Share

Withered Wings

Author: Pyongieshii
last update Last Updated: 2025-03-25 22:21:59

Chapter Twenty

Withered Wings

Pokus na pokus si Eros sa kaniyang laptop at mabilis na gumagalaw ang kaniyang mga daliri sa pagtipa sa keyboard. Kaya lang nagambala siya nang bigla na lang naramdaman niya ang dalawang kamay ni Shawna sa kaniyang balikat.

“Napasa mo na yung story sa contest?” tanong ni Shawna sa kaniya.

Napabuntong hininga si Eros. “Oo, matagal ko nang napasa.” Muling pinagpatuloy ni Eros ang pagtipa sa keyboard at hindi na niya pinansin ang presensya ni Shawna sa likod.

Pero walang balak si Shawna na tigilan si Eros at muli na naman siyang tinapunan ng tanong, “So, ano na? Ano nang balita?”

Sinagot na lang ni Eros ang tanong habang patuloy pa rin sa pagtitipa sa keyboard. “Mag-aabang na lang tayo ng result. Huwag mo na masyado isipin ang contest na iyon.”

Pero mukhang walang balak tumahimik si Shawna. Dahil hindi na rin niya maiwasan macurious sa ginagawa ni Eros at sinilip niya na kung ano ang pinagtatype ni
Continue to read this book for free
Scan code to download App
Locked Chapter

Latest chapter

  • The Cupid (Tagalog/Filipino)   Epilogue

    EPILOGUE“Hello, Ako si Eros ang author ng Fourteen,” pagpapakilala ko sa sarili ko. Hindi ako takot sa public speaking pero dahil sa bawat taong nakikita ko ay feeling ko hinihigop nila ang energy ko. Kung hindi lang malaki ang utang na loob ko sa mga readers ko ay hindi ako magpapakita sa kanilang harapan dahil tinatamad ako. “Tungkol ito kay Lorraine Rodriguez ang ating female lead na isang role model ng school nila na nakilala ang isang transferee at outcast na si Kayde Reyes na mayro’ng bad image dahil sa muntik na nitong mapatay ang isang faculty sa dati nitong school.”Nilibot ko ang tingin ko sa mga taong nakapaligid sa akin. Anim na taon na ang lumipas.24 years old na ako ngayon. Natupad ang pangarap ko na maging published author at dumagsa ang readers ng Fourteen.Hindi ako mukhang romantiko kuno gaya ng inaasahan nila. Kaya alam ko naman agad kung ano ang tumatakbo sa isip nila nang tuluyan nang magpakita ako sa public para sa booksigning para sa bagong book cover at rep

  • The Cupid (Tagalog/Filipino)   Withered Wings

    Chapter TwentyWithered Wings Pokus na pokus si Eros sa kaniyang laptop at mabilis na gumagalaw ang kaniyang mga daliri sa pagtipa sa keyboard. Kaya lang nagambala siya nang bigla na lang naramdaman niya ang dalawang kamay ni Shawna sa kaniyang balikat. “Napasa mo na yung story sa contest?” tanong ni Shawna sa kaniya. Napabuntong hininga si Eros. “Oo, matagal ko nang napasa.” Muling pinagpatuloy ni Eros ang pagtipa sa keyboard at hindi na niya pinansin ang presensya ni Shawna sa likod. Pero walang balak si Shawna na tigilan si Eros at muli na naman siyang tinapunan ng tanong, “So, ano na? Ano nang balita?” Sinagot na lang ni Eros ang tanong habang patuloy pa rin sa pagtitipa sa keyboard. “Mag-aabang na lang tayo ng result. Huwag mo na masyado isipin ang contest na iyon.” Pero mukhang walang balak tumahimik si Shawna. Dahil hindi na rin niya maiwasan macurious sa ginagawa ni Eros at sinilip niya na kung ano ang pinagtatype ni

  • The Cupid (Tagalog/Filipino)   The Love Fool

    Chapter NineteenThe Love Fool Hindi na mabilang ni Eros kung ilang beses na ba siyang bumuga ng hangin sa harapan ng hospital. Wala na rin siyang ideya kung ilang minuto na ba siyang nakatayo. Walang Shawna na mamimilit sa tabi niya kaya tanging ang sarili niya lang ang kumukunbinsi sa kaniya. Kaya lang ay sa hindi inaasahang pagkakataon ay nakaramdam siya ng hiya at kaba. Tama si Shawna. Siguradong hindi agad maniniwala sa kaniya ang pamilya ni Lorraine o kung sino man ang nagbabantay sa kaniya ngayon. Pero siya lang ang nag-iisang tao na makakatulong kay Shawna dahil siya lang naman mismo ang nakakakita at nakakaalam kung ano ang mga gustong sabihin nito sa mga mahal niya sa buhay na naiwanan niya. Muli na naman siyang napabuntong hininga. Pero sa pagkakataong ito ay may kasamang pag-iling at pagkunot ng noo. Ano naman ngayon kung siya lang ang nakakarinig at nakakakita kay Shawna? Ibig sabihin ay responsibilidad na niya kaagad na tulungan ito?

  • The Cupid (Tagalog/Filipino)   Her Gift

    Chapter EighteenHer GiftSeryoso ang mukha ni Lorraine habang gumuguhit sa isang bondpaper. Walang klase kasi ngayon sa kanila kaya kung ano-ano lang ginagawa ng mga estudyante sa classroom. Kagaya ni Lorraine na naisipan na lang aliwin ang sarili sa pagguguhit ng damit sa isang blankong papel.Pagkasapit ng huling taon sa pagiging junior highschool, ay maswerteng naging magkaklase ulit sina Lorraine at Shawna. At dahil matagal na silang magkaibigan, ay sila pa rin ang madalas na magkasama nitong school year.Nang matapos na niya ang isang puting dress na iginuhit niya, hindi pa rin siya nakuntento. Kaya unti-unti siyang gumuhit ng iilang linya. Nang dumami ito ay nakabuo siya ng isang pares ng pakpak sa likod ng puting dress. Nang hindi na naman siya makuntento ay dinagdagan niya na rin ito ng mga accessories tulad ng pana na mayroong cute design at mga palaso na nakahugis puso.Maya’t maya ay napatigil siy

  • The Cupid (Tagalog/Filipino)   The Fallen Cupid

    Chapter SeventeenThe Fallen CupidMabigat man ang talukap ng mga mata ni Shawna. Pinilit niya pa rin itong minulat. Pero bago niya muna tuluyang nabuksan ang mga mata niya ay narinig niya muna ang malalakas na ingay ng mga sasakyan at naramdaman niya rin ang magaspang na kalsada sa kaniyang balat.Nang maimulat na niya ang mga mata niya ay saka niya napagtanto na nakadapa siya ngayon sa kalsada na kung saan ang tulay malapit sa isang mall. Napapikit ang isang mata niya ng maramdaman niya ang bahagyang pananakit ng katawan nang pinilit niya ang sarili niyang bumangon. Kaya, dahan-dahan na muna niyang inangat ang katawan niya sa kalsada atsaka niya pinagpag ang sarili niya.Rumehistro bigla ang pagtataka sa mukha niya. “Anong ginagawa ko dito?” Nagpalinga-linga siya sa paligid pero nilalampasan lamang siya ng mga tao. Kinapa-kapa niya naman ang katawan niya at laking pagtataka niya nang makitang nakasuot siya n

  • The Cupid (Tagalog/Filipino)   The Protagonist II

    Chapter SixteenThe Protagonist IINangingibabaw ang tunog ng pagkiskis ng ballpen sa papel sa tenga ni Lorraine. Maagang pumasok si Lorraine kaya naisipan niyang ituon na lang ang natitirang oras sa paggawa ng homework niya na sa susunod pa namang araw ang deadline. Bawat taong pumapasok sa classroom ay pasimple siyang dinadapuan ng nanghuhusgang tingin dahil sa nakikita nilang ginagawa ni Lorraine.Aware si Lorraine sa mga kaklase niya pero hindi naman ito nagkaroon ng pakielam sa kanila dahil iisa lang ang pinapahalagahan niya. Ang pinangangalagaan niyang grade at ang consistent niyang pagiging top 1 sa klase."Busy na naman ang grade conscious nating classmate," nakangiwing bulong ng isang lalakin

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status