Happy reading!
"OKAY. Prepare the meeting room, Bryan." Narinig ni Laura na sinabi ni Draco ng lumabas siya ng kwarto pagkatapos niyang maligo at magbihis. Gaya ng sinabi nito ay ito na ang bahala sa lahat ng sabihin niyang wala siyang dalang mga damit ng dalhin siya nito sa Manila. Dahil habang nasa penthouse sila ay may dumating na isang lalaki, may mga dala itong mga paperbag at saka naman nito iyon ibinigay sa kanya. At nang tingnan ni Laura kung ano ang mga iyon ay nakita niyang mga bagong damit, kompleto nga iyon dahil may kasama ng mga undergarments. At mukhang alam na alam ng bumili ang size niya dahil sakto lahat ng mga damit sa katawan niya. At mukhang naramdaman ni Draco ang presensiya niya dahil lumingon ito sa gawi niya. Pinagdikit ni Laura ang ibabang labi ng magtama ang mga mata nila. And her heart suddenly raced again. Draco gestured for her to come closer to him. At parang may sariling pag-iisip ang mga binti niya dahil mayamaya ay humakbang ang mga iyon palapit dito.And when sh
NAPATIGIL si Laura sa pagsubo nang maramdaman niya ang bigat ng titig na pinagkakaloob ni Draco sa kanya. She glanced at him. And she was right because Draco was indeed staring at her. Sa halip na pagkain nito ang pagtuunan nito ng atensiyon ay sa kanya nakatutok ang atensiyon nito. "Hindi ako makakain kung nakatitig ka sa akin," wika niya kay Draco. Napansin niya ang pag-angat ng dulo ng labi nito. Hindi naman maiwasan ni Laura ang mapatitig doon. This past few days ay napapadalas na ang pag-ngiti ni Draco kapag kasama niya ito. Inakala nga niya ay hindi ito marunong ngumiti. Dahil noong una niya itong makita ay wala yata sa bokabolaryo nito ang salitang ngiti. Dahil nga never niya itong nakita na ngumiti. Ngayon lang niya ito nakita noong aminin nito sa kanya na gusto siya nito. At gustong-gusto ni Laura na nakikita si Draco na nakangiti. "Oh, sorry," paghingi naman nito ng paunmanhin. "Gusto ko lang makita ang reaksiyon mo kapag natikman mo ang luto ko," dagdag na wika nito.
NAGISING si Laura sa hindi pamilyar na kwarto. Pero mayamaya ay bumalik din sa alaala niya kung nasaan siya ng sandaling iyon. Nasa kwarto siya ni Draco sa penthouse nito sa Manila. Sa isa sa mga mansion sana siya nito dadalhin pero pagdating nila sa Manila ay biglang nagbago ang isip ni nito. Marami daw itong mga tauhan doon at kapag sa mansion siya nito dadalhin ay hindi siya nito maso-solo kaya sa halip na sa mansion nito sila dumiretso ay sa penthouse siya nito dinala. At sinabi naman nito sa kanya na bibisita din sila doon.Draco's penthouse was huge. And the design of his penthouse was very manly too. Lalaking-lalaki, parang ding si Draco. At sa isiping iyon ay hindi niya napigilan ang pagsilay ng ngiti sa kanyang labi. Tumingin naman si Laura sa tabi niya. And Draco was not there. Tanging amoy lang nito ang naiwan sa loob ng kwarto. Saglit naman siyang nanatili na nakahiga bago siya dahan-dahang bumangon. Tiningnan niya ang oras at nakita niyang alas sais na ng umaga. Tumayo
NAPATIGIL si Laura mula sa paglalakad nang marinig niya ang pagtunog ng ringtone ng cellphone na nasa bulsa ng suot niyang pantalon. Kinuha naman niya iyon sa bulsa sa suot na pantalon para tingnan kung sino ang tumatawag sa kanya. At hindi niya napigilan ang mapakunot ng noo nang mabasa at makita kung sino ang tumatawag. Si Draco. Saglit siyang napatitig sa cellphone na hawak hanggang sa sagutin niya ang tawag nito. "Hello?" "Laura." Kinagat niya ang ibabang labi ng marinig niya ang baritonong boses nito mula sa kabilang linya. "Bakit?" tanong niya. "I'm outside the mansion," he told her. "Come here." "Ngayon na?" "Yes," sagot nito. Pagkatapos niyon ay ibinaba na nito ang tawag. Wala namang ideya si Laura kung bakit siya nito pinapatawag. At para naman masagot ang tanong kung bakit siya nito pinatawag ay pinuntahan niya ito. Humakbang siya palabas ng mansion. Agad naman niyang nakita si Draco na nakatayo sa harap ng kotse. Nagpatuloy siya sa paglalakad. At mukhang n
KUMABOG ang dibdib ni Laura nang pagmulat niya ng kanyang mga mata ay agad na sumalubong sa kanya ang nakapikit na mukha ni Draco. Napansin nga din niya na nakapulupot ang mga braso nito sa katawan niya. Ibinalik niya ang atensiyon sa mukha nito. Ang himbing ng tulog nito at napansin din niya ang maaliwalas na mukha nito na para bang ang sarap-sarap ng tulog nito. Na para bang may napapanaginipan itong maganda. Sa totoo lang, aaminin ni Laura ang sarap din ng tulog niya kagabi. Hindi niya alam kung dala ba sa lamig o sa bisig ni Draco na nakalupot sa katawan niya. Pero mukhang dahil iyon kay Draco dahil gustong-gusto niya ang hatid ng init na katawan nito. Sa totoo lang din ay naguguluhan si Laura sa nararamdaman niya para kay Draco, lalo na ang nararamdaman ng puso niya pagdating dito. Kung i-a-analyze kasi niya ang nararamdaman, ang pagbilis ng tibok ng puso kapag malapit ang lalaki, iyong nakaramdam ng kirot ang puso nang may yumakap at humalik na ibang babae dito. At ang kasa
GANOON na lang ang gulat ni Laura ng paglabas niya ng banyo ay agad niyang nakita si Draco na nakasampa na sa kama, nakasandal ang likod nito sa headrest niyo.At mukhang hinihintay nito ang paglabas niya ng banyo dahil agad na nagtama ang mga mata nila, nakatingin na din kasi ang lalaki sa dereksiyon niya. Kasabay ng sunod-sunod niyang paglunok ay ang paghawak niya sa buhol ng tuwalyang tanging tumatakip sa kahubadan niya. Napansin nga ni Laura ang pag-angat ng isang kilay ni Draco nang makita nito ang ginawa niya. "What?" he asked, amusement gleaming in his eyes as he stared at her. "Huwag kang mag-alala, Laura. Hindi naman kita huhubaran ng walang pahintulot mo," sagot nito sa kanya. "I told you, I'll make you believe I like you," dagdag pa na wika nito. Hindi naman napigilan ni Laura ang mapakurap-kurap ng mga mata habang nakatitig siya kay Draco. Hindi nga din niya napigilan ang pagbilis ng tibok ng puso niya habang nakatitig siya dito. "Because I like you, Laura. I know you