Share

Ika-dalawampu't dalawang kabanata

Katulad kung paano ang nakagawiang pagkokorona sa sino man na magiging hari o reyna ay gano’n din ang naging proseso kay Adam. Dahil ako ang reyna ay ako ang nagputong ng korona sa kanya at ibinigay ang isang kasulatan na may aking selyo na nagpapatunay at nagpapatibay na simula sa araw na ito ay siya na ang hari ng aming mundo at magiging katuwang ko at ng konseho sa pagsasaayos at magpapanatili ng kapayapaan sa aming lugar… na sana ay tumatak sa kanyang isipan na tungo sa kapayapaan at hindi kaguluhan.

Kanina ay gusto kong masamid sa mga pangakong binibigkas niya habang nakaharap sa akin, sa mga konseho, at sa iba pang may posisyon sa aming mundo. Nakapaloob sa pangakong iyon ang pagiging patas, hindi gahaman, hindi mayabang, at hindi paggamit ng pwesto at kapangyarihan para sa pansariling interes, na sana ay kanya ring maintindihan at magbigay linaw sa kanyang isipan at sa mga iba pang kaalyansa niya.

Mabuti na nga lang din at hindi bumula ang kanyang b

Bab Terkunci
Membaca bab selanjutnya di APP

Bab terkait

Bab terbaru

DMCA.com Protection Status