Third Person Point of View
Isang malakas na panahaw ang maririnig ngayon sa kalsada. Panahaw ng isang ina na nawalan ng kanyang mahal na anak. Kanina pa ito humahagulgol mula ng makita ang kahindik hindik na sinapit ng kanyang anak.
Nagkakagulo ang mga tao ngayon habang pinagmamasdan ang dalagang wala ng buhay sa isang tabi na kalong kalong ng kanyang humahagulgol na ina.
“Ano ba iyan? Grabe? Hayop ba ang gumawa niyan?”
“Kakadiri! Ang salbahe! Bakit ginawa nila iyan!”
“Hindi tao ang kayang gumawa niyan!”
“Walang hiya talaga ang mga tao! Hindi man lang naawa sa bata.”
“Kawawa naman ang pamilya ni Karla. Ang balita ko ay nag iisang anak na babae niya yan.”
“Oo nga, sabi pa ng tatay ni Lita ay mag kaaway pa raw ang mag ina kagab!”
“Weh? Talaga? Baka naman siya ang gumawa niyan sa anak niya!”
“Ano ka ba?! Bakit niya naman gagawin iyan kay Lita? Kilala ko si Karla! Mahal na mahal niya yang anak niya!”
“Aswang ang may gawa niyan! Tignan mo at winakwak ang tiyan!”
“Sabi nila may nakita daw silang puting van na paggala gala noong isang araw. Baka yun yung gumawa niya para ibenta ang mga laman loob.”
“Mga babae at bata ang biktma nila. Hindi na sila naawa sa uuwian nitong pamilya.”
“Nirape ba? Kawalang hiya ano! Mga demonyo!”
“Baka naman kulto ang may gawa niyan. Baka nagsisimula nanaman sila.”
Ilan lamang iyan sa mga bulungan at balitang kumakalat ngayon dahil sa natagpuang bangkay ng dalaga na si Lita.
“Parang awa niyo na! Hanapin niyo ang may gawa nito sa anak ko!” hagulgol ni Karla sa mga nakakalat na pulisya. “Hulihin niyo ang mga kaibigan niya! Sila ang may gawa nito sa anak ko! Sila ang pinuntahan ng anak ko!!!!”
“Naiintindihan namin misis,” sagot ni Joselito na isang pulis. “Inimbestigahan na sila ng mga kasama namin pero mukhang malayo na sila ang may gawa ng ganitong kahindik hindik na bagay. Isa pa ay base sa kanila ay hindi nila nakita si Lita at akala nila ay hindi na tumuloy dahil nagagalit daw kayo.”
Galit na napatayo si Karla sa sinabi ni Joselito.
“ANONG IBIG MONG SABIHIN NA MALABO?!” tanong ni Karla habang ang mga lumuluhang mata ay matalim na nakatingin kay Joselito. “HINDI AKO NANINWALA! SILA LANG ANG HULING NAKAUSAP NG ANAK KO! MGA BAD INFLUENCE SILA! KUNG HINDI NILA INAYA SI LITA AY HINDI MANGYAYARI SA KANYA ITO!!! DAPAT NILANG PANAGUTAN ANG GINAWA NILA SA ANAK KO!!!”
Napahagulgol si Karla at nanghina ang mga tuhod sa kanyang pagsigaw. Muntik na siyang bumagsak sa lupa at mabuti na lamang ay nahawakan siya ng asawa nito na ngayon ay puno ng dismaya, lungkot at galit sa dibdib.
Hindi rin siya makapaniwala sa kanyang nakikita ngayon. Paborito niya itong anak dahil nag iisa itong babaeng anak. Pinagsisihan niya na pinayagan niya ito na umalis ng kanilang bahay.
Punong puno siya ng pagsisi. Sinasabi niya sa kanyang sarili na sana ay siya na lamang ang namatay.
“ANAK KO!!!” sigaw ni Karla at tinulak ang asawa saka kinalong ang anak. “GUMISING KA LITA! ANAK KO GISING!!!”
Napatakip si Carmen ng kanyang bibig noong makita ng harapan ang bangkay ni Lita. Kaklase niya ito rati ngunit hindi sila close pero gayunpaman ay nalulungkot siya sinapit nito.
Hindi siya makapaniwala habang tinitignan ang walang laman na dibdib ni Lita. Wakwak ito at parang wala ng dugo.
Nanginginig ang kanyang mga kamay sa kanyang mga naiisip. Iisa lang ang nasa isip niya. Mga kulto.
***
“Masarap ba?” tanong ni Maria kay Gilda habang pinagmamasdan niya itong kumain.
Tumango tango naman si Gilda habang ninanamnam ang mga lamang loob na niluto ni Maria.
“Mahilig po talaga ako sa mga isaw at atay,” ani ni Gilda. “Lagi akong bumibili ng inihaw dati noong nasa maynila pa lamang ako. Grabe talaga ang sarap niyo magluto pati mga laman ay napapasarap niyo at napapalinamnam. The best!”
“Saan mo nakuha iyan, Maria?” tanong ni Teresa habang hinihipan sng sabaw sa kanyang kutsara.
Ngumiti naman si Maria sa matanda.
“Nadaan ko lamang kagabi, Lola Teresa,” sagot ni Maria. “Sayang nga lang at hindi ko nakuha lahat. Pero nakakapagtaka na isang bagay lang ang wala sa nadaanan ko.”
Alam na agad ni Teresa kung saan niya nakuha ito. At alam nito kung ano ang nais ipahiwatig ng babae sa kanya.
“Tapos na ako kumain,” ani ni Teresa at tumayo. Walang ano ano ay dumiretso na ito palabas.
“Gilda, gusto mo na ba maligo uli?” tanong ni Maria sa kumakain na dalaga.
Napatigil naman si Gilda at binaba ang kanyang kutsara.
“You mean sa secret paliguan niyo po?” tanong ni Gilda habang nakangiwi. Wrong timing ang pagtatanong ni Maria dahil kumakain siya kasalukuyan.
“Tama, gusto mo ba?” tanog ni Maria. “May bago akong nakuhang dugo. Siguradong mas magiging mabisa kapag naligo ka ngayon dahil fresh na fresh pa ito.”
Napaisip naman si Gilda sa sinabi ni Maria. Iniisip niya na okay pa ang kanyang balat kaya hindi niya naman kailangan maligo pa.
“Pass na po muna ako,” sagot ni Gilda sa kanya.
“Okay,” ani ni Maria habang nakangiti at pinagmamasdan ang kinakain ni Gilda.
Ngunit bukod pa roon ay okupado ang kanyang isipan sa nadaanan niya kahapon. Alam niya ang mga galawang iyon dahil dati rin nilang ginagawa ito. Kung paanong paano ang mga proseso ay kabisado niya.
Nawala ang kanyang mga ngiti dahil alam niyang may ginagawa si Teresa ng hindi pinapaalam sa kanya.
Iniisip niya na gumagawa ito ng mga bagay na patalikod sa kanya. Hindi niya hahayaang hindi siya nito isama sa kung ano man ang kanilang plinaplano.
Sisiguraduhin niya na darating ang panahon na wala na ang matanda at masaya na silang nabubuhay tatlo nila Gilda kasama ang tatay nitong si Dan.
Iniisip ni Maria na nais siyang tanggalin ng matanda sa kanyang kasalukuyang pwesto at gumagawa ito ng mga hakbang upang palubugin siya ng tuluyan.
Matagal na niyang napapansin na hindi siya nito kinakausap kausap.
Ngumiti si Maria noong napatingin sa kanya si Gilda. Ngumiti rin si Gilda at inubos ang laman ng mangkok na ulam.
THIRD PERSON POINT OF VIEWNagkalat ang mga pulis sa bahay ni Teresa kasama si Joeslito. Siya mismo ang naglead ng kanyang mga kapwa pulis papunta sa bahay na ito dahil tatlong araw ng nawawala ang kanyang anak na si Carmen. Wala siyang ibang pinaghihinalaan kundi ang pamilyang ito lalo na at sinabi sa kanya ng kanyang anak na lalaki na iniisip ni Carmen ang kaibigan nitong si Gilda na apo ni Teresa.Kanina pa sila naghahanap ngunit wala silang makita n kahit anong bakas ng mga may ari ng bahay. Narito pa ang mga gamit nila ngunit wala ng tao.“Jose, mukhang tumakas na ang mga suspek,” ani ng kasamahan ni Jose na kapwa niya rin pulis. “Wala ng tao ang bahay na ito.”“Hindi pupwedeng mawala sila! Nasa kanila ang anak ko!” mariin na ani ni Joselito. Puno siya ng panlulumo simula ng mawala ang kanyang anak.Sinisisi niya ang kanyang sarili na hindi niya ito nabantayan mabuti.“Ang mga kwarto? Wala bang
THIRD PERSON POINT OF VIEW Napaiyak bigla si Gilda noong makita si Carmen. Bumalik na siya sa dati niyang huwisyo.“Anong ginawa niyo? Bakit niyo ginawa ito?” Naiiyak na tanong ni Gilda habang walang magawa sa kanyang sitwasyon.Hindi naman siya pinansin ni Teresa at bumalik sa kanyang pwesto. Pinatakan niya ulit ng kanyang dugo ang batsa saka muling inusal ang kanyang mga dasal sa pagtawag ng kang sinasamba. Itinaas niya ang kanyang mga kamay“Domine tenebrarum, exaudi uocem meam.Ego voco vos de altero mundo. Accede ad me. Gloriosam crucem tu divide. Haec utinam sic veniat.”(Panginoon ng kadiliman, dinggin mo ang aking panawag.Tinatawag kita mula sa kabilang mundo. Lumapit ka sa akin. Tawiran mo ang matanyag na hati. Ito ang aking kagustuhan kaya naman ito ay matutupad.)“Domine tenebrarum, exaudi uocem m
THIRD PERSON POINF OF VIEW Nagising si Gilda sa kanyang pagkakatulog noong marinig niya ang ingay ng kaluskos sa taas ng kwartong kinalalagyan niya. Maya maya pa ay nagbukas ang pintuan na iyon. Agad na binuksan ni Maria ang ilaw sa basement na siya namang ikinasilaw ng dalagang pinagkaitan ng liwanag sa loob ng silid. Hinatak ni Maria ang naghihingalong katawan ni Carmen sa loob ng basement pababa ng hagdan. Pilit sinanay ni Gilda ang kanyang mata sa upang makita ang kung ano mang dala dala ng taong pumasok sa may silid.&nbs
Third Person Point of ViewMatapos igapos ni Maria si Carmen sa isang upuan ay agad siyang umakyat ng kwarto upang sabihan si Teresa.Kumatok si Maria ng marahan sa harap ng kwarto ni Lola Teresa. Tinawag niya ang pangalan nito ng dalawang ulit. Walang sumasagot sa kanya kaya naman sa tingin niya ay atutulog ito.Ngunit hindi naman tulog mantika ang kasama niyang si Teresa. Konting kaluskos lamang ay nagigising na ito agad.Binuksan ni Maria ang pintuan noong walang sumasagot sa kanya. Ang gagawin niya ay gigisingin niya ito kung sakali man na natutulog upang agad nilang maisagawa ang ritwal para sa huling alay nila sa sinasamba nilang demonyo.Pagkabukas ni Maria ng pinto ay kadiliman ang agad na sumalubong sa kanyang mga mata. Kinapa niya ang kandila sa isang gilid. Dahil palagi nilang gawain na iwan ang posporo, at kandila sa ibabaw ng lamesa na pinakamalapit sa pinto ay nasanay na silang ganoon.
Third Person Point of View Nakangiti si Maria habang hinahatak niya si Carmen pabalik sa kanilang pinanggalingan. Hindi niya maitago ang saya sa kanyang mga mukha na kumpleto na ang kanilang biktima. Sa wakas ay makukumpleto na nila ang kanilang siyam na alay. Siguradong matutuwa sa kanya ang matanda na si Teresa kapag nalaman nito na mayroon na silang bagong maiaalay. Habang si Carmen naman ay hindi makapaniwalang sinaksak siya ni Maria sa kanyang likuran ng walang kalaban laban. Hatak hatak pa nito ang kanyang paa na nanakit na sa kanyang kakatakbo kanina. “Bitiwan mo ako!!!” si
Gilda Point of View Sa hindi inaasahan ay natamaan ng aking kamay ang baso ng juice na nasa tabi ng plato ko. Diretso itong natapon sa baba at nabasag. Napatakip ako ng aking bibig sa gulat at agad na napatingin ‘kay Lola Teresa dahil natakot ako na magagalit ito. Naabutan ko agad ang masungit na tingin ni Lola Teresa sa akin. “Nako! Pasensya na po, Lola Teresa,” ani ko sa kanya. “Hindi ko po sinasdayang masagi ang baso. Pasensya nap o talaga.” Yumuko yuko pa ako at pinagtalop ang dalawa kong palad habang humihingi ng sorry dito. “Sa susunod naman ay mag – ingat ka,” madiin na sabi sa akin ni Lola Teresa. “Ang tagal na ng baso kong iyan. Kahit sabihin mo pang kaya mong bayaran ay hindi mo mapapalitan ang importansya n