Share

chapter 2 ang pagbabalik

"Anong balita friend? nakausap mo ba ang iyong ama? Anong sabi sa iyo ? Naniwala ba siya sa iyo? " sunod -sunod na tanong ni ava sa kaibigan .

Ayun nag rereyna reyna ang mga walanghiya , hindi ako pinapasok sa sarili kong pamamahay at nagawa pa akong sampalin at ipamukha sa akin na isa akong mahinang babae " Nanggalaiting tugon niya mula sa tanong nito.

"Grabe ang sama naman ng pag-uugali nila , Ano na ang magiging plano mo? " tanong nito mula sa kanya.

"Aalis ako ng bansa at mag-aaral akong muli , papatunayan ko sa kanila na mali sila ng minamaliit nila ."

" Sisiguraduhin kong mapapabaksak ko silang mag-iina at ipapamukha ko sa ama kong uto-uto na nagkamali siya ng pinagka-katiwalaan " nanlilisik na mga matang saad nito.

Ay perfect sang-ayon ako diyan " palakpak na sang-ayon naman ni ava sa plano ng kanyang kaibigan . " Hayaan mo tutulungan kita sa mga plano mo dahil isa akong sikat na modelo sa buong bansa gagamitin ko ang kasikatan ko upang tulungan ka . " nagni-ningning na ani nito .

" Madali lang saakin na hanapan ka ng isang magaling na guro tungkol sa paggawa ng medicina " proud na dagdag pa nito .

" Maraming salamat at nakatagpo ako ng kaibigang kagaya mo hayaan mo kapag nag tagumpay ako ay ikaw ang una kung pasasalamatan " . masayang wika ni kythe sabay yakap sa kaibigan.

" Saka na natin iisip iyan ang importante sa ngayon ay ang magtagumpay ka sa lahat ng iyong magiging plano "

*************

Makalipas ang Anim na taon ....

Naging isang tanyag na medicine maker si kythe .

Nakapagpatayo siya nang sarili niyang pharmaceutical company .

Kilala rin siya sa buong mundo bilang si FAITH MEDI ( na-ibig sabihin ay gamot na mapag katiwalaan. ) bukod tangi siya sa lahat dahil siya lamang ang bukod tanging naka diskobre ng gamot mula sa sakit na cancer .

Hindi na kailangan ng mga tao na may sakit na ito mag pa cemo at magtiis sa sakit dahil ilang tableta lang mula kay faith ay gagaling na sila .

Ginamit niya ang pangalang ito upang hindi siya makilala ng kanyang ama at ang bago nitong asawa at anak.

Anim na taon narin mula ng umalis siya sa pilipinas at naka pag-aral sa abroad .

Hindi madali ang lahat ng kanyang pinagdadaan lalo na't malaman niyang nagdadalang tao pala siya .

Hindi niya matandaan kung ano ba talaga ang nangyari ng gabing iyon at bakit nag-iwan pa ito ng bakas mula sa kanya .

Balak niya sanang ipa abort ang nasa kanyang sinapupunan dahil sa naiisip niya na baka matanda at may asawa na ang nakakuha ng kanyang virginity .

Hindi niya ito maatim na nabuntis siya ng isang matanda kaya ipapaabort niya na lamang ang bata keysa buhayin pa ito .

Mabuti na lamang at napigilan siya ng kanyang kaibigan na huwag gawin ang bagay na lubos niyang pagsisihan pagdating ng araw .

Hindi pa sana siya makikinig mula rito kung hindi lang sa tinakot siya nito na hindi na ito tutulong pang muli sa kanyang pag-aaral kung sakaling ipaabort niya ang nasa kanyang sinapupunan.

Wala naman siyang ibang pamimilian ng mga panahon na iyon kaya napilitan siyang buhayin na lamang iyon . Tanging si aba lamang ang taong kinakapitan niya sa mga oras na iyon at ayaw niyang pati ito ay mawala rin sa kanya ng dahil lamang sa kanyang kagustuhan na ipa abort ang kanyang ipinagbubuntis .

Unti -unti na rin niyang natatanggap ang kanyang pagbubuntis at laking tuwa niya ng malaman na hindi lamang isa ang magiging anak niya kung hindi ay triplet's pa ang mga ito. dalawang lalaki at isang babae .

Sa araw ng kanyang panganganak ay parang hinuhukay na ang kanyang libingan ,hindi naging madali sa kanya ang panganganak .lalo na't first time niyang manganak at tatlo kaagad ang kanyang iluluwal .

Naging successful naman ang kanyang panganganak at nasilayan nya ang kanyang mga mu-munting anghel .

Asul ang kulay ng kanilang bilugang mga mata at kulot ang mga buhok nito . Hindi niya alam kung saan ito nagmula gayung hindi naman asul ang kulay ng kanyang mga mata at hindi rin kulot ang kanyang mga buhok .

Inisip niya na lamang na baka may lahi ang ama ng mga ito .

Mommy whe're home! " sabay sabay na sigaw ng kanyang tatlong mga mumunting anghel sabay yakap ng mga ito mula sa kanya.

Nag enjoy ba kayo kasama ang inyong ninang ? masayang tanong niya sa kanyang tatlong mumunting anghel .

Yes po mommy marami akong nabiling dress at mga kitchen books " masayang sagot naman ni ixia mula sa kanyang katanungan ito ang bunso sa magkakapatid.

Napaka cute ng mukha nito bilugan ang mga mata na kulay asul at sinabayan pa ng mahaba at alon-alon nitong buhok na namana sa kong saan .

Bata pa lamang ito pero ang hilig na nito sa mga lutong pagkain lalo't lalo na sa pag bebake nito .

Minsanan rin bonding na nilang mag-iina ang pagluluto sa kusina . namana naman ito ni ixia sa kanya dahil bukod sa paggawa ng mga gamot ay magaling rin siyang magluto .

"Yeah ! I got a new Sketch I wan't a new design of my jewelry . " sagot naman ni axel ang panganay sa magkakapatid.

Napaka cute ng batang ito tulad ni ixia ay bilugan rin ang mga mata nito nama'y kulay asul , kulot rin ang mga buhok nito na siyang lalong nagbigay ng liwanag sa mala anghel nitong mukha .

Kaya lang napaka mainitin ng ulo nito gusto laging mapag-isa , cold rin minsan pero malambing naman ito sa kanya bilang ina at sa mga kapatid nito .

Bata pa lamang ito pero hilig na nito ang magdisenyo ng ibat-ibang uri mga alahas .

Puno rin ng mamahaling alahas ang kwarto nito at lahat ng iyon ay galing mismo sa kanyang mga desinyo.

Binabayaran ni kythe ng malaking halaga ang taong gumagawa ng alahas mula sa disenyo ni exel upang mananatili itong walang kapahera at hindi siya gagawa ng anumang kopya upang ipagbinta sa iba .

Alam niyang napaka talino ng kanyang anak kaya susuportahan niya ito kung saan ito masaya .

Gusto niyang iparamdam sa mga ito na kahit wala silang ama ay sapat na siya para sa mga ito .

Me too ! mommy I got a new song album from justin bieber " Bibong saad naman ni ethan.

Ang pangalawa at bibo sa magkakapatid .

Ito ang makulit at laging nakatawa kahit sa ano mang maliit na bagay at napa masiyahin talaga ito sa kahit na ano .

Huwag lamang itong galitin dahil natitiyak kung sasabog ang mundo ng mga nakapaligid mula rito .

Sa kabila kasi ng maamo at palangiti nitong mukha ay masama rin ito magalit at hindi ito basta basta mananahimik hanggat hindi ito nakakaganti sa kung sino ang may sala .

Bata palang ito pero sadyang hilig na nito ang musika at lahat ng instruments ay kayang -kaya nito patugtugin .

Nakakabighani rin ang boses nito na tila iduduyan ka sa ibabaw ng mga alapaap.

Mabuti naman kung ganun ! sege na magsi- ayos na kayo at may pag-uusapan lamang kami ng inyong ninang .

Mabilis naman na kumilos ang tatlong bata at kanya-kanya na itong pasok sa kanilang mga sariling silid .

Freind ano na ? nakapag desisyon ka na ba? tanong ni aba mula sa kanya .

Oo panahon na siguro para umuwi ng pinas at ng muli kaming magkita- kita ng aking hilaw na kapatid at ng kanyang inang hinog na hinog sa pagpa panggap .

"Nandito lang ako sa iyong tabi at laging naka suporta sa ano mang hakbang na iyong nanaisin mahal kung kaibigan " madamdaming saad ni aba at sabay silang nagtawanan sa isat -isa.

...*************

LAZY WRITER .... ✍️

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status