Mag-log inNaging anino si Calliyah Nicole sa sarili niyang tahanan. Pinanood niyang mawasak ang pamilya niya dahil sa pagbabalik ni Samantha. Pero ang pinakamasakit na dagok ay hindi ang pagtataksil, kundi ang malaman na ang taong pumatay sa kanyang anak ay siya ring taong hinihilingan niya ng pag-ibig. Sa huling bahagi ng kanilang kwento, isang kasunduan ang mabubuo: Isang buwan na magkunwaring mahal siya ni Gale Rey,ang kanyang asawa, at ibibigay niya ang huling hininga para sa kaligayahan nito. Magagawa bang bawiin ng isang buwang pagpapanggap ang higit limang taong paghihirap? O mauuwi ang lahat sa isang huling pamamaalam na habambuhay na magmumulto kay Gale?
view moreSabi nila, ang pag-ibig ay parang sugal. Itataya mo ang lahat—ang oras mo, ang pangarap mo, at maging ang buong pagkatao mo sa pag-asang sa huli, ikaw ang mananalo.
Pero sa loob ng limang taon, isa lang ang natutunan ko: sa larong ito ng pag-ibig, hindi sapat ang taya. Dahil kahit ibigay mo na ang lahat, kung hindi ikaw ang pinipiling panalunin, mananatili kang talunan. Hindi ko kailanman inasahan na darating ang araw at mapapagod din ako sa kanya. Na ang pusong dati ay tila hindi nauubusan ng pasensya ay bigla na lang titigil at sasabihing, 'tama na'. Na sa huli, ang babaeng nangakong hinding-hindi siya iiwan ay ang siya ring babaeng maglalakad palayo para iligtas ang sarili. “Salamat, Mike,” mahinang saad ko habang inaabot ang brown envelope. Ang sarili kong boses ay halos hindi ko na makilala sa lamig nito. “Sigurado ka na ba talaga rito, Nicole?” May bahid ng pag-aalinlangan at lungkot ang mga mata ni Mike. Kilala niya ako. Alam niya kung gaano ko ipinaglaban ang relasyong matagal nang ako lang ang nagdadala. “Oo, Mike. Pagod na ako. Sobrang pagod na,” sagot ko nang may tipid na ngiti na hindi man lang umabot sa aking mga mata. “Minsan pala, kailangan mo munang tuluyang mabasag bago mo maintindihang hindi na kayang buuin ng mga piraso mo ang sarili mo.” Tumango siya, bagaman bakas ang pag-aalala. Saksi si Mike sa bawat hagulgol ko sa madaling-araw kapag hindi umuuwi si Gale. Alam niya kung paano ako magpaka-martir, kung paano ko tiniis ang bawat balewalang tingin at bawat masakit na salita mula sa asawa ko at sa pamilya niya. At ngayon, hawak ko na ang papel na tuluyang nagpapatunay na wala talagang natira para sa akin. Umalis ako sa pinag-usapan naming iyon. Ang sikat ng araw ay masakit sa balat, pero mas masakit ang katotohanang pasan-pasan ko. Bago ko puntahan ang huling destinasyon ko ngayong araw, kinuha ko muna ang pinakamahalagang bagay sa buhay ko—ang tanging rason kung bakit nanatili akong humihinga sa impyernong ako mismo ang nagpilit pasukin. “Heto na po siya, Misis Salazar,” bungad ng nurse pagkarating ko sa nursery unit. Dahan-dahan kong kinuha ang anak ko sa aking bisig. Mahigpit ko siyang niyakap, na tila iyon na lang ang natitirang bagay na nagpapakalma sa akin. “It’s Miss Asuncion now,” pagtatama ko sa nurse. Hindi na ako ang babaeng Salazar na handang mawala ang sarili para sa pangalan ng asawa. Ako na uli si Calliyah Nicole Asuncion—hindi na ang babaeng nabubuhay lang sa pagmamahal ni Gale. 'Alis na tayo sa lugar na ito, anak. Malayo sa sakit. Malayo sa kanila.' Maingat ko siyang inilagay sa likurang upuan ng aking sasakyan. Bawat kilos ko ay tila mabigat. Inayos ko siya nang maingat bago ako umikot at sumakay sa driver’s seat. Hinawakan ko nang mahigpit ang manibela. Ang aking mga kamay ay nanginginig, hindi dahil sa takot, kundi dahil sa emosyong matagal ko nang kinikimkim. “Bago tayo tuluyang lumayo, dadaan muna tayo sa Daddy mo, magpapaalam lang tayo,” mahinang bulong ko. Ang biyahe patungo sa ospital ay tila pinakamahabang biyahe ng buhay ko. Bawat kanto, bawat traffic light, binibigyan ako ng pagkakataong magbago ng isip. Pero selyado na ang desisyon ko. Pagkarating sa gusali, ang amoy ng disinfectant at gamot ay agad na sumalubong sa akin—malamig at walang buhay ang paligid. Muntik ko nang makalimutan ang brown envelope sa backseat. Mabuti na lang at may kung anong nagtulak sa akin na lumingon uli sa aking anak bago ako tuluyang bumaba. Binalikan ko ito at pumasok sa loob. Alam ko ang daan patungo sa kwartong iyon. Hindi dahil madalas akong narito. At lalong hindi dahil siya ang pasyente. Nandito siya dahil binabantayan niya ang kanyang mundo. At kailanman, hindi ako naging bahagi noon. Doctor ba ang asawa ko? Hindi. Isang CEO ang asawa ko. Isang bilyonaryong negosyante na hinahangaan ng marami. Pero para sa akin, isa lang siyang lalaking unti-unting dumurog sa akin. Pagdating sa tapat ng private room, hindi na ako nag-abalang kumatok. Wala na akong pakialam sa respeto o etiketa. Ang dangal ko ay matagal na nilang kinuha, kaya bakit ko pa sila bibigyan? Pagbukas ng p***o, nanlamig akong natigilan. “Nicole!” gulat na sigaw ni Gale. Naka-awang ang aking labi pero walang tunog na lumabas. Nakikita ko sila. Si Samantha—ang babaeng unang minahal ni Gale, ang babaeng dahilan kung bakit kahit kailan ay hindi ako naging sapat. Nakaupo si Samantha sa hospital bed, habang si Gale ay nakaluhod sa harap niya. Ang mga braso ni Samantha ay nakapulupot sa leeg ni Gale habang magkadikit ang kanilang mga labi, na tila ba ako lang ang sobrang kalabisan sa kwartong iyon. Halos nakabukas na ang polo ng asawa ko, na para bang wala silang ibang iniisip kundi ang isa't isa. “N-Nicole...” nauutal na tawag ni Samantha, mabilis na tinutulak si Gale palayo. Pinilit kong tumawa, pero ang lumabas ay isang mapait na tunog na halos hindi ko makilala. Tinitigan ko si Samantha. Maganda pa rin siya, kahit nakasuot ng hospital gown. Ang lambing ng boses niya ay nandoon pa rin—iyong tinig na naging sandigan ni Gale sa loob ng limang taon naming pagkakasama, habang ako ay nananatiling babaeng nasa tabi lang niya. “Samantha,” tawag ko sa kanya habang naglalakad palapit. “Huwag kang mag-alala. Hindi ako pumunta rito para gumawa ng eksena." "Pagod na akong lumaban para sa relasyong hindi naman naging akin.” Binalingan ko si Gale. Ang asawa ko. Ang lalaking minsan kong inakalang makakasama ko habang-buhay. Inabot ko sa kanya ang brown envelope. “Ano ito?” kunot-noong tanong niya habang inaayos ang kanyang polo. Wala man lang bakas ng pagsisisi sa kanyang mga mata, kundi pagkainis dahil naistorbo ko sila. “Pirmahan mo, Gale. Kapag ginawa mo ‘yan, hindi mo na ako makikita kailanman." "Ibibigay ko sa inyo ang buhay na matagal niyo nang gusto.” “Nicole, ‘wag ka sanang magagalit kay Gale,” biglang singit ni Samantha, mahina ang pagkakasabi niya. “Nandito lang siya dahil... wala akong ibang matakbuhan." Hindi ako nagsalita. "Ayokong masira ang pamilya niyo dahil sa akin.” Tumaas ang kilay ko. Ang galing niyang maglaro. “Wala ka bang sariling pamilya, Sam? O baka sadyang asawa ko lang ang hilig mong takbuhan?" Nakakainsulto ko siyang nilingon. "Pero huwag kang mag-alala. Sa'yo na siya. Tutal, ikaw naman talaga ang mahal niya. Ang kailangan ko lang ay ang pirma niya.” “Nicole! Tama na!” suway sa akin ni Gale. Ang boses niya ay halatang galit. “Hindi ka marunong makipag-usap nang maayos? Ikaw na naman ang gumagawa ng gulo. Pinasasama mo lang ang loob ni Samantha!” Napatitig ako kay Gale. Gusto kong itanong kung naririnig ba niya ang sarili niya. Pero ano pang silbi? Sa paningin niya, ako ang laging mali at masama. “Maniwala ka, Gale Rey... mas masakit ang ginawa mo kaysa sa kahit anong masasabi ko,” mariing sabi ko. “Iyan lang ang kailangan ko. Pirmahan mo na para matapos na ang lahat.” Nakita ko ang bahagyang pag-aalala sa kanyang mga mata nang tawagin ko siya sa buong pangalan niya. Pero mabilis din iyong nawala nang humawak si Samantha sa ulo nito, na tila biglang nanghina. “G-Gale, kailangan ko nang magpahinga... pirmahan mo na ‘yan para makaalis na siya,” bulong ni Samantha. “Sige,” mabilis na sagot ni Gale. Hindi niya binasa ang dokumento. Hindi niya tinignan ang bawat pahina. Basta na lang siyang kumuha ng ballpen at mabilis na nilagdaan ang papel na para bang ordinaryong papel lang. Ganoon lang kabilis. Napakadali para sa kanya na burahin ang limang taon naming pagsasama. “Kunin mo na ito at ‘wag na ‘wag ka nang babalik sa ospital na ito. Huwag mo nang guguluhin si Samantha,” sabi niya habang ibinibigay sa akin ang envelope. Kinuha ko iyon. Parang may tuluyang namatay sa loob ko. Wala na talaga. Tapos na. “Huwag kang mag-alala, Gale. Hinding-hindi na ako babalik. Hindi na ako magmamakaawa sa ‘yo na mahalin mo ako o kahit pansinin man lang." Bumigat ang paghinga ko at pilit na pinatatag ang sarili sa harap nila. Dahil kung hindi ko gagawin iyon, magmumukha akong talonan. "Sa araw na ito, tuluyan na kitang bibitawan.” Tumalikod ako at hindi na lumingon pa. Habang naglalakad ako sa hallway ng ospital, bawat hakbang ko ay parang unti-unti akong lumalayo sa dating ako— sa babaeng handang gawin ang lahat para mahalin. 'Paalam, Gale.' Sa kabilang buhay na lang tayo muling magkita. Pero sa mundong ito, ako na mismo ang magwawakas sa atin.Walang nakapagsalita sa sinabi ng doktor.Ilang sandali lang ang lumipas bago umalingawngaw ang matinding hagulgol ni Crystal. Napahandusay siya sa bisig ni Nate.Si Rayjee naman ay napaatras nang ilang hakbang matapos marinig ang sinabi ng doktor.Lumakas din ang pag-iyak ni Glenda na nakasandal sa dibdib ni Gale.Tumulo ang luha sa mga mata ko."Please! Do anything to save my father!" sigaw ni Rayjee, garalgal at basag ang boses.Agad na ipinahanda ng doktor ang operation room para kay Rage. Katabi lang ito ng emergency room kaya hindi na namin kailangang lumipat pa nang malayo.Nang makaalis ang doktor, lumapit si Rayjee sa asawa niya at pumalit kay Gale. Agad na niyapos ni Glenda ang kaniyang asawa.Si Gale naman ay parang nanginginig na napaupo na lang sa bench.Lahat sila ay may matinding takot sa kanilang mga mata. Pero tanging si Nate lamang ang nakatayong matatag sa kanilang lahat. Walang luha sa kaniyang mga mata ngunit naroon ang malalim na takot na baka mawala ang Lolo niy
Nicole P.O.V"Hello?"I still couldn't figure out what happened to Rage.My mind was blank. Like it had stopped thinking.Then here Chico was... still calling me nonstop. I didn't have a choice, so I answered."Damn, Calli, bakit ngayon ka lang?" Nasa boses niya ang pag-aalala.Napahawak ako sa noo ko at napatingin sa labas nang marinig ko ang papalayong tunog ng ambulansiya.Umalis na sila.Hindi na ako nakasama."Why, Chico? Do you need anything? Can we just talk later—""Calli, wait. There's something—"Naputol ang boses niya nang may marinig akong nagsalita."Did she answer it?"Kumunot ang noo ko nang makarinig ng familiar na boses mula sa kabilang linya.It can't be."Chico?" Mahinang bulong ko.Isang kaluskos ang narinig ko. Parang hangin na mabilis gumalaw bago ko muling narinig ang pamilyar niyang boses."Give me that."Napakunot-noo ako. Ano bang nangyayari? Bakit sila magkasama?"Hello?" Ulit ko.Walang sumagot sa akin. Ilang segundo ang lumipas bago ko muling narinig ang b
Matagal akong napatitig sa kaniya. Hindi ako makapaniwala sa narinig ko. Talaga bang gagawin niya 'yon? "P-Pero bakit? Para saan—" Hindi ko natapos ang sasabihin ko nang biglang pumasok si Anding sa dining area, hawak ang cellphone kong walang tigil sa pagvibrate at pagtunog. May tumatawag. "Pasensya na sa abala, Nicole, ngunit kanina pa tumutunog ang cellphone mo," sabi niya. Maririnig ang bahagyang hingal sa boses niya. Kinuha ko ang cellphone ko sa kamay niya at agad na tiningnan kung sino ang tumatawag. Si Chico. Bago ko pa iyon masagot, kusa na iyong namatay. "Hinahanap ka pala ni Sir Gale. Kakarating lang niya pagkatapos maihatid si Ma'am Samantha kagabi," muling sabi ni Anding, bahagya pang napalingon kay Nate dahil sa hiya. Napatingin ako sa kaniya. Kararating lang pala ni Gale? Akala ko ay pagkatapos niyang maihatid si Samantha ay bumalik na siya agad rito at natulog sa kwarto namin. Kung ganoon, saan siya namalagi kagabi? Saan siya natulog nang ganoon katagal? "
Napatigil si Nate sa pagtangkang paglapit sa kaniya. Biglang bumigat ang hangin sa paligid. Kung tingnan ni Gale ang kaniyang kapatid, para na niya itong pinapatay sa kaniyang mga titig. "Easy, bro... We just talked," nakangising sabi ni Nate bago niya niyakap ang kapatid—na hindi man lang gumalaw para yakapin siya pabalik. "I was one of their guests before in La Union, so don't think too much. Your wife is loyal to you..." Lumingon siya kay Samantha. "Sa inyong dalawa, parang ikaw pa nga ang may kayang gumawa ng kalokohan," biro pa niya. Bumigat ang paghinga ko. Lahat kami ay natigilan, hindi inaasahan ang sinabi niya. Isang biro lang iyon, pero napakabigat ng naging dating sa dibdib ko. Dahil alam ko... alam na alam ko na hanggang ngayon ay mahal pa rin ni Gale si Samantha. Pero nakakagulat ang sinabi ni Nate kanina. Naging guest namin siya noon sa La Union? Kaya naman pala familiar ang pangalan niya. Parang nabasa ko na iyon sa guest log book noon. Iyon siguro ang dahilan.
I hate red dresses. That’s why I never wear all the dresses Glenda Salazar brought me. Suot ang puting bestida na abot sa ibabaw ng talampakan, umikot ako sa harap ng salamin, tube ito. Tenernohan ko ito ng white flat sandal. Hindi rin ako nagsusuot ng jewelries, tanging ang wedding ring lang ang m
“I don’t want a toy anymore.” Sigaw ng bata. Gamit ang maliit na kamao ay pinagsusuntok niya ang ama sa mukha. Sinangga naman ni Gale ang suntok ng anak. “Stop it kiddo.” Malumanay na utos niya sa anak. Never niyang sinigawan o pinagalitan ang bata. Kaya lumaki itong walang kinakatakutan kung hin
Naiintindihan ko na si mama, para manatiling buo ang pamilya kailangan mong magtiis at magpakatanga sa kagagohang ginagawa ng asawa mong hindi iniisip ang kapakanan ng inyong anak. Samantha Bernardo is my insecurities. Dahil sa kanya, ang dami kong nakitang mali sa akin. Akala ko nga perpekto na ak
Hindi ako mahuhulog sa kanya, iyon ang akala ko. He’s cold, distant, and arrogant towards me. I will never fall for a man like him. But I was wrong. Minahal ko pa rin siya. “Bakit ngayon ka lang?” Alas dos na ng umaga at kakauwi lang ng magaling kong asawa. Paakyat na siya ng hagdan ng magsalit


















Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.
Rebyu