Chapter: Chapter Fifty-seven: Hindi Inaasahang PanauhinNang marating ni Ram Luiz kasama nina Loisa, Hanri at Severus ang kaniyang tanggapan, naratnan nila si Ziporrah at ang inang si Josebeth."Mama!" tuwang bulalas niya."Ram Luiz, anak ko!" naluluhang salubong nito. Napakahigpit ng pagkakayakap nito sa kaniya.Niyakap niya ang ina at ipinikit ang mga mata upang damhin ang pagkakayapos nito.Hinagod niya ito sa buhok."Natutuwa akong makita kang muli, Mama." Nakangiti niyang sambit nang bumitiw na sila sa pagyakap sa isa't isa."Ibang-iba na ang iyong wangis, anak. Kamukhang-kamukha ka na ng papa mo." Namamanghang reaksyon nito na hawak ang mukha niya."Hindi na ako nakakapag-ahit ng balahibo rito, Mama. Kumakain na rin ako ng mga hilaw na nilalang." Kuwento niya.Lumapit sa kanila si Ziporrah. "Labis ang hinagpis ni Tiya sa iyong pag-alis, Ram Luiz."Nilingon niya ito upang pasalamatan, "Salamat sa pagsama sa kaniya rito, Ziporrah."Nagtinginan sina Loisa, Hanri at Severus. Pakiwari nila ay may kung anong damdamin ang mayroon sa pagitan
Terakhir Diperbarui: 2025-08-22
Chapter: Chapter Fifty-six: Pagkikita at PagkasabikNakasakay sa kaniyang karwahe si Ziporrah habang masayang pinagmamasdan ang kalangitang natatanaw sa bintana."Napakaganda!" turo niya sa isang bulto ng mga Qanna flower na nakita niya sa daan."Ano iyon, Prinsesa Ziporrah?" tanong ni Josebeth na nakaupo sa kaniyang harapan."Napakagaganda po ng mga Qanna flower na iyon. Tingnan niyo!" malugod niyang paanyaya.Bahagyang sumilip si Josebeth sa bintana ng karwahe. Napangiti ito at yumuko."Bakit po?" pagtataka niya sapagkat kaniyang napunang natatawa ito."Wala naman, mahal na prinsesa," pagtutuwid nito na muling tumingin sa kaniya. "Labis ang aking katuwaan na hindi ka pa rin nagbabago kahit ikaw ay nasa wastong gulang na.""Paano pong hindi nagbabago? Makulit pa rin po ba ako tulad nang ako'y musmos pa?"Napahagikgik si Josebeth sa tanong niya. "Hindi ganoon, Prinsesa. Nais ko lamang ipabatid na mahilig ka pa rin sa magagandang bagay na nakikita mo sa paligid."Napatango siya na kahit paano ay nauunawaan na ang iwinika nito.Nang magb
Terakhir Diperbarui: 2025-08-19
Chapter: Chapter Fifty-five: DeklarasyonBatid ni Deborah na may mga nilalang na nagmamasid sa kaniya sa Jealous river. Hindi man niya mawari kung ano ang pakay ng mga ito sa pagmamanman sa kaniya ngunit malakas ang kutob niyang hindi sila mga taga-Guzen."Hindi kaya't nagmamanman na naman ang mga werewolf sa bansang ito?" pakiwari niya na napabuntong-hininga nang marating ang harapan ng palasyo ni Prinsesa Nini. "Nasaan ka na ba Arahab? Ikaw lamang ang napagsasabihan ko ng mga ganitong isipin."Sa pagpasok ni Deborah sa palasyo ni Prinsesa Nini ay abalang-abala ang mga tagapaglingkod dahil sa nakatakdang pagpunta ng ilan sa pagdiriwang ng kaarawan ni Prinsipe Jeto."Natitiyak kong si Prinsesa Nini na ang napupusuan ni Prinsipe Jeto upang mapangasawa, Harvan." Narinig niyang hula ni Lexie.Nais niya sanang batiin si Lexie at ang ilan sa mga tagapaglingkod ngunit tinawag siya ni Zillah. "Mabuti at dumating ka na, Deborah.""Paumanhin kong natagalan ako nang bahagya, Zillah. Medyo marami-rami kasi ang pinalabhan sa akin ngayon
Terakhir Diperbarui: 2025-08-02
Chapter: Chapter Fifty-four: PagliligtasNakarating kay Haring Yusef ang tungkol sa nalalapit na pagdiriwang ng ikaapatnapung kaarawan ni Prinsipe Jeto. Dahil magiging forty Melyntor years old na ang prinsipe ay maaari na itong mamili ng magiging kabiyak."Hindi maaari," mahina ang tinig niyang reaksyon."Ano po iyon, mahal na hari?" tanong ng eunuch na si Azil. Ito ang nagbigay-alam sa kaniya ng tungkol sa gaganaping pagdiriwang ng kaarawan ni Prinsipe Jeto."Natitiyak kong alam na ni Prinsesa Nini ang tungkol dito. Marahil ay nakatanggap na rin siya ng imbitasyon mula sa prinsipe."Nilingon niya ang eunuch."Mahal na hari," agad na turan ng eunuch na naghihintay ng sasabihin niya. "Magpupunta ako ng Truth Kingdom."Dahil sa disisyong iyon ng hari ay ipinatawag ni Azil ang mga royal guard upang maghanda sa pagsama sa kaniya patungong Truth Kingdom."Biglaan na naman ang pagpunta ng mahal na hari sa Truth Kingdom," bulong ng isa sa royal guards na sumama kay Haring Yusef sa kasamahan nito."Siguro ay makikipagpulong siya ka
Terakhir Diperbarui: 2025-08-01
Chapter: Chapter fifty-three: Nagbabadyang Pagkakalayo"Nasa'n ka na ba, youngest sister?" naglalakad na tanong ni Hadassa.Hindi niya mawari kung saan na napadpad ang bunsong kapatid matapos itong mawala sa kaniyang paningin.Malapit nang magdilim kaya nakararamdam na siya ng pag-aalala para kay Hannah.Nang makarinig ng huni ng mga Melyn sheep ay doon niya napagtantong may posibilidad na napadaan ito sa pinaglalagakan ng mga iyon na pag-aari ng tiyuhing high priest ni Emmanuel."Tama! Maaaring nagpunta rito ang aking kapatid." Hula niya.Lumapit siya sa kulungan ng mga Melyn sheep upang magbakasakaling baka naroroon si Hannah. "Hannah!" tawag niya. "Youngest sister."Nakailang tawag na siya ngunit walang kahit na sino ang sumagot. "Mukhang wala nga rito ang youngest sister ko." Nagpasya na siyang umalis upang umuwi.Paalis na sana siya ngunit nakasalubong niya si Emmanuel."Hadassa? Anong ginagawa mo rito?" Pagtataka nito."Hinahanap ko kasi si Hannah kanina pa," tugon niya, "akala ko ay nagawi siya rito upang magbenta ng Melyn sheep.
Terakhir Diperbarui: 2025-07-01
Chapter: Chapter Fifty-two: Muling PagkikitaLabis ang pagtataka ni Hannah kung bakit napunta siya sa lugar kung saan naroroon si Cloudio.Nang maitaas ng kaliwang kamay niya ang hawak na batong Crisante ay nasapo niya ang noo. "Bakit ko pa kasi nahawakan ito?""Hannah? Ikaw ba 'yan?" tanong ng isang tinig na alam na niya kung sino."Lagot! Si Cloudio." Nangingiwi niyang bulong na nagsimula nang maglakad pasulong.Wala siyang balak na harapin ito. Ang makatakas sa paningin nito ang nais niyang gawin. Mabibilis na ang kaniyang paghakbang. Ilang metro na rin ang kaniyang binuno ngunit naririnig pa rin niya ang pagtawag ng kaibigan."Hannah, sandali!" pigil sa kaniya nito."Hay naku! Wala na akong kawala rito." Napayuko niyang sambit na wala nang nagawa kundi ang tumigil sa pagtakbo.Isang mataas na pader ang kaniyang kinahantungan. Muli niyang nasapo ang noo. Tumingala siya na nakangiwi. "Patay na 'ko nito."Nilingon niya ang kaniyang likuran. Tuluyan na siyang tumalikod sa pader upang harapin si Cloudio.Humihingal na napahawak s
Terakhir Diperbarui: 2025-05-17