Share

The Blind Heart - Chapter 5

The Blind Heart - Chapter 5

Fabienne spent the next few but long hours in suspense. Hindi na nga uli lumabas ng silid-tulugan si Rhys, matapos itong magpahatid kay Mang Dolfo.

Magtatakipsilim na nang magkalakas-loob siyang hanapin si Aling Iska para kausapin. Ngunit nabigo siya dahil marami itong mga kasama habang abala sa pagluluto sa kusina.

Minabuti niyang magtungo na lang sa kanyang kuwarto upang doon magpalipas ng pagkabalisa.

Naligo siya sa primitibo ngunit kumpletong banyo. Bagama't pulos sawali at sementado lang ang dingding at sahig niyon, mayroon namang shower at gripo sa munting lavatory sink.

Fully-stocked din ang bathroom cabinet sa mga bagong sabon, shampoo, toothpaste at toothbrush. May linen cabinet rin na kumpleto sa mga tuwalya, bimpo at mga roba.

May kaya ang kinagisnang pamilya ni Fabienne pero alam niyang wala sila sa kalingkingan ni Rhys. Sa kotse pa lamang nito ay talagan

Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status