Share

Kabanata 15.1

Hindi makapaniwala si Colton sa narinig buhat kay Ofelia sa mga oras na ‘yon. May anak siya kay Atasha? Bigla ang dami nang tumatakbo sa isipan niya.

Isa ba ito sa dahilan kaya umalis si Atasha? Kaya ba hindi niya makita si Atasha dahil sadya niya na itinago ang pagbubutis sa kan’ya? Hindi niya maintindihan kung ano ang mararamdaman sa mga oras na ito at sa kaisipan na iyon.

“I’m giving you enough time to think about your decisions, Colton.” Muli na napabalik si Colton sa kasalukuyan nang magsalita si Ofelia.

“What makes you think na maniniwala ako sa’yo? Nasaan ang bata? At paano mo nalaman ito? You don't expect me to believe you without proof, right?” madiin na tanong ni Colton sa babae.

“Kung ayaw mo na maniwala hindi ko na problema iyon, Colton. Inilalapag ko sa’yo ang mga kondisyon ko. Ngayon na sa'yo na ang pagdedesisyon kung maniniwala ka o hindi. Basta’t kapag hindi ka nag-resign ay ako mismo ang magsasabi sa ama mo ng katotohanan. Katotohanan na pinabayaan mo ang sarili mo
Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status