Share

Kabanata 4

Author: Chu
Pow! Pow! Pow!

Nagbitak ang hangin sa kwarto.

Malakas at puno ng determinasyon ang mga pag-atake ni Yara, nakipagpalitan siya ng higit sa isang dosenang suntok kay Frank nang wala sa oras.

Walang intensyong manakit si Frank, gayunpaman, sapat lamang ang ginagawa niya upang ipagtanggol ang kanyang sarili.

Kahit na wala siya sa peak condition niya, hinding-hindi siya matatalo ni Yara.

"Tama na, Yara," ang sabi ni Vicky mula sa kama.

Ginawa ni Yara ang sinabi sa kanya, bagama't binigyan din niya si Vicky ng isang naagrabyadong tingin. "Yung batang yun..."

"Tama na," mataray na sabi ni Vicky. "Magpakita ka naman ng respeto—nandito si Mr. Lawrence para tulungan ako."

Sa totoo lang, nagalit din si Vicky kay Frank, dahil ang ama ni Yara ang kanyang guro.

Gayunpaman, bilang tagapagmana ng legacy ng kanyang pamilya at bilang isang martial arts prodigy, dapat siyang manatiling kalmado sa lahat ng oras.

Bukod dito, nasabi niya kaagad na ang mga kakayahan ni Frank ay namumukod-tangi nang makipagpalitan siya ng suntok kay Yara, at malinaw na nagpipigil siya.

Kaya naman sinabihan niya si Yara na tumigil na—siguradong matatalo si Yara kapag ginamit ni Frank ang buong lakas niya..

Natural, hindi sinuway ni Yara si Vicky, at tahimik siyang umatras.

Lumingon si Vicky kay Frank at nagtanong, "Tutal sinabi mo ang sanhi ng aking kondisyon, Mr. Lawrence, anong paraan ng panggagamot ang iminumungkahi mo?"

Lumingon din sa kanya sina Walter at Trevor, ngunit nakita lamang nila si Frank na yumuko, hinahaplos ang kanyang baba habang nag-iisip at nakasimangot.

"Mr. Lawrence, may problema ba?" Maingat na tanong ni Trevor.

"Wala, isa lang itong simpleng kondisyon na madaling gamutin," Ang sagot ni Frank habang dahan-dahang tumingala at lumingon kay Vicky. "Hindi ko inaasahan na sobrang basura ang technique na natutunan mo. Makakalakad ka ulit, pero mawawala lahat ng progress mo... Gayunpaman, naperpekto ko na ang technique na iyon, kaya magsanay ka lang sa paraan na ituturo ko sa’yo at maaabot mo ang iyong peak form sa loob ng taong ito."

Kumuyom ang mga kamao ni Yara habang nakatitig siya kay Frank. "Kahit basura ito, wala kang laban sa technique ng angkan ko."

Maging si Trevor ay nailang—masyadong prangka si Frank! Sana man lang binigyan niya ng dignidad ang heiress ng Boltsmacker dahil nakatayo lang siya doon!

Gayunpaman, lumingon si Frank kay Yara at diretsong sinabi na, "Minsan ko lang ito ipapakita. Manood kang mabuti."

Habang iniipon niya ang kanyang Ki papunta sa kanyang dalawang kamay, ang kanyang mga damit ay nagsimulang pumagaspas nang malakas.

Boom.

Humakbang si Frank at biglang sumugod kay Yara na parang isang bala!

Ngumiti si Yara—siya ang umatake. Hindi niya siya pinilit!

Inipon niya sa kanyang palad ang Bolstmacker, agad niyang sinalubong ang pag-atake ni Frank!

"Huwag mo siyang sasaktan, Yara!" sigaw ni Walter.

"Pakiusap kontrolin mo ang sarili mo, Mr. Lawrence!" Ang sigaw ni Trevor.

Kasabay nito, nakatingin ng maigi si Vicky kay Frank, napanganga ang kanyang bibig. "’Y-Yun ba ang Boltsmacker?!"

Hindi maaaring magkamali lalo na’t mahigit isang dekada niya itong pinag-ensayuhan. Yung totoo gumamit si Frank ng isang lihim na technique ng mga Quill—ngunit kailan niya ito natutunan?!

At habang pinagmamasdan siya ni Vicky, malinaw niyang nakikita na mahigit sa isang libong beses na mas mahusay ang paggamit niya dito kaysa kay Yara!

Pow.

Sa kabilang banda, namilipit ang mukha ni Yara nang maramdaman ang sakit sa kanyang braso nang saluhin niya ang palad ni Frank.

Ito ay tulad ng isang malakas na alon na may bigat ng isang bundok, at ito ay tila walang katapusan—tumalsik si Yara at sumalpok sa pader sa likod!

Bang!

Namumula ang pisngi niya habang nagliliyab ang kanyang Ki, habang halos isuka niya ang kanyang bituka.

Dahan-dahang lumingon si Walter kay Trevor na tila nagtatanong kung ano ba talaga si Frank.

Tiyak na napansin ni Trevor ang pagkalito ni Walter, ngunit wala rin siyang ideya kung ano ang isasagot.

Gayunpaman, pinunasan niya ang pawis sa kanyang noo at bumuntong hininga, nagpapasalamat siya na nagpigil si Frank. Kung talagang nasaktan niya si Yara, tiyak na magkakaroon ng matinding sama ng loob pagkatapos!

Habang nakasandal si Yara sa dingding ng may pagkagulat at pagkalito sa kanyang mukha, nabigla siya, "K-Kailan mo ninakaw ang technique ng angkan ko?"

"Noong ginamit mo ‘yun ngayon," ang walang pakialam na sagot ni Frank.

Gulat na gulat si Vicky—isang tingin lang ang kailangan niya?

At mas napalakas niya ito sa loob ng napakaikling panahon!

Ang katalinuhan na iyon para sa martial arts ay higit na nakatataas sa kanya!

Samantala, halos mablanko ang isip ni Yara.

Inabot si Vicky ng isang taon, at inabot naman siya ng limang taon upang matutunan ang Boltsmacker, tapos natutunan ito agad ng batang ‘to?!

Nakakainis!

"Hahaha!" Biglang tumawa si Walter.

Hindi siya isang martial artist, ngunit maging siya ay nakikita kung gaano kadaling natalo ni Frank si Yara.

At nang makita niya na hindi pangkaraniwang tao si Frank, hindi na niya siya minaliit ng gaya ng ginawa niya noong unang dumating si Frank.

"Isa kang kamangha-manghang manggagamot at martial artist, Mr. Lawrence! Kita mo, Yara? Hindi mo makikilala ang isang lalaki hangga't hindi ka nakikipagpalitan ng suntok sa kanya, ngunit makakapaghintay ‘yun sa ngayon... Magagamot mo ba ang kondisyon ni Vicky ngayon, Mr. Lawrence?"

"Kailangan ko ng acupuncture needles para tanggalin ang mga bara sa ugat ni Ms. Turnbull," sagot ni Frank.

"Walang problema—mayroon kaming lahat ng klase ng medical equipment na posibleng kailanganin mo." Ngumiti si Walter at agad na sinabihan ang isang katulong na kunin ito.

Pagkatapos makuha ni Frank ang kahon, sinabi niya, "Ngayon pakiusap maghubad ka na, Ms. Turnbull."

"Ano?" Nanigas ang ekspresyon sa mukha ni Vicky sa gulat.

"T-Teka lang," agad ding nagsalita si Walter. "Bakit? Kailangan ba talaga ‘to?"

"Kailangan kong buhayin muli ang Ki ni Ms. Turnbull gamit ng apatnapu't siyam na karayom," paliwanag ni Frank. "Hindi ko ‘yun magagawa kung suot niya ang damit niya."

Kumunot ang noo ni Walter. "Wala na bang ibang paraan?"

"Pwede kong palabasin ang Ki niya, pero hindi ko ‘yun matatanggal ng suot niya ang damit niya," sagot ni Frank, habang umiiling. "Maaaring dumaloy ito pabalik sa kanyang katawan, at mawawalan ng silbi ang panggagamot ko sa kanya."

"Walter, tinutulungan ni Mr. Lawrence si Ms. Turnbull," katwiran ni Trevor. "Bilang isang manggagamot, wala siyang gagawing masama sa anak mo."

"Sige." Sumang-ayon si Walter ngunit nanatiling nagdadalawang-isip. "Pero engaged na si Vicky..."

"Tama na," ang sabi ni Vicky ng nakasimangot. "Ang panggagamot ay walang kinalaman sa mga engagement."

Ayaw na ayaw niya kapag binabanggit ng kanyang ama ang tungkol sa engagement, at nagsisikap siya upang palayain ang sarili niya mula doon. Kung may nagawa man ito, ang mga pagtatangka ng kanyang pamilya at ng kanyang ama na ituro sa kanya ang tungkol sa mga kabutihan ng isang strategic marriage ay lalo lamang nagpasama sa loob niya.

At sa ngayon, gusto niyang gumaling sa lalong madaling panahon sa halip na manatiling nakaratay o hayaan ang ibang tao na magdikta sa kanyang buhay.

"Umaasa ako sa’yo, Mr. Lawrence," sabi niya at lumingon siya kay Yara. "Tulungan mo akong maghubad."

Hindi na ipinilit pa ni Walter ang isyu, dahil alam niyang masama ang loob ni Vicky. Napabuntong-hininga siya, at tahimik niyang inakay si Trevor palabas ng silid.

Lumapit naman si Yara kay Vicky, dahan-dahang itinaas ang kanyang kumot—halos hindi naitago ng manipis na puting pajama ni Vicky ang perpektong hubog ng kanyang katawan.

Matapos siyang hubaran ni Yara at nakahiga si Vicky ng hubo't hubad sa harap ni Frank, nanlaki ang kanyang mga mata.

Hindi niya maiwasang humanga sa perpektong katawan ni Vicky, at kahit marami na siyang nakitang katawan ng babae noon, hindi niya maiwasang mapatitig sa kanya...
Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • The Girlboss Begs for Remarriage   Kabanata 1517

    Si Chet Jonas ay isang ganap na bampira, at kung hindi dahil sa kanyang koneksyon sa Lionhearts, sana'y pinutol na siya ng mga tao ni Urian.Gayunpaman, bago umalis si Chet, kumatok ang katulong ni Urian sa pinto at inannounce, "Ginoong Reno, may isang lalaki at isang babae sa labas, humihiling na makita ka.""Naghahanap na makakita sa akin?"Urian ay napatingin nang dalawang beses ngunit agad na pinisil ang kanyang mga labi at huminga ng malalim. "Sabihin mong umalis sila! Mukha bang makikipagkita ako sa kahit sino?""Pero, sir…"Ang katulong ay tila nahihiya. "Hindi ko kilala ang lalaki, pero ang babae ay si Noel York.""Noel York…"Iba't ibang ekspresyon ang nagpalitan sa mukha ni Urian.Pagkatapos ng lahat, si Noel ang nangungunang aktres ng Draconia, at ang kanyang pangalan ay isang bomba sa bawat mamamayang Draconian.Walang lalaking makakapigil tulad niya—pati si Urian ay napapaamo kahit hindi niya namamalayan habang iniisip ang kanyang mukha.Tumingin kay Chet, nagpak

  • The Girlboss Begs for Remarriage   Kabanata 1516

    Nang bumaba si Frank mula sa kotse, sinuri niya ang lahat ng mga labi ng trak na naiwan matapos ang sunog."Ha?" bulong niya, nang makita niya ang isang butones na nakahiga sa isang piraso ng damo na walang makakapansin.Ano…Nakatitig si Noel sa gulat—paano napansin ni Frank ang maliit na butones na nakahiga doon nang napaka-di-makatwiran?Habang siya'y nanonood, pinag-aralan ni Frank ang mga butones at ang kanilang paligid. "Hulaan ko—batay sa pagkakagawa, masasabi kong napunit ito nang hilahin ng mga saboteur ang mga drayber ng trak dito."Gayunpaman, ang mga saboteur ay talagang maingat, dahil wala nang ibang bakas na naiwan maliban sa pindutan na iyon.Gayunpaman, sapat na iyon—gamit ang pindutan na iyon, mabilis na dinala ni Frank si Noel pabalik kay Zamri at tumungo sa isang malaking kumpanya ng disenyo ng moda.At sa pamamagitan ng pinansyal na panghihikayat, nagsalita ang isang babaeng superbisor, "Ito ay isang natatanging butones ng manggas na ginagamit partikular para

  • The Girlboss Begs for Remarriage   Kabanata 1515

    ”Huminahon ka na muna sa ngayon…”Binanggit ni Frank ang kanyang mga hinala matapos itong pag-isipan. "Paano nalaman ng mga saboteur ang oras at lokasyon kung saan ililipat ang kagamitan? Naisip mo na ba iyon?""Ginawa ko!"Talagang matalas si Noel matapos magtrabaho sa showbiz ng maraming taon at agad na nahuli ang pahiwatig ni Frank.Pagkatapos ng lahat, ang tanging dahilan kung bakit ito nangyari ay dahil mayroong isang espiya na nag-leak kung kailan at saan dadalhin ang imported na kagamitan, o hindi sana madaling naabot ng mga saboteur ang mga ito."Pero…" mabilis na natigil si Noel nang awkward. "Dahil mabilis na lumalago ang kumpanya, kinailangan naming mag-recruit ng maraming bagong tauhan, at hindi maiiwasan ang katotohanan na may mga ahente na sa loob.""Papunta na ako. Mag-usap tayo pagdating ko," sabi ni Frank, pinutol ang tawag at nagmaneho diretso sa isang malawak na distrito ng parke.Binili ng Lanecorp ang buong distrito at nasa gitna ng pagtatayo ng iba't ibang

  • The Girlboss Begs for Remarriage   Kabanata 1514

    Sa isang seryosong tono, inihayag ni Kat, "Ginoong Lawrence, labis akong may utang na loob sa iyo. At dahil wala akong paraan upang makabawi, maaari mong kunin ang aking katawan bilang kapalit.""Hmm…?"Ang mga babae sa paligid ng hapag-kainan—Helen, Winter, at Mona Fairfax—ay mabilis na nagbigay sa kanya ng mga mapanlait na titig."B-Bakit mo ako tinititigan?"Kinamot ni Kat ang kanyang ulo, nakakaramdam ng hindi komportable sa mga titig. "Hindi ba pinapayagan dito ang relasyon ng guro at estudyante?""Relasyon ng guro at estudyante… Ano bang sinasabi mo?!"Nagsalubong ang lalamunan ni Frank at masamang tumingin kay Kat bago humarap kay Nash, ang kanyang ama. "Dapat mong disiplinahin ang anak mo, sir.""Ano?" simpleng tumawa si Nash. "Matanda na siya ngayon, at kaya na niyang gumawa ng sarili niyang desisyon. Napagpasyahan ko na—bilang kanyang ama, dapat suportahan ko ang kanyang mga pinili.""Dad!" sigaw ni Kat, habang namumuo ang mga luha sa kanyang mga mata habang tinitingn

  • The Girlboss Begs for Remarriage   Kabanata 1513

    ”Ano? Ah, naiintindihan ko.”Mabilis na pinat ang kanyang dibdib si Cid, sinisiguradong kay Frank na tapos na ito.Nakapagpahinga si Kat nang malaman niyang may katiyakan mula sa underboss ng Sunblazers.Matapos ihandog ni Cid ang kanilang pag-alis, humarap siya kay Kali na may awkward na ngiti. "Magpapaalam na ba tayo, Ms. Sturgeon?""Pupunta? Saan?"Kali ay nakasilip mula sa kusina sa silid-pahingahan, at halos mawalan siya ng kaluluwa nang makita niyang tumingin si Cid sa kanya.Sa wakas, ang mga Sunblazers ay mga mamamatay-tao! Sinumang mahulog sa kanyang kamay ay hindi kailanman makakaligtas sa kamatayan."Ilabas na lang kita dito sa ngayon," sagot ni Cid. "Oh, at sinabi ni Ginoong Lawrence na dapat kitang tulungan, kaya magiging underboss ka na ng Sunblazers ngayon.""Huh? Ano? Bakit?!"Kali ay nataranta sa mga salita ni Cid—maging isang underboss siya sa mga mamamatay-taong ito?!"Ano? May problema ka ba diyan, Ms. Sturgeon?"Ngumiti si Cid, pero mula sa takot na pana

  • The Girlboss Begs for Remarriage   Kabanata 1512

    Ang lolo ni Jim Loggins ay ang kilalang Abel Loggins, pero tinatawag ni Jim si Frank na grandmaster?!Pinagpag ni Cid ang kanyang mga sentido habang labis na nagulat sa katayuan ni Frank.Pumunta ka sa silid sa dulo ng pasilyo at ang silid sa itaas.Itinuturo ni Frank kay Jim kung saan siya pupunta. "Tinahi ko sila nang may purong sigasig, at nangangailangan ito ng mga daang-taong likas na kababalaghan upang mapanatili. Ang nasa silid sa dulo ng pasilyo ay si Lauren Floss—ako ang bahala sa anumang bayarin medikal, pero ang mga Sturgeon ang magbabayad para sa pasyente sa itaas."Jim ay napaatras sa paraan ng paglalarawan ni Frank sa isang napakasuklam na bagay at tila naging mas mapagpakumbaba siya sa mga sandaling iyon.Kasabay nito, ang kanyang imahinasyon ay naglalakbay.Una sa lahat, tiyak na narinig niya si Frank na nagsabing tinahi niya ang mga hiwa nang may ganap na sigasig. Talaga bang posible iyon? Hindi ba't lalo pang naging katawa-tawa ang Draconian na tradisyunal na me

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status