benedict.Tiniyak niyang hindi siya maaamoy ni mararamdaman ng mga ito kaya inahit niya ang mga balahibo niya. Nagpahid din siya ng mga Oren leaves upang kahit paano ay maging kaamoy lamang siya ng mga Qanna tree na pagtataguan niya.Batid niyang iba ang amoy niya sa mga kalahating Adono at kalahating Mortano niyang kasamahan. Siya ay infected werewolf lamang kaya mas maaamoy pa rin ang pagiging Mortana niya. Iyon ang dahilan para mas madaling masaulo ng mga ito ang amoy niya."Aking binibini, ano bang ginagawa mo rito?" narinig niyang pabulong na tanong ni Ram Luiz na nasa tabi na niya.Nasapo n
Ilang Melyntor days na ring minamanmanan ni Deborah sina Deryk at Benedict. Malakas ang kutob niya na nakikisabwatan ito sa kabilang werewolf clan.Ang nais niyang malaman ay kung ano ang nais makuha ng mga ito sa pakikisabwatang iyon."Sigurado ka bang dito tayo kikitain ni Wano?" narinig niyang tanong ni Deryk sa kasama nito."Dito nga iyon. Maghintay lang tayo." Sagot naman ni Benedict.Tiniyak niyang hindi siya maaamoy o mararamdaman ng mga ito kaya inahit niya ang mga balahibo niya. Nagpahid din siya ng mga Oren leaves upang kahit paano ay maging kaamoy lamang siya ng pinagtataguan niya.Batid niyang iba ang amoy niya sa mga kalahating Adono at kalahating Mortano niyang kasamahan. Siya ay infected werewolf lamang kaya mas maaamoy pa rin ang pagiging Mortana niya. Iyon ang dahilan para mas madaling masaulo ng mga ito ang amoy niya."Aking binibini, ano bang ginagawa mo rito?" narinig niyang pabulong na tanong ni Ram Luiz na nasa tabi na pala niya.Nasapo niya ang mga labi sa pagka
"Hannah!" pagtawag ni Hulda sa bunsong kapatid. Nakapagluto na siya ng makakain nila kaya hinahanap niya ito."Saan kaya siya ngayon?" tanong niya na iniisip kung saan ito nagpunta.Sinubukan niyang hanapin ito sa silid nito ngunit wala siyang nakita. "Baka nagpapastol pa rin siya hanggang ngayon."
Hindi pa rin napapayag ni Hannah ang big sister niyang si Hadassa na kilalanin kung sino ang nasa pangitain nito. Mas pinaalalahanan pa siya nito na huwag nang gawin ang iminungkahi niya upang mabantayan nila ang inang si Linosa."Tila hindi ko na talaga mapapapayag ang big sister na kilalanin nami
"Ipagpaumanhin mo sana kung ginambala ka pa ng dalawang ito, aking binibini," nahihiyang wika ni Ram Luiz.Bagamat nahihirapan siyang bumangon ay pinilit niya pa ring makaupo sa kaniyang higaan."Walang ano man iyon, Ram Luiz. Ikinalulungkot ko ang iyong sinapit at ng iyong mga kalahi mula sa werew
Nagising na si Ram Luiz mula sa matagal na panahong pagkakahimbing. Hindi pa man naghihilom ang kaniyang mga sugat ay nais na niyang bumangon."Magpahinga ka na muna, Ram Luiz. Hindi ka pa lubusang magaling." Pigil sa kaniya ni Sharina.Imbes na makinig ay nagtangka pa siyang tumayo na ipinag-alala







