Share

Kabanata 5

Author: Chu
"Tapos ka na bang tumitig?" Hindi napigilan ni Yara na sitahin si Frank, tiyak na nakikita niyang nakatitig siya kay Vicky.

Kahit na napatunayan ni Frank ang kanyang husay sa martial arts, naghinala siya na sinasamantala niya si Vicky, at sinabing para sa panggagamot ang paghuhubad ng kanyang damit.

Ngumiti si Frank, walang bakas ng kahihiyan sa kanyang mukha habang seryoso niyang sinabi na, "Hindi ko maiwasang mapatitig. Ganun lang talaga kaganda si Ms. Turnbull."

"Haha." Natawa si Vicky. "Tapat ka, hindi ba?"

Talagang nagulat siya na inamin ito ni Frank nang buong tapang, hindi tulad ng mga nagpapakilalang maginoo na hindi kailanman umamin sa kanilang mga aksyon.

Bigla siyang nagpakita ng kakaibang ngiti kay Frank, sinabi niya na, "Pwede mo akong titigan hangga’t gusto mo kapag napagaling mo ako."

"Hindi na kailangan. Ang mga magagandang bagay ay hindi malilimutan mula sa unang tingin," ang sabi ni Frank habang umiiling siya.

Paglabas niya ng isang karayom, ang kanyang mga daliri ay dumampi sa makinis na balat sa dibdib ni Vicky, bigla siyang nakaramdam ng malamig na sensasyon sa sandaling iyon.

Napabuntong-hininga at nanginig si Vicky nang ipasok niya ang karayom ​​sa itaas ng kanyang batok.

Pagkatapos, naglabas siya ng isa pang karayom, dinaanan niya ang kanyang tiyan at ipinasok ito sa baba ng kanyang pusod.

Nagpatuloy ito sa sumunod na tatlumpu o higit pang mga karayom, bawat isa ay nag-iwan kay Vicky na namimilipit sa matinding sakit.

Nakakuyom ang kanyang mga daliri sa kumot habang pinagpapawisan ng husto ang kanyang noo, kumakabog ang kanyang dibdib habang bumibigat ang kanyang paghinga.

Napansin iyon ni Frank sa gilid ng kanyang mata.

Kahit na kasal siya kay Helen sa loob ng tatlong taon at magkasama silang tumira sa iisang bahay, walang nangyari sa kanilang dalawa.

Higit pa rito, siya ay nasa kanyang kalakasan, kaya't hindi niya maiwasang manggigil nang makita niya ang isang kaakit-akit na babae na nakahubad at nakahandusay sa kanyang harapan.

Kinagat niya ang kanyang dila, pinawi niya ang mga kaisipang iyon gamit ang sakit at nagpatuloy siya sa ginagawa niya.

Sa tabi nila, patuloy na pinupunasan ni Yara ng tuwalya ang pawis ni Vicky.

Pagkaraan ng ilang oras, sa wakas ay nagtanong si Vicky habang tinitiis ang sakit, "Gaano katagal pa ba?"

"Ito na ang huli."

Nakahinga ng maluwag si Vicky—sa wakas ay matatapos na ang sakit. "Kung ganun, pakibilisan mo na lang."

Tumango si Frank at ginamit ang kanyang mga daliri upang sukatin ang distansya papunta sa isang lugar sa baba ng kanyang pusod…

Nang mapansin ni Vicky na parang may mali, agad na nagtanong si Vicky, "Saan ilalagay ang huling karayom?"

"Limang pulgada sa baba ng pusod."

Natigilan si Vicky, namumula ang kanyang mga pisngi. Limang pulgada sa baba ng pusod, hindi ba ‘yun ang...?!

Kahit na tinuruan siya tungkol sa iba’t ibang mga kultura, konserbatibo siyang tao—umabot na siya sa kanyang limitasyon nang hilingin sa kanya ni Frank na maghubad para magamot niya siya.

Hiyang-hiya siya na may ipapasok na karayom ​​sa kanyang pag-aari!

Samantala, walang pakialam si Frank—nakita na niya ang lahat, kaya wala na siyang dapat ikatakot.

Sa katunayan, naipasok na niya ang karayom ​​bago pa ito napansin ni Vicky, at nakaramdam siya ng matinding sakit sa kanyang buong katawan. Kinagat niya ang kanyang mga ngipin at ipinikit ang kanyang mga mata, nanigas siya na parang mga bowstring habang ang lahat ng kanyang enerhiya ay naglaho sa sandaling iyon.

Tiniis niya ang sakit gamit ang kanyang kahihiyan at pinigilan ang sarili sa paggawa ng ingay.

Talagang nagulat si Frank nang makita niya ang kamangha-manghang katatagan ni Vicky—masakit kapag nasira ang Ki ng isang tao. Talagang isa siyang martial arts prodigy, kaya niyang pigilan ang sarili sa paggawa ng anumang ingay.

Sa malapit, nag-aalala si Yara sa kanyang tabi nang makita niya na namimilipit ang kanyang mukha. "Ayos ka lang ba, Vicky?"

"Urgh... Ayos lang ako," hiningal si Vicky habang humuhupa ang sakit.

Nawala man ang pangangatawan na hinasa niya sa loob ng isang dekada, pakiramdam niya ay naalis na ang lahat ng nakabara sa mga ugat niya at sa wakas ay naramdaman niyang muli ang kanyang mga paa.

At sa tulong ng pinagandang bersyon ni Frank ng Boltsmacker, hindi siya mahihirapang mabawi ang kanyang lakas sa loob ng isang taon!

Napatingin si Yara nang itinaas ni Vicky ang kanyang mga kamay, tuwang-tuwa niyang sinabi, "Mas magaan na ba ang pakiramdam mo, Ms. Turnbull?"

"Oo," sagot ni Vicky, puno ng pananabik ang kanyang mga mata.

Nakakamangha ang pakiramdam na mabawi ang kontrol sa sarili niyang katawan!

Dahan-dahan siyang lumingon kay Frank. "Pambihira ang kakayahan mo bilang isang manggagamot, Mr. Lawrence."

"Napahanga din ako sa tibay mo," sagot ni Frank.

Ngumiti si Vicky ngunit nag-aalangan siyang nagtanong, "Yung totoo... Ayos lang ba na lumabas ka muna ng kwarto?"

Sa wakas ay naalala ni Frank na hubo't hubad pa rin si Vicky, at wala siyang dahilan upang manatili ngayong magaling na si Vicky.

Tumalikod siya at umalis, patungo sa drawing room.

Sila Walter at Trevor, na matagal nang naghihintay, ay natuwa nang makita siya.

"Kamusta si Ms. Turnbull?" Mabilis na tanong ni Trevor.

"Ayos na siya ngayon," sagot ni Frank.

"Talaga?" hindi makapaniwalang tanong ni Walter.

Bumaba si Vicky noong sandaling iyon matapos siyang magbihis ng malinis na damit.

Nang makitang hindi na siya nakaratay sa kama, namula ang mga mata ni Walter, at agad niya siyang niyakap.

"Talagang gumaling ka, Vicky... Salamat!" Umiyak siya. "Napakasaya nito!"

"Dad, ayos lang ako—huwag kang mag-alala." Napangiti si Vicky. "Salamat kay Mr. Lawrence."

"Haha!" Tumawa si Walter nang lumingon siya kay Frank. "Huwag kang mag-alala, Mr. Lawrence—sinabi sa’kin ni Trevor ang tungkol sa wonderroot. Iniutos ko na na ihatid ito dito mula sa capital, at makukuha mo ito sa loob ng tatlong araw."

Kumunot ang noo ni Frank, ngunit bago pa siya makapagsalita, lumapit sa kanya si Trevor at bumulong sa kanya, "Huwag kang mag-alala, Mr. Lawrence. Mamatay man ako ngayon, ipinapangako ko na hindi tatalikuran ng mga Turnbull ang kanilang pangako."

Nang mapansin na kampante si Trevor, huminahon ang ekspresyon ni Frank. "Dahil malaki ang tiwala sa inyo ni Trevor, aasahan ko na tutuparin mo ang mga sinabi mo. Dahil magaling na ang anak mo, hindi na kami magtatagal."

Pagkatapos, tumalikod na siya para umalis, na ikinagulat naman ni Vicky.

Isang magaling na martial artist at isang mahusay na manggagamot?! Dapat nila siyang ingatan!

"Sandali lang, Mr. Lawrence. Hayaan mo akong samahan ka at pasalamatan ka ng maayos," ang sabi niya at agad niyang hinabol si Frank kasama si Yara.

Sa tabi nila, nakangisi si Trevor—talagang matalas ang kanyang mga mata gaya ng inaasahan sa tagapagmana ng mga Turnbull.

"So, Walter. Ano ang tingin mo kay Mr. Lawrence?" Ang tanong ni Trevor.

Tumango si Walter at sinabi niya na, "Biniyayaan siya sa parehong martial arts at medisina... Ang dalawang talentong iyon ang naghihiwalay sa kanya mula sa dinami-rami ng mga bigatin sa capital."

Napangiti si Trevor. "Hindi ako magsisinungaling sa’yo—hindi lang 'yan ang lahat ng kanyang talento. Walang maikukumpara sa kanya kahit sa buong bansa, tulad ng halos kakaunti lamang ang mga babaeng karapat-dapat sa kanya. Gayunpaman, sigurado ako, ang anak mong babae ay isa sa kanila."

Napangiti si Walter nang mapagtanto niya ang sinasabi ni Trevor. "Masyado mo akong pinupuri, pero engaged na ang anak ko."

"Haha!" Tumawa lang si Trevor. "Pero hindi pa rin siya kasal. May oras ka pa para mag-isip muli, at huwag mong kalilimutan si Mr. Lawrence kapag ginawa mo iyon."

Biglang kumunot ang noo ni Walter at lumingon siya kay Trevor. "Yung totoo, nagtataka ako… sa ibang bansa ka nagtatrabaho noon. Bakit ka nagtagal sa Riverton ng ilang taon na ngayon? At parang masyadong malaki ang tiwala mo kay Mr. Lawrence..."

Sa huli, ang anumang strategic marriage ay dapat na itakda sa pagitan ng dalawang mahahalagang pamilya.

Kahit na si Frank ay isang hindi pangkaraniwang indibidwal, wala siyang mga angkan na sumusuporta sa kanya at samakatuwid ay hindi siya gaanong mahalaga sa mga Turnbull.

Malamang alam iyon ni Trevor dahil siya ang tagapagmana ng mga Zurich, at talagang nakakapagtaka na ipinagmamalaki niya ng husto si Frank.

"Haha. ikinalulungkot ko na hindi ako maaaring magkomento tungkol dun, Walter." Nagkibit balikat si Trevor. "Pero dapat pag-isipan mong maigi ang tungkol sa sinabi ko. Tsaka, aalis na ako ngayong tapos na ang pakay namin dito. Pakibilisan na lang at dalhin niyo ang wonderroot kay Mr. Lawrence."

Naiwan si Walter na pinag-iisipan ang mga sinabi ni Trevor pagkatapos niyang umalis, at agad niyang tinawagan ang kanyang sekretarya para i-background check si Frank.
Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • The Girlboss Begs for Remarriage   Kabanata 1613

    "Frank."Matapos mapirmahan ang dokumento, mabilis na lumingon si Helen kay Frank—ang desperado at kaawa-awang anyo ni Fleur ay nagdulot sa kanya ng kaunting pagkakasala.Tiyak nilang sinamantala ang kahinaan ni Fleur sa pagkakataong ito, ngunit kailangan ni Helen gawin iyon upang maprotektahan ang Lanecorp.At pagkaselyo ng kasunduan, binigyan niya ng matalim na tingin si Frank—isang malinaw na senyales na dapat na niyang iligtas si Fleur.“Sige.”Hindi na nag-atubili si Frank.Natural lamang na hindi niya ipaiinom kay Fleur ang Mildron Balm dahil isa iyong lason—buhay lang siya nang isang buwan kung iyon ang gagamitin.Sa halip, pinainom niya ito ng isang **Ichor Pill** at saka nagpasok ng dalisay na enerhiya gamit ang kanyang daliri, upang tulungan ang katawan ni Fleur na lubusang masipsip ang bisa ng gamot.Makalipas ang ilang sandali, bumalik ang kulay sa mukha ni Fleur at hindi na siya balisa sa sakit—sa katunayan, mukha pa siyang komportable.At dahil pinapalakas ng Ic

  • The Girlboss Begs for Remarriage   Kabanata 1612

    Kung tutuusin, sina Helen at Frank ang tiyak na dalawang tao na ayaw makita ni Fleur sa mga sandaling ito.Gayunpaman, tila walang pakialam si Frank, naglakad papalapit, kumuha ng mansanas mula sa mesa sa tabi ng kama, at kumagat habang tumatawa. “Hehe… Alam ko kung ano ang hinihintay mo, Fleur Lang.”Hindi nakapagsalita si Fleur, kundi titig lang ang ibinigay niya kay Frank, para bang kaya niyang patayin ito sa kanyang tingin—sayang lang na wala siyang ganoong kapangyarihan.Walang apektado, nagpatuloy si Frank, “Pinadala mo si Jon Lane para kunin ang mga gamot mo, ’di ba?”Napakurap ang buong katawan ni Fleur, malinaw na nagbunyag sa kanya sa oras na iyon.Umupo si Frank sa gilid ng kanyang kama at ngumiti. “Kung ganun, magiging diretsahan ako—ang mga gamot na dapat kukunin ni Jon ay hindi mo na maaabot… dahil pinatay ko na ang tagadala.”Beep! Beep! Beep!Biglang nag-beep ang lahat ng makinang nakakabit, hudyat ng matinding galit at pagkabalisa ni Fleur.“Pero…”Doon nag-ib

  • The Girlboss Begs for Remarriage   Kabanata 1611

    Naghihintay na si Frank sa entrance ng Zamri Hospital noong dumating sina Helen at Gina.Nang makita sila, tumango si Frank at hindi na nag-aksaya ng hininga para magpaliwanag. “Sumama kayo sa akin.”Nagdududa pa rin si Gina sa kabila ng kumpiyansang ekspresyon nito at nagtanong habang sumusunod, “Sigurado ka bang pipirma si Fleur para ibigay ang mga shares niya kay Helen? Napag-usapan na natin ito papunta rito, pero napagkasunduan naming gusto ni Fleur na mawala si Helen sa lahat ng paraan. Bakit siya magbibigay ng kahit ano kay Helen?”“Tama ka, Frank. Kaso lang…” natigilan si Helen, saka napabuntong-hininga matapos pigilin ang hininga nang ilang sandali. “Imposible ito.”“Ayos lang.”Ngumiti si Frank habang inilabas ang dalawang bote ng pildoras mula sa bulsa, saka iwinagayway sa kanila. “Sa ngayon, kailangan ni Fleur ang dalawang boteng ito ng gamot para lang manatiling buhay. Tiyak na bibigay siya.”Nagulat si Helen. “Gagamitin mo ang mga pildoras… para blackmail-in siya?”

  • The Girlboss Begs for Remarriage   Kabanata 1610

    Ipinaliwanag ni Frank, "Kapag nakalimbag na ang kasunduan sa paglilipat ng bahagi, diretso ka sa Zamri Hospital. Ipapalipat ko kay Fleur Lang ang lahat ng bahagi na kanyang pagmamay-ari—sa ganitong paraan, si Helen ang magiging mayoryang shareholder ng Lanecorp, at kahit si Yora Yimmel ay walang karapatang hilingin ang kanyang pag-alis.""Eh?"Napatingin nang dalawang beses si Gina pero natuwa rin agad.Talagang nag-isip siya sandali na kailangang bumaba ang kanyang anak sa pagiging tagapangulo ng lupon ng Lanecorp, at kailangan nilang bumalik sa simpleng maliit na bayan ng Riverton.Tiyak na hindi nila inaasahan na magkakaroon sila ng paraan sa Fleur... Isipin mo na napakabilis pa ni Frank na nakagawa ng napakagandang ideya!Gayunpaman, mabilis na pinatay ni Helen ang kagalakan ni Gina."Huwag ka munang magdiwang, Nanay," sabi niya kay Gina at humarap kay Frank. Sa palagay ko, hindi maluwag na ibibigay ni Madam Lang sa akin ang kanyang mga bahagi.“Tama…”Napaurong si Gina sa

  • The Girlboss Begs for Remarriage   Kabanata 1609

    ”Sa Lake Cove, huh?”Tumango si Frank sa pagkadismaya, pero makatuwiran naman na ang isang lihim na organisasyon tulad ng Corpsedale ay mananatiling lihim sa pagitan ng mga hierarchy.Kung mayroon mang kahanga-hanga, ito ay ang pagkakaroon ng ideya ng isang alagad kung nasaan ang kanyang amo.Sige na, bilisan mo!Nang sandaling iyon, napakuyom ng ngipin si Borc, malinaw na handang mamatay."Oh, hahaha…" Biglang tumawa si Frank. Pero hindi ako pupunta. May iba na talagang gustong makilala ka.At habang nagulat na nakatingin si Borc, hinampas siya ni Frank sa likod ng ulo gamit ang gilid ng kanyang palad, na nagpabagsak sa kanya.Pagkatapos, matapos pakainin si Borc ng isang nakatagong pildoras na may lason, tinawag niya ang mga miyembro ng departamento ng kalusugan at kaligtasan ng Lanecorp. Inutusan niya silang dalhin si Borc kay Jade Zahn, para makapaghiganti ito sa pumatay sa kanyang anak.Pagkatapos makipag-usap kay Borc, itinapon ni Frank ang suit ni Jon sa basurahan at tin

  • The Girlboss Begs for Remarriage   Kabanata 1608

    Sa pagkaalam na kailangan lang niyang maghintay para direktang tumakbo si Borc sa kanya, mabilis na nagmaneho si Frank patungo sa Black Mist Bar sa Hale Lane.Sobrang masigla ang lugar kahit tanghali na, at ang nagkukumpulang mga tao ang nagbigay kay Frank ng perpektong panakip.Dalawang inumin lang ang kanyang ininom sa bar nang maramdaman niyang papalapit ang isang pamilyar na presensya.Natural lang na walang iba kundi si Borc, na sabay-sabay na nag-iingat at inis.Sinabi na sa kanya ang pagkamatay ng kanyang ama at nakaramdam siya ng labis na galit at takot kay Frank.Gusto niyang umalis agad sa bayan, pero inatasan siya ni Baba Yaga ng isa pang gawain—ang ihatid ang Mildron Balm ni Fleur Lang.Halos sumabog si Borc noon din, pero wala siyang pagpipilian kundi sundin ang utos ng kanyang nakatataas, o magiging kakila-kilabot ang mangyayari sa kanya.Pagdating sa itinakdang lugar ayon sa sinabi ni Baba Yaga, agad niyang nakita ang pigura sa tabi ng bar, suot ang pilak na suit

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status