LOGINDahil sa matinding pangangailangan at sa karamdaman ng kanyang asawa, napilitang manilbihan bilang kasambahay si Hera sa tiyo niya, isang lalaking ma-impluwensya at kilalang bilyonaryo. Ngunit hindi lang simpleng serbisyo ang nais ni Nazzer mula sa kanya. Si Nazzer, o Nazz, ay isang retiradong sundalo na uhaw sa iisang bagay, isang anak na magmamana ng lahat ng kanyang ari-arian. Ayaw niyang dumaan sa proseso ng surrôgacy. Ang gusto niya, sariling pagod, dugô, at sariling paraan ng pagbuo nito. Kaya inalok niya si Hera ng dalawang milyong piso kapalit ng isang kasunduan na sisira sa lahat, ang makipagtalik sa kanya kailanman niya ito naisin, hanggang sa magbunga ang gusto niya. Sa pagitan ng desperasyon, konsensya, at pagmamahal sa kanyang asawa, tanggapin kaya ni Hera ang alok? O may hangganan pa rin ba ang isang sakripisyo kapag pûso at dángal na ang kapalit?
View More"Matumal ba ang benta? Sabi ko naman sa’yo, mag-apply ka na lang ng trabaho." Napatingin si Hera kay Sisa na naglalakad palapit sa kinaroroonan niya. "Hindi naman magagalit ang asawa mo. Siya pa nga ang nag-uudyok sa’yo na magtrabaho," dagdag nito, pero nginitian lang siya ni Hera.
Matagal na niyang gustong magtrabaho, pero dahil walang mag-aalaga sa asawa niyang nakaratay sa kama, bulag at hindi makalakad dahil sa sakit, pinili niyang magbenta na lang ng kung anu-ano. Hindi niya maatim na iwan ang asawa. Wala kasing magpapakain dito, magpupunas, o sasama kapag kailangang magbanyo. Minabuti niyang huwag itong iwan at pinili ang ganitong hanapbuhay para kahit papaano ay magkasama pa rin sila. Mahal niya ang asawa, iyon ang palagi niyang isinisiksik sa isip niya para hindi niya ito sukuan. Kahit na minsan ay sumagi sa isip niya ang bumitaw, sa huli, nananatili pa rin siya. Umupo si Sisa sa tabi niya at kumuha ng isang turon sabay abot ng bayad. "Alam mo, sayang ka. Ang ganda mo pa naman. Real talk ha, marami ka na sanang anak ngayon kung inasa mo na lang sa center ang asawa mo." Hindi umimik si Hera at nagpatuloy sa pagluluto. Sanay na siya sa pangrerealtalk ng kaibigan niya. Hindi naman siya nasasaktan kaya hinahayaan niya. "Bakit hindi ka na lang manilbihan sa tiyo mo? Tingnan mo, nag-aayos na naman siya ng kotse sa talyer niya," wika nito na nakangisi pa. "Bilyonaryo nga, kuripot naman. Pero malay natin, ’di ba? Baka payagan ka niyang maging kasambahay." Mabilis na tinapunan ng tingin ni Hera ang tiyo niya. Nang magtagpo ang kanilang mga mata, agad itong nag-iwas ng tingin. "Hindi naman siya nangangailangan ng kasambahay," sagot ni Hera. "Mag-isa lang naman siya sa bahay niya. Anong gagawin ko roon?" Tumawa si Sisa bago nilunok ang kinakaing turon. "Baliw. Malamang maglilinis! Hindi na yata ’yan nakakapaglinis dahil puro pag-aayos ng sasakyan ang inaatupag." Napabuntong-hininga na lamang si Hera. "Alam mo Sisa, umuwi ka na lang at matulog," saad niya. Tinawanan lang siya ng kaibigan hanggang sa mapansin nitong papalapit si Nazzer, ang kanyang tiyuhin. "Magkano ang turon?" malamig nitong tanong. Napalunok si Hera at kinabahan. Napansin niyang sinesenyasan siya ni Sisa na tila nanunukso. "Limang piso," tugon niya. "Kada tusok?" balik na tanong nito. Halos masamid si Sisa sa iniinom niyang buko juice. "Kada isang stick, ten pesos," ani Hera na halos kagatin ang labi para pigilan ang sarili na sawayin si Sisa. "Walang discount?" Natulala siya sandali. Discount? Pati ba naman sa turon may discount? Ibang klase! "Wala po, Tiyo," madiin na sabi niya. "Sige, bigyan mo ako ng sampung tusok," ani Nazzer na namulsa at nahihiwagaang tumitig kay Hera, tila natutuwa. "Stick pala." Saka ito tumawa ng mahina. Hindi sila malapit sa isa't-isa kahit magkamaganak. Matagal na nanirahan si Nazzer sa ibang bansa bilang sundalo at ngayong buwan lang ito umuwi matapos magretiro. "Should I wait? Or go? Ikaw na lang magdala sa akin niyan sa talyer? I’m kinda busy," dagdag pa nito. "Is that okay?" "Okay na okay ’yan kay Hera. Malapit lang naman ang talyer mo," singit ni Sisa. "O, huwag mong kalimutan Hera, sampung tusok daw—ay mali, stick." "Alam ko," tipid niyang sagot. "Dadalhin ko na lang sa talyer mo." "Alright, I’ll go na, ha? I’ll wait. Nagugutom na ako. I have no time to cook." No time to cook. Ano bang alam ng isang sundalo sa pagluluto? Sa loob-loob ni Hera. "Sige po," tugon niya, habang matalim ang tingin kay Sisa. "Anyway, if you have friends na tingin mo ay pasok sa standard ko, baka pwedeng ireto mo ako? I’m looking for a wife," biro pa ni Nazzer na tinawanan nang malakas ni Sisa. "Naku, Nazzer, wala ’yan kaibigan kundi ako lang. Pero hep, may asawa na ako. Magpa-party ka na lang at baka sakaling may pumuntang mga dalaga," tawang-tawa na sabi ni Sisa. "I’m open for single ladies, single moms, and well... may asawa?" He laughed. "Kidding aside. Alis na ako ah? Doon ko na lang hihintayin ang turon ko." Hindi naman pala ganoon kalamig ang tiyuhin niya gaya ng iniisip niya. Palabiro rin pala. Pagkaalis ni Nazzer, nakatanggap ng mahinang hampas sa braso si Sisa. "O, bakit? Hindi naman pala nakakatakot ang tiyuhin mong sundalo. Sana lang hindi babaero. Gwapings talaga, ’teh. Hindi mo bet?" Sinamaan niya ito ng tingin. "Nababaliw ka na ba? Tiyuhin ko ’yon, at may asawa na ako," singhal niya. "Umuwi ka na nga lang baka mabalitong ko sa’yo ’tong prituhan ko." "Joke lang! Kaya mo bang ihatid ’yan sa kanya? Hindi pa naman kayo close," ani Sisa. "Kaya ko naman," sagot niya at sinimulang itabi ang turon na para sa kanyang tiyo. Nang matapos lahat ng piniprito niya, maingat niyang inilagay ang sampung pirasong turon sa isang malinis na supot. Ramdam niya ang nanunuring tingin ni Sisa na tila ba may binabalak na hindi maganda. "O, tapos na. Siguraduhin mong hindi ka magkanda-utal-utal, Hera," biro ni Sisa sabay kindat. "Ang ganda pa naman ng katawan ng tiyuhin mo." Hindi na sumagot si Hera. Bitbit ang supot ng mainit-init pang turon, nilakad niya ang maikling distansya patungo sa talyer ng kanyang tiyuhin. Pagpasok niya, nakita niya si Nazzer na nakayuko sa ilalim ng hood ng isang lumang SUV. "Tiyo, heto na po 'yong order mo," mahinang sabi ni Hera. Tumayo nang tuwid si Nazzer at nagpunas ng kamay sa isang madungis na basahan. Sa malapitan, kitang-kita ni Hera ang mga pilat sa braso nito, mga alaala marahil ng serbisyo nito sa militar. May kung anong awra kay Nazzer na nakaka-intimida pero kasabay nito ay ang kakaibang kuryosidad. "Salamat," sabi ni Nazzer. Kinuha niya ang supot at agad na kumagat ng isa. "Masarap. Hindi nagbago ang timpla mo." Napakunot ang noo ni Hera. "Paanong hindi nagbago? Ngayon lang naman kayo nakatikim ng tinda ko." Sandaling natigilan si Nazzer, bago muling ngumiti. "I mean, sa amoy pa lang, alam ko nang masarap. Maupo ka muna." "Hindi na po. Kailangan ko nang bumalik sa pwesto at baka magising ang asawa ko," pagtanggi ni Hera. "Kamusta na nga pala siya? Si Elias?" seryosong tanong ni Nazzer habang nilalapag ang supot sa ibabaw ng toolbox. "Ganoon pa rin po. Walang pinagbago," tipid na sagot ni Hera, pilit na itinatago ang lungkot sa boses. "Hera," tawag ni Nazzer nang akmang tatalikod na ang babae. "If you ever need help... hindi lang basta barya-baryang pambili ng gamot... alam mo kung nasaan ako." Hindi lumingon si Hera, pero ramdam niya ang sensiredad sa mga salitang iyon. Mabilis siyang naglakad pabalik sa kanyang pwesto na sa harap lang ng bahay nila, ngunit ang tib0k ng puso niya ay hindi niya maipaliwanag. Bakit parang iba ang tingin sa kanya ng tiyo niya? At bakit pakiramdam niya, may alam si Nazzer sa sitwasyon nila na hindi nito sinasabi?“Good afternoon, Ma’am. Welcome to Alcantara Premiere Resthouse,” nakangiti kong batî sa bagong dating na guest habang inaabot ang reservation form.Automatic na lang halos ang mga kilos ko. Ngumiti, mag-assist, sumagot nang maayos, at magmukhang okay. Ngunit sa likod ng bawat ngiti ko, ang magulong tib0k ng puso ko dahil ramdam kong may matang nakatingin sa akin at hindi ako nagkamali. Nang mapatingin ako sa second floor balcony kung saan tanaw ang buong lobby, nandoon si Liam.Nakasuot siya ng simpleng itim na polo at slacks, nakasandal sa railing habang tahimik akong pinagmamasdan.Hindi siya ngumiti. Mataman lang itong nakatingin sa akin habang ang isang kamay may hawak na wine glass, pinaiikot.Ramdam na ramdam ko ang bigat ng titig niya kahit mula sa malayo, na tila ba bawat galaw ko ay sinusubaybayan niya.Napalunok ako at mabilis na iniwas ang tingin.“Miss Sheika?”Napabalik ako sa realidad nang tawagin ako ng guest.“Ah—yes po?”Pinilit kong ngumiti ulit. Ngunit ilang segun
“Hindi ko kaya...” mahina ngunit buo ang pagkakabigkas ko no’n, sapat para makita ko kung paano gumuhit ang sakit sa mga mata ni Sir Liam.Hindi siya agad nagsalita, tila ba may kung anong pumigil sa kanya. Nanatili lang siyang nakaupo sa tabi ng kama ko, titig na titig sa akin na para bang may gustong sabihin ang mga mata niyang hindi niya mailabas gamit ang bibig.Kahit ako, para akong na-umid. Hindi alam ang sasabihin.“Hindi mo kaya dahil natatakot ka...” paos niyang saad. “O dahil may ibang tao ka nang mahal?”Para akong sinakal sa tanong niya. Agad kong naalala si Theo. Iyong tatlong taon naming pagsasama. Iyong mga panahong siya ang kasama ko sa lahat—sa lungkot, sa gutom, sa pagod, sa simpleng buhay na meron ako ngayon.Ngunit bakit ganun? Bakit sa tuwing nakatitig sa akin si Liam pakiramdam ko may parte sa sarili kong matagal nang nawawala at ngayon pilit na bumabalik?“Hindi ko alam...” iyon lang ang naisagot ko habang umiinit ang sulok ng mga mata ko. “Hindi ko na alam kung
Napaangat muli ang tingin ko nang marinig ang pamilyar na boses. Si Via, papasok ng pantry habang nag-uunat pa at nagkukuskos ng mga mata. Ngunit agad na nagbago ang mukha niya nang makita ang itsura ko."Hala! Anyare sa'yo? Bakit namumutla ka na naman? At ang pawis mo, ang lalaki!" mabilis na lumapit sa akin si Via at hinawakan ang noo ko. "Diyos ko, Sheika! Ang init-init mo! Nilalagnat ka!""Ayos lang ako, Via... medyo mabigat lang ang ulo ko," depensa ko, pero nang subukan kong tumayo tuluyan nang dumiIim ang paligid ko at nawalan ng lakas ang mga binti ko."Sheika!" iyon ang huling narinig ko bago ako tuluyang binalot ng kadiliman.Hindi ko alam kung ilang oras akong nawalan ng malay. Iminulat ko ang aking mga mata at unang tumambad sa akin ay ang puting kisame ng clinic ng resthouse. May swero na ring nakakabit sa aking kaliwang kamay."Salamat sa Diyos, gising ka na," boses ni Theo mula sa gilid ko.Nang lumingon ako, nakaupo siya sa isang silya, hawak ang aking kanang kamay. Ba
Kinabukasan, maaga akong nagising. Siguro alas-singko pa lang ng umaga, gising na ako kasi ako pa lang 'yong tao sa lobby. Iniwan ko si Via na mahimbing pa rin ang tulog. Hindi ko naman masilip 'yong kabilang kwarto kung saan si Theo at Nanay Martha dahil naka-lock.Tumuloy na lang ako sa lobby, gumawa ng kape sa pantry habang iniisip iyong kagabi.Hindi ako nakatulog ng maayos. Parang sirang plaka na paulit-ulit sumasagi sa isip ko 'yong mga sinabi ni Sir Liam. Kaya ito, medyo nahihilo, mabigat ang ulo at masama ang pakiramdam.“Kilala ko ang asawa ko... pero kailangan kong magpanggap.”Iyon ang mga huling salitang binitawan niya bago siya mabilis na humakbang pabalik sa main building, iniwan akong mag-isa na naguguluhan.Hanggang ngayon, ramdam ko pa rin iyong dampi ng labi niya sa buhok ko at higpit ng yakap na tila ba natatakot siyang mawala ako muli.Pero kung totoong ako ang asawa niya... sino ang babaeng natutulog ngayon sa suite niya? Bakit kailangan niyang magpanggap sa harap


















Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.
reviews