MasukNinety-nine bodyguards came and went. Walang nagtagal sa tabi ni Ysa Villareal hanggang dumating ang kanyang pang-isandaang bodyguard. Si Marcus Navarro ay malamig, istrikto, at tila walang ibang alam kundi sundin ang mga patakaran. Para kay Ysa, isa lang siyang panibagong lalaking kailangan niyang takasan. Pero sa bawat pagtatangka niyang makatakas, mas lalo silang nagiging malapit. At habang sinusubukan ni Marcus na protektahan si Ysa mula sa mga taong gustong sumira sa buhay nito, isang bagay ang unti-unting nagiging malinaw— Hindi ang panganib ang pinakamahirap takasan ni Ysa. Kundi ang pusong unti-unti nang nahuhulog sa kanyang bodyguard.
Lihat lebih banyakChapter FiveCassandra’s POV“Aaaaah!”Napahiyaw ako sa sobrang inis habang tuluyan kong isinara ang pinto ng aking silid.“Kabago-bago, nagpasikat na agad kay Papa!” reklamo ko habang padabog na naglalakad papunta sa aking closet.Hindi ko talaga maintindihan kung bakit kailangang maging ganoon kaseryoso ng lalaking iyon. Ni hindi pa nga kami nagkakakilala nang maayos, pero kung umasta siya ay para bang matagal na niyang alam ang lahat tungkol sa akin.At ang mas nakakainis?Nakuha na agad niya ang loob ni Papa.Napailing ako habang kumukuha ng damit na susuotin ko. Isang simpleng T-shirt at maong na pantalon ang pinili ko. Wala akong balak mag-ayos nang bongga. Breakfast lang naman iyon, at hindi ko kailangang magmukhang prinsesa sa harap ng bago kong bodyguard.“Buwisit na Marcus Navarro,” bulong ko habang hinahagis ang damit sa kama.Ngunit kusa akong natigilan nang maalala ko ang nangyari kanina.Kung hindi niya ako nasalo, baka bali-bali na ang buong katawan ko ngayon. Panigurad
Chapter 4Cassandra’s POVNapapikit ako nang tuluyang mapunit ang kumot na ginagamit kong panlusong mula sa bintana.“Juskooo!”Sigurado akong ilang segundo na lang, babagsak na ako sa semento. Hindi ko na alam kung ano ang dapat kong gawin. Ang tanging nagawa ko ay ipikit nang mahigpit ang mga mata ko habang naghihintay sa hindi magandang mangyayari.Pero…Bakit parang hindi naman ako bumabagsak?Sa halip na maramdaman ang malakas na impact na inaasahan ko, tila may kung anong pumigil sa akin. Para akong nakalutang sa hangin. May nararamdaman akong matibay na bagay na sumusuporta sa akin.Dahan-dahan kong iminulat ang mga mata ko.At doon ako natigilan.Isang lalaki ang nasa harapan ko.Matangkad. Malapad ang balikat. At sa unang tingin pa lang, masasabi kong hindi siya ordinaryong lalaki. Maayos ang pagkakasuot niya ng itim na polo, at ang mukha niyang tila walang bahid ng emosyon ay lalong nagbigay sa kaniya ng kakaibang dating.Pero ang pinakanakuha ng atensiyon ko ay ang mukha ni
Chapter 3Cassandra’s POV“Iha, gising na.”Naririnig ko ang boses ni Yaya Tessie mula sa tabi ng kama ko.“Yaya, why so noisy?” reklamo ko habang hinihila ang kumot hanggang sa ibabaw ng ulo ko. Pagkatapos, tumalikod ako at niyakap ang unan, umaasang kapag hindi ko siya pinansin ay kusa na lang siyang lalabas ng silid.“Cassandra, hija, gumising ka na. Baka mapagalitan ka na naman ng papa mo.”“Mamaya na, Yaya.”“Kapag hindi ka nag-ayos, baka ang papa mo pa ang sumundo sa iyo rito.”“Inaantok pa ako. Anong oras pa lang, Yaya?”“Gumising ka na. Darating na ang bago mong bodyguard.”Napakunot ang noo ko sa ilalim ng kumot.Bodyguard.“Haist! Oo nga pala. Ngayon ang dating ng bago kong bodyguard,” bulong ko.Bigla kong naalala ang sinabi ni Papa kagabi. May bago na naman akong magiging bantay. Pang-isandaan na nga pala.“Yaya, masama ang pakiramdam ko.”“Naku, Cassandra! Huwag mo akong lokohin. Baka mapagalitan ka talaga ng papa mo. Bumangon ka na, baka siya pa ang sumundo sa iyo.”“Yay
Chapter TwoThe One Hundredth BodyguardMarcus POV“Sigurado ka na ba, sir?” tanong ni Bobby sa akin habang nakaupo ito sa gilid ng mesa, hawak ang folder na naglalaman ng impormasyon tungkol sa magiging kliyente namin.“Oo nga, sir. Baka puwedeng iba na lang ang tumanggap ng mission na ito?” segunda ni Troy, isa rin sa mga tauhan ko. Abala ito sa paglalaro ng ballpen sa pagitan ng mga daliri.“Pwede naman po sigurong ibang agent ang italaga natin?” muling tanong ni Bobby.Hindi ko sila pinansin.Patuloy lamang akong nagbabasa ng mga dokumentong nasa harapan ko. Ilang minuto na silang nagtatanong, at sa totoo lang, nagsisimula na akong mawalan ng pasensya.“Ang balita namin, matigas ang ulo at pasaway ang anak ni Don Rafael Villareal,” patuloy ni Bobby. “Kaya wala nang agency ang gustong humawak o magpadala ng mga tauhan nila. Wala pang isang araw, umaayaw na raw agad ang mga ito.”Napabuntong-hininga ako.Hindi na bago sa akin ang mga impormasyong iyon. Bago ko pa tanggapin ang assig






Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.