Share

Ika-walumpu't apat na kabanata (unang parte)

Ika-limampu’t anim na araw mula nang dalhin ko ang aming mga magiging anak ni Cyrus. Mabilis silang lumaki katulad ng inaasahan, at dahil dalawa sila ay hindi biro ang laki nila sa aking sinapupunan. Katulad rin ng sinabi ni Helena ay masigla ang aking mga anak, at hindi nila ako pinapahirapan. Dahil may ibayong lakas ako ay hindi ako nabibigatan at nahihirapan na dalhin sila, ang kaso nga lang ay kinailangan kong araw-araw na uminom ng purong dugo ng mga mortal dahil masyadong nakukuha ng aking mga anak ang aking lakas.

Mayroong pangyayari noong nakaraang araw na bigla na lamang akong bumagsak at nawalan ng malay. Dahil doon ay sobrang nag-alala sa akin ang lahat, lalo na si Cyrus na inaalala na baka sa paraang ito mangyayari ang sumpa sa pagitan namin, ngunit mabuti na lamang at nalinaw ng mangagamot at ni Helena na naubusan lamang ako ng lakas at kailangan ang dugo ng mga mortal na nagsisilbing bitamina namin para maibalik ang nawalang lakas kung kaya’t nawala ang pag-aal

Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status