Gilda Point of View
Tumingin ako sa aking orasan. Ganap na alas dose trenta ng umaga. Sigurado akong tulog na sila. Ngunit maghihintay muna ako ng ilang minuto para saktong ala una na ako aalis. Mas magandang sigurado. Mahirap nab aka mahuli nila ako.
Ang bawat segundo, at minuto ay tila isang araw sa paghihinatay. Napakatagal. Akala mo walang baterya ang aking relo at hindi gumagalaw ang oras. Mas mabagal pa sa isang pagong ang takbo nito.
Labis labis na ang aking kaba. Iniisip ko lamang ang pagtakas ay kinakabahan na ako. Balak ko sanang lumuwas na g maynila at doon manirahan. Bahala na kung anong buhay ang naghihintay sa akin doon. Mag – aapply ako ng trabaho. Kahit lansangan muna ako matulog basta makatakas lamang sa mga taong kasama ko sa bahay ngayon.
Mayroon naman akong naitabing pera upang maidaos ang aking pagluwas at ang ilang araw ko sa maynla.
Doon ay mas ligtas ako. Hindi nila ako masusundan. Maluwag ang mundo.
Napahawak ako sa aking tiyan. Kumukulo na ito pagka’t kaninang umaga pa ako hindi kumakain. Wala man lang kasing malapit na tindahan dito upang mabilhan. Kahit mamatay ako s agutom ay hindi ko gagalawin ang pagkain na hinain ni Maria sa akin. Nakakasuka! Nakakiri! Mga laman ng tao. Pakiramdam ko tuloy ay isa na akong kanibal dahil sa ipinakain nila sa akin.
Sigurado akong tulong ulo si Lola Teresa at si Maria sa kanilang mga masasamang balak.
Kahit ba sabihin natin na wala silang gagawing masama sa akin ay hindi ako panatag sa piling nila. Hindi mga kagaya nila ang nais kong makasama sa isang bubong. Hindi ko kaya. Habang pumapatay sila ng tao.
Isa pa kahit itigil nila ang kanilang ginagaw ngayon ay hindi nila mababago ang katotohanan. Katotohanang nakapatay na sila. Katotohanang mga kulto sila. Katotohanang nakakahindik.
Pakiramdam ko ay lagi akong hahabulin ng ala – alang ito kahit saan ako magpunta. Kahit mangibang bansa pa ako ay hindi ako matatahimik.
Pakiramdam ko ay obligasyon kong magsumbong sa mga pulis. Tama. Sasabihin ko kay Carmen ang aking mga nakita. Sabay kaming magsusumbong sa pulis! Sana nga lang ay paniwalaan kami.
Itetext ko sana siya upang salubungin na ako sa bukana ng highway ngunit naubos na ang load ko. Kung kailan ko kailangan na kailangan ay saka naman naubusan.
Napakamalas ko!
Napatingin ako sa orasan ko muli. Mapapamura ka talaga sa bagal ng oras. Limang minut pa lamang ang nakakalipas.
Baka mmatay pa ako sa niyerbos habang naghihintay dito. Kung pwede lang ako na ang magdusog ng oras ay gagawin ko. Bilis bilisan nya naman ang pagtakbo! Kung kailan mo talaga ito hinihintay saka bumabagal!
Relax Gilda! Magrelax ka lang. Mallagpasan mo ang pagsubok na ito. Ligtas kang makakaalis sa bahay ng lola mo. Ang kailangan mo ay kumalma upang maingat kang makatakas.
Tama! Inahale! Exhale!
Kaya mo ito Gilda. Ina, ama, patnubayan niyo po ako. Nais kong makaalis na sa bahay na ito. Diyos ko tulungan mo po ako
Matapos ang matagal na paghihintay ay pumatak na rin ang oras sa ganap na ala una ng umaga.
Kinuha ko ang aking maleta kung saan ko inimpake ang aking mga gamit sa ilalim ng aking kama.
Dahan dahan kong binuksan ang pinto at sumilip sa labas. Walang tao! Malaki kong binuksan ang pinto at agad na lumabas. Nilock ko ito sa loob upang hindi nila agad malaman na wala ako kung sakali man na may kakatok dito mamaya.
Tinahak ko ang hagdan. Dahan dahan akong bumaba. Anak ng siomai! Lumalangitngit ito! Napatingin ako sa paligid. Walang nagbubukas ng pintuan.
Matapos ang ilang hakbang sa awa ng diyos ay naidaos ko ang pagbaba ng hagdan. Sumilip ako sa ma kusina dahil baka mamaya naroon si Maria. Madalas pa naman maglagi ang babaeng iyon doon.
Walang tao.
Lumapit ako sa pintuan at dahan dahang binuksan ito. Natatanaw ko na ang labas!
Noong mabuksan ko ito ay agad akong lumabas. Dahan dahan ko muling sinara ito.
Initsa ko ang maleta ko sa labas at inakyat ang mababang gate ng bahay ni Lola Teresa. Noong tuluyan akong makalabas ay agad kong tinakbo ang daan papunta sa highway.
Napakahaba pa naman ng daan na ito na animo ay walang katapusan! Anong oras pa kaya ako makakarating sa highway. Feeling ko bago pa ako makarating doon ay may humatak na sa akin pabalik sa bahay.
Hindi rin nagpaparamdam sa akin ang mahiwagang boses sa aking isipan. Hindi ko alam kung bakit.
Maya maya pa ay napagod na ako kakatakbo. Kaya naman naglakad na lamang ako. Sigurado naman akong nakalayo na ako sa may bahay nila Lola Teresa.
Nakakatakot maglakad ng ganitong oras. Napakatahimik ng paligid. Madilim. Tanging mga insekto lamang ang iyong maririnig sa buong kapaligiran.
Pakiramdam ko may mga nagmamasid sa akin sa dilim.
Tumingin ako sa aking likuran. Hindi ko na tanaw ang bahay. Puro kadiliman na lamang ang nakikita ko sa likod. Ni kahit kasi isang poste ng ilaw ay walang nakatayo dito.
‘Psst’
Napatigil ako sa aking narinig. Agad akong lumingon lingon habang nanlalaki ang aking mga mata. Sino iyon?!
Guni guni ko lamang ba? Sa sobrang takot ko ay nakakarinig na ako ng mga pumapaswit.
‘Psst’Napahinto muli ako dahil sa aking narinig. This time alam kong hindi ko na ilusyon iyon. May pumapaswit talaga!
Nagsitayuan ang mga balahibo ko sa aking katawan. Lumingo ako sa aking pinanggalingan ngunit kahit idilat ko pa ng sobra ang aking mga mata ay wala talaga akong makita sa dilim.
‘PSSTTTTT!’
Sh*t!!!!
Agad akong napatakbo ng mabilis hatak hatak ang aking maleta. Para akong atleta sa bilis ng aking pagtakbo na hndi ko namalayan ang malaking bako sa daan. Nabitawan ko ang maleta ko at napasubsob sa daan.
Ngunit hindi ko papansinin ang sakit ng mga sugat ko! Agad akong tumayo at binitbit ang aking maleta.
Natatanaw ko na ang highway!! Makakalabas na ako!!
Tumingin ako sa aking likuran pagka’t parang may kasunod ako. Wala naman! Pagharap ko sa aking harapan ay napatigil ako noong bumungad sa aking si Maria na nakangiti.
“AAHHHH!!!!” sigaw ko.
Bigla niya akong pinalo ng malaking bote at nawalan ako ng ulirat.
THIRD PERSON POINT OF VIEWNagkalat ang mga pulis sa bahay ni Teresa kasama si Joeslito. Siya mismo ang naglead ng kanyang mga kapwa pulis papunta sa bahay na ito dahil tatlong araw ng nawawala ang kanyang anak na si Carmen. Wala siyang ibang pinaghihinalaan kundi ang pamilyang ito lalo na at sinabi sa kanya ng kanyang anak na lalaki na iniisip ni Carmen ang kaibigan nitong si Gilda na apo ni Teresa.Kanina pa sila naghahanap ngunit wala silang makita n kahit anong bakas ng mga may ari ng bahay. Narito pa ang mga gamit nila ngunit wala ng tao.“Jose, mukhang tumakas na ang mga suspek,” ani ng kasamahan ni Jose na kapwa niya rin pulis. “Wala ng tao ang bahay na ito.”“Hindi pupwedeng mawala sila! Nasa kanila ang anak ko!” mariin na ani ni Joselito. Puno siya ng panlulumo simula ng mawala ang kanyang anak.Sinisisi niya ang kanyang sarili na hindi niya ito nabantayan mabuti.“Ang mga kwarto? Wala bang
THIRD PERSON POINT OF VIEW Napaiyak bigla si Gilda noong makita si Carmen. Bumalik na siya sa dati niyang huwisyo.“Anong ginawa niyo? Bakit niyo ginawa ito?” Naiiyak na tanong ni Gilda habang walang magawa sa kanyang sitwasyon.Hindi naman siya pinansin ni Teresa at bumalik sa kanyang pwesto. Pinatakan niya ulit ng kanyang dugo ang batsa saka muling inusal ang kanyang mga dasal sa pagtawag ng kang sinasamba. Itinaas niya ang kanyang mga kamay“Domine tenebrarum, exaudi uocem meam.Ego voco vos de altero mundo. Accede ad me. Gloriosam crucem tu divide. Haec utinam sic veniat.”(Panginoon ng kadiliman, dinggin mo ang aking panawag.Tinatawag kita mula sa kabilang mundo. Lumapit ka sa akin. Tawiran mo ang matanyag na hati. Ito ang aking kagustuhan kaya naman ito ay matutupad.)“Domine tenebrarum, exaudi uocem m
THIRD PERSON POINF OF VIEW Nagising si Gilda sa kanyang pagkakatulog noong marinig niya ang ingay ng kaluskos sa taas ng kwartong kinalalagyan niya. Maya maya pa ay nagbukas ang pintuan na iyon. Agad na binuksan ni Maria ang ilaw sa basement na siya namang ikinasilaw ng dalagang pinagkaitan ng liwanag sa loob ng silid. Hinatak ni Maria ang naghihingalong katawan ni Carmen sa loob ng basement pababa ng hagdan. Pilit sinanay ni Gilda ang kanyang mata sa upang makita ang kung ano mang dala dala ng taong pumasok sa may silid.&nbs
Third Person Point of ViewMatapos igapos ni Maria si Carmen sa isang upuan ay agad siyang umakyat ng kwarto upang sabihan si Teresa.Kumatok si Maria ng marahan sa harap ng kwarto ni Lola Teresa. Tinawag niya ang pangalan nito ng dalawang ulit. Walang sumasagot sa kanya kaya naman sa tingin niya ay atutulog ito.Ngunit hindi naman tulog mantika ang kasama niyang si Teresa. Konting kaluskos lamang ay nagigising na ito agad.Binuksan ni Maria ang pintuan noong walang sumasagot sa kanya. Ang gagawin niya ay gigisingin niya ito kung sakali man na natutulog upang agad nilang maisagawa ang ritwal para sa huling alay nila sa sinasamba nilang demonyo.Pagkabukas ni Maria ng pinto ay kadiliman ang agad na sumalubong sa kanyang mga mata. Kinapa niya ang kandila sa isang gilid. Dahil palagi nilang gawain na iwan ang posporo, at kandila sa ibabaw ng lamesa na pinakamalapit sa pinto ay nasanay na silang ganoon.
Third Person Point of View Nakangiti si Maria habang hinahatak niya si Carmen pabalik sa kanilang pinanggalingan. Hindi niya maitago ang saya sa kanyang mga mukha na kumpleto na ang kanilang biktima. Sa wakas ay makukumpleto na nila ang kanilang siyam na alay. Siguradong matutuwa sa kanya ang matanda na si Teresa kapag nalaman nito na mayroon na silang bagong maiaalay. Habang si Carmen naman ay hindi makapaniwalang sinaksak siya ni Maria sa kanyang likuran ng walang kalaban laban. Hatak hatak pa nito ang kanyang paa na nanakit na sa kanyang kakatakbo kanina. “Bitiwan mo ako!!!” si
Gilda Point of View Sa hindi inaasahan ay natamaan ng aking kamay ang baso ng juice na nasa tabi ng plato ko. Diretso itong natapon sa baba at nabasag. Napatakip ako ng aking bibig sa gulat at agad na napatingin ‘kay Lola Teresa dahil natakot ako na magagalit ito. Naabutan ko agad ang masungit na tingin ni Lola Teresa sa akin. “Nako! Pasensya na po, Lola Teresa,” ani ko sa kanya. “Hindi ko po sinasdayang masagi ang baso. Pasensya nap o talaga.” Yumuko yuko pa ako at pinagtalop ang dalawa kong palad habang humihingi ng sorry dito. “Sa susunod naman ay mag – ingat ka,” madiin na sabi sa akin ni Lola Teresa. “Ang tagal na ng baso kong iyan. Kahit sabihin mo pang kaya mong bayaran ay hindi mo mapapalitan ang importansya n