Share

chapter 5

"Sinusundan mo ba ako miss stupida?" maangas na tanong ng lalaki kay kythe .

"Excuse me ? at sino ka naman para sundan ko napaka pangit mo at isa pa hindi ko kailangan ng isang sugar daddy dahil kaya kung buhayin ang sarili ko "maangas rin na sagot niya sa lalaki .

nasa parking lot siya ngayon handa na sana siyang sumakay ng kotse ng malaman niyang nawawala ang susi ng kanyang kotse .

Hindi niya pala na pansin na nahulog ito matapos niyang kunin ang panyo na nasa kanyang bag .

Napansin niya ito sa hindi kalayuan kaya naman nagtungo na siya ritoat agad rin itong pinulot .

Saktong ikot niya sana para bumalik ng sasakyan pero muntik na naman siyang may maka banggaan at hindi niya akalain na ang lalaking nakasagutan niya sa jewelry building at ang lalaking kaharap niya ay iisa .

Nagmamayabang pa ito na sinusundan niya raw ito .

Huh! napaka kapal naman ng apog nito para sabihing sinusundan siya .

"Sa mukha kong ito mukha ba akong sugar daddy?" nanggagalaiting tanong niya sa babae , ang lakas naman ng loob ng babaeng ito para pagsabihan siya ng sugar daddy at pangit .

Pangit naba? talaga ako? matanda naba ang pagmumukha ko ? ang dami pang mga babae ang naghahabol saakin pero bakit ang babaeng ito ay hindi man lang niya makitaan ng interes at ang sungit pa akala mo pinaglihi sa sama ng loob .

Hindi ba siya kilala nito ? Bakit kung makaasta ito ay parang natural lang na tao ang tingin sa kanya .

Isa siyang OWnER at CEO ng kumpayang Quevista jewelry , kilala siya sa buong mundo nang dahil iyon sa kanyang husay sa pag dedisenyo ng ibat - ibang alahas .

Siya si Evander Quevista sikat ang kanyang mukha at pangalan sa buong mundo at ang babaeng ito lang magmamaliit sa kanya ?.

Baka gusto ng babaeng ito mawalan ng hanap buhay kahit saan ? at sino ba siya para pagsalitaan nito ng hindi maganda ? gayung sa tindig nito ay para lang itong maliit na uri sa lipunan .

"At bakit mukha bang hindi? pabalik na sagot naman nito sa kanya .

Masyado na siyang napupuno sa babae kaya naman umusok na ang kanyang ilong at nagbabaga na ang kanyang mata sa galit .

Handa na sana niyang saktan ang babae ng may tumawag sa kanyang pangalan naudlot ang balak niya sanang sampal sa babae .

Kahit babae ito ay papatulan niya ito wala siyang sinasanto kapag naaapakan na ang kanyang pride .

" Mr. Quevista hinihintay na po kayo sa loob " wika ng kanyang secretary.

Agad naman siyang tumalikod sa babae at iniwan ito ng walang pasabi .

Kung hindi lamang ganun ka importante ang meeting na dadaluhan niya sana baka napatay niya na ang babaeng iyon .

"May oras ka rin saakin babae ka hindi pa ito ang huli nating pagtatagpo at sisiguraduhin ko sa muli nating pagtatagpo ay luluhod ka saakin para sa iyong buhay "

" Para talaga siyang si exel kapag nagagalit . " kunot noong sabi ni kythe sa sarili .

Ang kurba ng kilay at labi nito at ang mga nag babagang mga mata nito sa tuwing nagagalit ay parang kuhang kuha ng anak niya sa lalaking ito .

Baka nagkataon lang na mag ka parehas ang mukha ng lalaking iyon sa mukha ng kanyang mga anak.

Napaka impossible na siya ang ama ng kanyang mga anak e sa pag-uugali niyon malabo na patulan niya ang lalaking iyon .

At hindi niya rin pa pangaraping maging ama iyun ng kangyang mga anak .

Mas gugustuhin niya pa maging matandang dalaga na lamang keysa malaman na ama iyon ng kanyang mga anak .

Walang itong modo , napaka bastos sa babae at walang pakialam sa nararamdaman ng mga taong naka paligid sa kanya .

*****************

Parang stress si mommy lately oras na siguro para kumilos na tayong tatlo . " ani ni exel sa mga kapatid nito.

Tama si kuya oras na para tulungan natin si mommy " pagsang-ayon naman ni ixia.

Anong magiging plano natin? tanong ni ethan.

Na research ko na ang lahat tungkol sa companya nila lolo ( ama ng mommy natin) .

Ilang buwan na rin ang nakalipas ay hindi na pala siya ang humahawak ng kompaya kung hindi si venice ang kapatid ng ating ina sa ama . - "ani ni exel"

Hindi lingid sa kaalaman nina aba at kythe ay palihim pala na nakikinig ang tatlong bata sa usapan nila matapos makitang luhaan ang kanilang ina .

Galing ito sa kompanya ng ama nito para pumirma sana ng kontrata pero umuwi itong namamaga ang mga mata .

Masyado silang nag alala sa mga oras na iyon kaya hindi nila pina lampas ang pagkakataong malaman kung ano ba talaga ang puno at dulo ng pagluha ng kanilang ina .

Nalaman nila na niloko pala ng kanilang lolo ang kanilang ina at pati ang kanilang lola .

Sa mga inpormasyong nakalap nila ay nasaktan sila para sa kanilang ina .

Kaya handa silang ipaghiganti ang kanilang ina laban sa kanilang lolo at pati na rin sa madastra ng kanilang ina at sa anak nito na kapatid ng kanilang ina sa ama.

"May na research akong kalapit na building kung na saan ang kompanya ng ating lolo "ani ni exel

" Isa itong jewelry company , sa palagay ko kaya kung pasukin ang companyang iyon gamit ang aking kakayahan sa pagdedesinyo ng alahas .

Ipapakita ko sa kanila ang lahat ng gawa ko at mag- aaply ako bilang isa sa kanila .

Doon natin sisimulan ang paghihiganti , mas malapit mas maganda . "dagdag pa ni exel ."

" Magandang plano iyan kuya kami naman ni kuya ethan ay papasok kami sa clothing show dahil na research namin na kailangan nila ng dalawang batang mag momodel ng kids wear , natitiyak namin na makukuha kami roon. "ani naman ni ixia ' tumango tango naman si exel bilang pagsang -ayon .

" Kung ganun buo na ang plano para matulungan natin si mommy sa lahat " sang-ayon naman ni ethan .

Ihahanda ko na ang lahat ng ating kagamitan para ma simulan na natin ito bukas na bukas rin " dagdag niya pa .

" Kailangang mapagtagumpayan nating tatlo ang lahat ng ito para hindi na masasaktan si mommy " ani naman ni ixia .

" Gagawin natin ang lahat para magtagumpay tayo " dagdag naman ni ethan sabay latag ng palad sa hangin .

Pinatong naman ni ixia at exel ang kanilang mga palad sa ibabaw ng palad ni ethan sabay sabing " Go Fight " sabay apir sa isat-isa.

.................

LAZY WRITER ✍️.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status