Share

Pang una

Gilda Point of View

        Nakauwi na kami ni Maria mula sa palengke. Gaya ng dati ay ako na nga ang nagbitbit lahat. Tila naging katulong ako ni Maria. Napakadami niya kung bumili ng stocks namin na animo ay magugutuman kaming tatlo.

        Gusto ko nga sabihin sa kanya na maghunos dili siya kakabili. Ang dami naman pala nilang pera pero bakit ayaw ni Lola Teresa na mag aral ako? Hindi naman pala magiging hadlang ang katayuang pinansyal namin pero hanggang ngayon ay wala pa rin akong nakukuhang sagot.

        Nalalapit na ang pasukan. Ayoko naman nang mangulit pa sa kanila baka lalong mapasama pa ang hinihintay ko.

        Nakakalungkot lang. Kung siguro ay narito sina nanay at tatay ay baka nakapag enroll na agad ako.

        Lalong lalo na si Nanay Lilybeth. Nako! Mas excited pa nga iyon na papasukin ako kaysa sa akin. Nais niya kasi akong makapag aral.

        Mahal ba talaga ako ni Lola Teresa? Bakit parang hindi ko ramdam? Ang lagi lamang narito ay si Maria. Si Maria na hindi ko pa kadugo.

        Si Lola Teresa minsan ko lamang makita. Madalas wala pa sa bahay. Hindi naman niya sinasabi kung saan siya nanggaling kapag tatanungin mo siya.

        Ayaw nya ba talaga akong makapagtapos? Anak din naman ako ng anak niya ha? Hindi na ba kami magiging close? Lola ko kaya siya tapos sinusungitan niya ako.

        “Nay Maria,” tawag ko kay Maria na inaayos ang mga stocks na binili namin sa palengke. “May pag asa pa po ban a makapg aral ako this school year? Hindi kasi ako sinasagot ni Lola Teresa.”

        “Bakit nagkausap na ba kayo?” tanong ni Maria sa akin habang patuloy sa kanyang ginagawa.

        “Opo, noong isang araw pa. Tinanong ko muli siya pero hindi naman niya sinagot ako kung papayag siya,” ani ko kay Maria. “Wala po ba siyang nababanggit sa inyo?”

        “Wala naman,” ani ni Maria. “Hayaan mo. Kakausapin ko ang Lola Teresa mo mamaya kapag dating niya.”

        “Sana naman pumayag si Lola Teresa,” ani ko. “Gusto ko po talaga makapag aral.”

        “Alam mo, anak,” ani Maria at isinara ang aparador saka pumunta sa ref. “Okay lang naman kahit malate ka ng pasok. Huwag mong masyadong alalahanin ang eskwela. Makakapagtapos ka. Sisiguraduhin ko iyan.”

        Malalim naman akong napahinga.

        “Maraming Salamat, Nay Maria,” ani ko sa kanya at napaupo sa harap ng lamesa. “Parang kayo na lang ang nagmamahal sa akin. Parang hindi ako mahal ng Lola Teresa. Hindi ko maramdaman ang pagmamahal niya. Lagi pa siyang nagsusungit sa akin.”

        “Ano ka ba, anak,” aniya sa akin. “Mahal ka noon. Hindi lang masyadong showy pero for sure na mahal ka ng Lola Teresa. Anak ka kaya namin ni Dan.”

        Napatigil ako sa sinabi niya.

        “P-po?” tanong ko upang malinawagan.

        “Sabi ko mahal ka ng Lola mo,” aniya sa akin. “Anak ka ng anak niya na si Dan kaya naman imposibleng hindi ka niya mahal. Hindi mo lang mahalata dahil masungt siya pero mahal na mahal ka noon.

        Sana nga ganoon pero parang hindi ko talaga maramdaman. Napangalumbaba na lamang ako sa may lamesa.

***

Third Person Point of View

        Alas dyes na ng gabi at madilim na ang ulap. Nakasilip na rin ang mga bituin at kalahating buwan sa may kalangitan.

        Isang babae ang naglalakad sa may bukid upang makipag kita sa kanyang mga kaibigan. May biglang tumawag sa kanyang telepono at napag alamanan niya na nanay niya ang tumatawag sa kanya.

        Sinagot niya iyon habang naglalakad.

        “Hello, ma?” tanong ng babae habang kunot ang noo. “Bakit ka napatawag? Sabi ko naman na bukas na ako uuwi dahil makiki sleep over ako sa mga kaibigan ko.”

        “Anong sleep over sleep over?” galit na tanong ng nanay niya sa kabilang pamilya. “Umaayos ayos ka nga Lita! Pinayagan ba kita? Umuwi ka na rito at gabing gabi na!”

        Napairap naman si Lita sa sinabi ng kanyang ina sa kabilang linya.

        “Pinayagan na ako ni papa! Saka please ma malayo layo na rin ang nilakad ko. Ayoko na bumalik sa bahay. Dito na ako sa kanila matutulog!” madiin na ani ng dalaga.

        “Lita, tumigil tigil ka!” madiin na sabi sa kabilang linya na mahahalata mo sa boses ang inis. “Kapag ikaw ang nabuntis ay sira lahat ng pangarap mo! Umayos ka nga! May mga kasama kang lalaki riyan! Ah hindi! Hindi ako papayag! Ipapasundo kita sa tatay mo. Nasaan ka na?!”

        Nagpapadyak si Lita sa kanyang pag kainis. Naasar siya sa sinasabi ng kanyang ina. Para sa kanya ay over reacting ito at sobra siyang nasasakal. Minsan na lamang siya maki sleep over ay hindi siya pinapayagan.

        Napakahigpit nito sa kanya at sa tingin niya ay dahil dito ay hindi niya nagagawa ang mga bagay na gusto niyang gawin sa kanyang buhay.

        “MA ANO BA?!” sigaw ni Lita sa ina sa kabilang linya. “PWEDE BA HUWAG MO NA AKONG PAKIELAMAN?! BUHAY KO TO AT HINDI NA AKO BATA! I’M 18 ALREADY! SO PLEASE STOP TELLING ME WHAT TO DO! I HAVE MY OWN DECISIONS! MINSAN NA NGA LANG TO IKKJ MO PA!”

        Nagulat naman ang kanyang ina sa biglaan niyang pagsigaw.

        “Aba sumasagot ka pa! Mag – usap tayo rito sa bahay,” ani ng kanyang ina. “Alam mong delikado ang panahon ngayon! Mamaya matyempuhan ka pa ng mga pagala gala na kulto. Umuwi ka na o ipapasundo kita! Malilintikan ka talaga sa aking bata ka! Ang tigas tigas ng ulo mo!”

        Mas lalong nainis pa si Lita sa sinabi ng ina. Parang wala lang dito ang mga isinigaw niyang salita.

        “Anong kulto?! There is no such things!” ani ni Lita. “Hindi ako naniniwala sa mga chismis lang ng tsimosa mong kaibigan! Leave me alone or I will kill myself kapag mas sinakal mo pa ako ma! Baka maabutan mo na lang akong nakabigti!”

        “Lita! Ano ba ang pinagsasabi mo-“

        Pinatay na ni Lita ang phone niya at itinago sa bulsa. Tinurn off niya rin ito para hindi siya mareach ng kanyang pamilya.

        Pagkatalikod niya ay nagulat siya sa tatlong babaeng nakatayo ng diretso habang may hawak na kandila. Nakatingin ang tatlo sa kanya.

        Nakasuot ito ng mga belo at mahabang dami na itim.

        “S-sino kayo?” takot na tanong ni Lita at napaatras.

        Mabilis na tumakbo ang tatlong babae patungo kay Lita.

        “AAHHHHH!!!!” malakas na sigaw ni Lita.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status