Share

Ika-tatlumpu't anim na kabanata

“Akala ko ba’y wala kang natatandaan? Eh, bakit hayan at sanay kang magluto? Pinaglololoko mo ba ako?” Awtomatiko akong napatigil sa paghihiwa ng gulay nang magsalita si Cyrus sa tabi ko. Kasalukuyan siyang naghihimay ng manok na kakatapos lang palamigin mula sa paglalaga nang sabihin niya iyon. Gusto niya raw kasi akong tulungan sa lulutuin ko pero mula nang lumapit siya rito ay bukod sa napakadami niyang tanong ay kung ano-ano ang mga idinududa niya sa akin. Wala siyang tigil sa pag-iisip ng kung ano-ano imbes na ituon ang atensyon sa kanyang ginagawa.

Ibinaba ko ang kutsilyo sa may sangkalan at nilingon siya. Agad na tinaasan ko siya ng kilay.

“Bakit? Ang ibig sabihin ba ng walang natatandaan ay wala ng kakayahan sa ibang mga gawain? Naging tuluyang mangmang at miski ganitong bagay ay hindi magagawa?” tanong ko sa kanya pabalik. Agad naman siyang napasimangot sa akin at muling hinarap ang manok na pinapahimay ko.

“Hindi rin

Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status