Si Deborah, ang isang batang witch na itinalagang maging pinuno ng kanilang witch clan sa takdang panahon ay anak ng isang prophet na si Hoziah Mosen. Nang mawala ang kanyang ama ay nalaman ni Deborah na sinasamba nito si Lord Father Adonai, ang diyos na galit sa witchcraft at dark magic. Tulad ng kanyang ama ay sinamba din ni Deborah ang diyos na si Lord Father Adonai at tuluyan nang tinalikuran ang pagiging witch. Lingid sa kaalaman ni Deborah ay siya pala ang nakatakdang witch na ipapakasal sa prinsipe ng mga werewolves na si Ramluiz. Tuluyan na nga kayang talikuran ni Deborah ang witchcraft o yayakapin na lamang niya ang kanyang kapalarang maging asawa ng prinsipi ng mga werewolves?
View MoreKahit nakatabi ni Prinsesa Nini si Haring Yusef sa pagkain, hindi sila masyadong nakapag-usap nito. Pareho silang naabala ng mga tanong nina Haring Chezedek, Reyna Qinlan, at Inang Reyna Purisima sa kanila. Tila ba ang mga ito ang mag-iisang-dibdib at hindi sila ng hari.Kaya nang matapos ang kanilang sabay-sabay na pagkain ay hinanap niya agad si Haring Yusef. Nais niya itong makausap nang masinsinan tungkol dito at kay Deborah.May nakapagsabi sa kaniya na nakita raw itong kausap si Prinsipe Lamech sa pasilyo malapit sa hardin. Doon niya nga namataan ang mga ito."Mahal na Haring Yusef." pukaw niya sa pansin nito.Lumingon naman ito at ang kapatid nitong prinsipe sa kaniya."Maaari po ba tayong mag-usap?" tanong niya.Nagkatinginan ang dalawa."Mauna na muna ako, Younger Brother. Sa labas ko na lamang hihintayin ang aking asawa." Paalam naman dito ni Prinsipe Lamech."Maraming salamat sa inyong pagpunta ni Prinsesa Anarah, Older Brother." Pagpapasalamat dito ng hari."Paalam, Prins
Naganap ang salo-salo ng dalawang pamilya sa palasyo ng prinsesa.Gayak na gayak ang mga asawa ng mga kapatid na prinsipe ng hari. Hindi nagpatalo si Arahab sa mga prinsesa pagdating sa kasuotan.Naglagay siya ng mga palamuti na bumagay sa kaniyang wangis. Tiniyak niyang aangat ang kaniyang postura sa lahat."Napakaganda mo, Prinsesa Anarah," puri sa kaniya ng asawang si Prinsipe Lamech.Itinaas niya ang mukha at ngumiti rito. "Salamat, Prinsipe Lamech. Sinisikap ko talaga na maging maganda sa iyong paningin."Napangiti ito sa sinabi niya. Inilahad nito ang kamay upang siya ay alalayan.Habang naglalakad papasok sa palasyo ni Prinsesa Nini ay nakasalubong nila sina Harvan at Lexie."Pagbati, mahal na Prinsipe Lamech at Prinsesa Anarah!" bati sa kanila ng dalawa.Lumapit siya nang bahagya kay Harvan at bumulong, "Harvan, hindi ba't napakaganda ko sa kasuotang ito?"Bumulong din sa kaniya ang dating kasamahan. "Kahit ano pa ang iyong kasuotan ay tunay na ikaw ay maganda, Prinsesa Anarah
Dahil inihalal na ni Haring Yusef si Prinsesa Nini bilang kabiyak nito, maraming pagbabago ang magaganap sa kaniyang palasyo.Hindi na niya kailangang dumalo sa pagdiriwang ng ikaapatnapung kaarawan ni Prinsipe Jeto. Kaya naman ang paghahanda ng mga tagapaglingkod sa pagpunta niya ng Way Kingdom ay naudlot. Mas naging abala na ang lahat sa pagbisita ng pamilya ni Haring Yusef sa palasyo niya."Dalian mo riyan, Harvan, kailangang maikabit na ang mga palace curtain bago ang pagsapit ng evening hour." Paalala rito ni Lexie na abala sa pamumuno ng pag-aayos ng mga palamuti."Hindi ba't si Deborah ang nagpapalit ng mga ito? Bakit ako ang iyong nautusan sa ganitong gawain?" pagtataka naman ni Harvan."May ibang gawaing ibinigay si Zillah sa kaniya." Wika ni Lexie.Si Deborah ay kasalukuyang nagsasalita sa pagpupulong ng mga palace guard at royal guards. Kahit isa siyang tagapaglingkod, may posisyon rin siya sa pangangalaga ng kaayusan sa palasyo. Kaagapay iyon ng pagtataas ng kaniyang antas
Nang marating ni Ram Luiz kasama nina Loisa, Hanri at Severus ang kaniyang tanggapan, naratnan nila si Ziporrah at ang inang si Josebeth."Mama!" tuwang bulalas niya."Ram Luiz, anak ko!" naluluhang salubong nito. Napakahigpit ng pagkakayakap nito sa kaniya.Niyakap niya ang ina at ipinikit ang mga mata upang damhin ang pagkakayapos nito.Hinagod niya ito sa buhok."Natutuwa akong makita kang muli, Mama." Nakangiti niyang sambit nang bumitiw na sila sa pagyakap sa isa't isa."Ibang-iba na ang iyong wangis, anak. Kamukhang-kamukha ka na ng papa mo." Namamanghang reaksyon nito na hawak ang mukha niya."Hindi na ako nakakapag-ahit ng balahibo rito, Mama. Kumakain na rin ako ng mga hilaw na nilalang." Kuwento niya.Lumapit sa kanila si Ziporrah. "Labis ang hinagpis ni Tiya sa iyong pag-alis, Ram Luiz."Nilingon niya ito upang pasalamatan, "Salamat sa pagsama sa kaniya rito, Ziporrah."Nagtinginan sina Loisa, Hanri at Severus. Pakiwari nila ay may kung anong damdamin ang mayroon sa pagitan
Nakasakay sa kaniyang karwahe si Ziporrah habang masayang pinagmamasdan ang kalangitang natatanaw sa bintana."Napakaganda!" turo niya sa isang bulto ng mga Qanna flower na nakita niya sa daan."Ano iyon, Prinsesa Ziporrah?" tanong ni Josebeth na nakaupo sa kaniyang harapan."Napakagaganda po ng mga Qanna flower na iyon. Tingnan niyo!" malugod niyang paanyaya.Bahagyang sumilip si Josebeth sa bintana ng karwahe. Napangiti ito at yumuko."Bakit po?" pagtataka niya sapagkat kaniyang napunang natatawa ito."Wala naman, mahal na prinsesa," pagtutuwid nito na muling tumingin sa kaniya. "Labis ang aking katuwaan na hindi ka pa rin nagbabago kahit ikaw ay nasa wastong gulang na.""Paano pong hindi nagbabago? Makulit pa rin po ba ako tulad nang ako'y musmos pa?"Napahagikgik si Josebeth sa tanong niya. "Hindi ganoon, Prinsesa. Nais ko lamang ipabatid na mahilig ka pa rin sa magagandang bagay na nakikita mo sa paligid."Napatango siya na kahit paano ay nauunawaan na ang iwinika nito.Nang magb
Batid ni Deborah na may mga nilalang na nagmamasid sa kaniya sa Jealous river. Hindi man niya mawari kung ano ang pakay ng mga ito sa pagmamanman sa kaniya ngunit malakas ang kutob niyang hindi sila mga taga-Guzen."Hindi kaya't nagmamanman na naman ang mga werewolf sa bansang ito?" pakiwari niya na napabuntong-hininga nang marating ang harapan ng palasyo ni Prinsesa Nini. "Nasaan ka na ba Arahab? Ikaw lamang ang napagsasabihan ko ng mga ganitong isipin."Sa pagpasok ni Deborah sa palasyo ni Prinsesa Nini ay abalang-abala ang mga tagapaglingkod dahil sa nakatakdang pagpunta ng ilan sa pagdiriwang ng kaarawan ni Prinsipe Jeto."Natitiyak kong si Prinsesa Nini na ang napupusuan ni Prinsipe Jeto upang mapangasawa, Harvan." Narinig niyang hula ni Lexie.Nais niya sanang batiin si Lexie at ang ilan sa mga tagapaglingkod ngunit tinawag siya ni Zillah. "Mabuti at dumating ka na, Deborah.""Paumanhin kong natagalan ako nang bahagya, Zillah. Medyo marami-rami kasi ang pinalabhan sa akin ngayon
Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.
Comments