Share

Kabanata 2

Author: Chu
Paglabas ni Frank ss Lane Manor, lumingon siya upang tingnan ang lugar kung saan siya tumira ng tatlong taon.

Mag-isa siyang pumunta dito at ngayon ay umalis siya ng walang kahit ano.

Sa sandaling iyon, isang Rolls-Royce ang mabilis na umaandar papunta sa kanya mula sa malayo, na huminto sa may tabi niya.

Bumukas ang pinto, at isang lalaki na nakasuot ng isang suit ang bumaba, at ngumiti habang naglalakad siya papunta kay Frank. “Mr. Lawrence…”

“Anong ginagawa mo dito?” Nagtanong si Frank habang pinagmamasdan niya ang lalaki—siya si Trevor Zurich, ang CEO ng Trevor International.

“Nakipag-partner ako sa asawa mo kamakailan para sa isang development project sa West City, at nagpunta ako upang pag-usapan ang mga detalye kasama siya,” ang sabi ni Trevor.

Tumango si Frank ngunit sinabi niya na, “Hindi niyo kailangang mag-usap—nakuha na ni Helen ang suporta ng Wesley family at hindi na niya kailangan ang suporta natin, at hindi ko na siya asawa.”

“Ano?!” Napasigaw si Trevor, hindi siya makapaniwala. “Anong nangyayari?”

“Naghiwalay na kami ni Helen,” umamin si Frank. “Simula ngayon, wala nang ugnayan sa pagitan ko at ng mga Lane.”

Pagkatapos, humarap siya kay Trevor at marahan niya siyang tinapik sa kanyang balikat, sinabi ni Frank na, “Salamat sa tulong mo sa nakalipas na tatlong taon, brother.”

Bagama't nakabase sa ibang bansa ang karamihan sa mga negosyo ni Trevor, pinakiusapan siyang bumalik upang suportahan ang mga Lane at wala siyang kinitang kahit ano sa mga panahong iyon.

Gayunpaman, agad na iniyuko ni Trevor ang kanyang ulo at sinabing, “Hindi, Mr. Lawrence—karangalan ko ang pagsilbihan ka… pero, bakit biglang nagdesisyon si Ms. Lane na hiwalayan ka? Yung batang Wesley ba ang may kagagawan nito?”

Kumunot ang noo ni Trevor, hinampas niya ang dibdib niya at sinabing, “Kung ganun, personal kong bibisitahin si Ms. Lane at kakausapin ko siya tungkol dito.”

Sa nakalipas na tatlong taon, ang tanging dahilan kaya siya nakipag-partner sa Lane Holdings ay dahil nakiusap sa kanya si Frank. Sa sobrang layo ng agwat nila ng mga Lane, maging ang dilaan ang kanyang mga sapatos ay wala silang karapatang gawin, lalo na ang maging partner niya sa negosyo!

Napakabulag ni Helen, hiniwalayan niya si Lawrence dahil naisapubliko na ang kanyang kumpanya!

Gayunpaman, umiling si Frank. “Huwag na. Hiwalay na kami ni Helen—wala na kaming kinalaman sa isa't isa ngayon. Pwede ka nang umalis kung wala ka nang ibang sasabihin.”

Hinampas ni Trevor ang kanyang noo nang may maalala siya. “Yung totoo, may isang bagay ako na kailangang sabihin sa'yo. Natatandaan mo yung wonderroot na pinapahanap mo sa’kin? Kasi, nahanap ko na ‘to, kaso…”

Lumingon sa kanya si Frank sa sandaling iyon, at nagtanong, “Kaso ano?”

“Kaso isa itong family heirloom ng mga Turnbull. Imposibleng ibenta nila ‘yun,” sumagot si Trevor, subalit agad ding nagbago ang tono ng pananalita niya. “Gayunpaman, nalaman ko din na ang nag-iisang anak ni Walter Turnbull ay nagkaroon ng malubhang sakit limang taon na ang nakakaraan, at may taning na ang buhay niya. Ang magandang balita ay nandito siya sa Riverton ngayon, at kapag tinulungan mo siya, Mr. Lawrence, siguradong mapapasakamay mo ang wonderroot.”

Tumalim ang mga mata ni Frank—kailangang-kailangan niya ang wonderroot, lalo na pagkatapos ng laban na iyon sa South Sea tatlong taon na ang nakakaraan.

Ngayong nabawasan ng husto ang kanyang lakas, ang tanging paraan upang maibalik ang buong lakas niya ay sa pamamagitan ng pinakamahalagang kayamanan ng Inang Kalikasan.

Dahil dito, hindi niya pwedeng palampasin ang pagkakataong makuha ang wonderroot!

Tumalim ang kanyang mga tingin, at nagtanong si Frank, “Siguro naman nakausap mo na ang mga Turnbull tungkol sa bagay na ito?

Napalunok si Trevor, pinagpapawisan siya habang sinasabi niya na, “Syempre naman—hinding-hindi kita lolokohin. Si Walter Turnbull mismo ang nangako na mapapasa'yo ang wonderroot at ang anumang kondisyon na gusto mo kapag napagaling mo ang anak niya.”

Pinagdikit ni Frank ang kanyang mga kamay sa likuran niya at hindi na siya nagtanong tungkol sa bagay na ito. “Kung ganun, bisitahin natin ang mga Turnbull.”

Natuwa si Trevor, binukswn niya ang pinto para kay Frank at sasakay na sana siya nang may isang BMW na mabilis na umaandar papunta sa kanila at pumarada sa harap ng Lane Manor.

Si Peter Lane—ang nakakabatang kapatid ni Helen—ay biglang bumaba at nagmamadaling lumapit kay Trevor.

“Nakatapos ka na ba sa pakikipag-usap mo sa ate ko, Mr. Zurich?” Ang tanong ni Peter. “Bakit hindi ka manatili muna dito?”

“Hmph.” Tiningnan siya ni Trevor at sininghalan siya.

Mabilis na sumakay si Trevor sa kanyang Rolls-Royce at umalis—hindi na niya kailangang magbait-baitan sa mga Lane ngayong hiwalay na sila Frank at Helen.

Natural, natulala si Peter sa naging reaksyon ni Trevor, at nagtaka siya kung anong nagawa niya na ikinagalit ni Trevor. Wala siyang ginawang kahit ano!

Pagkatapos, napanganga siys nang dumaan sa harap niya ang Rolls-Royce ni Trevor, hindi siya makapaniwala sa kanyang nakita.

Anong ginagawa ni Frank sa kotse ni Trevor?! Anong nangyayari?!

-

Samantala, nakaupo si Helen sa kanyang study, maya't maya siyang tumitingin sa kanyang relo.

Sinabi ni Trevor kaninang umaga na bibisita siya, ngunit tanghali na wala pa rin siya!

Nag-alala din si Gina at sinabihan niya siya, “Siguro dapat tawagan mo si Mr. Zurich at tanungin mo siya.”

“Hindi,” sagot ni Helen. “Hindi siya nagbigay ng oras, kaya dapat maghintay tayo.”

“Pero masyadong mahalaga ang West City project,” reklamo ni Gina. “Kailangan mong maging mas maagap dito—tawagan mo na siya!”

Habang nakakunot ang noo ni Helen sa kakaisip, nawawala na sa sarili si Gina. “Tatawagan ko siya kung ayaw mo.”

“Sige na, gagawin ko na.” Bumuntong hininga si Helen, nag-aalala na baka paguluhin ng nanay niya ang mga bagay.

Kahit na nag-aalinlangan siya, tinawagan niya si Trevor, at hindi nagtagal ay sumagot si Trevor.

Kahit na nakikipag-usap siya sa phone, malumanay ang kanyang ekspresyon at magalang ang tono niya. “Hello Mr. Zurich. Itatanong ko lang sana kung anong oras ka pupunta? Gusto kong maging handa para salubungin ka.”

“Yung totoo, Ms. Lane, ikinalulungkot ko na aalis na ako sa partnership natin,” malamig na sumagot si Trevor.

“Huh? Ano… Bakit?” Natulala si Helen sa nakakagulat na balitang natanggap niya.

“Alam mo kasi, naniwala ako na tapat ka, pero mukhang nagkamali ako sa’yo.” Suminghal si Trevor. “Hinding-hindi ako mangangahas na panatilihin ang isang taong gaya mo sa paligid ko, kaya ituring mo na lang na kanselado na ang ating partnership.”

At pagkatapos nun, ibinaba niya ang tawag, at naiwan si Helen na nakatulala at takang-taka.

Anong nangyayari?! Lagi siyang nagpapakita ng respeto kay Trevor at kailanman ay hindi niya siya ginalit. Anong problema sa kanya?

“Kamusta? Anong sinabi ni Mr. Zurich?” Agad na nagtanong si Gina.

“Kinakansela na niya ang partnership namin,” bulong ni Helen.

“Ano?!” Sigaw ni Gina. “Bakit?”

“Hindi ko alam!” Sagot ni Helen, habang hinihimas niya ang pagitan ng kanyang mga kilay.

Sumugod si Peter papasok sa kwarto noong sandaling iyon, at nang makita niya ang kanyang ina at ate, nagtanong siya, “Helen, tapos na ba kayong mag-usap ni Mr. Zurich?”

“Mag-usap?! Hindi siya dumating!” Nagalit si Gina. “At kinansela niya ang partnership natin!”

Napanganga si Peter. “Ano?! Pero nakita ko pa lang siya sa labas!”

“Anong sinabi mo?!” Napasigaw si Helen sa gulat—kung talagang dumating si Trevor, hindi ba ibig sabihin nun umalis siya ng hindi man lang pumapasok sa loob ng mansyon?! Bakit?!

Biglang nagulat si Peter at hinampas niya ang sarili niya sa hita. “Si Frank siguro ang dahilan. Kinausap siguro ng hayop na ‘yun si Mr. Zurich… Ang ibig kong sabihin, nakita ko siya na sumakay sa kotse ni Mr. Zurich!”

“Urgh, ‘yun nga siguro ang dahilan,” nagalit si Gina nang mapagtanto niya ito. “Yung walang kwentang ‘yun na madalas mukhang mapagpakumbaba, pero mukhang lumalabas na napakasama niyang tao, siniraan pa niya tayo bago siya umalis!”

Kumunot ang noo ni Helen ngunit pinagsabihan niya sila. “Hindi. Hindi siya yung tipo ng tao na madaldal.”

Kilalang-kilala na niya si Frank pagkatapos nilang maging mag-asawa sa loob ng tatlong taon, at kailanman ay hindi niya narinig si Frank na magsalita ng hindi maganda tungkol sa ibang tao.

“Ano ka ba, Helen. Hindi mo alam kung anong nasa likod ng maamong mukha niya!” Ang galit na sinabi ni Peter. “Tatlong taon siyang nakatira sa bahay natin at alam niya ang lahat ng tungkol sa’tin. Hindi siya mahihirapang siraan tayo!”

“Tama si Peter,” mariing sumang-ayon si Gina. “Bakit naman biglang aalis si Mr. Zurich kung nasa tapat na siya ng pinto natin?”

“Oo nga. Malamang nagsalita si Frank.”

Si Helen, na nagpapaikot-ikot sa kwarto, ay naisip na may katwiran ang mga sinabi ng kanyang ina—kung hindi, paano nila ipapaliwanag ang ginawa ni Trevor?!

Humigpit ang pagkakakuyom ng kanyang mga kamao sa sandaling iyon.

Paano ‘to nagawa ni Frank?! Kailanman hindi niya siya minaltrato!
Patuloy na basahin ang aklat na ito nang libre
I-scan ang code upang i-download ang App

Pinakabagong kabanata

  • The Girlboss Begs for Remarriage   Kabanata 1613

    "Frank."Matapos mapirmahan ang dokumento, mabilis na lumingon si Helen kay Frank—ang desperado at kaawa-awang anyo ni Fleur ay nagdulot sa kanya ng kaunting pagkakasala.Tiyak nilang sinamantala ang kahinaan ni Fleur sa pagkakataong ito, ngunit kailangan ni Helen gawin iyon upang maprotektahan ang Lanecorp.At pagkaselyo ng kasunduan, binigyan niya ng matalim na tingin si Frank—isang malinaw na senyales na dapat na niyang iligtas si Fleur.“Sige.”Hindi na nag-atubili si Frank.Natural lamang na hindi niya ipaiinom kay Fleur ang Mildron Balm dahil isa iyong lason—buhay lang siya nang isang buwan kung iyon ang gagamitin.Sa halip, pinainom niya ito ng isang **Ichor Pill** at saka nagpasok ng dalisay na enerhiya gamit ang kanyang daliri, upang tulungan ang katawan ni Fleur na lubusang masipsip ang bisa ng gamot.Makalipas ang ilang sandali, bumalik ang kulay sa mukha ni Fleur at hindi na siya balisa sa sakit—sa katunayan, mukha pa siyang komportable.At dahil pinapalakas ng Ic

  • The Girlboss Begs for Remarriage   Kabanata 1612

    Kung tutuusin, sina Helen at Frank ang tiyak na dalawang tao na ayaw makita ni Fleur sa mga sandaling ito.Gayunpaman, tila walang pakialam si Frank, naglakad papalapit, kumuha ng mansanas mula sa mesa sa tabi ng kama, at kumagat habang tumatawa. “Hehe… Alam ko kung ano ang hinihintay mo, Fleur Lang.”Hindi nakapagsalita si Fleur, kundi titig lang ang ibinigay niya kay Frank, para bang kaya niyang patayin ito sa kanyang tingin—sayang lang na wala siyang ganoong kapangyarihan.Walang apektado, nagpatuloy si Frank, “Pinadala mo si Jon Lane para kunin ang mga gamot mo, ’di ba?”Napakurap ang buong katawan ni Fleur, malinaw na nagbunyag sa kanya sa oras na iyon.Umupo si Frank sa gilid ng kanyang kama at ngumiti. “Kung ganun, magiging diretsahan ako—ang mga gamot na dapat kukunin ni Jon ay hindi mo na maaabot… dahil pinatay ko na ang tagadala.”Beep! Beep! Beep!Biglang nag-beep ang lahat ng makinang nakakabit, hudyat ng matinding galit at pagkabalisa ni Fleur.“Pero…”Doon nag-ib

  • The Girlboss Begs for Remarriage   Kabanata 1611

    Naghihintay na si Frank sa entrance ng Zamri Hospital noong dumating sina Helen at Gina.Nang makita sila, tumango si Frank at hindi na nag-aksaya ng hininga para magpaliwanag. “Sumama kayo sa akin.”Nagdududa pa rin si Gina sa kabila ng kumpiyansang ekspresyon nito at nagtanong habang sumusunod, “Sigurado ka bang pipirma si Fleur para ibigay ang mga shares niya kay Helen? Napag-usapan na natin ito papunta rito, pero napagkasunduan naming gusto ni Fleur na mawala si Helen sa lahat ng paraan. Bakit siya magbibigay ng kahit ano kay Helen?”“Tama ka, Frank. Kaso lang…” natigilan si Helen, saka napabuntong-hininga matapos pigilin ang hininga nang ilang sandali. “Imposible ito.”“Ayos lang.”Ngumiti si Frank habang inilabas ang dalawang bote ng pildoras mula sa bulsa, saka iwinagayway sa kanila. “Sa ngayon, kailangan ni Fleur ang dalawang boteng ito ng gamot para lang manatiling buhay. Tiyak na bibigay siya.”Nagulat si Helen. “Gagamitin mo ang mga pildoras… para blackmail-in siya?”

  • The Girlboss Begs for Remarriage   Kabanata 1610

    Ipinaliwanag ni Frank, "Kapag nakalimbag na ang kasunduan sa paglilipat ng bahagi, diretso ka sa Zamri Hospital. Ipapalipat ko kay Fleur Lang ang lahat ng bahagi na kanyang pagmamay-ari—sa ganitong paraan, si Helen ang magiging mayoryang shareholder ng Lanecorp, at kahit si Yora Yimmel ay walang karapatang hilingin ang kanyang pag-alis.""Eh?"Napatingin nang dalawang beses si Gina pero natuwa rin agad.Talagang nag-isip siya sandali na kailangang bumaba ang kanyang anak sa pagiging tagapangulo ng lupon ng Lanecorp, at kailangan nilang bumalik sa simpleng maliit na bayan ng Riverton.Tiyak na hindi nila inaasahan na magkakaroon sila ng paraan sa Fleur... Isipin mo na napakabilis pa ni Frank na nakagawa ng napakagandang ideya!Gayunpaman, mabilis na pinatay ni Helen ang kagalakan ni Gina."Huwag ka munang magdiwang, Nanay," sabi niya kay Gina at humarap kay Frank. Sa palagay ko, hindi maluwag na ibibigay ni Madam Lang sa akin ang kanyang mga bahagi.“Tama…”Napaurong si Gina sa

  • The Girlboss Begs for Remarriage   Kabanata 1609

    ”Sa Lake Cove, huh?”Tumango si Frank sa pagkadismaya, pero makatuwiran naman na ang isang lihim na organisasyon tulad ng Corpsedale ay mananatiling lihim sa pagitan ng mga hierarchy.Kung mayroon mang kahanga-hanga, ito ay ang pagkakaroon ng ideya ng isang alagad kung nasaan ang kanyang amo.Sige na, bilisan mo!Nang sandaling iyon, napakuyom ng ngipin si Borc, malinaw na handang mamatay."Oh, hahaha…" Biglang tumawa si Frank. Pero hindi ako pupunta. May iba na talagang gustong makilala ka.At habang nagulat na nakatingin si Borc, hinampas siya ni Frank sa likod ng ulo gamit ang gilid ng kanyang palad, na nagpabagsak sa kanya.Pagkatapos, matapos pakainin si Borc ng isang nakatagong pildoras na may lason, tinawag niya ang mga miyembro ng departamento ng kalusugan at kaligtasan ng Lanecorp. Inutusan niya silang dalhin si Borc kay Jade Zahn, para makapaghiganti ito sa pumatay sa kanyang anak.Pagkatapos makipag-usap kay Borc, itinapon ni Frank ang suit ni Jon sa basurahan at tin

  • The Girlboss Begs for Remarriage   Kabanata 1608

    Sa pagkaalam na kailangan lang niyang maghintay para direktang tumakbo si Borc sa kanya, mabilis na nagmaneho si Frank patungo sa Black Mist Bar sa Hale Lane.Sobrang masigla ang lugar kahit tanghali na, at ang nagkukumpulang mga tao ang nagbigay kay Frank ng perpektong panakip.Dalawang inumin lang ang kanyang ininom sa bar nang maramdaman niyang papalapit ang isang pamilyar na presensya.Natural lang na walang iba kundi si Borc, na sabay-sabay na nag-iingat at inis.Sinabi na sa kanya ang pagkamatay ng kanyang ama at nakaramdam siya ng labis na galit at takot kay Frank.Gusto niyang umalis agad sa bayan, pero inatasan siya ni Baba Yaga ng isa pang gawain—ang ihatid ang Mildron Balm ni Fleur Lang.Halos sumabog si Borc noon din, pero wala siyang pagpipilian kundi sundin ang utos ng kanyang nakatataas, o magiging kakila-kilabot ang mangyayari sa kanya.Pagdating sa itinakdang lugar ayon sa sinabi ni Baba Yaga, agad niyang nakita ang pigura sa tabi ng bar, suot ang pilak na suit

Higit pang Kabanata
Galugarin at basahin ang magagandang nobela
Libreng basahin ang magagandang nobela sa GoodNovel app. I-download ang mga librong gusto mo at basahin kahit saan at anumang oras.
Libreng basahin ang mga aklat sa app
I-scan ang code para mabasa sa App
DMCA.com Protection Status