Share

Tunay

Gilda Point of View

       Narito kami ngayon ni Maria sa aking kwarto. Nakasilip na ang buwan sa kalangitan at sinusuklayan niya ang aking mahabang buhok.

       Sa lahat ng parte ng aking katawan ay gustong gusto niya ag buhok ko sa di ko malamang dahilan. Ewan ko ba. Basta gusto gusto niya itong sinusuklayan tuwing gabi.

       “Nabalitaan niyo po ba ang nangyari kanina?” tanong k okay Maria habang nakatingin ako sa salamin.

       Nabalitaan ko ang kahindik hindik na krimen kanina sa balita. Nag text muli sa akin si Carmen kaya muli nanaman akong binalot ng pangamba.

       Pero alam ko namang hindi magagawa iyon ni Maria o ni Lola Teresa. Mabuti silang mga tao at ang mga katulad nila ay hindi babahidan ng kadumihan ang kanilang mga kamay.

       Alam ko na hindi dahil pamilya nila ako. At ako… hindi naman ako baliw. Nasa matino akong pag iisip at ni minsan ay hindi ko naisip ang pumatay.

       Nakakainis na dahil sa namatay na iyon ay pamilya ko agad ang naisip ni Carmen pero hndi ako galit sa kanya. Alam ko na concern lang siya sa akin bilang aking kaibigan.

       Grabe naman kung magagalit ako sa taong nais lang makasiguradong ligtas ako.

       Naisip ko rin ang kuya niya. Sayang talaga mukhang turn off na sa akin. May itsura pa naman hehe.

       Hindi ako malandi ha, naisip ko lang pero wala naman akong balak magka boyfriend. Nangako ako kila Lola Teresa at Maria.

       Naiinip na ako sa isasagot niya sa akin. Ilang araw pa ba ang hinhintayin ko? Hindi naman mahirap sagutin ang tanong ko.

       “Anong balita?” tanong ni Maria.

       Nagulat ako sa kanyang sagot. Ganoon ba talaga kalayo ang bahay nila sa mga kapitbahay at hindi niya narinig ang kumakalat na balita.

       Hays sa bagay parang wala naman silang pakielam sa mga nakapaligid sa kanila at sa pang araw araw lang sila nakafocus lagi.

       Hindi ba siya naboboring sa araw araw na routine niya?

       Luto kain gawa luto kain gawa luto kain gawa.

       Diyan na lang umiikot ang buhay ni Maria. Seryoso ba? Natiis niya na ganoon lang ang ikot ng kanyang buhay? Kung ako siguro ang nasa katayuan niya ay baka nabaliw na ako.

       Napakaboring ng buhay niya promise. Sigurado maboboring din ako lalo na kapag nandito lang ako sa bahay ng buong taon. My gosh! Siomai pumayag ka kasi Lola Teresa. Gusto ko na rin makita ang school na papasukan ko.

       Gusto ko rin magsuot ng uniporme ng isang estudyante. Gusto ko magsulat ng mga nasa board. Nais kong magrecite sa harap ng aking mga kaklase. Gusto ko mag quiz. Gusto ko making ng mga lecture.

       Namiss ko na ang pagiging buhay studyante ko.

       “Yung namatay daw po riyan sa may kalsada tabi ng talahiban,” ani ko kay Maria. “Hindi niyo po narinig yung malaking balita na iyon?”

       Kumunot naman ang noo niya.

       “Namatay?” tanong niya. “Araw araw naman may namamatay na tao.”

       Kinalibutan ako noong sabihin niya iyong mga katagang iyon. Walang reaksyon ang kanyang mukha at nakatingin lamang siya sa buhok na sinusuklay niya na parang wala lang sa kanya.

       “Hindi po ba kayo natatakot?” tanong ko sa kanya. “I mean yung namatay po kasi ay hindi ordinary ang pagkamatay niya. Wakwak yung dibdib niya hanggang tiyan. Pinatay po siya. Murder ang case niya.

       Napakagat ako ng aking labi.

       “Kung siguro makikita ko lamang iyon. Buti na lamang at hindi ko nakita. Biruin niyo po. Sinong matinong tao ang gagawa noon na kinuha ang mga lamang loob niya. Sa tingin niyo po anong nangyari sa kanya? Sa tingin niyo po ba binenta ng kung sino mang tao ang mga laman loob niya para magkapera ng malaki? Ang alam ko po ay malaki ang bentahan ng mga laman loob ng mga tao dahil marami ang naghahanap noon. Akala ko sa amin lang meron rin pala rito sa probinsya ang mga ganoon.”

       Naramdaman ko ang kuko niya sa kaing anit habang hinahagod pababa ang aking buhok.

       “Gilda,” tawag niya sa aking pangalan. “Anak. Maraming mga bagay ang hindi mo pa alam. Maraming nangyayari sa probinsya na hindi alam ng mga taga siyudad. Marami kang matutunan dito. Marami na ring nabalita sa amin na ganyan ngunit huwag kang matakot. Wala kang dapat ikabahala.”

       Kumunot naman ang noo ko.

       “Ha? Bakit po? Eh nakakatakot nga po yung nangyari,” ani ko sa kanya. “Imaginin niyo pa nasa gitna tayo ng bukid at malayo sa ating mga kapit bahay. Paano kung pasukin tayo noong masamang mga tao na iyon? Ilang kilometro pa an gating tatakbuhin para makahingi ng saklolo. Isa pa ay puro babae tayo dito sa bahay.”

       Napahagikgik naman si Maria sa sinabi ko.

       Anong nakakatawa? Seryoso kaya ako dito.

       “Hindi kaya,” aniya sa akin at napansin ko na nakangiti na siya.

       Naguguluhan ako sa reaksyon niya. Bakit ganito siya umakto. Ganoon ba talaga siya katapang para hindi matakot?

       Napaawang ang bibig ko noong pagtingin ko muli sa salamin ay may matanda sa likod ko na puno ng uban ang buhok. Demonyo siyang nakangiti pababa sa akin habang nanlalaki ang kanyang mga mata.

       Agad akong napatayo at napatingin sa likuran ko.

       Napasandal ako sa lamesa ng salamin habang takot na takot na tinitigan si Maria.

       Gulat siya na nakatingin sa akin at hindi ako maintindihan.

       Tinignan ko ang salamin ngunit bumalik na rin sa normal ang itsura ni Maria.

       Anong nangyayari? Bakit may nakita akong nakakatakot na matanda? Sino iyon?

       Napatingin ako sa aking mga kamay at nakatindig ang mga balahibo ko.

       Napatingin ako kay Maria. Bakit iba ang itsura niya kanina.

       “Anak bakit? Anong nangyari? Bakit bigla ka na lang tumatayo?” tanong sa akin ni Maria na kunot ang mga noo. “Nadiinan ko ba ang pagsusuklay ko sa iyo? Nako anak pasensya ka na. Hindi ko napansin.”

       Hindi ako makapagsalita habang nakatingin sa kanya. Nakakatok masyado ang aking nakita. Namalikmata ata ako.

       Bakit ganoon? Lagi akong namamalikmata pag nakatingin ako sa salamin.

       “W-wala po,” ani ko. “Namalikmata lamang ako.”

       Hinatak niya naman ako paupo muli sa upuan.

       “Ikaw talaga,” aniya sa akin. “Sabi ko naman sa iyo huwag kang tititig sa salamin.”

       Napatingin na lamang ako sa salamin habang pinagpatuloy niya ang kanyang pagsusuklay.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status