Share

Itim na Libro

Gilda Point of View

       Akmang kakatok ako sa pintuan ni Maria noong may narinig ako na parang boses. Inilapat ko ang aking tainga sa pintuan ni Maria at doon ay narinig ko siyang nagsasalita. Medyo hindi ko lamang maulinigan mabuti ang mga salitang binibigkas niya ngunit panigurado akong mayroon siyang kausap.

       Kausap? Mayroon siyang kausap? Dis oras ng gabi? Sino naman ang kakausapin niya ng ganitong oras

       Ah baka sa cellphone o telepono. Mayroon ba siya noon? Parang hindi ko naman napapansin na may sarili siyang cellphone. Puro mga gagamitin sa kusina kasi ang hawak niya.

       Ano kayang pinag uusapan nila? Kumunot ang aking noo. Ano raw? Dan? Nagkakamali ba ako?

       Teka ano ba kasi ang sinasabi niya. Ang hinhin kasi ng boses. Hindi ko maulinigan.

       Inilapat ko pa lalo ang aking mga tenga sa pinto ngunit sadyang mahina ang boses ni Maria at hindi ko talaga marinig kung ano ang sinasabi niya.

       Gulugulu raw. Ewan. Kailan kaya siya lalabas at matatapos sa pakikipag usap?

       Hinawakan ko ang mukha ko. Ramdam ko ang kagaspangan nito. Hindi na ako sanay. Gusto ko talaga ng makinis na mukha.

       Ah hindi ko na hihintayin pa si Maria. Mag – isa na lamang akong pupunta sa banyo.

       Tutal naman hindi naman siya magagalit diba? Binigyan na nga niya ako ng pahintulot na maligo sa kanyang banyo.

       Sana lang at hindi nakalock.

       Bumaba na ako sa first floor. Bayan! Ang dilim dilim! May ilaw nga pero hindi sapat para bigyan liwanag ang madilim na sala.

       Agad akong nagtungo sa nakatagong banyo. Ang galing talaga. Hindi mo pansin na may pinto papala dito. Akala ko ay parang siwang lang sa pader. Daan nap ala patungo sa ikalawang banyo nila.

       Teka bakit ganito ang bahay nila? Kailan ba ito ginawa? Ang daming secrets ha. Noong una mayroon sa hagdan at ngayon naman ay mayroong ibang banyo.

       Ano pa ba ang mga sikretong tinatago nila. Baka magulat na lamang ako may isa pa silang silid taguan.

       Tinahak ko ang makitid na daa at pagtapat ko sa pinto ay chineck ko agad kung may padlock ba.

       At swerte ko nga naman at hindi nakalock ang banyo.

       Agad kong binuksan ito at umalingawngaw ang baho ng loob.

       Napatakip agad ako ng aking ilong dahil sa sangsang ng amoy. Dapat linisin to ni Maria. Hindi niya dapat hinahayaan na magtagal ng ilang linggo ang dugo as bath tub. Nakakadiri kaya!

       Nagulat ako ng makita ko na walang laman ang bath tub. Mga isang tabo lang siguro tapos puno ng uod ang paligid nito.

       Ha? Nasaan na yung paliguan? Akala ko ba iniiwan niya lang dito. Dinispatsa niya na agad? Hindi pa ako nakakaligo tinapon na niya.

       Paano na ako makakaligo nito? Wala ng dugo!

       Lumapit ako sa may bath tub upang tinignan ang kaonting dugo roon.

       Napangiwi ako dahil puno ng uod. Parang uod na may konting dugo ganoon.

       Ang laki laki pa! Pwedeng pwede na pang ulam sa taba. Hindi naman kaya ininom ng mga pesteng uuod na ito ang mga dugo sa bath tub?

       Napailing iling ako. Imposible iyon! Hindi naman nila mauubos yung ganoon kadami.

       Pwede na kaya ito? Panghihilamos ko lang naman. Pwede naman na siguro hano?

       Iww! Kadiri! Hahantayin ko na lang si Maria. Baka may tinatago siyang mga bago at mga walang uod. Hindi ko na isasapalaran ang buhay ko rito.

       Mukhang ito pa yung dugo na tira tira dati noong naligo ako rito.

       Pero in fairness ha! Galit na galit pa ako kay Maria noon tapos eto ako ngayon at naghahanap ng mapapaliguan na dugong bath tub.

       Hindi ko naman kasi inexpect na ganoon kabisa yung dugo.

Third Person Point of View

       Dahil sa pagkadismaya sa kakaonting dugong natira sa bath tub aty napagpasyahan na lamang ni Gilda na hantayin si Maria sa kanyang pagligo dahil hindi niya alam kung saan siya kukuha ng bagong dugo na magpupuno ng bath tub.

       Lumabas na siya sa banyo at sumiksik sa may siwang para makabalik na sa kanyang kwarto.

       Sa kanyang paglabas ay nakita niya ang kanyang Lola Teresa na lumabas ng kusina at umakyat sa taas.

       Nagtaka si Gilda kung ano ang ginawa ng kanyang Loal Teresa at mukhang nakabihis ito.

       Tinahak niya ang kusina nila upang uminom na rin ng tubig dahil nauuhaw siya sa pagbaba niya ng hagdan.

       Napatigil siya ng maabutan niya ang isang itim at makapal na libro na nakapatong sa lamesa.

       Agad na naisip niya ang sinabi sa kanya ni Carmen noong una silang nagkita. Na ang bawat mga miyembro ng kulto ay may hawak na itim na libro.

       Napatakip siya ng kanyang bibig at hindi makapaniwala sa kanyang nakikita.

       Hindi niya alam kung ano ba ang dapat niyang isipin sa kanyang nakikita.

       Nais niyang makasigurado na iyon nga ang itim na libro na tinutukoy ni Carmen. Hindi niya gustong maging dodoso dahil lang sa kanyang nakita.

       Baka kasi may libro lang na itim ang lola ngunit wala naman pa lang kinalaman sa kulto.

       Nilapitan niya ang libro at pinagmasdan ang pabalat nito.

       Itim na itim at may mga nakaukit sa pabalat na mga salitang hindi niya maintindihan.

       ‘Ano ito?’ tanong ni Gilda sa kanyang isipan at dahil sa kanyang kakuryosohan ay hinawakan niya ang libro at hinimas himas ito.

       Sa isang banda ay may mga matang dumilat. Mabilis itong naglakbay sa hangin dahil sa bagong kamay na humawak ng binabantayang libro.

       Binuksan ni Gilda ang libro at napakunot ang kanyang noo.

       May mga larawan ito at mga salitang nakasulat sa gilid na pawang hindi niya maintindihan.

       Maya maya pa ay nakarinig siya ng pababa na mga yabag kaya isinarado niya ang libro at nagtago sa ilalim ng mesa.

       Lumapit si Teresa sa kanyang libro at nanlalaki ang mga mata na tumingin tingin sa gilid.

       Matapos ay nagmamadali niyang tinahak ang pinto ng bahay saka lumabas.

       Lumabas naman sa kanyang pinagtataguan si Gilda at inisip kung saan papunta ang kanyang Lola ng ganoong oras.

       Napailing iling naman siya.

       Isang itim na usok ang mabilis na gumagala sa hangin. Noong makita nito si Gilda ay mabilis itong pumasok sa kanyang katawan.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status