Share

chater6

***************

Ixia sumunod ka sa kuya ethan mo ako na ang bahala sa aking sarili .

Magkita na lamang tayo sa bahay pagkatapos nito " bilin ni exel sa kapatid bago siya pumanhik paitaas ng building .

Nasa ikapitong palapag ang opisina kung saan siya pwede mag apply bilang isang jewelry designers.

Pagkarating sa ikapitong palapag ay agad siyang kumatok sa isang pintuan .

Pinagbuksan naman siya agad ng mga ito pero bago ang lahat matagal muna bago siya nakapasok sa loob nito dahil matagal bago nawala ang mga tingin nito mula sa kanya nama'y halong pagtataka .

"Bakit parang kamukha siya ni Mr. Quevista?"

"Ganun rin ang aking pagtataka bakit magkamukhang magkamukha sila ."

"May tinatago bang anak si Mr. Quevista? sa lahat?"

"Hindi ko batid pero parang ganun na siguro basi sa nakikita natin sa ngayon ".

Ilan lamang iyan sa mga bulong bulungan ng mga staff sa buong paligid na hindi rin nakalampas sa kanyang pandinig.

Nagtaka siya sa kanyang mga naririnig ukol sa kanyang pagmumukha . Napakunot ang kanyang nuo hindi siya maka paniwala na may taong kasing mukha niya raw at tinatawag nila itong Mr. Quevista .

Sino ba siya at bakit kamukha niya ito ? " Kailangan kung makita ang taong sinasabi nilang kasing mukha ko at gusto kung matiyak kung talagang magkamukha nga kami parang may kutob akong kakaibang nararamdaman .

*******

"Kailangan pa ba ulit ulitin sa inyo ang katagang ayaw ko sa mga trabahong palpak!" . Halos dumagondong ang buong paligid sa sigaw ng isang lalaki .

Nang gagalaiti ito sa galit halos kumurba na rin ang mga panga nito sa pisngi .

Umuusok na rin ang kanyang mata at ilong sa sobrang galit .

"Paumanhin po Mr. Qeuvista , hindi na po ito mauulit pang muli. "

Hindi ko kailangan ng paumanhin niyo , ang gusto ko ayusin niyo ang inyong mga trabaho or else all of you are F-I-R-E-D ! pabagsak na sabi nito sabay hilot ng sintido.

"Get! out NOW.....! dagdag niya pa sabay hagis ng mga papeles na hawak nito.

Dali dali naman itong pinulot ng kanyang mga staff at sabay labas ng kanyang opisina.

"Mr. Quevista ? tawag mula sa labas ng kanyang opisina sinabayan pa ito ng tatlong katok bago iniluwa ang mukha ng kanyang secretary .

Hindi niya ito pinansin dahil hanggang ngayon ay hindi parin humuhupa ang kanyang galit .

May batang gustong mag-apply bilang designer ng ating jewelry at kamuk......

"Hindi mo ba batid ang lahat? na wala akong paki sa mga ganyang bagay at isa pa hindi ko trabaho ang mag approved ng mga aplicante sa kumpanya ito" putol ni Quevista sa sasabihin sana ng kanyang secretary.

"Pero Mr Quevista... '

" Kung wala ka ng maganda pang sasabihin ay lumayas ka na sa harapan ko kung ayaw mong mawalan ng trabaho ngayon din . "

Dahil sa takot na mawalan ng trabaho ay agad agad namang lumabas ito mula sa kanyang opisina .

Matapos makalabas ng pintuan si airin ay agad niyang sinara ito.

"Apaka sungit talaga ng lalaking iyon kailan pa kaya siya mag babago ?hmm . " bulong niya sa kanyang sarili .

Nais niya lamang ipabatid rito na may pagkakamukha sila ng batang gustong maging jewelry desiner ng companya ito pero tila napakainit ng kanyang ulo .

Hindi na rin siya magtataka rito dahil lagi naman talaga mainitin ang ulo nito .

*********

Wala na ba tayo iba pang modelong bata ? Bakit ito lamang ang naipapasa niyo saakin? paulit -ulit qng mga pagmumukha pagsasawaan tayo ng mga mamimili nito. "masukit na bulyaw ng isang babae sa mga katrabaho nito .

"Paumanhin po madam lady sadyang ito lamang ang mga nakuhanan namin, hindi rin kasi kagandahan ang iba pang shot at wala rin tayong iba pa nakuhang bata upang maging bagong modelo . "

" Hanapan niyo naman ng iba pang paraan lagi na lamang ba ako ang gagawa ng mga paraan? "

" Madam wa...."

" Sandali bakit hindi ko nakita na kinuhanan niyo ng litrato ang dalawang batang iyan ? napaka perpekto nila para sa isang batang modelo mga bulag ba kayo ? o sadyang tanga lang ? " putol niya sa sabihin sana ng kanyang kasamahan sabay turo sa dalawang batang papasok ng pintuan .

"Hindi rin namin alam na may dalawang anghel pala rito "

" Dalian niyo na asikasuhin niyo ang dalawang batang iyan kung ayaw niyong mawalan ng trabaho ngayon din. " utos niya sa mga ito .

Dali-dali namang nilapitan ng kanyang katrabaho ang dalawang paslit .

"Mga bata isa rin ba kayo sa aming mga modelo? "malumanay na tanong ni iska sa dalawang bata.

Ngayon niya lamang napansin ang mga ito kaya alam niyang kakapasok pa lamang ng mga ito.

"Opo dito po kami pinapasok ng makapasa kami sa kanilang pasusulit." magalang na sagot naman ni ixia.

" Tama kayo ng pinasukan hali na kayo't aayusan namin kayo . " anyaya niya sa mga ito , agad namang sumunod ang dalawang bata sa kanya .

Sinalubong naman ni lady mia ang dalawang bata nama'y malawak na ngiti sa mukha . Hindi mo akalain na kanina-nina lamang ay para ito isang dragon sa pag bubulyaw mula sa kanyang mga kasamahan .

Anong pangalan niyo? malumanay na tanong niya sa mga ito .

"ako po si ixia " magalang na sagot naman ng batang babae .

"Ako naman po si ethan " magalang rin na sagot ng batang lalaki .

Asan ang mga magulang niyo ? gusto ko silang makausap para sa inyong mga gagawin " dagdag na tanong niya sa mga ito .

"Wala po hindi po namin kasama ang aming ina dahil masyado itong maraming ginagawa at ang aming ama naman ay hindi namin nakikilala .

"Kung ganun ixia at ethan bigyan niyo ako ng magagandang shot gusto ko iyong makabagong mukha sa larangan ng kids model . Kaya niyo ba ang lahat ng iyon ? sa tingin ko naman ay kakayanin niyo ito basi na rin sa inyong mga mukha " nakangiti niyang saad sa dalawang bata.

" Kayang -kaya po namin " magalang at may halong tapang na wika naman ng dalawa.

Mabuti kung ganun ! pero sandali lamang bakit parang kamukha niyo si Mr. Quevista? ama niyo ba siya?

"Po? sino pong Mr. Quevista? hindi po namin siya kilala at isa pa po wala na po kaming ama . Ang sabi ng aming ina ay wala na raw ito . " may halong pagtatakang sagot naman ni ethan.

Nagtataka rin si ixia sa mga sinabi ni lady mia , hindi niya lubos maisip na may kamukha silang tao at tinanong pa nito sa kanila kung ama ba nila ang taong iyon?

Imposible naman ang lahat ng iyon pero hindi rin malabo na pwede iyong mangyari . Gusto niyang makilala ang taong kamukha raw nila may masama siyang kutob mula rito .

" Baka nagkamali lamang ako sege na magsimula na tayo. " bawing sabi naman ni lady mia kahit siya ay naguguluhan rin kung bakit kamukhang - kamukha ng dalawa batang ito si Mr,. Quevista mula sa mga mata , mukha at pati rin sa buhok ng mga ito ay kuhang kuha talaga nila.

Hindi kaya ay may tinatagong anak si Mr. Quevista sa kanila? Pero bakit naman gagawin ito ni Mr. Quevista gayung sa pagkakaalam nila ay single naman ito .

*******........

LAZY WRITER ✍️.....

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status