Beranda / Fantasy / The Chosen Wife / Chapter Twelve: Ang Bagong Concubine

Share

Chapter Twelve: Ang Bagong Concubine

last update Tanggal publikasi: 2023-05-23 04:10:21

Nagpunta ang mga hari, reyna, concubines, mga prinsipe at mga prinsesa sa Guzen sa Way Kingdom upang saksihan ang pakikipag-isang dibdib ni Prinsipe Yuri kay Adah bilang kanyang concubine.

Labis ang suporta na ipinakita ng mga prinsipe at prinsesa sa Truth Kingdom at Light Kingdom dahil si Adah ay isang napakatapat na tagapaglingkod ni Prinsesa Nini.

"Parang kailan lang at magkakasama pa tayong naglalaro noong mga paslit pa tayo..." naluluhang pag-alala ni Prinsesa Nini h
Lanjutkan membaca buku ini secara gratis
Pindai kode untuk mengunduh Aplikasi
Bab Terkunci

Bab terbaru

  • The Chosen Wife   Chapter One Hundred Twenty-two: Ang Nakaraang Hindi Malilimutan

    Minabuting ihatid sina Hadassa ng kaniyang amang si Nahor sa isang hardin kung saan nila napagkasunduang mamasyal. Ang lugar ay may maraming tanim na Melyn flowers tulad ng Melyn bells at Orin grass.Tahimik sa naturang lugar at maaliwalas."Uuwi kaagad ako matapos ang digmaan sa Fukused," pangako ng papa niya sa kanila habang nakatingin sa mama nila.Niyakap ito ni Linosa. "Mag-iingat ka sa iyong paglalakbay, mahal ko."Gumanti naman ng yakap dito ang papa niya. "Pangako, mag-iingat ako."Nagsilapit silang magkakapatid sa kanilang mga magulang at isa-isang yumakap sa papa nila."Ikaw na ang bahala sa fortune teller cabin at sa mga kapatid mo, Hulda," bilin nito sa eldest sister niya.Tumango naman si Hulda. "Makakaasa ka, Papa."Bumaling naman sa kaniya ang papa niya. "Hadassa, anak ko, huwag mong hahayaang makawala sa paningin mo ang youngest sister mo. Palagi mo siyang paaalalahanang huwag hingian ng malaking halaga ang mga dayuhan."Tumingin muna siya kay Hannah bago bumulong sa a

  • The Chosen Wife   Chapter One Hundred Twenty-one: Panibagong Pangitain

    Kasalukuyang kumakain ang buong mag-anak ni Nahor isang noon-hour sa kanilang fortune teller cabin."Ako ay nalulugod para sa tuluyan mong paggaling," saad ni Nahor habang hinihimay ang pagkain nito. Kausap nito ang asawang si Linosa.Gumanti ng ngiti si Linosa at sumang-ayon, "Alay ko sa inyong lahat ang paggaling ko. Mahabang panahon din akong naging pasanin sa inyong lahat."Inabot ni Nahor ang kamay ng asawa at umiling. "Hindi ka pasanin sa amin ng mga anak natin. Ikaw ang pinakamahalaga sa amin. Masaya kaming inaalagaan ka."Nagkatinginan sina Hulda at Hannah.Napayuko naman si Hadassa at nagsubo ng pagkain. Marahan siyang ngumunguya nang maramdamang sinipa ni Hannah ang kanan niyang paa.Muntikan pa siyang masamid at pasimpleng tinitigan ang bunsong kapatid.Napuna niya ang pagbikas nito na walang lumalabas na tinig. Ngunit nabasa niya ang sinasabi ng bibig nito."Tanungin mo na si Mama tungkol sa panaginip mo," nakakunot ang noong pag-unawa niya sa nais nitong ipahiwatig.Agad

  • The Chosen Wife   Chapter One Hundred-twenty: Ang Kapatid ng Maysakit na Hari

    "Older Brother!" tawag ng sixteen Melyntor years old na si Prinsesa Samerah sa kapatid.Kalalabas lamang niya ng silid at ang mga tagapaglingkod na naman ang una niyang nasilayan."Isang masayang morning hour sa iyo, Prinsesa Samerah! Ang mahal na Prinsipe Jehu ay nasa kaniyang pagsasanay." Magiliw na bungad sa kaniya ni Chai, isa sa pinakabatang tagapaglingkod ng palasyo.Inirapan niya ito. "Paano mo naman nalaman na nasa kaniyang pagsasanay ang aking kapatid? Sinusubaybayan mo ba siya?"Batid niyang namula ang mga pisngi ng tagapaglingkod dahil sa tanong niya.Nataranta ito at nagwika, "Hindi po, Prinsesa Samerah! Nagpunta kasi rito sina Prinsipe Nimrod at Prinsipe Chezedek. Hinanap nila ang inyong kapatid sapagkat sila ay nakatakda raw na magsanay ngayon."Nagsalubong ang kaniyang mga kilay at tinitigan ito mula ulo hanggang paa. Bumuntong-hininga siya bago nag-usisa. "Kanina pa ba sila umalis?""Hindi pa po nagtatagal, Prinsesa."Mang-uusisa pa sana siya nang mapuna ang isa pang

  • The Chosen Wife   Chapter One Hundred-nineteen: Sapilitang Pakikipag-iisang-dibdib

    Kinailangan ni Reyna Milcah na magpunta ng Way Kingdom upang damayan si Inang Reyna Liana. Malubha na ang karamdaman ng anak nito na si Haring Jehu.Mula nang maging reyna siya ay naging adbokasiya na niya ang damayan ang mga kapwa reyna maging mga inang reyna sa ano mang pasanin ng mga ito. Prinsesa pa lamang siya ay natunghayan na niya ang mga paghihirap na kinaharap ng kaniyang ina na si Reyna Qinlan.Tumatak sa kaniyang isipan na kaakibat ng pagiging reyna ang pagiging ina ng buong kaharian. Kailangang manatiling matatag upang tulungan ang hari.Ngunit ang mga reyna at inang reyna ay mga Mortan lamang. Para sa kaniya, ang mga tulad ni Inang Reyna Liana at Reyna Qinlan ay nararapat ding makaranas ng suporta mula sa iba pang reyna at inang reyna."Handa na po ang karwahe ninyo, Reyna Milcah." Pagbibigay-alam ni Lexie.Itinigil ni Reyna Milcah ang pagsusuklay na buhok. Nilingon niya ang first-ranked attendant."Salamat, Lexie. Sabihan mo si Harvan na mauna na sa karwahe. Hinihintay k

  • The Chosen Wife   Chapter One Hundred-eighteen: Ang Nababagabag Na Ina

    "Harvan," tawag ni Zillah sa second-ranked attendant. "Pinatatawag ka ng mahal na reyna."Itinigil nito ang ginagawang palamuti sa gawaan ng dekorasyon. Tumayo ito at lumapit sa pintuan kung saan siya sumilip."Bakit, Zillah? May ipag-uutos ba si Reyna Milcah?"Humugot siya ng malalim na hininga bago tumugon. "Tayo ay magpupunta ng Way Kingdom at may ipagbibilin siya sa iyo.""Ganoon ba? Susunod na lamang ako sa iyo, Zillah. Itatago ko lang muna ang mga ito.""Magkita na lamang tayo mamaya."Nakangiting tumango si Harvan. "Sige, Zillah!"Isinara na niya ang pinto sa gawaan ng dekorasyon at bumuntong-hininga. "Sunod-sunod na dagok ang kinakaharap ng mga maharlika ng Guzen. Huwag naman sana madamay ang mga tulad ni Harvan sa kalungkutan ng mga reyna at prinsesa sa Way Kingdom at Light Kingdom."*****Matapos ang ginagawa ay agad na tinungo ni Harvan ang himpilan ng bagong reyna.Kumatok siya sa pinto."Harvan? Ikaw na ba iyan?" narinig niyang tanong ng reyna na nasa loob ng himpilan nit

  • The Chosen Wife   Chapter One Hundred-seventeen: Ang Seremonya Ng Pamamaalam

    Pinangunahan ni Armida ang seremonya ng pamamaalam para sa yumaong Datu Nebunizar.Ang lahat ng mga Adono at Adona sa kanilang werewolf clan ay tumatangis.Limang henerasyon ang pinamunuan ng yumaong datu. Sa loob ng mahabang panahong iyon ay inilaan nito ang buhay para sa kanilang kampo."Ikinalulungkot ko, Siviro." Naluluhang pagpapaabot ng dalamhati ni Sharina sa kababata.Tumango lamang si Siviro ngunit hindi lumingon sa kaniya.Pinili niyang ngumiti at tinapik ito sa balikat. "Ihahanda ko lamang ang aking grupo para sa seremonya. Sasabihan ko na rin si Carlos para maging alerto ang grupo ninyo."Nakita niya ang paghugot ng malalim na hininga nito. "Salamat, Sharina."Iniwan na niya ito at nagtungo sa mga kagrupo niya.Lumapit sa kaniya si Joross at bumulong, "Kumusta ang magiging bagong datu, Leader?"Lumingon muna siya sa direksyon ni Siviro bago bumulong sa kausap. "Mailap pa rin siya sa pakikipag-usap, Joross. Ang mabuti pa ay maghanda na kayo para sa pagtapos ng seremonya."T

  • The Chosen Wife   Chapter Twenty-five: Sumisibol na Pag-ibig

    Sa palasyo ni Prinsesa Nini... "Pagbati, mahal na Prinsesa Nini!" malugod na pagbibigay-galang ni High Priest Peniha nang harapin sila ng prinsesa. Bihira lamang magpunta sa mga palasyo sa Truth Kingdom ang mga high priests kaya nagulat si Prinsesa Nini nang biglang dumalaw ang mga i

  • The Chosen Wife   Chapter Twenty-four: Zombies' Border

    "Bilang eldest witch ng kasalukuyang henerasyon ay pormal kong itinatalaga ang aking panganay na anak na si Gayumarah bilang bagong eldest witch!" pag-aanunsyo ni Athalia, ang kasalukuyang eldest witch sa angkan ng mga witches sa bansang Gypto.Nakangiting lumapit si Gayumarah sa una upang tanggapi

  • The Chosen Wife   Chapter Eighteen: Maling Bihag (Part 2)

    ..(continuation)****** Bago pa man dumating ang mga werewolves ay kinunsyaba na ni Reyna Qinlan ang first ranked attendant na si Irkin na balaan ang mga tagapaglingkod sa palasyo ni Haring Chezedek patungkol sa inaasahan niyang paglusob ng werewolves sa palasyo. Inutusan niya si I

  • The Chosen Wife   Chapter Seventeen: Maling Bihag (Part 1)

    MALING BIHAG "Aking asawang hari! Hindi ako mapakali nang dahil sa aking napanaginipan...." balisang pagkukuwento ni Reyna Qinlan sa asawang si Haring Chezedek. "Ano ba ang iyong napanaginipan, aking minamahal na asawang reyna?" nag-aalalang tanong ni Haring Chezedek. Ang

Bab Lainnya
Jelajahi dan baca novel bagus secara gratis
Akses gratis ke berbagai novel bagus di aplikasi GoodNovel. Unduh buku yang kamu suka dan baca di mana saja & kapan saja.
Baca buku gratis di Aplikasi
Pindai kode untuk membaca di Aplikasi
DMCA.com Protection Status