Isa-isa kong inilagay sa dadalhin kong bag ang mga kakailanganin kong kagamitan para sa paglalakbay na gagawin ko upang hanapin ang aking itinakdang kabiyak.
Sa totoo lang ay ni-isa ay wala akong ideya kung sino siya, saan siya matatagpuan, ano ang itsura niya o saan siya kabilang. Alam kong mangangapa ako sa dilim sa layunin ko na ito, ngunit kung ito ang makakapagpatigil sa kagustuhan ng konseho na pakikipag-isang dibdib ko kay Adam ay gagawin ko. Kung ang paghahanap sa karapat-dapat at totoong hari ng aming mundo ang solusyon ay gagawin ko, kahit na mahirap.
Ang natatanging magiging palatandaan ko lang ay ang nalaman ko sa ipinabasa sa akin ni Danie kanina. Iyon ay malalaman ko kung ang nilalang ba na iyon ang itinakda sa akin kung makakaramdam ako ng koneksyon sa kaniya. Koneksiyon na para bang hinihila ako upang mapalapit sa kaniya. Pakiramdam na para bang ang paningin ko ay sa kaniya lamang matutuon. Ayon din sa nabasa ko ay maaring lumabas ang aming tunay na anyo ng panandalian kung mararamdaman ang koneksiyon na iyon.
Lubos na kaalaman ang nalaman ko dahil sa librong ipinabasa niya sa akin, ang kailangan ko na lang gawin sa paghahanap ko ay talasan ang pakiramdam upang malaman kung sino ba talaga ang aking itinakdang kabiyak.
“Fajra, sigurado ka ba na hindi ka magsasama kahit na isa sa pinunong kawal na tapat sa iyo?” tanong ni Danie habang tinutulungan ako sa aking ginagawa. Saglit na tumigil ako at tumingin sa kaniya.
“Hanggat maaari ay nais kong ako lang ang aalis at tayo lang ang may alam upang maiwasan ang anumang sularin na pwedeng dumating. Oo at may mga tapat na tauhan tayong pwede kong isama, ngunit sa oras na makontrol na sila ng grupo ni Arthur ay paniguradong malalaman nila ang plano ko na ito at sigurado akong gagawa at gagawa sila ng paraan upang mapigilan ako,” saad ko. Napabuntong-hininga na lamang si Danie at napailing.
“Huwag kang mag-alala sa akin. Magiging maingat ako. Hindi ko naman ipapakita sa lahat ang pagkakakilanlan ko at mananatiling mago-obserba ng tahimik. Mag-iikot lamang ako sa lahat ng posibleng mundo upang malaman kung nandoon ba ang aking kabiyak bago gumawa ng panibagong plano upang hikayatin kung sino man siya na sumama sa akin pauwi rito sa ating mundo,” dagdag ko. Nang matapos kami sa pag-aayos ay naupo ako sa aking kama at gano’n din ang ginawa ni Danie. Tahimik lamang kaming dalawa habang hinihintay kung sino ang magsasalita.
Tatlong oras mula ngayon ay sisikat na ang araw at hinihintay ko na lamang si Dan dahil siya ang makakasabay ko sa pag-alis. Si Dan ay kasalukuyang naghahanda sa kaniyang silid at dito didiretso pagtapos. Siya ay pupunta kung saan nakatira ang mga Venderheel upang magmanman. Ipinagpapanalangin ko na lamang na may makuha siyang impormasyon upang hindi maging mahirap ang mga magiging hakbang at plano namin sa susunod, at maging matagumpay rin sana ang paghahanap ko upang magkaroon kami ng alas pantapat sa mga kalaban.
Si Danie naman ang maiiwan dito upang magbantay at upang pigilan ang sino man sa konseho na gusto akong makausap. Kung hindi mapipigilan na may gustong humarap sa akin ay nagtulong kami ni Danie upang ang aninong ginawa ko na konektado sa akin ay maging aking kawangis. Ito ay kikilos ayon sa utos ko at gagalaw na katulad ko. Ang lahat ng mangyayari sa harap niya ay makikita ko.
Hindi ko alam kung ilang araw ang aabutin ko sa paghahanap kung kaya’t mabuti na ang sigurado at planado.
“Fajra, Ina, handa na ako.” Sabay kaming napatingin ni Danie nang bumukas ang pintuan ng kwarto ko at pumasok si Dan. Nakasuot na siya ng malaki at itim na cloak. Sa likod no’n ay alam kong nakasukbit sa likod niya ang kaniyang mga gamit kasama na ang palaso, pana at espada.
Ako ang nagbigay ng mga iyon sa kaniya para magamit pangproteksiyon sa kaniyang sarili kung may mangyari mang hindi kanais-nais. May taglay rin namang kakaibang pisikal na lakas si Dan at kapangyarihan ngunit ang sabi ko sa kanya ay iwasang gamitin iyon hanggat maaari upang maiwasang makilala siya.
Tumayo na ako mula sa pwesto ko at isinukbit sa aking likod ang bag na daldalhin ko pati na rin ang pana at palaso. Nasa kaliwang bahagi naman ng katawan ko nakalagay ang aking espada. Kagaya ni Dan ay kailangan ko rin ng pang proteksiyon sa aking sarili at kailangang itago ang pagkakakilanlan kung kayat hanggat maaari ay hindi ko gagamitin ang aking kapangyarihan.
Huli kong isinuot ang malaking pulang cloak, eksakto upang matakpan ang buong katawan ko at hindi makita ang aking mukha.
“Mag-iingat kayong dalawa, at huwag makakalimutang kumonekta sa aking isipan upang malaman ko ang kalagay ninyo. Naiintindihan niyo ba?” paalala sa amin ni Danie. Pareho kaming tumango sa kaniya. Nilapitan ko si Dan at hinawakan ang braso niya bago tinignan.
“Handa ka na?” tanong ko.
“Oo,” sagot niya kaya napatango ako. Sa ilang saglit pa ay kasama ko siyang humalo sa hangin at inabot lang kami ng ilang segundo bago natagpuan ang aming mga sarili sa labas ng mataas ng pader kung saan nakatira ang mga Venderheel.
Ang kanilang tahanan ay halos maiikumpara mo na sa aking kastilyo. Bakas ang karangyaan sa bawat detalye nito at nakakasigurado akong ang mga kagamitan sa loob ay nagkakahalaga ng ilang ginto na maaari nang magpakain ng aming mga nasasakupan ng isang taon.
Bukod sa pagiging gahaman ni Arthur sa kapangyarihan ay gahaman din siya sa mga kayamanan at kung ano pang bagay na magpapakita kung gaano siya kataas, at iyon ay isa rin sa mga dahilan kung bakit ko siya gustong hilahin pababa.
“Ayos na ako rito Fajra. Hihintayin ko na lamang sumabog ang liwanag at ang paglabas nila upang akin silang masundan. Maaari mo nang simulan ang paghahanap sa iyong kapareha,” mahinang bulong ni Dan sa aking tabi at inalis ang pagkakasuot ng hood ng kaniyang cloak. Ginaya ko ang kaniyang ginawa at nagmatyag sa paligid.
Nandito kami ngayon sa kaliwang bahagi ng matayog na pader kung saan walang nagbabantay. Nakita ko na ang kabuuan ng mansiyon na ito dahil may inutusan ako noon upang ilarawan at pag-aralan kung kayat alam ko na sa parte na ito ay walang nagbabantay at walang dadaan na kahit sino. Ito rin kasi ang parte kung saan malapit sa kagubatan.
Mayroon lamang dalawang daanan papasok upang matunton ang pinakaloob ng matataas na pader na ito at iyon ay ang tarangkahan sa harap at ang daanan ng mga nagsisilbi rito sa likurang bahagi. Hindi ko alam kung ilan ang nagbabantay roon ngayon pero sigurado akong mga nakaalerto sila.
“Kaya mo bang tumakas ng mabilis?” tanong ko kay Dan na nakapagpakunot ng noo niya.
“Anong balak mong gawin Fajra?” tanong niya pabalik.
“Pasukin ang loob at maghanap ng maaring magamit na alas,” sagot ko. Napapikit nang mariin si Dan at sunod-sunod na umiling.
“Sobrang delikado ng binabalak mo at maaari tayong mahuli. Akala ko ba ay pagmamanman at pagsunod lang kung saan sila pupunta at ang pagtatanda kung sino ang kanilang mga kinausap ang kailangan kong gawin? At baka iyong nakakalimutan na may kailangan ka ring unahin. Hayaan mo na ako rito at gagawin ko ang lahat ng makakaya ko upang makakuha ng impormasyon na makakatulong sa atin,” pagpigil niya sa gusto ko. Napasinghal na lamang ako at muling sinuot ang hood ng aking cloak.
Bigla lamang pumasok sa isipan ko ang plano na iyon. Naisip ko kasi na masyado pang maaga at ilang oras pa bago sumilay ang haring araw, at nakakasigurado ako na sa mga oras na ito ay nagpapahinga pa sila at iilan lang ang bantay sa loob kung kayat isa na itong pagkakataon upang pasukin sila.
“Hintayin mo ako rito. Pumasok ka sa kagubatan at umakyat sa pangalawang punong malapit dito kung may maramdaman kang papalapit. Saglit lamang ako,” bilin ko kay Dan. Nakita ko kung paano nanlaki ang mga mata niya. Balak pa sana niya akong pigilan ngunit mabilis na humalo ako sa hangin.
Sa paglapat ng paa ko sa sahig ay agad kong natagpuan ang sarili ko sa mahabang pasilyo sa ikalawang palapag ng lugar na ito. Tanging ilaw mula sa mga lamparang nakakabit sa pader ang nagbibigay liwanag sa lugar na ito.
Mabagal at tahimik akong naglakad sa pasilyo at natagpuan ang mga pinto ng kwarto. Alam kong isa sa mga kwartong ito ay nandoon si Adam at si Arthur na parehong nagpapahinga, hindi ko lang alam kung alin sa mga kwartong ito ang sa kanila. Hanggang larawan lamang ng mga daanan papasok at istruktura nito ang naibigay sa akin.
Nagpatuloy lamang ako sa paglalakad at pag-oobserba sa paligid. Pare-pareho ang disensyo ng mga pintuan kaya hindi ko alam kung ano ang papasukin ko. Hindi ko alam kung sa mismong kwarto ba mismo ni Arthur matatagpuan ang kaniyang opisina o nakabukod ito. Hindi ko rin alam ang posibleng bumungad sa akin sa oras na mapangahas kong subukang pumasok sa isa sa mga kwarto.
Patuloy lang ako sa paglalakad sa mahabang pasilyo, ngunit napatigil nang makarinig ako ng nag-uusap sa nadaanan kong pinto kung kayat dahan-dahan akong lumapit dito. Ipinikit ko ang mga mata ko at mas tinalasan ang pandinig.
“Sa palagay mo ba ay makukuha mo talaga ang loob ng mahal na reyna?” Si Arthur. Nakakasigurado akong si Arthur ang nagsalita dahil sa ilang taon kong nabubuhay ay kilalang-kilala ko na ang boses niya.
“Hindi ko masisigurado ama, dahil kasing tigas ng isang bato ang puso niya. Gusto ko siyang malapitan, gusto ko siyang mas makilala ngunit sa bawat pagsubok ko ay itinataboy niya ako at tahasang ipinapakita na kinasusuklaman niya ako.” At ang sumagot na iyon ay nakakasigurado akong si Adam. Nagpatuloy lamang ako sa pakikinig pero sinigurado pa rin na alerto.
“Gawin mo ang lahat ng makakaya mo upang makuha mo siya—”
“Hindi niyo na ako kailangang paalalahan, ama. Ginagawa ko ang bagay na ito ng bukal sa kalooban ko at hindi dahil ipinag-uutos ninyo. Maganda, likas na matalino at matapang ang mahal na reyna kaya kahit sino naman ay siguradong mahuhulog ang loob sa kaniya.” Agad na napakunot ang noo ko sa sinabing iyon ni Adam. Hanggang dito ba sa kanilang tahanan ay kailangan niyang umarte? Hanggang sa harap ba ng kaniyang ama ay kailangan niyang sabihin ang mga iyon at ipalabas na tunay nga ang papuri niya sa akin? Bakit? Dahil may bukod ba siyang binabalak?
Inis na naiyukom ko ang kamao ko. Kung ano man iyon ay hindi siya magtatagumpay.
“Huwag mong sabihin na nahulog na talaga ang loob mo sa mahal na reyna?” Iyon ang huli kong narinig bago muling humalo sa hangin at bumalik kung saan ko naiwan si Dan.
Walang kwenta. Walang kwenta ang mga nalaman ko at paniguradong puro kasinungalingan. Ang isang nilalang na gahaman ay kahit kailan’y hindi mahuhulog ang loob sa kahit na kanino. Tanging ang kapangyarihan at karangyaan lamang ang kaya nilang tingalain.
Naabutan ko si Dan sa may loob ng gubat, sa likod ng isang puno at nakaupo roon. Agad siyang tumayo nang makita ako. Inalis ko ang pagkakasuot ng hood ng aking cloak.
“Ano ang iyong nalaman o nakalap?” tanong niya. Umiling ako at naupo sa tabi niya.
“Wala. Gising ang mag-ama kung kayat umalis na ako. Sigurado akong ang kinaroroonan nilang kwarto ay ang opisina at paniguradong nandoon ang mga talaan o kung ano man ang kailangan nating makuha. Sa ibang pagkakataon na lamang natin pasukin,” paliwanag ko. Napatango na lamang si Dan at sumandal na ulit sa puno.
Namayani ang katahimikan sa aming dalawa. Nakatitig lamang ako sa mga tuyong dahon na nasa harapan ko at napunta sa malalim na pag-iisip.
Kailangan kong gumawa ng iba pang hakbang at plano upang mapabagsak si Arthur. Kailangan ko muna siyang pilayan at putulin ang mga galamay na tumutulong sa kaniya. Kapag nagawa ko na iyon ay sunod ko namang kailangang pagplanuhan kung sa paanong paraan ko siya hihilahin pababa.
Nagsisimula na siyang gumawa ng hakbang upang mabura ako sa mundo. Alam kong kapag muli ko pang tinanggihan ang kasal na kanilang napagdesisyunan at may isang hindi na namang mangyayaring maganda at ayokong umabot sa punto na may idamay pa silang mga inosente dahil sa tahasan kong pagtanggi at pagkalaban sa kanila.
Ngunit… paano? Ano pa ba ang dapat kong gawin?
“Hindi ka pa ba aalis?” basag ni Dan sa malalim kong pag-iisip. Inangat ko ang tingin ko sa kaniya at tinaasan siya ng kilay.
“Pinapaalis mo na ba ako?” tanong ko pabalik sa kaniya. Agad na napasimangot na lamang siya at napahilamos sa kaniyang mukha.
“Mahal na reyna, magkaiba ang ating pakay—”
“Alam ko iyon. Sa palagay mo ba ay makakapag-ikot na ako ng ganitong oras? Mas malaki pa ang posibilidad no’n na hulihin ako kaysa sa pagpasok ko sa tahanan ng mga Venderheel kanina. Masyado pang maaga upang lumakad ako,” sagot ko at sininghalan siya. Napailing na lamang si Dan at pumikit.
Kaya lang naman ako umalis kasabay niya dahil ito ang oras na tahimik akong makakalabas ng palasyo. Kung sa pagsabog ng liwanag ako aalis ay siguradong may makakakita sa akin at iyon ang iniiwasan ko. Tanging kaming tatlo lang nina Dan at Danie ang may alam sa balak ko na ito.
Hindi ko alam kung ilang oras ba kaming nakaupo at nakatulala ni Dan sa kawalan habang nagpapalipas ng oras. May kaunti ng liwanag sa paligid nang sinabihan ko si Dan na bahagyang lumayo na rito at magtago sa itaas ng puno. Iyon na rin ang aking naging tanda na kailangan ko nang umalis upang simulan ang totoong kailangan kong gawin. Ito na ang tamang oras upang simulan ang paghahanap sa aking itinakdang kabiyak at ang karapat-dapat na maging hari ng aming mundo.
Bitbit ang pag-asa ay tinahak ko ang daan papunta sa bayan, nagbabakasakali na agarang makita ang nilalang na hinahanap ko.
“P-paano mo nalaman ang aking pangalan? At saka sino ka ba sa inaakala mo?!” galit na wika kong muli. Hindi ko alam kung paano niya nalaman ang pangalan ko. May kakayahan ba siyang basahin ang isip ng isang tao?! Sinamaan ko siya ng tingin, ngunit hindi ko inasahan na bigla siyang lumuha sa harap ko. Sunod-sunod na pumatak ang mga iyon at kitang-kita ko ang iba’t-ibang emosyon sa kanyang mata na hindi ko alam kung para saan at bakit. Napasinghap ako nang bigla siyang lumapit sa akin at kinulong ako sa kanyang yakap. “Maraming salamat sa pagbabalik, mahal ko… Maraming salamat sa paglaban. Mahal na mahal k-kita. Antagal ka naming hinintay ng mga anak natin. Sa wakas, nandito ka nang muli…” Napaawang ang aking labi dahil sa sinabi niyang iyon. Ang lungkot, sakit, at saya ay maririnig sa kanyang boses. Hindi ko alam kung bakit, pero nang marinig ko pa lang ang boses niya ay para bang naging kakaiba ang bilis ng tibok ng puso ko, kung kaya’t nang maramdaman
FAJRAKadiliman. Puro kadiliman ang nakikita ko. Hindi ko alam kung ilaw oras, araw, buwan, o taon na ako rito dahil hindi ko na kalkulado. Para bang walang katapusan ang kadiliman na ito dahil kahit anong lakad at takbo ang gawin ko ay hindi ko alam kung nasaan ang daan palabas, o kung paano makakaalis dito. Hindi ko alam kung paano ako nakapasok dito dahil sa pagmulat ng mga mata ko ay nandito na ako sa lugar na ito, at hindi ko rin alam kung isa ba itong panaginip o ilusyon dahil hindi ako nakakaramdam ng kahit ano sa lugar na ito, at basta na lamang naglilibot.Hindi ko alam kung gaano na ako katagal sa lugar na ito, ngunit isang araw, bigla na lamang sa pagmulat ng mga mata ko ay natagpuan ko ang sarili ko sa kapaligiran na puno ng mga puno. Mag-isa lang ako at hindi ko alam kung nasaan ako. Ang tanging alam ko lang at ang nasa isip ko ay ang kaalaman sa pangalan ko, at kung anong nilalang ako. Isa akong imortal—isa akong Demon at a
Cyrus, Hindi ko alam kung matagal na bang wala sa hulog ang pag-iiwan ng sulat, ngunit sa pangalawang pagkakataon ay gagawin ko ito. Habang isinusulat ko ito ay kasalukuyan kang kasama nina Dan sa pag-iikot sa mga hangganan ng mundo, at wala akong ibang kasama dahil nanghingi ako sa kanila ng mga pagkain upang maging rason para maiwan nila akong mag-isa kahit na saglit. Cyrus, hindi ako mapapagod na magpasalamat sa iyo dahil sa pagmamahal mo. Ikaw ang nagmulat sa akin ng totoong kahulugan ng pagmamahal at saya. Sa kabila ng bigat ng responsibilidad ko sa aming mundo, sa tabi mo ay naramdaman ko ang kalayaan. Hindi ko inakala na sa mahabang panahon ay hinahanap ko rin pala iyon, kung kaya’t maraming salamat. Minahal at tinanggap mo kung sino ako, pati ang nangyari sa iyo sa nakaraan dahil sa akin. Mahal na mahal kita. Kahit kailan ay hindi ako magsisisi na sinunod ko ang puso ko. Sa tabi mo, naging masaya ko, ngu
Ang pagtulong sa kapwa, lalo na sa oras ng pangangailangan ay palagi kong ginagawa. Hindi ako napapagod na tumulong dahil alam ko, at naranasan ko ang hirap ng buhay. Kahit gipit ako o nagmamadali, hindi ako nagdadalawang isip na tumulong. Ano lang naman ba ang pagaanin ang sitwasyon ng nangangailangan? Lahat naman tayo ay may hinaharap sa buhay, at ang isang paraan upang mapagaan iyon kahit kaunti ay ang pagtulong. Nagiging masaya ako at lumuluwag sa kalooban kong makita ang pagngiti nila sa akin at pasasalamat. Hindi ko kailangan ng kahit anong material na bagay bilang kabayaran. Makita ko lang na masaya sila sa aking ginawa ay kuntento na ako. Sa nagdaang mga buwan, para bang kay bilis ng mga pangyayari. Nagsimulang magkaroon ng kulay ang boring kong buhay mula nang matagpuan ko ang isang babae sa may tabing ilog noon. Hindi ako nagdalawang isip na tulungan siya at kupkupin kahit sa kabila ng katotohanan na hindi ko siya kilala. Walang nakakakilala sa kanya,
CYRUS “Hijo, maaari mo ba akong ihatid sa tabing ilog? Masyado lang marami ang dala ko at nananakit na ang aking likod sa pagbuhat.” Napatigil ako sa paglalakad nang bigla may magsalita sa aking likuran. Boses iyon ng isang matanda, kung kaya’t agad ko siyang nilingon, at nabigla nang makita ngang naroon siya. Nilingap ko ang paningin ko sa paligid upang tignan kung saan siya posibleng nagmula dahil malalim na ang gabi at sa pagdaan ko naman dito kanina ay wala siya, ngunit dahil hindi ko alam at wala akong ideya ay muli ko siyang hinarap at ngitian. Siguro ay masyado lang akong tutok sa paglalakad kanina at hindi siya napansin. Pagod na pagod na kasi ako dahil tatlo ang trabaho ko ngayong araw, at pagtapos ay wala naman nang masakyan kung kaya’t hanggang sa kalagitnaan lang ng daan pauwing lugar namin ang naabutan ko. Halos nakisabay nga lang ako. Pagtapos kong ihatid si Gov kanina sa Munisipyo ay kung saan-saan naman pumunta si Ms. Sof
“Hindi ko nais na umalis…” Napahigpit ang hawak ni Cyrus sa aking kamay. Napangiti ako sa kanya at pinisil pabalik ang kanyang kamay. “Hindi ko nais na iwan ka sa ganitong sitwasyon, ngunit dahil hindi natin alam ang mangyayari ay kailangan ko pa rin itong gawin. Tutol ako sa paglayo lalo na’t ganito ang kinalalagyan mo, ngunit kailangan kong sumunod para sa ikabubuti ng lahat, lalo na para sa inyo ng mga anak natin,” dugtong niya. “Naiintindihan ko. Huwag kang mag-alala dahil sa pagbabalik ninyo ay makakasama mo na kami. At isa pa, nandito sina Ina at ang iba upang bantayan at tulungan ako. Nakakasigurado akong palagi silang magsasabi sa iyo ng mga magaganap,” paninigurado ko sa kanya. Isang malalim na buntong hininga ang pinakawalan ni Cyrus bago yumakap sa akin. Kaagad naman akong gumanti ng yakap sa kanya at ipinikit ang aking mga mata. “Panghahawakan ko ang ipinangako mo sa aking hindi mo ako iiwan. Naniniwala at nagtitiwala akong malalampasan natin ito,