Chapter 3
Nagising ako sa isang madilim ngunit malamig na kwarto. Hinawakan ko ang ulo ko at bumangon sa malambot na kama. Inilibot ko ang aking tingin at nakita ko na maganda ang hindi basta-basta kwarto ito. Nanlaki ang mata ko at agad kinapa ang sarili.
Nakahinga ako ng maluwag nang wala akong naramdaman na kakaiba.
Nasaan ako? Napalunok ako at biglang kinabahan. K-in-idnap ba ako? Wala pa naman akong pera pang-ransom. Inilibot ko muli ang aking tingin, nagbabaka sakali na may mahanap na bagay na makatutulong sa akin.
Umawang ang labi ko nang nakita ko ang phone ko sa may side table. Sa bilis ng kilos ko ay muntik pa akong mahulog sa kama. Agad kong binuksan ang phone ko at tiningnan ang oras.
Nailagay ko sa bibig ko ang palad ko kasabay ng panlalaki ng mata ko.
“Alas syete!” Agad-agad akong bumaba sa kama.
Bumilis ang tibok ng puso ko at hinawi ang kurtina. Umawang ang labi ko at napaatras nang nakita ko na malaking kahoy ang bumungad sa akin.
Bumilis ang paghinga ko at biglang natakot. Hindi ko alam kung nasaan ako at mas lalong hindi ko alam kung ano ang mangyayari sa akin.
Tumakbo ako patungo sa may pinto at binuksan ito. Nagulat ako nang hindi ito naka-lock kaya agad akong lumabas.
Naiiyak ako dahil hindi ako pamilyar sa lugar at mas lalong hindi ko pa gustong mamatay. Natigil ako sa pagtatakbo at mas lalong bumilis ang tibok ng puso ko nang makita ko kung gaano kahaba ang hagdan pababa.
“Jusmi, ano ba ang ginawa sa past life ko? Bakit ako pinarurusahan ng ganito?”
Alas syete na ng gabi pero ang malaking bahay na ito ay mukhang haunted house. Walang masyadong ilaw at wala akong nakikitang tao.
Huminga ako nang malalim at akmang hahakbang na pababa nang makarinig ako ng mahinang yapak. Kinabahan ako at bumilis ang tibok ng puso ko. Nanlamig ang buong katawan ko at hindi ko na tuloy maihakbang ang paa ko.
Tumakbo ka, Alexa! Why? Bakit hindi ako makagalaw?
Nanginginig ang bibig ko at naiiyak na sa sobrang takot. Hindi naman ako mayaman pero ako pa yata ang napagtripan. Siguro kagagawan ito ni Tita Taliana!
“Where do you think you’re going?”
Namilog ang mata ko at humigpit ang kapit ko sa laylayan ng damit ko. Ang kanyang malamig na boses ang mas lalong nagpapanginig sa akin. Nataranta ako nang bumilis ang kanyang lakad kaya na out of balance ako nang taranta akong humakbang pababa.
“Ahh!” tili ko at naghahanap agad ng makakapitan.
Akala ko ay mahuhulog na ako ngunit may isang braso ang pumulupot sa buong bewang ko at sinampa ako sa kanyang matigas na dibdib.
Umawang ang labi ko at hindi nakapagsalita sa sobrang pagkabigla at takot. Ang aking palad ay nakasampa sa isang matigas na dibdib at ramdam na ramdam ko ang pagtibok ng kanyang puso. Ramdam na ramdam ko rin ang kanyang hininga sa aking buhok pati ang mainit niyang braso sa aking bewang.
“Are you trying to escape, hmm?” malambing na tanong sa akin ng lalaki at naramdaman ko ang kanyang pagbaba ng tingin sa akin.
Aatras sana ako upang makawala sa kung sinong lalaking ito ngunit humigpit ang paghawak niya sa ‘kin na siyang ikinabigla ko.
“S-Sino k-ka?” nauutal ko na tanong. “W-Wala akong p-perang ipambayad sa ‘yo…H-Hindi ako mayaman…”
Binalot na ng kaba at takot ang aking buong katawan. Hindi ko na alam kung ano ang gagawin ko lalo na’t nasa mga bisig niya ako. Paniguradong hindi ako makakatakas sa posisyon namin.
Narinig ko ang kanyang mahinang halakhak at mahina akong napatalon sa gulat nang maramdaman ko ang kanyang hininga sa aking kaliwang tainga. Para akong nakikiliti at bumilis ang hininga ko.
“Hindi ko kailangan ang pera mo,” bulong niya sa tainga ko.
Nanginginig man pero tinatagan ko ang sarili ko at nagsalita.
“A-Ano ang k-kailangan mo?” kinakabahan ko na tanong.
Baka gusto niya ang katawan ko. Hindi puwede ‘yon! Virgin pa ako at ang swerte niya naman kung ibibigay ko sa kanya. Kung itutulak ko siya papalayo ngayon ay mahuhulog ako sa hagdan at mamamatay ako. Mas lalong ayaw kong mamatay dahil gusto ko pang kilalanin ako ni Papa bilang anak niya.
“Ang kamay mo…”
Namilog ang mata ko at gulat na gulat na nag-angat ng tingin sa lalaki na hindi ko maaninag ang mukha.
“Kamay ko?” hindi makapaniwalang tanong sa kanya. Binaba ko ang tingin ko sa kamay ko na ngayon ay nanginginig na sa kaba.
Bakit niya kailangan ang kamay ko? Puputulin ko ba ito? Carnibal ba ang lalaking ito at bakit gustong-gusto niya ang kamay ko? ‘Yon lang ba ang dahilan niya kaya niya ako k-in-idnap?
“What are you thinking?”
“H-Hindi ko ibibigay ang kamay ko sa ‘yo…at saka, kapag nakatakas ako sa ‘yo, makukulong ka. This is kidnapping!” pangaral ko at kinagat ang ibabang labi.
Lumuwag ang pagkapulupot ng braso niya sa ‘kin at narinig ko muli ang kanyang halakhak na masarap sa tainga.
“I didn’t know that the illegitimate daughter of Tito Rodrigo is funny…”
Nanlaki ang mata ko sa narinig.
“Sino ka?” Tumaas ang boses ko.
Inilipat niya muli ang sarili sa akin. “Well, I am the key, so your father will finally accept you as his daughter.”
Umawang ang labi ko. Siya ba ang lalaking pakakasalan ko? Hindi ko pa rin maaninag ang kanyang mukha dahil masyadong madilim.
“Hindi mo muna kailangan malaman ang pangalan ko,” malamig niyang sambit at kinuha ang kamay ko na nasa dibdib niya. “Just accept my proposal and everything is gonna be fine.”
“Huh?”
Napatili ako nang bigla niyang hinila ang kamay ko at sinandal niya ako sa malamig na pader. Napapikit ako sa lakas ng impact.
Nang magmulat ako ng tingin ay sobrang lapit na ng mukha niya sa ‘kin. Amoy na amoy ko ang kanyang mamahaling pabango.
Bumilis ang tibok ng puso ko dahil sa sobrang lapit niya sa akin.
“You will accept my proposal,” aniya at naestatwa ako nang agresibo niyang sinugod ang labi ko ng kanyang halik.
Namilog ang mata ko at hindi makagalaw. Naramdaman ko ang paggalaw ng kanyang labi sa labi ko habang ang kanyang kamay ay busy sa kamay ko. Bigla ko siyang naitulak nang naramdaman ko na may inilagay siya sa daliri ko.
“That’s an engagement ring, baby,” bulong niya sabay layo sa akin.
Nataranta ako at akmang tatanggalin ngunit pinigilan niya ako.
“Ayaw mo ba? I heard you agreed to your father. You have no choice but to marry me. Magagamit kita, magagamit mo rin ako.” Hinawakan niya ang baba ko. “Think of it. Your father will recognize you…Makikilala ka ng lahat nang dahil sa ‘kin.”
Napalunok ako. Alam ko naman ‘yon. Iyon naman talaga ang totoong pakay ko.
“And…you are going to live with me. Hindi ka na magiging katulong dahil asawa na kita,” dagdag niya pa.
Kahit hindi ko kita ang mukha niya ay sinapak ko ang pisngi niya.
“Ouch!” Napaatras siya habang sapo-sapo ang kanyang kaliwang pisngi. “What was that for?”
“Hindi ka man lang ba magso-sorry sa akin?” sigaw ko kahit nanginginig pa rin.
“Why would I?” nagtatakang tanong niya. “Ouch, ang sakit mo namang manapak.”
“Hinalikan mo ako na walang permiso!” sigaw ko. “At hindi pa tayo kasal! Wala ka ring karapatang kidnap-in ako nang gano’n-gano’n na lang!”
“Alright, the next time I will kiss you, I will ask for permission…”
Uminit ang pisngi ko. Hindi na ako nagsalita dahil sa tensyon. Pamilyar ang kanyang boses. May duda na ako kung sino pero baka nagkakamali lang ako.
Nakita ko ang kanyang pag-atras.
“Bumaba ka sa hagdan and walk straight towards the door. Paglabas mo, may kotse na naghihintay. My driver will drive you home safe.”
At para siyang the flash na biglang nawala sa harap ko. Napaupo tuloy ako sa sahig dahil sa sobrang panghihina. Nailagay ko sa labi ko ang isang daliri ko.
First kiss ko ‘yon!
Naibaba ko ang tingin ko sa kaliwang kamay ko. Kumikinang sa daliri ko ang singsing. Hinaplos ko ito.
Tama nga naman siya. Sa paraan ng pagpapakasal, matatanggap ako ni Papa. Tuluyan na niya akong tatanggapin sa buhay niya. Puwede ko na rin siyang matawag na Papa.
Bumuntong-hininga ako at tumayo na. Kailangan ko nang bumalik.
Special Chapter 1.2 Tahimik na inilapag ko ang bulaklak sa puntod ni Papa. Pinalis ko ang luha sa aking mata habang nasa tabi ako ni Sheldon. Ang kanyang kamay ay nakaakbay sa akin habang ang isa ay may dala ring bulaklak. Nang nangibabaw ang aking emosyon ay sumandal ako sa kanyang balikat. "I know your dad is in a good place." Tumango ako. "Alam ko." "And why are you crying? Miss mo na?" Tumango muli ako habang ang tingin ko ay nasa puntod ni Papa. "H-Hindi ko man lang siya nakasama nang matagal," I said. "Gustong-gusto ko pa naman siyang makasama nang matagal." Suminghap ako nang tumulo muli ang luha sa aking mga mata. "If I have know na may ganoon pala siya na sakit dati ay sana kinapalan ko na ang mukha ko." "Shss..." Pinalis ko muli ang luha sa aking mata at napatingin sa ina ko na ngayon ay tahimik na sa kanyang puwesto. I know that she was
Special Chapter Tatlong taon na ang nakalipas simula nang nangyari ang lahat. Masaya ako na nasa tamang kalalagyan na ang lahat. Hanggang ngayon ay hindi ko pa rin limot ang mga pinagdaraanan ko. Kung paano ako naghirap hanggang sa nalaman ko ang isang bagay na nagbabago ng pag-ikot ng buhay ko. "Alexa, let's sleep, hmm?" Gusto ko nang bumangon mula sa pagkakahiga dahil paghahandaan ko pa sila ng makakain ngunit masyadong makulit itong asawa ko at mas gusto pa yatang humiga pa sa kama kahit sumisikat na ang araw. "Sheldon..." Nilingon ko siya. "Alas otso na. Baka gutom na si Sheldon." "May yaya, please my wife. Sa akin ka na lang muna ngayon kahit ngayong araw lang, hmm? Pagod ako sa work." Umirap ako. "Sinabi ko ba na magpagod ka?" Humalakhak siya at mas lalong isinisiksik ang kanyang sarili sa akin. "Hindi...Pero maaga kong tinapos ang lahat ng mg
“Happy birthday to you! Happy birthday to you! Happy birthday! Happy birthday! Happy birthday to you!” “Blow the candle, Shelo!” “Yes, Mommy!” And when he blew the candle, the visitors clapped their hands. Lumapit ako kay Alexa at hinalikan siya sa pisngi. “Uy, huwag ka ngang manghalik diyan! Maraming tao at birthday pa ng anak mo!” saway niya sa akin. I chuckled and looked at our little boy who resembled to his Mommy. “Happy birthday, Shelo,” I said and kissed his cheek. “Thank you, Daddy!” masayang sambit ni Shelo and he hugged me. “You’re welcome and thank you for existing,” makahulugan kong sinabi at sinulyapan ko ang pinakamagandang babae sa mata ko. She was entertaining the guest and she was smiling. The whole Azura was shocked when they knew that Alexa already had a child. I think Alexa already knew how to handle such issues calmly. My wife is so great that I want to marry her again in front of th
I gave him a chance. Napangiti na lamang ako nang sinalubong ako ng isang halik sa noo nang mag-umaga. Inilahad niya sa akin ang kanyang dalang bulaklak. “Flowers for my wife,” aniya. Ngumiti ako at saka tinanggap ito. “Maraming salamat!” “Sobrang maaga naman yata ang pagbisita mo, hijo?” si Nanay sabay halakhak. “Tulog pa nga ang apo ko.” Ngumiti lang si Sheldon kay Nanay at saka bumalik ang kanyang tingin sa akin. “I hope you like the flower.” “G-Gusto ko…” “Pasok ka muna sa loob, hijo. Kumain ka na ba ng umagahan?” tanong ni Nanay. Kinuha ko na ang kamay ni Sheldon at saka hinila na siya sa loob. Last night was our moment. I gave him a chance and I think he deserves it. Habang papatungo kami sa sala ay naramdaman ko ang pagdaos-os ng kanyang kamay patungo sa kamay ko. Umawang ang labi ko at napasinghap nang pinagsiklop niya ito. “Nay, I am going to ask her out. Can you please let us have some
Nakaupo kaming lahat sa sala. Si Nanay, si Tita Ruffa, Tito Antonio, ako, si Sheldon at si Shelo.Ang anak ko ay walang kamalay-malay habang nakatitig sa kanyang Lolo at Lola. Ibinaba ni Tita Ruffa ang tasa at saka tumikhim.“I am sorry for the surprise visit,” sabi ni Tita Ruffa sabay baling kay Nanay. “It’s been a while, Alejandra. Mukhang hindi ka pa rin talaga nagbago, mabait ka pa rin.”Binalingan ko si Nanay upang makita ko ang reaksyon niya at nagulat ako nang nginitian ito ni Nanay.“Alexa…”Napasinghap ako at agad-agad siyang binalingan.“P-Po?”Naramdaman ko ang palad ni Sheldon sa bewang ko at hinaplos-haplos niya ito upang pakalmahin ako. Napalunok tuloy ako.“I am so sorry for what I said back then,” aniya sabay ngiti sa akin. “I never intended to hurt you like that. I hope you are not going to ignore me anymore.&rdqu
Kahit na masama ang pakiramdam ko, hindi ko hinayaan na maapektuhan ang outing namin dahil lang sa nararamdaman ko.“Mommy, you are not sad anymore?” tanong ng anak ko at nagulat ako nang sinapo niya ang noo ko. “You are not sick too…”Ngumuso ako at ginulo ang kanyang buhok.“I am not sad anymore because you are here,” sabi ko sa kanya.“Yeahy!”At napangiti ako nang niyakap niya ako sa leeg.“Shelo will not leave your side, Mommy!”“I will not gonna leave by your side too, Shelo,” I said and kissed him on his cheek.Naging masaya na ulit ang 3 days outing namin. Marami ring pictures si Shelo dahil nalibot namin ang buong resort.At ngayon, ngayon na ang araw na uuwi kami ng Azura.“Mommy! I want to swim on the pool when we went home!” kwento ni Shelo habang kumakain siya ng chocolate sa backseat.Hanggang ngayon ay