Share

Chapter Fifteen

A Foundation Built From Trust

 

Nagising nang maaga si Baron kaya tumambay muna siya sa sala para manood ng telebisyon habang humihigop ng mainit na kape. Mas nagiging abala sila ngayon sa trabaho dahil maliban sa palapit na ang dinner auction ay panay rin ang bitbit sa kanya ng among si Alfred sa kung saan-saan. Siya, kasama si Neo, ang paborito nitong isama sa mga appointments, kaya marami-rami na rin siyang nalalaman sa mga businesses at transactions nito. Medyo may problema lang talaga siya kay Neo dahil may kayabangan ito at masyadong madaldal. Pero tinitiis niya na lang dahil matatapos rin naman ang pagtatrabaho niya sa security agency kapag nakuha na nila ang tiara.

Habang abala siya sa panonood ng telebisyon ay biglang lumabas si Jackson mula sa kwarto nito. Bagong-ligo ito at pinapatuyo ang buhok sa harapan ng salamin. Tinapunan ni Baron ng tingin ang lalaki, na para bang pilit niyang inaalam kung ano ang balak nito at kung ano ang tumatakbo sa loob ng isipan nito.
Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status