Share

Sagot

Gilda Point of View

        Sumubo ako ng isang kutsarang kanin na may sabwa at pasulyap sulyap kay Lola Teresa.

        Humahanap ako ng timing kung paano siya kakausapin. Mukhang hindi maganda ang kanyang araw at nakabusangot siya ngayon sa hapunan.

        “Narinig niyo po ba ang usap usapan dito sa ating baranggay?” basag ni Maria sa katahimikan. Naunahan niya akong magsalita.

        “Anong mga balita?” tanong naman ni Lola Teresa sa kanya. “Mga balitang pagpatay? Krimen? Alam ko na iyan.”

        “Bukod doon,” ani ni Maria at ibinaba ang kanyang hawak na kutsara.

        May iba pang balita? Ano naman iyon? Hindi ko pa narinig. Akala ko ba ay walang nababalitaan itong si Maria. Meron naman pala kahit papaano.

        “Yung mga nag iinuman sa tindahan na huling kasama ng biktima,” ani ni Maria. “Nakita raw nila ang pumatay sa dalaga.”

        Napansin ko na nagbago ng kaonti ang ekspresyon ni Lola Teresa. Madali lang naman mapapansin ang pagbabago ng kanyang reaksyon dahil palaging masungit ang kanyang ipinapakitang emosyon.

        Ngunit sa balita ni Maria ay bahagyang lumaki ang kanyang mga mata.

        Nanatiling tahimik si Lola Teresa habang hinihintay ang mga susunod na sasabihin ni Maria. Nakikinig din ang aking tenga sa mga susunod niyang sasabihin. May pagkatsimosa rin pala si Maria. Akala ko ay dito lang siya palagi sa bahay.

        “Nakita nila na tatlong babae ang mga pumatay sa dalaga. Pawang mga nakasuot ito ng mga mahahabang bestida,” pagpapatuloy ni Maria sa kanyang sasabihin. “May mga belo raw ito at may hawak na kandila. Sunod sunod nitong pinagsasaksak ang dalaga. Kumakalat ngayon sa ating probinsya na muling nananalot ang mga kulto.”

        Kulto? Mga kulto? So totoo nga ang sinasabi ni Carmen? Na kulto ang mga pumatay sa biktima?

        “Sino ang maniniwala sa mga lasenggo?” tanong ni Lola Teresa kay Maria. “Wala sila sa matinong pag – iisip at gumagawa lamang ng mga kwento upang pagtakpan ang mga kasalanang ginawa nila.”

        “Lola Teresa,” ani ni Maria. “May mga bagay ba ako na dapat kong malaman?”

        “Kinukwestiyon mo ba ang mga ginagawa ko, Maria?” tanong ni Lola Teresa at malakas na binagsak ang kanyang baso na ininuman niya kanina.

        Nakita ko na napayuko si Maria na kanina ay nakatingin kay Lola Teresa. Natatakot ba siya?

        “Hindi naman po,” ani ni Maria at sumubo. “Nais ko lang naman malaman na baka kailangan niyo ng aking tulong. Hindi niyo kasi ako nasasama sa inyong mga lakad.”

        “Hindi kita kailangan,” ani ni Lola Teresa na ikinagulat ko. Ang sakit naman niya magsalita. Napatingin ako kay Maria na nanatiling nakayuko. “Dito ka sa bahay at magbantay! Iyon ang inutos ko sa iyo kaya naman siguraduhin mong nagagawa mo ng maayos ang inutos ko.”

        “Opo,” sagot ni Maria.

        Nagkaroon uli ng mahabang katahimikan sa aming kainan.

        “Lola, napag isipan niyo na po ba ang tungkol sa pag aaral ko?” tanong ko sa kanya na binasag ang katahimikan.

        Napatigil naman si Lola Teresa sa kanyang pagkain. Huwag mong sabihin na wrong timing ako. Huwag naman sana. Ngayon na nga lang ako naglakas ng loob kausapin siya tapos mabibigo pa.

        “Hindi ka mag – aaral,” ani ni Lola Teresa na ikinabagsak ng aking mundo.

        “P-pero bakit po?” tanong ko kay Lola Teresa. Mangiyak ngiyak na ako kaagad dahil sa sinagot niya. Wala bang it’s a prank na susunod?

        “Basta hindi. Tapos na ang usapan na ito at ayoko na sasabihin niyo pa uli sa akin ang mga bagay bagay na iyan,” ani sa amin ni Lola Teresa at tumayo.

        Naghugas ito ng kamay sa gripo saka lumabas ng kainan.

        Napatingin ako kay Maria at nakatingin siya sa akin.

        “Hayaan mo, kakausapin ko uli siya sa ibang araw,” ani ni Maria. “Huwag lang ngayon. Hindi maganda ang timpla ng iyng Lola Teresa.”

        Napapunas ako ng aking mga luha. Hindi ko mapigilan na maiyak dahil tinanggihan ako ni Lola Teresa. Sobra akong nasaktan. Sino ba naman ang hindi diba?

        “Gusto kop o makapag aral, nanay Maria,” umiiyak kong sabi. “Gusto ko pumasok this school year.”

        “Shhh,” ugoy sa akin ni Maria at tumayo siya sa kanyang pagkakaupo at lumapit siya sa akin. Niyakap niya ako at hinagod ang aking buhok.

        “Huwag kang mag – alala, Gilda,” ani ni Maria sa akin. “Ako ang bahala sa iyo. Gagawin natin ang lahat para makapag aral ka.”

        Umiyak na lamang ako at yumakap din sa kanya.

        Matapos namin kumain ay ako na ang naghugas ng mga pinggan. Nahihiya na kasi ako sa kanya dahil siya na lamang lagi ang gumagawa noon. Feeling ko masyado akong pabigat kay Maria.

        Umakyat na ako ng aking kwarto pagkatapos ko maligo.

        Napatingin ako sa malaking salamin sa aking pagdaan kaya naman huminto ako at bumalik doon upang tignan ang aking katawanan.

        Hindi pa naman ako tumataba masyado hano. Sexy pa rin ang aking katawan.

        Napatigil ako noong may matanaw ako sa aking mukha. Kunot ang aking noon a lumapit sa may salamin upang tignan mabuti ang mukha ko.

        Nagulat ako na hindi na ganoon kakinis ang aking mukha. May mga tigyawat na ito na naglalakihan.

        Tila bigla akong pumangit. Napahawaka ako sa kaing mukha. Napakagaspang niya.

        Bakit ganoon? Anong nangyayari? Bakit ang pangit pangit ng kutis ko? Bigla akong pumangit.

        Pinunasan ko ang salamin dahil baka namamalikmata lang ako ngunit matapos ng pagpupunas ay ganoon pa rin ang aking nakikita.

        Napakagat ako sa aking labi. Bakit ganito? Bakit ganito na ang aking mukha?! Hindi pwede!! Hindi ako pwedeng pumangiT!!

Umiling iling ako. Kailangan kong gawan ng paraan ito. Hindi pwedeng mawala ng basta basta ang kagandahan ko. Dapat mapanatili ko ang aking bata at makinis na kutis!

Ano na lamang ang sasabihin nila sa akin kapag nakita nila ako na ganito? Na tumanda ako na ang panget panget ko na?

Hindi ! Hindi ako papayag. Kailangan makausap ko si Maria. Tama! Si Maria lamang ang makakatulong sa akin.

Basta ang sabi niya kailangan ko lang naman maligo sa may dugo hindi ba? Tapos kikinis na agad ang balat ko? Tama! Iyon nga ang dapat mong gawin Gilda! Kailangan mong maligo muli sa dugo at pagkatapos noon ay wala ka ng dapat ipag alala.

Agad akong lumabas ng kwarto upang kausapin si Maria.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status