Share

Kabanata 3

Author: Chu
Natutulog si Frank sa kotse ni Trevor noong tumunog ang phone niya, kaya nagising siya.

Nang makita niya na si Helen ang tumatawag, sinagot niya ito at agad niyang narinig ang kanyang malamig na tanong, “Frank, kasama mo ba si Mr. Zurich ngayon?”

Tumingin si Frank kay Trevor, na nakaupo sa tabi niya. “Oo.”

Huminga ng malalim si Helen upang pakalmahin ang kumukulo niyang dugo—tila hindi nagsisinungaling si Peter!

“Dismayado ako sa’yo, Frank,” ang sabi niya. “Kung masama ang loob mo, pwede mong sabihin sa pagmumukha ko—bakit siniraan mo ang pamilya ko?”

Hinimas ni Frank ang kanyang sentido nang sumagot siya, “Maniniwala ka ba kapag sinabi ko sa’yo na hindi ko ginawa ‘yun?”

“Kung ganun, bakit aalis si Mr. Zurich pagkatapos niyang dumating sa tapat ng pinto ko?!” Ang tanong ni Helen. “Kinansela din niya ang partnership namin!”

“Desisyon ‘yun ni Trevor at wala yung kinalaman sa’kin.”

Kumbinsido si Helen na si Frank ay isang duwag at hindi niya ito aaminin, nanggalaiti si Helen at mariin niyang bigkas ang bawat salita. “Dismayado talaga ako sa’yo.”

Bigla ring lumamig ang boses ni Frank. “Mukhang ang tanging mahalaga sa’yo ay kung ano ang pinaniniwalaan mo at hindi ang katotohanan. Wala akong ideya kung ano ang sinabi sa’yo ni Peter at wala rin akong balak na magpaliwanag—huwag mo na lang akong abalahin tungkol sa mga bagay na gaya nito kahit kailan.”

At pagkatapos niyang sabihin ang mga salitang iyon, ibinaba ni Frank ang tawag, pumipintig ang mga ugat sa likod ng kanyang kamay habang kumikinang ng malamig ang kanyang mga mata.

Hindi niya inakala na walang tiwala sa kanya si Helen pagkatapos ng tatlong taon nilang pagsasama, sinisi niya siya nang dahil lang sa ispekulasyon.

Marahil ay naniniwala din talaga si Helen na isa siyang walang kwentang shut-in!

Sa tabi niya, halata ni Trevor na mula sa mga Lane ang tawag. Nagtanong siya, “Gusto mo bang turuan ko sila ng leksyon, Mr. Lawrence?”

Bumuntong hininga si Frank at pinagsabihan niya siya. “Huwag na. Lumayo na lang tayo sa kanila simula ngayon.”

Hindi pa niya kayang sirain sila sa ngayon, kaya mabulok na lang muna sila kung gusto nila.

-

Hindi nagtagal, dahan-dahang pumasok ang Rolls-Royce ni Trevor sa villa ng mga Turnbull sa tuktok ng isang burol.

Tila nasabihan na sila tungkol sa pagdating nila, isang tagapagsilbi ang nakahanda at sumalubong sa kanila, at dinala sila sa drawing room.

Pagkatapos niya silang dalhan ng tsaa, sinabi niya na, “Pakiusap magpahinga muna kayo, mga ginoo. Ipapaalam ko kay Mr. Turnbull tungkol sa pagdating niyo.”

Pagkatapos tumalikod at umakyat sa taas ng tagapagsilbi, tumingin sa paligid si Frank at tahimik na bumulong, “Talagang walang gaanong mga tagapagsilbi dito, ‘no?”

“Hindi mo sila dapat maliitin, Mr. Lawrence,” ang sabi sa kanya ni Trevor. “Si Walter ang itinuturing na pinuno ng mga Turnbull sa Riverton, habang ang karamihan sa kanilang impluwensya ay nananatili sa Morhen.”

“Pambihira ang kanilang heiress na si Vicky, mag-isa niyang itinatag ang isang transnational trading conglomerate limang taon na ang nakakaraan at bilyon-bilyon ang naipon niya. Isa rin siyang apprentice ng gobernador ng Riverton at isang prodigy ng martial arts—isa na sana siyang elite sa mga kabataan ng Riverton kung hindi dahil sa sakit niya.”

Ininom ni Frank ang kanyang tsaa at natawa siya. “Napakataas talaga ng tingin mo sa kanya! Paano siya maikukumpara kay Helen?”

“Haha!” Tumawa si Trevor, hindi siya nagpigil dahil hiwalay naman na sila Frank at Helen. “Parang ikinukumpara mo ang isang lobo sa isang hamak na tupa.”

Biglang may naisip si Trevor, at ngumisi siya. “Oo nga pala, Mr. Lawrence, isa kang ginoong may dignidad, matalino, at mapagmahal, habang si Ms. Turnbull ay isang magandang babae na matalino din. Kapag nagpakasal kayong dalawa, siguradong magiging isa itong perpektong kasalan—at ako, si Trevor Zurich, ay nakahandang maging guarantor mo.”

“Bleurgh!” Halos masamid si Frank sa kanyang tsaa at tiningnan niya ng masama si Trevor. “Yung sarili mo ang alalahanin mo, huwag ako.”

Nahihiyang nagkamot ng ulo si Trevor, nagulat siya na hindi interesado si Frank.

Sa sandaling iyon, narinig ni Trevor ang mga nagmamadaling yabag at agad siyang tumayo upang batiin ang lalaking palapit sa kanila. “Mr. Turnbull.”

Hinawakan ni Walter ang kanyang kamay at masayang nagtanong, “Trevor, kaibigan…Nasaan yung mahimalang manggagamot na sinabi mo?”

Mabilis na ipinakilala ni Trevor si Frank. “Ito siya—si Frank Lawrence. Nagsasanay siya ng mag-isa sa south pole, at pambihira ang mga kakayahan niya bilang isang manggagamot.”

Nanigas ang ngiti ni Walter nang makita niya kung gaano kabata ang itsura ni Frank. “Nagbibiro ka ba, Trevor? Napakabata niya!”

“Kailanman hindi ako magsisinungaling sa’yo, Mr. Turnbull,” ang seryosong sinabi sa kanya ni Trevor. “Kapag pati si Frank nabigong pagalingin ang anak mo, wala nang makakapagpagaling sa kanya.”

Kahit na duda si Walter tungkol kay Frank, wala siyang magagawa kundi subukan ito, lalo na’t inirekomenda siya ni Trevor.

“Kung ganun, pakiusap sumama ka sa’kin, Mr. Lawrence.”

“Ituro niyo ang daan, sir,” ang sabi ni Frank, at sinundan nila ni Trevor si Walter papunta sa isang kwarto sa ikalawang palapag.

Sa loob, nakita ni Frank ang isang babae na nakahiga sa kama.

Kasing ganda talaga siya ng gaya ng inilarawan ni Trevor, na may maputing balat, malinaw na mga mata, at kaakit-akit na mukha.

Kahit na mukha siyang payat at sakitin, hindi maitatago ang mapagmataas niyang presensya—nakadagdag ito sa kagandahan niya.

Isang babaeng nakaitim na suit ang nakatayo sa tabi kanyang kama, at lumalabas na siya ang kanyang bodyguard.

Nagmamadaling lumapit si Walter sa kanyang anak, at kinausap niya siya, “Vicky, dinalhan ka ni Trevor ng isang manggagamot. Siguradong matutulungan ka niya sa pagkakataong ito.”

“Maraming salamat, Mr. Zurich.” Pinilit ngumiti ni Vicky, ngunit mas alam niya ang kanyang kondisyon.

Kung sabagay, hindi na mabilang ang mga naging konsultasyon niya sa ibang mga manggagamot sa nakalipas na limang taon… at walang sinuman sa kanila ang nakatulong sa kanya.

Natural, hindi rin siya umasa na mapapagaling siya ni Frank. Ang kanyang pasasalamat ay isa lamang promalidad.

“Hindi mo kailangang magpasalamat, Ms. Turnbull.” Ngumiti si Trevor at lumingon siya kay Frank. “Ikaw na ang bahala sa kanya, Mr. Lawrence.”

Tumango si Frank, komportable siya habang naglalakad siya palapit kay Vicky upang hawakan ang kanyang pulso.

Kumurap ang mga mata ni Vicky, nagulat siya na napakabata pa ni Frank, at pinagmasdan niyang maigi ang pagkunot at paghinahon ng mga kilay ni Frank.

Pagkaraan ng ilang sandali, nagtanong siya, “Madalas ka bang mag-ensayo ng martial arts, Ms. Turnbull?”

“Nag-ensayo ako ng kaunti kasama ang guro ko, para ito sa kalusugan ko,” mahinang sumagot si Vicky.

“Hanggang saan?”

Bahagyang kumunot ang noo ni Vicky. “Initiate—bakit mo ako tinatanong tungkol diyan imbes na sa kondisyon ko?”

Ngumiti si Frank pabalik kay Vicky. “Dahil ang pag-eensayo mo ng martial arts ang nagdulot ng kondisyon mo.”

“Ano?!” Napasigaw sa gulat ang lahat—maaaring humantong sa ganitong sakit ang martial arts?!

“Kalokohan!” Si Yara Quill—ang nakaitim na bodyguard na nakatayo sa tabi ng kama ni Vicky—ay nagalit noong sandaling iyon. “Pinag-aaralan ni Vicky ang Boltsmacker, isang technique na ipinamana sa aking angkan sa loob ng maraming henerasyon! Kung ‘yun ang naging sanhi ng sakit niya, bakit hindi nagkasakit ang tatay ko?”

“Hindi lahat ng tao ay nababagay sa ťpagsasanay ng martial arts,” ang sabi ni Frank. “Ang technique na sinabi mo ay ginawa para sa mga lalaki at hindi ito angkop para sa mga babae. Titigil sa pagdaloy ang Ki ni Vicky, dahilan upang mabarahan ang kanyang mga vein at mga nerve—higit pa rito, naabot na niya ang Initiate. Bagama’t isa itong accomplishment, maswerte siya na naparalisa lamang ang katawan niya—Sa mas malalang kaso, ang kanyang Ki, ay mayroong kakayahan na sirain at patayin siya.”

Lumingon siya upang tumingin kay yara, at sinabing, “Dapat tumigil ka na rin. Mapaparalisa ka sa loob ng tatlong taon, kapag nagpatuloy ka.”

“Manahimik ka!” Winasiwas ni Yara ang kanyang palad papunta sa mukha ni Frank sa mga sandaling iyon!

Parang kapatid na niya si Vicky—nagsanay silang pareho sa ilalim ng kanyang ama, at nanatili siya sa tabi ni Vicky mula noong nagkasakit siya.

Sigurado si Yara na gumagawa ng gulo si Frank upang paglayuan sila at malinaw na sinasabi sa kanya na ang technique ng kanyang angkan ay isang kalokohan.

Kailangan niya siyang saktan upang pahupain ang galit na naramdaman niya!

“Tigil!” Ang sabi ni Trevor habang namumutla siya sa takot—hindi niya inasahan na aatakihin talaga ng bodyguard ni Vicky si Frank!

Gayunpaman, hindi ito dahil sa nag-aalala siya kay Frank. Sa halip, nag-aalala lang siya para sa ignoranteng bata na ‘yun!
Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • The Girlboss Begs for Remarriage   Kabanata 1551

    Bagaman tiningnan ni Gina ng masama si Frank, nilakasan pa rin niya ang loob niya at sumagot siya, “Oo, siya ang son-in-law ko. Hindi mo ba alam ang kasabihan na ‘ang pakong nakausli ay pinupukpok ng martilyo’? SIya ang son-in-law ko—huwag kang mainggit sa’kin ngayon.”Parehong napanganga at nagulat sina Helen at Frank.Gayunpaman, blangkong tumingin lang si Helen kay Frank sandali bago bumalik sa katinuan at ngumiti sa kanya.Ang kanyang ngiti ay nagpatigil sa lahat ng mas batang lalaki na nakatingin sa kanya nang diretso noong sandaling iyon.Bagaman hindi masasabi kung sinisikap lang ni Gina na mapanatili ang kanyang dangal o sadyang nagiging taktikal, higit o kulang ay kinikilala niya si Frank bilang kanyang manugang. Kung mayroon man, malaking pagbuti ito mula sa kanyang matigas na pagtanggi na aprubahan siya noon.Kahit si Frank ay nagulat.Handa na siyang mairita ulit kay Gina, at iba ang pakiramdam nito... kakaiba.“Hahaha… Kinokopya mo pa ang ganyang kalokohan? Nakakata

  • The Girlboss Begs for Remarriage   Kabanata 1550

    ”Uy, pogi. Pwede bang magpapicture?”Sinugod si Frank ng isang grupo ng mga dalagang nakasuot ng magagarang damit pagkababa niya, matapos nilang ilabas ang kanilang mga telepono.“Sige lang.”Ang palakaibigang reaksyon ni Frank ay nagdulot ng sunod-sunod na hiyaw.“May girlfriend ka na ba, pogi?”“Ilang taon ka na? Gusto mo bang lumabas mamaya para mag-inuman?”Magalang na ngumiti lang si Frank sa masisigasig na kababaihan at umikot sa kotse para buksan ang kabilang pinto.Bumaba ang isang ice queen na nakasuot ng puti, nagpapakita ng malakas na presensya at malamig na pag-uugali.Sa katunayan, paglabas pa lang ni Helen, lahat ng ibang bisitang dumaraan ay nakatingin at nakanganga sa kanya, at maraming lalaki ang nakatingin nang may inggit kay Frank.“Shit, naglalakad sa mga kalye ng Norsedam ang isang napakagandang babae?”“Siguro? Ngayon ko lang siya nakita dito…”“Napakalamig, napakaganda! Gusto kong tapakan niya ako ng mga takong niya…”“Ano kamo? Umayos ka nga!”Sa ka

  • The Girlboss Begs for Remarriage   Kabanata 1549

    "Oh!"Namula si Helen, sa wakas ay naalala na nasa kwarto rin si Noel.Mabilis siyang tumayo at hinawakan si Noel. “Ms. York... Pwede ka bang sumama sa’min? Baka may performance session, at pwede kang kumanta o kung ano…”Hindi nagtagal ay tumigil si Helen sa pagsasalita, namumula habang napagtanto niyang katawa-tawa ang kanyang kahilingan.Dahil sa katayuan ni Noel, milyun-milyon ang sisingilin niya para sa isang kanta lang sa kasal.Pero dahil medyo kakaiba ang pakiramdam na bayaran si Noel para sa isang bagay na tulad nito, nahihiya si Helen na nagtanong pa siya."Oh…"Naramdaman din ni Noel ang pagkailang, dahil hindi naman ito usapin ng pera.Hindi niya kailanman tatanggihan ang kahilingan ni Helen, pero kakaiba ang pakiramdam na kumanta sa kasal ng isang taong hindi niya kilala.Nang sandaling iyon ay bahagyang naghikab si Frank, itiniklop ang mga braso sa dibdib habang nagpakita ng malabong ngiti kay Noel. “Ms. York, pwede mong makuha ang limang bilyong nakuha natin mul

  • The Girlboss Begs for Remarriage   Kabanata 1548

    Gayunpaman, pagkatapos ng maikling katahimikan, nawala ang galit ni Titus habang siya ay ngumingiti, bagaman napakasama."Frank Lawrence…" ungol niya. “Aaminin ko, may ilang pakulo ka pa palang inilalabas, na nakakahiya ako nang ganito.”Sa kanyang mesa ay may tablet na nagpe-play ng balita ng araw.At sa screen ay si Sil, ang pribadong bahagi niya ay tinakpan ng mosaic, na marahas na itinutulak ang sarili sa pagitan ng mga binti ni Rory.Kahit patuloy na sumisigaw ang pinakamagaling na mang-aawit ng Draconia, hinarap ni Titus ang mga bantay ng Lionheart, malamig ang ekspresyon. “Nasaan na sila ngayon?! Dalhin niyo sila sa akin!”“Yung totoo…”Isa sa mga bantay ay nagsimulang magsalita nang mahirap at nag-a-atubiling, "Pinadala na namin ang aming mga tauhan para maghanap bago pa man ito lumabas sa balita, pero pareho silang patay sa bar sa basement na madalas puntahan ni Sil..."Lumawak ang nakakatakot na ngiti ni Titus sa sinabi nito, at nagmungot siya, "Frank Lawrence! Kung ga

  • The Girlboss Begs for Remarriage   Kabanata 1547

    Tinatawanan rin ni Rory ang sarili niya, habang naghihintay ng tamang oras para sa kanyang paghihiganti, ipinapadala ang Lionhearts para habulin sina Frank at Noel... pero ganito lang pala ang mangyayari.Kahit si Sil, na walang tigil sa pagmamayabang tungkol sa sarili niyang lakas, ay hindi makalaban nang ihagis siya ng mga tauhan ni Gene sa sahig na parang manika.Ang hindi alam ni Rory, gayunpaman, ay na bilang pangalawang pinuno ng Caudal Hall ng Sektang Volsung, si Sil ay talagang isang kahanga-hangang indibidwal—kulang lang talaga siya kung ikukumpara kay Frank.Kasalanan din ni Sil dahil sa pagiging arogante niya kaya hindi siya nagdala ng ibang tao para sa pulong kay Noel. Dahil doon, madaling nahuli ni Frank si Sil na walang kamalay-malay, binigyan siya ng gamot na magti-trigger kapag ginamit ni Sil ang kanyang purong lakas.Bagaman maaring gamitin ni Sil ang kanyang isip at pure vigor upang pigilan ang mga epekto sa simula, dahan-dahang kakalat ang gamot sa buong katawan

  • The Girlboss Begs for Remarriage   Kabanata 1546

    Nakatitig si Frank sa lalaking may mamantikaang buhok na nakasuot ng kulay rosas na suit habang nakangiting tapat. “Drinoga lang kita, Sil, para makita kung may lakas ka ng isang lalaki.”“Ano…”“Sige na, alam kong masakit—huwag kang mag-alala, gagawin ko ang tama para sa iyo.” Tumawa si Frank at kiniliti ang kanyang mga daliri.Dalawang lalaking nakaitim ang lumitaw sa likod ni Frank noong sandaling iyon at dinala si Sil pababa sa sub-basement.Sila ang mga tauhan ni Gene, habang si Gene mismo ay bumaba na sa sub-basement kasama ang ilang iba pang kalalakihan.Umupo siya sa malaking kulay rosas na sopa sa kwartong puno ng kagamitan sa paggawa ng pelikula, kung saan nakahiga ang dalawang hubad na lalaki sa sarili nilang dugo.Pumasok si Rory, masayang nakangiti sa pag-iisip ng paghihiganti.Nang makita niya si Gene, tumigas ang kanyang ngiti habang mabilis siyang kinabahan."May bagong tagasuporta ka na agad, Rory?" tanong ni Gene habang humihithit ng sigarilyo, walang pakialam

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status