“Pumasok ka na sa gate!” sigaw ko sa babae pero hindi nya yata ako narinig.
Patuloy kong sinalag ang mga pag atake nila, hanggang isang malakas na hangin ang dumating, may bumulong sa akin na yumuko. Pagkayuko ko naman ay biglang humampas ang isang kulay dugo na bagay sa dalawang lalaki, tumilapon sila sa isang katawan ng greatwood at may bumagsak sa kanilang dalawa. Greatwoods.
Kitang kita ko na gumalaw ang mga greatwoods sa paligid namin. Nilingon ko ang babae, ngunit kahit sya ay nagulat sa mga nangyari, napaupo sya sa pagkabigla at natulala. Bumalik sa dating pwesto ang mga puno at nawala ang nararamdaman kong panganib. Tinungo ko ang babae at nilahad ang aking palad sa kaniya, tinitigan nya lamang ito at tumayo mag – isa.
“Hindi basta basta nagtitiwala ang mga charmers.” lumingon lingon ako at hinahanap ang nagsasalita. Ako lang ang nakakarinig dito. I sighed heavily. Nilingon nya ang greatwood na kumilos.
Pinagpag nya ang coat nya at tumindig ng maayos, Nakaka- intimidate sya.
“Isa ka bang Charmer?” tanong nya sa akin, pinagmamasdan nya ako. Maamo ang mukha nya, pero habang tumatagal nagiging blangko ang expression nya.
Umiling ako bilang pagtugon sa kanya, “Sumunod ka sa akin um…” sabi nya na tila inaantay na sabihin ko ang pangalan ko.
“Dane. Dane ang pangalan ko.”
“Okay, Dane. Ngayon lang may nakapagkontrol ng mga ggreatwood.”
Tinignan ko ang mga bangkay ng mga nakaaway namin. Bigla na lamang naging abo ang mga katawan nila at hinangin. Binaling ko ang paningin pabalik sa kanya.
Naglakad kami papalapit sa gate ng mga Charmers, at ako ang unang estranghero na mapapadpad sa loob nito.
Halu -halong emosyon ang nararamdaman ko, pero namayani ang kaba. Ano ang mangyayari sa oras na pumasok kami sa barrier?
Hindi ko na magamit ang allure ko pag malapit sa kaniya. Hindi ko pa lubusang naiintindihan ang modification charm na gamit nya.
Nilapat nya ang kaniyang kamay sa mala gintong gate ng mga Charmers, may bumukas na parte ng barrier at unti unting bumukas ang higanteng gate.
Sa loob ay makikita ang malawak na kagubatan. Puro Greatwood ang nakatanim doon, habang naglalakad kami ay gumagalaw isa isa ang mga ito, na tila yumuyuko.
Mistulang mga giant trolls ang pagkilos ng mga ito pero hindi sila nakakaalis sa kinatatayuan nila.
“Dane, anong klase ang kapangyarihan mo? Simula ng dumating ka rito ay nag – iba ang mga ikinikilos ng mga greatwoods.”
Lumingon sya sa lugar ko at tumigil kami sa paglalakad, tinitignan nya pa rin ang mga greatwoods na nakapaligid sa dinaraanan namin, nakayuko lamang ang mga ito.
“Invisibility ang allure ko. Ano ang ibig mong sabihin sa ibang ikinikilos?”
Tinignan nya ako sa mata , tila kinikilatis ako lalo at inoobserbahan ako.
“Dati ay normal na refuge tree sila, steady lang. Pero nang napadpad ka dito ay bigla na lamang silang kumilos ng ganyan. Wala pa sa bayan ang nakapagpagalaw sa kanila ng ganito. Baka ikaw na ang sinasabi sa legend.”
“Legend?”
Natigilan sya at tila may nasabing sikreto. Nagsimula na syang maglakad, muli at sumunod lamang ako, sa aming paglalakad tila may mainit na nakakapaso ang naramdaman ko sa braso ko. Dumadagdag ito sa sakit ng katawan at mga sugat n natamo ko.
“Si Headmaster na ang magpapaliwanag sa’yo. Oo nga pala, Ako si Frea. Modifier.”
Nilingon nya ko at naroon nanaman ang blank expression nya. Sa paglalakad namin ay may sumalubong sa amin na lalaki.
Naka-shirt ito ng magenta, silvery white ang buhok nya at itim ang mga mata nya, mas nakakatakot.
Seryoso lamang ang kaniyang mukha. Matangkad sya sa akin at may napansin ako na nasa balikat nya, isang fairy.
“Rhei…” bati ni Frea sa kanya pero tila wala itong narinig at nakatingin sa pwesto ko.
“Hi Frea!” Matinis at masigla na bati sa amin ng fairy.
Tinititigan ako ng lalaki, “You don’t look familiar.” sabi nya at unti unting may lumalabas na itim na apoy sa paligid nya, flame orbs at sa paanan nya ay malaipo ipong itim na apoy, napalayo naman ang fairy. Napansin ko ang pag galaw ng kamay ni Frea sa tagiliran nya at nawala unti unti ang apoy.
“FREA!” galit na sigaw ng lalaki.
“Look, Rhei. He is not a threat. Nakita ko sya sa greatwood…” bago nya naituloy ang sasabihin, napalingon si Rhei sa lahat ng Greatwoods sa paligid na nakayuko sa lugar ko. I heard him cursed.
Tumalikod sya at umalis, bigla syang nawala. Frea sighed and continued walking, noong nakalapit kami, isang kubo ang nasa gitna ng daanan at sira sira ang itsura nito. Pagkapasok namin sa loob ay nakita ko ang isa eleganteng pinto, nagliliwanag.
Pinasok namin iyon at tumambad ang magandang bayan ng mga Charmers.
Mayroong napakalawak na lupain ito, masagana ang lupain nila dahil sa iba’t ibang nakahain na tila palengke nila, bago pa man kami nakalakad ay naramdaman ko ang mainit na bagay na bumabalot sa kamay ko, masakit pero hindi ko ulit pinansin. Napahawak ako sa kamay ko, umaakyat na hanggang braso ang hapdi.
“Ayos ka lang? Pupunta tayo kay headmaster.” tinignan nya ako. Tumango lang ako bilang tugon sa kanya.
Patuloy kami sa paglalakad hanggang may bumati sa kanya.
“Ate Frea!” isang batang lalaki ang bumati at yumakap sa bewang nya . Umupo si Frea sa kanyang mga binti para maging pantay sa bata.
Itinabi nya ang ilang mga hibla ng buhok nito sa mukha, nakangiti ang paslit kay Frea, “Naging mabait ka ba, Nicholas?”
“Opo, tumulong po ako na ayusin ang banderitas ng bayan para sa pista ngayong linggo.”
“Sige, babalik agad si ate. Tatapusin ko lang ang trabaho tapos maglalaro tayo ha.”
Hinalikan nya sa noo ang bata at tumayo, tinignan nya ito habang palayo sa amin, nangilid ang luha ko dahil naalala ko ang kapatid ko. Yumuko na lamang ako at nagpatuloy kami.
Nasa pintuan na kami ng palasyo at tumuloy. Binati ng mga naroon si Frea.
“Si Headmaster?” tanong nya sa isang tagapagsilbi ng palasyo.
“Nasa kwarto po nya.” Maikling sagot nito.
Tumalima kami at agad na tinungo ang kwarto na tinukoy. Hindi gaya ng mga pinto na dinaanan namin, simple lamang ang kahoy nito na kapag sinipa ay parang masisira agad.
Nilapat ni Frea ang kamay sa pinto at bahagyang kumislap ito, nawala ang barrier , napanganga ako dahil sa nakita ko.
“Headmaster…” bati ni Frea sa babaeng naroon.
“Frea, may napansin akong kakaiba sa Rimiera tugon nito habang nakatalikod sa amin.”
Ang kamay nya ay nasa likuran nya, nakatingin sya sa labas ng palasyo at inoobserbahan ang mga nag aayos para sa magiging pista sa linggo. Humarap ito sa amin at bahagyang nagulat nang makita ako.
“May bisita pala tayo.” ngumiti ito , napaka- kalmado nya, malumanay at sopistikada.
Nakabraid ang blond na buhok nya, umaabot ito hanggang bewang nya. Mapupula ang mga labi nya, mapupungay ang asul na asul na mata nya, maputi ang makinis nyang balat at maliban roon ay normal ang tingin ko sa kanya.
“Headmaster, sya po si Dane. Niligtas nya po ako laban sa mga Ceruleans na sinundan ako. Inakala po nila na isa akong Leviathan.”
Pagkasabi ng Leviathan ay nawala ang kalmadong ekspresyon sa mukha nito, tinignan nya ako.
“Dane, ano ang ginagawa mo sa gubat ng Greatwoods? Ikaw ba ang humawak sa barrier ng Charmers?” tanong sa akin ng headmaster
“H-headmaster... Ako lpo ang hinahabol ng mga Ceruleans. Pinatay po ng mga ilang Ceruleans at Colossians ang lahi ko, sa pamumuno ni Luna. Ako ang huling Leviathan.”
Natigilan sya at umupo sa upuan nya. Pinaupo nya kami sa couch malapit sa kanya. Ipinahinga nya ang baba nya sa likod ng mga palad nya at nakatingin sa amin ni Frea.
“Frea, ano ang ikinilos ng mga Ceruleans?” tinignan nya si Frea at bumaling ang tingin sa akin.
“Gusto po nilang patayin ang lalaking ito…”
“Ang Leviathans kasi ang pinakamalalakas sa buong Rimiera, hindi ko alam paano nila napaslang ang mga ito…”
Natigilan bigla ito at nilingon ako. Tumayo sya at nilapitan nya ako. Nilapat nya ang mga palad nya sa mga sugat ko, mabilis na nawala ang mga ito.
Hinawakan nya ang braso ko. Sa pagkakahawak nya ay naramdaman ko nanaman ang nakakapasong pakiramdam na tila sinusunog ang balat ko, umaabot na sa balikat ko ang kirot. Hindi ko na naitago ang ekspresyon ng mukha ko dahil sa sakit na nararamdaman ko. Nakita iyon ng headmaster at mabilis na itinaas nya ang manggas ng damit ko at nakita ang itim na parte sa braso ko. Sunog ang ilang parte nito.
Habang nakasakay sila kay Hikaru, si Travis naman ang hindi mapakali.“Dane, maraming akong tanong na hanggang ngayon at hindi pa rin nasasagot.”“Hangga’t kaya ko, Travis sasagutin ko lahat ng katanungan mo.” Tugon ni Dane na hindi nilingon ang kausap.“Hikaru, descend.” Utos nito sa gryphus nya.Dahan dahang bumaba si Hikaru, nasa isang isla sila lagpas ng Rimiera. Isa isa silang bumaba at nagpahinga sa paligid.Nagpunta sa isang lugar sina Travis at Dane, hindi malayo sa kanilang mga kasama. Si Hikaru ay tahimik na nakikipaglaro kay Frea, si Sheena at Rhei ay nag uusap din sa kabilang banda.“Ano ang iyong mga tanong, Travis?”Nakatingin ng diretso si Travis sa kanya, alam ni Dane na may alinlangan ito sa mga nagaganap. Mabilis lahat ng pangyayari. Sumandal si Dane sa puno malapit sa kanila.Nagsimula na si Travis magtanong, “Saan napunta s
Tanging mga torches ang nagbibigay ng liwanag sa madilim na paligid ng Evening Island. Lahat ng Colossians at ilang Ceruleans ay nagtitipon para sa pag iisa nina Luna at ni Dane.Ito ang pinakahinihintay ni Luna, ang mapasa kanya ang kapangyarihan ng mga Leviathan. Napasakamay na nya ang Island Beast.Magiging masalimuot ang mangyayari sa oras na makuha na nya ang mga kapangyarihan ng mga ito.Mula sa labas ng Great Hall ay nakati dig ang isang binata. Matingkad na kahel ang suot nyang robe na hanggang tuhod lamang ang haba, simpleng sandals lang ang suot nya. Strikto ang itsura nito at kulay kape ang kulay ng buhok.Ang buong katawan nya ang napapalibutan ng kakaibang awra. Iniangat nya ang kanyang manggas na bumabalot sa kanyang kamay. Inilagay nya ang mga palad sa pintuan at itinulak iyon.Nakuha nya ang atensyon ng lahat. Una nyang napansin ay ang
Hinarap ni Emrys sina Grethel, Rhei at Frea. Ikinumpas nya ang kanyang kamay at mula sa kanyang palad ay lumabas ang kulay pulang ilaw. Inilapat nya ang kanyang palad sa ulunan ng isa’t isa.Isa isa silang pumikit habang nilalapat ni Emrys ang kanyang palad.Mainit ang mahika na iyon, ramdam nila ang kakaibang lakas na dumadaloy sa kanilang katawan. Nang matapos iyon ay minulat nila ang kanilang mata.Pagkatapos nun aay ang biglang pagdating ni Regina, kasama ang kanyang mga tinipon na mga Charmers. Kasama roon si Dhirma na nakilala agad ang bathalang si Emrys.Agad nyang inilapat ang kanyang kanang palad sa kanyang dibdib at yumuko, tanda ng pag galang nya.Nakita nya ang pagbabago sa tatlong Charmers.Lahat sila ay napapalibutan ng kulay pulang aura.Tinignan ni Emrys ang mga bagong dating, “Half Leviathan, maiwan ka rito.”Matalim ang tingin nya
Nakatingin lamang sa amin si Dane, ang buong braso nya ay napapalibutan na ng tattoo ni Esther.Iba na ang kasuotan nya, ibang iba na sya sa Dane na nakasanayan naming down to Earth, masayahin at inosente. Yung Dane na minahal ng mga Charmers, yung Dane Nialle na minahal ni Frea, yung Dane na Leviathan na handang iligtas ang iba bago ang sarili nya.Halos gumuho ang mundo ni Frea nang marinig nya ang winika ni Levi.“Sya si Emrys.”Halos umecho yun sa aming isipan.Umiiyak si Frea nang itanong nya si Levi, “Anong ginawa nyo kay Dane?!”Hawak hawak sya ni Lucent.Lahat ng fairies ay nakayuko, batid ang kalungkutan sa mukha nila.Tinignan ni Levi si Emrys bago nya lapitan si Frea.Bago pa man makapagsalita si Levi ay lumapit si Emrys sa amin at nagbasbas ng kakaibang spell.“Si Dane ang nagmakaawa sa akin na iligt
Pinatamaan ni Frea ang kaisar ng kanyang “curse” spell, pero walang nangyari. Naging itim ang aura ni Emrys at nagwika, “Sinabi ko na hindi ako pumunta rito upang pakipaglaban.” Unti unti syang lumingon, napaatras si Frea…Isang mabilis na itim na mahika ang naipon sa kaniyang kamao at ibinato sa pwesto ni Frea, hindi makagalaw ang diwata sa paparating sa kaniya.“DISPERSE!” sigaw ni Regina at nawala ang mahika na ibinato ni Emrys papunta kay Frea. Napaupo si Frea sa pagkabigla.“Tayo na ,Emrys” utos ni Regina at lumabas na sila.Patakbo silang pumunta sa higaan ni Dane. Iba ang barrier na nakabalot sa kanya.Nagkatinginan sina Travis at Rhei, “Tara.”Napatingin sina Frea at Timmy sa dalawa, “Huwag nyo na ituloy ang plano nyo, kung anuman yan.”“Hayaan mo muna kami, Timmy. Mag iingat kami ni Travis.” Tugon ni Rhei na may kakaibang ngiti.
Kumalat na sa braso nya at tinahak na ng tattoo ang likuran ni Dane.Malakas na sampal ang ibinigay ni Zele kay Dane. Halos masubsob na ang binata sa lupa sa lakas nito.Tila natauhan si Dane nang tumayo ito. Kitang kita sa kanyang mukha na nasaktan ito.Pulang pula ang pisngi ng binata. May dugo rin ito sa labi, na mabilis nyang pinunasan.“Ano? Gising ka na?” pagtataray ni Zele habang nakapamewang.Nakatingin lang si Dane dito, sinubukang alalayan ni Frea si Dane ngunit pinigilan sya ni Lucent, “Huwag mong hahawakan ang kaisar,lalo na ang may mga marka ng tattoo.”“Ano ba ang nangyari sayo?” tanong ni Frea.“Pagkalapag namin ni Hikaru ay nakita ko ay naliligo ang damuhan ng dugo. Wala kayo roon, pasensya na kung pinag alala ko kayo.” Mahinahong sagot ni Dane.“Narito lang kami, Dane. Buhay kami, maaaring isang ilusyon ang nakita mo.” Tugon ni Luce