Share

Ika-walumpu't tatlong kabanata

“Ulitin mo ang sinabi mo,” utos ni Cyrus kay Helena at pumasok sa loob ng silid na ito. Napapikit na lang ako nang mariin, at sa aking pagdilat at lumapit ako kay Cyrus. Agad na niyakap ko siya at sinubsob ang mukha ko sa kanyang dibdib.

Hindi ko naramdaman ang presensya niya kanina. Sigurado akong itinago niya iyon at hindi tunay na dumiretso sa may kusina, bagkus ay sumunod sa amin. Hindi ko alam kung may napapansin na ba siya sa mga ikinikilos ko noong mga nakaraan, o kung bakit siya sumunod sa amin, pero ang katotohanan na nalaman na niya ang mangyayari sa mga susunod ay hindi maaari. Ginawa ko ang lahat para itago sa kanya dahil alam kong sobra siyang maaapektuhan, ngunit kahit gaano ko ito itago ay mangyayari pa rin pala ito.

“Totoo ba ang lahat ng nakita mong mangyayari sa ikalawang kabilugan ng buwan? Paanong mangyayari na ako ang magiging dahilan ng pagkamatay ni Fajra? Paano ang mga a-anak namin? At ano ang sinasabi mong kung hindi sila ay ako ang mawawala?

Bab Terkunci
Membaca bab selanjutnya di APP

Bab terkait

Bab terbaru

DMCA.com Protection Status