Share

Ika-tatlumpu't pitong kabanata (unang parte)

Katulad ng nakagawian ay si Cyrus ang naghugas ng pinagkainan at pinaglutuan namin habang ako naman ang nagwalis at nag-alikabok sa bahay. Saglit lang naman ang naging paglilinis na ginawa dahil sakto lang naman ang laki ng bahay niya. Bagong palit na rin naman kahapon ang mga kurtina at sapin sa higaan kung kaya’t ilang minuto lamang ang tinagal ko sa paglilinis.

“Tapos ka na r’yan?” tanong ni Cyrus sa akin pagkasabit ko ng walis sa likod ng pinto. Humarap ako sa kanya at tumango.

“Oo, tapos na,” sagot ko. Bumalik ako sa may kusina at naghugas ng kamay. Agad naman siyang sumunod sa akin at pinunasan ang mga hinugasan niya bago iyon ibinalik sa tauban.

“Sige. Maayos na ba ang pakiramdam mo? Hindi na kumikirot ang kahit anong sugat mo? Hindi na nagdudugo?” sunod na tanong niya. Hinarap ko siya at tumango.

“Wala. Galing na ako at iilan na lang naman ang sugat na hindi pa tuluyang naghihilom pero tuyo na

Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status