Share

Pangalawa

Third Person Point of View

       Napahinga ng malalim si Kathy habang mahigpit na hawak hawak ang kanyang bag sa kanyang dibdib.

       Kinakabahan sya dahil madadaanan niya nanaman ang mga lalaking nag iinuman sa tapat ng tindahan nila aling Linda.

       Kung mayroon lamang ibang daraanan kahit malayo ay doon na lang dadaan si Kathy dahil natatakot siya sa mga tambay na lasenggo.

       Lagi na lamang siyang napagtritripan ng mga ito sa tuwing umuuwi siya ng gabi.

       Wala naman siyang magagawa dahil hanggang alas onse ng gabi ang kanyang trabaho at inaabot na siya ng alas dose ng gabi bago makauwi sa kanilang tahanan.

       Wala rin siyang nakaksabay na makakasama dahil iba ang daan ng kanyang mga kasama sa kanilang trabaho.

       Malayo pa lamang ay tanaw na ni Kathy ang tatlng lalaking nag iinuman.

       Araw araw walang palya ang mga ito sa pag inom na animo ay muubusan na ng alak at wala ng bukas. Imbes na tulungan ang kanilang mga asawa sa paghahanap buhay upang mairaos ang kanilang pang araw araw na buhay ay mas pinipili ng mga ito maging tambay at pabigat.

       Rinig ni Kathy ang mga tawa nito kaya naman malakas na ang kabog ng kanyang dibdib malayo pa lamang.

       Nanlalamig na ang kanyang kamay

       Habang papalapit siya ay napansin niyang napatigil ang mga ito sa pagtawa. Ramdam niya ang mga tingin nito at hindi niya pinansin. Diretso lang siya a paglakad.

       Malakas na sumipol ang isa at tumayo sa kanyang upuan. Nagmadali si Kathy sa kanyang paglalakad ngunit agad na hinarangan nito ang kanyang daraanan.

       “Wait lang, Kathy,” ani ni Baldo. “Masyado ka namang nagmamadaling umuwi niyan. Kwentuhan muna tayo. Tagay ka muna libre naman.”

       “Ayoko po, Manong Baldo,” tanggi ni Kathy habang nakayuko. “Uuwi na po ako. Naghihintay ang nanay ko sa akin.”

       Ayaw niyang titigan ang mga mata ni Baldo na namumula at pawang nanlalaki.

       Akmang hahakbang si Kathy sa kabilang banda ay itinaas ni Baldo ang kanyang mga kamay.

       “Ops, ops,” ani ni Baldo habang nakangiti. “Saan ka pupunta? Dito ka muna. Ipapaalam na lang kita sa nanay mo.”

       “Pwede po bang tumabi kayo!” madiin na sabi ni Kathy at napatingin kay Baldo. Nahintakutan siya sa itsura nito na animo ay isang adik. Amoy na amoy niya ang alak at sigarilyo sa lalaki.

       Napansin ni Baldo na nanginginig ang mga kamay ni Kathy.

       “Ikaw naman,” ani ni Baldo. “Hindi mo naman kami pinapapansin sa tuwing uuwi ka. Gabi na oh. Tagay ka muna tapos hatid kita pauwi.”

       “Oo nga naman, Kathy,” ani ni Carding na nakangiti habang pinagmamasdan ang binti ng dalaga paakyat sa ulo nito. “Upo ka muna. Daming pulutan oh! Huwag kang mag – alala hindi ka maboboring dito. Maraming kwento si Samuel.”

       “Samuel halika,” tawag ni Baldo sa lalaking kainuman niya. Tumayo naman si Samuel at lumapit sa kanila. Inakbayan siya ni Baldo. “Kathy si Samuel. Twenty eight years old na pero single pa rin. Baka gusto mong maging boyfriend tong tropa ko. Aalagaan ka nito mabuti. ‘Diba Samuel?”

       “Oo naman,” ani ni Samuel habang nakatingin ng diretso sa dalaga. “Kapag naging boyfriend mo ako ay hindi ka na uuwi mag isa. Ihahatid kita sa pagpasok at pag uwi mo.”

       Napahigpit ang hawak ni Kathy sa kanyang bag at hindi makatingin ng diretso sa dalawa.

       “Huwag ka namang masyadong mailap,” ani ni Baldo at hinawakan sa mukha ang dalaga.

       Agad na tinapik ni Kathy ang kamay ng lalaki.

       “Huwag mo akong hawakan!” sigaw ni Kathy sa lalaki.

       “Aba masungit!” ani ni Baldo. “Iyan ang gusto ko, palaban.”

       Napasilip naman si Aling Linda sa kanyang bintana at napansin niya ang dalawang lalaki na nanghaharang sa daan.

       “Hoy Baldo at Samuel!” tawag ni Linda sa kanila at lumabas sa may pinto. “Tigil tigilan niyo nga si Kathy hano! Kung gusto niyo sirain ang mga buhay niyo walang pipigil sa inyo pero huwag na kayong mandamay ng ibang tao!”

       “Aling Linda naman napaka – kj,” ani ni Baldo. “Inaaya lang naman namin si Kathy na tumagay ng isa.”

       Agad na tinulak ni Kathy ang dalawa at mabilis na tumakbo palayo roon.

       “HOY SAAN KA PUPUNTA?!” gulat na tanong ni Baldo at hinabol ito.

       “HOY BALDO HUWAG MONG HABULIN!” sigaw ni Aling Linda ngunit nakalayo na si Baldo. “Sundan niyo nga ang adik niyong kaibigan! Nakainom na iyon at baka kung ano pa ang magawa noon! Mga tarantado kayo!”

       Tumayo naman si Carding at hinabol nila ni Samuel ang dalawa.

       Napatingin si Kathy sa kanyang likuran at nakita niya na hinahabol siya ni Baldo.

       Mangiyak ngiyak siyang binilisan pa ang pagtakbo. Hindi niya na alam kung saan siya napadpad kakatakbo niya pero alam niyang hindi ito ang daan pauwi sa kanila.

       Naligaw siya ng daan at hindi niya agad napansin. Nasa gitna siya ngayon ng bukid at walang kailaw – ilaw. Sa takot na baka maabutan siya ni Baldo ay tumakbo muli siya.

       Mula sa malayo ay nakita ni Kathy ang ilaw.

       Nagkaroon siya ng pag asa humingi ng tulong.

       “TULONG! TULUNGAN NIYO PO AKO!” sigaw ni Kathy sa taong may hawak ng ilaw. Mabilis niyang tinahak ang kinalalagyan ng mga ito ngunit agad siyang napatigil noong makalapit siya sa mga ito.

       Tatlo ang taong nakatayo roon na may hawak ng tig iisang mga kandila.

       Nakabelo ito ng itim at nakasuot ng mahabang mga itim na bestida.

       Nanlaki ang kanyang mga mata sa takot.

       Alam niya ang mga nilalang na ito. Kilalang kilala ang mga ito sa kanilang probinsya. Napaatras si Kathy ng dahan dahan.

       Nahintakutan siya pagka’t nakatingin ang mga ito sa kanyang direksyon.

       Mas lalo siyang nahintukan ng tumakbo ang mga ito patungo sa kanya.

       Napabalik siya sa kanyang pinagmulan at tumakbo rin.

       “AHHHHHH!!!” Sigaw ni Kathy noong mahawakan siya ng mga ito at maabutan.

       Ang sunod niyang mga naramdaman ay ang pagbaon ng talim sa kanyang laman.

      

       Napatigil si Baldo mula sa malayo noong makita niya ang nangyari.

       Naabutan siya nila Samuel at Carding.

       “Pare ano ka ba!” ani ni Carding.

       “Shhh! Shhh! Huwag kayong maingay! May mga kulto!” ani ni Baldo habang takot na takot.

       Mabilis silang tumakbo palayo roon.

      

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status