Hindi ako nakapagpahinga ng maayos. Buong gabi akong nagpupuyos at pagpipigil sa galit dahil sa kagaspangan ng ugaling ipinakita ni Adam. Hindi ako makapaniwalang sa gabi pa lang ng koronasyon niya ay ipapakita na niya ang itinatagong sama ng ugali. Hindi nga ako nagkamali na sinusubukan niya lang mapalapit sa akin dahil inaakala niyang mapapaikot niya ako sa kanyang kamay, ngunit kailangan niyang umisip ng mas epektibo at konkretong plano dahil kahit kailan ay hindi ako mahuhulog sa gano’ng estilo. Kailangan niya ring pagbutihan ang pagtitimpi at pagtatago ng gano’ng ugali niya kung gusto niyang magtagal sa posisyon na ipinilit mapunta sa kanya.
Nang sumapit ang ala-sais ng umaga ay hindi ko na hinintay pa si Danie at nag-ayos ng aking sarili kahit sa palagay ko ay apat na oras lamang ang naging pahinga ko. Hindi na ako nag-abala pa na maglagay ng kolorete sa aking mukha at sinuklay na lang din ang mahaba at kulay ginto kong buhok. Nang sumapit ang ika-dalawampu&
Nang matapos akong mag-ayos ay eksakto namang dumating sina Danie at Dan. Katulad ng inaasahan ay hinanap nila sa akin si Heinrich kung kaya’t sinabi ko na baka mamayang gabi o baka bukas pa siya makabalik. Alam kong naiintindihan na nila ang kanyang dahilan kung kaya’t hindi na sila nagtanong pa. Hindi naman tago sa kanila ang katauhan ni Heinrich.Pagkarating namin sa silid kainan ay agad na napakunot ang noo ko nang makitang may kasama si Adam bukod sa mga tagapagsilbi niya. Nakayuko ang babae habang nakatayo sa tabi niya at hawak ang talakdaan.“Sino siya?” bungad na tanong ko kay Adam nang huminto ako sa harap niya. Ngumiti siya sa akin at saglit na tinignan ang kasama niya.“Hindi mo ba siya natatandaan?” tanong niya. Napairap na lamang ako at napabuntong hininga.“Magtatanong ba ako kung naaalala ko?” tanong ko pabalik. Napakamot naman si Adam ng kaniyang batok. Sasagot na sana siya nang unahan siyang
Ang isang buwan at dalawang linggo na pagsasanay ni Adam ay naging eksaktong isang buwan na lamang. Napabilis iyon dahil ang karamihan sa itinuro ko sa kanya ay napag-aralan na pala niya noon… na hindi ko ikinakatuwa. Naalala kong binanggit niya noong ika-sampung taong anibersaryo ng aking panunungkulan na wala siyang alam sa plano ng kanyang ama na gawin siyang hari, ngunit matagal na pala talaga siya nitong sinasanay at hinuhubog para sa posisyon na iyon.Huling-huli na si Kirsten sa kanyang mga sinasabi tungkol sa pagsasanay ni Adam dahil wala siyang ingat at kontrol sa kanyang mga salita kapag sinasagot ako noong mga nakaraan, ngunit ginagawan pa niya ng lusot kapag napupuna ko.Ang nakapagpatunay rin na matagal na siyang nagsasanay ay ang tagapagsilbi sa kanilang tahanan na kinuha ni Dan sa kanila nang patago. Iilang impormasyon lang ang kanyang nakalap tungkol kay Kirsten kung kaya’t ang tagong pagkuha sa tagapagsilbi na iyon ang aming nagin
“Kung ano man ang nararamdaman mo para kay Heinrich ay pigilan at iwasan mo. Hindi ka pwedeng mahulog sa kanya at hindi mo siya pwedeng mahalin.” Paulit-ulit na bumabalik sa isipan ko ang sinabing iyon ni Danie na hanggang sa panaginip ko ay hindi iyon nawala.Naging malaking palaisipan sa akin ang kanyang sinabi dahil hindi ko mapagkunekta ang nangyari sa akin sa paalala niyang iyon. Hindi man sobrang nakaapekto sa katawan ko ang biglang pagsakit ng puso ko ay hindi ko mapagkunekta ang naramdaman kong iyon sa sinagot ni Danie sa akin.Bakit hindi ko pwedeng mahalin si Heinrich gayong kami ang itinakda para sa isa’t-isa? Siya ang dapat na pag-alayan ko ng pagmamahal at isa iyon sa palagi nilang pinaaalala sa akin noong tumuntong ako sa edad na labing walo, kaya bakit ginawang babala ni Danie na hindi ko iyon maaaring gawin?Hindi ba si Heinrich ang totoo kong mate?“Ayos ka lang ba? Mukhang malalim ang iyong iniisip.” Agad na
“Maligayang pagbabalik, mahal na hari, at maligyang pagdating sa ating mundo, mahal na reyna.” Ang lahat ng kawal, mga tagapagsilbi at ilan sa mga haligi ng mundo nila Heinrich ay binati at sinalubong kami nang makababa kami sa karwahe pagpasok sa tarangkahan ng kanyang kastilyo.Inabot ni Heinrich ang aking kamay at sabay kaming naglakad. Nginitian at pinasalamatan ko ang lahat ng naririto. Hindi tulad sa aming mundo, ang pagtanggap sa akin dito ay totoo kahit na ngayon lamang nila ako nakita at hindi naman totoong kilala. Totoong mga ngiti ang ipinapakita nila sa akin at ang iba ay nababasa ko pa ang isip na kinagagalak nila na nandito ako, hindi tulad ng mga konseho ng aming mundo at ng mga tagasunod nila na kulang na lang ay isumpa o saksakin ako ng harapan upang mawala sa kanilang landas.“Mahal na hari, maligayang pagbabalik. Nakahain na ang mga pagkain inyong ipinag-utos na ihanda,” pagkausap kay Heinrich ng sa palagay ko ay ang pinunong
Ang pakiramdam na gusto at tanggap ka ng mga mamamayan kahit hindi mo sila pinamumunuan ay totoong nakapagpapagaan ng aking kalooban. Kung paano ang turing at trato nila kay Heinrich ay ganoon din sila sa akin.Kaninang tanghali hanggang hapon ay pumunta kami sa bayan. Nag-ikot, nakipag-usap at nakisalamuha sa mga mamamayan. Nagdaos din sila ng maliit na salo-salo para sa amin kung kaya’t noong pananghalian at kahit nang sumapit ang gabi ay roon kami kumain ni Heinrich. Halos ang lahat sa kanila ay bukas ang mga tahanan para sa amin. Ang iba ay nagbigay pa nga ng mga sariling ani mula sa kanilang mga pananim, at ang iba ay nagbigay ng mga kagamitang sila mismo ang may gawa. Nang tanungin ko rin sila kanina kung may poot at galit pa ba silang nararamdaman sa aming lahi; sa mga bampira, ay tapat na humindi sila, bagkus ay nagpasalamat pa nga dahil ang pamumuno ng ama ni Heinrich ay natulukdukan nang mapaslang siya ng aking ama.Nang malaman din nila na ako ay may d
Ikalawa at huling gabi na ng pananatili namin dito ni Heinrich sa kanilang mundo. Kaninang pagkagising namin at pagkaayos ay sa ibang bayan naman nila kami bumisita, at ng nangyari kahapon ay nakihalubilo rin kami sa kanilang mga mamamayan, at bago sumapit ang dilim ay bumalik na kami sa kastilyo at naghanda para sa pag-alis at pagpunta sa mundo ng mga witch kung saan doon gaganapin ang pagpupulong. Katulad nang mga nakaraan ay hindi rin naging maayos ang pagpapahinga ko kagabi at nanumbalik din sa aking isip ang mga problemang kinahaharap nang mag-isa na lamang ako sa silid. Kailan ba matatapos ang mga gulong ito at mga hiwaga? Hindi ko man gustong mapagod at sumuko ay baka bigla na lamang mangyari iyon ng hindi inaasahan. Sa dalawampu’t anim na taon kong nabubuhay ay iilan lamang ang mga masasayang alaala na mayroon ako. Kasama ko man noon si ama at ang iba pa ay hindi naman iyon gano’n kasaya dahil sa mga hinaharap na suliranin. Ang buong araw ko noon ay n
Ika-walong araw matapos ng pagpupulong. Dalawang araw bago ang aking kaarawan, bago ang kabilugan ng buwan at bago ang aming gagawing pagsugod. Mahirap maghanda sa aming mundo lalo na’t dapat ay sa dilim kami kumilos.Narito na sa aming mundo ang ilan sa mga kawal at tauhan ng kanya-kanyang lahi na kumikilos nang patago para sa paghahanda. Tatlong araw ang nakakaraan ay binuksan namin ang aming mundo para sa lahat at ang aking ginawang dahilan ay ang selebrasyon para sa aking kaarawan. Mabilis nilang napapasok ang mga kagamitang panlaban sa pamamagitan ng pagpapalabas na iyon ay mga gagamitin para sa pag-aayos. Hindi rin naman halata na iba ang kanilang pakay dahil mukha rin silang normal na mga bisita na nais ang mag-ikot at makisama sa selebrasyon. Nalalaman o nakikilala lang namin na sila ang pinadala dahil sa puting tela na nakatali sa kanila.Si Dan, Heinrich at tatlo sa pinunong kawal na mapagkakatiwalaan ko ang naga-asikaso sa pagtatago at paga-ayos ng mga
“Sa bawat panunungkulan ay hindi maiiwasan ang mga problema. May mga nilalang ka na makakasalamuha na aakalain mo ay kakampi, ngunit biglang ipapakita ang tunay nilang kulay. Ang mga akala mong kaalyansa ay bigla kang tatalikuran, at ang mga inakala mong makakatulong sa pagtagugod ng mundo ay ninanais na pala ang korona at posisyon mo. Sila ang mga dapat mong iwasan at kailangang pigilan,” saad ng ina ng aking amang hari na pumarito sa aking aklatan upang turuan ako. Naupo siya sa tabi ko at ngumiti.“Sa iyong pag-upo sa pwesto ay palagi mong tatandaan na kahit anong mangyari, mawalan ka man ng kakampi at mga kaalyansa, at matirang lumaban ng nag-iisa ay manatili ka pa rin sa tamang landas at isipin kung bakit ka nga ba nasa posisyon na iyan,” dugtong niya. Tumango ako sa kanya at nginitian siya pabalik.“Palagi ko po iyang isasaisip,”sagot ko sa kanya. Mas lumuwang ang ngiti niya sa akin at sinuklay ang buhok k