“MOST of our clients these days are more prefer the Madrigal company." Malamig na boses ng chairman na siyang tanging maririnig sa apat na sulok ng kwarto.
"What are you all doing? Natutulog ba kayong lahat?!" Biglaang bayolenteng sigaw naman na dagdag nito.
Inihagis ng chairman ng Pascua Enterprises Holdings Inc. ang folder na binigay sa kaniya ng sekretarya bilang monthly and weekly report. Wala siyang nagugustuhan sa mga iyon.
Napapikit ang mga nasa loob ng meeting room. Isa na doon si Herbert. Na nasa may dulo nakaupo, katabi ng mga kasamahan niyang engineer din.
Apat na taon na siyang head engineer ng kumpanya ng kaniyang asawang si Clarisse ngunit hanggang ngayon ay ang ama pa rin nito ang namamahala niyon. Hindi parin pinapasa kay Clarisse at mukhang wala paring balak ipagkatiwala dito kahit na may edad na ito at kahit na wala din namang ibang pamamanahan, kung hindi ang nag iisa lamang na anak.
Tinignan ni Herbert ang istrikto at malupit na matanda. Halos tumalon ang puso niya nang dumapo ang mata nito sa kaniya. Muli siyang napatungo.
Apat na taon na rin silang kasal ni Clarisse ngunit kahit kailan, kahit isang beses man lamang ay hindi niya ito nakitang ngumiti. Kahit ang asawa niyang si Clarisse ay hindi makuha ang loob nito. At kahit hindi mamutawi sa bibig nito, alam niyang hindi parin siya gusto nito para kay Clarisse. Napilitan lang itong ipakasal sila dahil nabuntis niya ang babae.
“Herbert!” dumadagundong na sigaw nito para mabilis siyang mapaangat ng tingin. Nakita niyang may binulong ang sekretarya nito dito. Tumango ito bago ibinaling muli ang mga matatalim na mata sa kaniya.
“S-Sir?” kabado niyang sagot dito. Hindi niya ito matawag na ‘pa' gaya ng tawag ni Clarisse dito o kaya naman ay ‘dad' gaya naman ng tawag niya sa kaniyang sariling ama. Hindi siya nagpapangahas na gawin iyon.
Mariin siyang tinignan ng matanda bago nagsalita. “Narinig kong ipapakilala ang fiance ni Noah Madrigal bukas ng gabi. Gusto kong pumunta ka doon kasama ni Clarisse. Makihalubilo kayo at kilalanin niyo ang mga kliyente nating dadalo doon. Gusto kong pagsisihan nila ang gagawin nilang pagbaliktad sa akin.” Mababakasan ang galit nito dahil sa ugat nitong lumilinya sa noo at leeg.
Herbert's lips parted. He pressed it in line before answering, “Yes, sir.”
Kahit ayaw niyang sundin ang matanda at pumunta sa mga Madrigal, wala siyang magagawa. Ayaw niyang mas sumama pa ang timpla nito sa kaniya. Isa pa, kailangan niyang maging masunuring son-in-law hanggang sa maisip nito ang halaga nila sa kanilang kumpanya at magdesisyong sa kaniyang kamay iwan iyon.
Dumating siya sa kanilang bahay. Naabutan niya si Clarisse na nakahilata sa sofa habang may katawagan. Tila kinikilig ito ngunit pinatay lamang iyon nang makita siyang dumating at pumasok sa pintuan.
“Nandiyan kana pala. Aga mo, ah?” anito at tinignan lang siya bago muling ibinaba ang tingin sa cellphone. Bumaba ang mata ni Herbert sa nginunguya nitong ubas bago umikot ang mata niya sa magulo at maduming salas. Nakakasigurado siyang hindi na naman ito naglinis ng kanilang kusina at kahit na magluto.
Mayroon silang katulong noon ngunit hindi mga nagtagal. Nilalayasan sila ng mga ito aa kadahilanang malupit daw sa kanila ni Clarisse. Ayaw iyong paniwalaan ni Herbert noong una ngunit nang makailang beses na iyong nangyari, nakumpirma niyang totoo ang sinasabi ng mga ito. Kumalat pa iyon kaya hindi sila makakuha ng bago. Lahat ng agency na tinawagan nila ay pinatayan sila ng tawag. Muntikan pa ngang makasuhan ang babae kung hindi lamang ito sinalo ng ama.
Kaya naman upang hindi na maulit pa iyon, sinabihan siya ng ama ni Clarisse na huwag nang kukuha pa ng katulong. Kung hindi, siya ang mayayari dito.
Kaya naman sinabihan niya si Clarisse tungkol doon, na kailangang ito na ang gumawa ng gawaing bahay dahil wala silang aasahan. Isa pa nasa bahay lang naman ito at hindi na nagtratrabaho dahil sa maselan nitong pagbubuntis, na pang ilang beses na dahil makailang beses na rin itong nakunan. Ngunit kahit ilang beses niya pa itong sabihan, hindi parin ito kumikilos. Tila prinsesa ito at siya naman ang alipin.
Napabuntong hininga na lamang si Herbert dahil sa pagod sa trabaho at sa asawa. Tuloy ay hindi niya maiwasang isipin ang unang asawa. Na kahit kailan ay hindi siya hinayaang gumawa ng mga gawaing bahay noon.
“May pupuntahan tayo bukas.” aniya sa iritadong boses.
Tumingin naman si Clarisse sa kaniya, tila walang gana. “I'm two weeks pregnant, Herbert. Hindi mo ba nakikita? Anong event ba iyan? Bakit kailangan pa ako? Mamaya duguin pa ako.” sarkastikong sagot nito sa kaniya.
Napailing si Herbert, dismayado sa asal ng babae. Hindi siya makapaniwalang nuknukan pala ng pagka spoiled ang pinakasalan. “Just two weeks, Clarisse.” Madiin niyang sabi. “Hindi pa malaki ang tiyan mo para hindi ka makalakad. Ni hindi na nga kita pinapagawa dito sa bahay. Hinahayaan na lang kitang mag cellphone maghapon.”
Pinanlakihan siya nito ng mata. Binato di nito sa kaniya ang babasaging baso sa harap nito. At kung hindi siya nakaiwas nang maaga, siguradong natamaan siya niyon.
“Ang kapal naman ng mukha mong sabihin sakin iyan! Sino bang may gusto ng batang ito, huh? Sino bang ama nito? Hindi ba ikaw na lintik ka?!”
“Hindi mo alam kung gaano kahirap magbuntis kaya wala kang karapatang sabihin sakin iyan!” pagpatuloy nito sa pagsigaw.
Sa apat na taong pagsasama nila ay doon nalaman ni Herbert ang totoong ugali nito, na sa kasamaang palay ay hindi niya nakita agad noong una. Tamad si Clarisse dahil na rin siguro sa buhay na kinalakihan. Bukod doon, mainitin ang ulo nito at mapanakit. At kung nakita lamang iyon ni Herbert noon, siguro ay hindi niya na ito pipiliin pang pakasalan.
Ngunit huli na para pagsisihan pa iyon. Hindi niya na maibabalik pa sa dati ang lahat. Isa pa, wala na rin naman ang una niyang asawa. Hindi niya na ito nakita pa, kahit isang beses. Tila bulang naglaho na ito. Sinubukan niya noong paimbestigahan ang mga Madrigal para malaman kung nasa mga ito ang babae ngunit sa huli ay walang nakita ang mga inutusan niya. Wala doon si Eleanor.
Nilapitan niya si Clarisse at pilit na pinakalma ito. Napapagod na siya sa babae ngunit hindi niya ito pwedeng iwan dahil buntis ito. Dagdag pa doon, siguradong papahirapan siya ng ama nito, gaya nang naging banta nito sa kaniya noong bago sila magpakasal.
“Okay, sorry. Hindi na mauulit. Please calm down, okay? Baka makasama sa bata—”
Tinampal ni Clarisse ang kamay niya na hahawak palang sana dito. Nanunusok ang mga mata nito sa kaniya. Wala na ang dating mapang akit na mga mata nito.
“Kaya nga tigil tigilan mo ako, Herbert. Kung ayaw mong may mangyari sa aming dalawa ng anak mo.”
Kumunot ang noo niya. “Anong sabi mo?”
Maarteng inirapan lamang siya nito bago tatalikuran. Mabilis namang hinawakan ni Herbert ito sa braso.
“Huwag na huwag mong sasaktan ang anak natin, Clarisse.”
Iritadong itinulak siya nito. Umatras na lamang siya at pinagbigyan ito.
“Pinagbabantaan mo ba ako, Herbert? Baka gusto mong makarating ito kay papa?”
Bahagyang kinabahan si Herbert ngunit kalaunan ay ginantihan niya rin ang madilim na pinupukol nitong tingin sa kaniya. Nabasag lamang iyon nang marinig nila ang pagdating ng kaniyang ina.
“Anong nangyayari dito? Nag aaway na naman ba kayo? Aba, rinig na rinig ko ang sigawan niyo kahit nasa gate palang ako.” tanong ni Suzanna pagkapasok na pagkapasok ng pintuan.
“Ma…” bati ni Clarisse at lumapit dito para humalik sa pisnge. “Iyan kasing si Herbert. Pinipilit akong sumama sa kung saan mang lupalop, kahit na alam naman niyang buntis ako.”
Napangiwi ang ginang bago ibinaba ang mata sa buntis. Umiling na lamang siya kay Herbert bago nagsalita. “Nakarating na rin pala ang sa inyo. Kahit ako ay hindi rin naman pupunta sa event na iyon. Kahit na pinadalhan pa ako ng invitation letter ng lintik na Noah Madrigal na iyon.”
Mababasa sa mukha nito na hindi nito ikinatutuwa iyon. Napasinghap naman si Clarisse bago tumingin kay Herbert, na nag aalis ng neck tie at pagod lamang siyang tinignan pabalik.
“Noah Madrigal? B-Bakit? Anong meron?” gulat at kuryosong tanong ni Clarisse sa kaniya. Ngunti bago pa man siya sumagot, inunahan na siya ng kaniyang ina.
“Invitation letter para sa engradeng pagpapakilala ng fiance niya! Akala mo naman kung sinong royal blood para magpaka espesyal! Sus! Sigurado namang hindi iyon kagandahan!” Lait ni Suzanna.
Napanganga si Clarisse sa narinig at kitang kita ni Herbert ang mabilis na pagbabago ng emosyon sa mukha nito. Mabilis itong lumapit sa kaniya na bahagya naman niyang ikinagulat. Mahigpit pa siya nitong hinawakan sa kaniyang mga braso.
“Pupunta tayo! We need to be there, Herbert!” tila atat na atat na sigaw nito sa kaniya.
Nagkatinginan si Herbert at ang ina niya. Parehong gulat sa biglaang pagiging agresibo ni Clarisse dahil lang sa narinig.
“S-Sige…” sagot na lamang ni Herbert. Kabaligtaran ng asawa ay wala siyang gana at interes na makilala ang fiancé ni Noah ngunit dahil kinakailangan iyon, wala siyang choice kung hindi ang pumunta. Lingid sa kaalaman nila, isang malaking pasabog ang madaratnan nila doon.
“THANK YOU.” Ani Caroline kay Herbert nang ihatid siya nito pabalik sa kumpaniya. Ngumiti lamang ang isa sa kaniya bago siya muling pinagbuksan ng pintuan. “Wala kana bang gagawin dito?” dagdag niyang tanong sa lalaki na bahagyang natigilan pa bago umiling. Ngiting-ngiti ito sa kaniya na kanina niya pa kinaiiritahan.“Iyong meeting lang talaga ang dahilan kung bakit ako pumunta dito. Uh…tomorrow! Sa site na ang diretso ko.” He said while sounded like he was expecting something on her reaction. As if he was expecting her to come too. Ngumiti si Caroline bago tumango. “I'll probably too. Let's just see there then?”Hindi na magkamayaw ang ngiti ni Herbert. Tumango ito sa kaniya. She nodded once for finality before she started walking towards the building. Ang labi niyang may pilit na ngiti ay unti unting bumaba at naging flat line. Hindi na siya lumingon pa sa lalaki dahil masama na ang timpla ng mukha niya at hindi niya na din kaya pang umarte sa harapan nito. Masyadong naubos ang pa
MULING sinulyapan ni Caroline si Noah habang naroon sila sa meeting room. Kasalukuyang mayroong dicussion sa ilan pang detalye para sa collaboration project with Pascua.Mula pa kanina ay hindi niya pa nakitang muling tumingin sa kaniya si Noah. Ni umimik sa kaniya ay hindi na rin nito ginawa. She tried to strike a conversation with him ngunit sa huli ay hindi niya rin magawa dahil halatang focus ang lalaki sa trabaho.At kung hindi siya tinatapunan ng tingin ni Noah, si Herbert naman na nasa harapan niya, ay walang tigil ang paninitig sa kaniya. Mukhang malakas ang loob nitong tignan siya ng ganoon dahil wala ang asawa nito. She was playing her pen on her finger habang nakatitig sa harapan. Ngunit kahit nakapokus doon ang mga mata niya ay naroon naman ang atensiyon niya sa lalaking nasa harapan na hindi parin siya tinitigilan sa mga tingin nito.What's wrong with him? Sa isip niya. Natigil ang paglalaro niya sa pen nang maalala ang ginawa niya sa lalaki sa loob ng elevator. Bahagya
DALAWANG araw ang nakalipas matapos ang huling pamamaalam kay Lola Lucy ay naging tahimik ang pamamahay sa pagkawala nito. Ramdam ni Caroline ang kakulangan sa paligid. Lola Lucy brought a huge emptiness to everyone. Lahat ng mga kaibigan at kakilala ay halatang nabigla at nalungkot sa pagkawala nito. Maging ang mga kasambahay ay ramdam niya ang paghihinagpis.Mabuting tao ang matanda kaya hindi na nagtaka pa si Caroline sa iniwan nitong kalungkutan sa puso ng mga kakilala, lalo na sa mga kamag anak at kadugo nito. Dumating pa nga galing ibang bansa ang mga kamag anak nito. Nakakalungkot nga lamang na ang magiging dahilan ng pagdating ng mga ito at pagsasama sama ay ang pagkawala ng matanda. Maging ang mga taong tinulungan ng matanda ay labis ang pinakitang hinagpis nang nakiramay sa burol at libing nito. Noon lamang nalaman ni Caroline na marami itong mga tinulungang makapagtapos sa pag aaral, mga taong may labis na kapansanan at sakit na walang perang pangpagamot ngunit dahil sa tu
TILA kay bilis ng pangyayari. Nakita na lamang ni Caroline ang sarili na nasa harapan ng kabaong ni Lola Lucy na pinaglalamayan ng mga mahal nito sa buhay. She still couldn't comprehend the fact that the old lady is already dead. Tila naririnig niya parin ang mga salita nito noong huli nilang pag uusap. At nakikita niya parin ang mga ngiti nito. Heart attack ang ikinamatay ni Lola Lucy at namayapa ito habang mahimbing na natutulog. Wala itong iniindang sakit noon kaya naman nagulat talaga sila sa biglaang pagpanaw nito. Tuloy ay hindi ni Caroline mapigilang makaramdam ng pagsisisi dahil hindi niya sinulit ang huling sandaling nakasama niya at nakausap ang matanda. Kung alam niya lang ay mas hinabaan niya pa sana ang pakikipag usap sa matanda. Kung alam niya lamang na iyon na ang huli ay pasasalamatan niya ito ng paulit ulit sa lahat ng mga bagay na naitulong nito sa kaniya. Pinunasan niya ang pisnge nang may butil na luha na naman ang tumulo mula sa mga mata niya. Nasasaktan si
PINAGLALARUAN ni Caroline ang alak sa basong hawak habang nakatingin sa mga bituin sa maaliwalas na kalangitan. Hindi siya makatulog sa gabing iyon dahil sa mga nangyari sa pageant. Lumilipad nag isipan niya sa mga nasaksihan kasabay nang pagsasayaw ng mahaba niyang buhok dahil sa malamig na hangin ng gabi. Isinaayos niya ang roba niyang suot sa ibabaw ng kaniyang night dress bago idinampi ang labi sa baso ng alak na iniinom.Alam niya sa sarili niyang hindi siya nakokonsensiya ngunit hindi niya naman maikakailang nakakaramdam siya ng konting awa kay Trina lalo pa at nalaman niyang pinalayas na ito sa kanilang mansion ng sarili ding ina. Hindi niya mapigilang ikumpara ang sarili sa nangyari kay Trina, sa gabing kung kailan siya wala ring pakundangang itinaboy ng dati niyang biyenan na tila asong kalye lamang. Ngunit sa huli ay nakikita niya rin ang pinagkaiba nilang dalawa ni Trina. Mas matindi pa ang nangyari sa kaniya kaysa sa sinapit ng babae kahit na wala siyang ginawa sa pamilya
NaATANGGAL na ang video sa internet ngunit masyado na iyong kumalat para mabura pa ang lahat. Sira na ang imahe ni Trina sa publiko at natanggal na rin siya ng tuluyan sa pageant. Ngunit hindi lamang siya ang nakakatikim ng negative comments, dahil maging ang ina niyang si Suzanna ay bina-bash na rin dahil sa nalamang nagbabayad ito upang mapanalo lang ang anak sa pageant. Naungkat pa ang noong mga issue din patungkol parin kay Suzanna at sa mga pandarayang ginawa nito upang manalo sa mga pageant na sinalihan. Nagbigay pa ng mga kumento ang mga dati nitong nakalaban kaya lalo siyang nadiin.“I can't believe this!” sigaw ni Suzzana sa gigil matapos sampalin si Trina. Pagkauwing pagkauwi nila ni Herbert ay kasunod na dumating ang ina niya at kapatid. Pagkakita pa lamang ni Suzanna kay Trina ay nanggigigil siya nitong hinablot at pinagsasampal. Natigil nga lamang nang pumagitna na si Herbert. Sa gilid naman ay naroon lamang si Shiela na hindi malamang kung anong gagawin sa sitwasyon. Na
PINANOOD ni Caroline ang paghagulgol ni Trina sa balikat ni Herbert na tanging umakyat sa stage para harangan ang kapatid mula sa mga matang mapanghusga. Ngunit bago iyon ay nakita ni Caroline ang pag alis ni Suzanna para iwanan ang anak at isalba ang sarili sa mga aakusasyon. Hindi siya makapaniwalang madali lamang ni Suzanna na tinalikuran ang anak. Bukod dito, maging si Shiela na kakambal pa ni Trina ay iniwan ang kakambal na tila hindi nito kilala ang binabato ng masasakit na salita. Sumunod ito sa kaniyang ina sa pag alis na parang walang nangyari.Gustong matawa ni Caroline. Ngunit hindi dahil natatawa siya sa nangyayari ngunit dahil naiinis siya. Hindi siya makapaniwalang ganoon kawalang puso si Suzanna at si Shiela.Nag e-expect siya na kahit papano ay ipagtatanggol ng mga ito si Trina. Ngunit walang ganoong nangyari.Huminga siya nang malalim bago naglakad para sundan na lamang si Herbert at si Trina. Sinundan din ang magkapatid ng mga reporter na nandoon sa event. Of course
PINILIT ni Caroline na hindi ipakitang nasasaktan na siya sa pagkakahawak ni Herbert lalo pa sa narinig na pag-aakusa nito. Gusto niyang sampalin ito at itulak ngunit matinding pagpipigil ang ginawa niya. She need to calm down. Hindi niya hahayaang ang galit ang sumira ng mga plano niya.“Ganiyan ba kasama ang tingin mo sa akin, ha? Herbert?”Nakita niya ang unti unting pagbabago sa reaksiyon ng lalaki. Maliit siyang ngumiti, pinapakita ang pekeng kalungkutan. Although, deep inside she really felt a bit hurt. Dahil sa kabila ng mga naging paghihirap niya at mga naging sakripisyo at kabutihang pinakita noon sa lalaki at sa pamilya nito, tila hindi parin nito nakita ang mga bagay na iyon. Tama nga ang desisyon kong saktan ka rin, Herbert. Dahil tila wala kapa ring pagbabago. Kaya naman sisiguraduhin kong pagsisisihan mo ang lahat. Luluhod ka sa harapan ko kasama ang pamilya mo. Sa isipan ni Caroline.“Kung may higit mang taong mas nakakakilala sakin, ikaw iyon hindi ba? You know that I
“WHAT is that stupid girl doing? Bakit hindi niya sinasagot ang tawag ko?” Napatingin si Herbert sa gilid kung nasaan ang kaniyang ina. She's repeatedly trying to connect to her daughter, Trina. Sa tabi nito ay nakaupo naman ang kakambal ni Trina na si Shiela na halatang bagot na bagot at gustong umuwi na. Nandoon sila para suportahan si Trina sa kumpetisyon o mas mabuting sabihin na ipakita sa publiko na sinusuportahan nila ito kahit na ang totoo ay wala naman sa kanila ang may interes na pumunta doon maliban na lamang sa ina nila, na gustong maiuwi ang korona at maipagyabang sa mga kakilala at kaibigan nito iyon. Herbert knows how obsessed her mother to win the trophy. Hindi ito nakoronahan noon sa isang sinalihang malaking kumpetisyon. At dahil hindi parin iyon matanggap, ginagawa nito ang lahat ngayon na manalo sa pamamagitan ng anak. “I will kill her.” Rinig niyang nanggigigil na sabi nito. Napabuntong hininga na lamang si Herbert. Wala naman talaga sanang balak na sumama si