What would you do if your reliving the same day over and over again? What if you woke up one day only to find you were stuck in a time loop? The day starts and ends the same and in the morning you weren't even excited for a new day, knowing it would be pretty much the same as before. Experiencing time loop must be very tiring and exhausting, knowing like you're going through the same cycle of life every day. Meet Idris Hutton, stuck in an alternate universe where the events and scenes keep repeating themselves everytime she wakes up. Can Idris succesfully break herself in this space time loop? Or will she be stuck until the end of the day?
View MoreIDRIS
"Idris! Gumising ka na, aba! Tulog mantika ka talaga kahit kailan!" Napamulagat ako ng marinig ko ang boses ng kaibigan ko. Humikab muna ako bago patamad na tumayo at 'saka binuksan ang pinto.
Bumungad sa akin ang nakapameywang at nakabusangot na si Naya. "Buti naman at gising ka na," panimula nito saka ako tiningnan mula ulo hanggang paa.
"Ang unfair mo talaga. Bakit kahit ang gulo-gulo ng buhok mo at may laway ka pa sa labi, ang ganda mo pa rin?" tanong nito habang nakanguso at niyugyog niya pa ang balikat ko.
Teka, laway?
Wala sa sariling pinunasan ko ang labi kong may laway pero wala naman akong naramdamang basa.
Humalakhak naman si Naya dahil sa ginawa ko. "Ang ganda mo nga, uto-uto ka naman." nang-aasar na sinabi nito.
Napanguso na lang ako at hinampas siya ng mahina na ikinatawa niya. "Cute mo talaga. By the way, kailangan mo nang magbihis dahil aayusin pa natin yung booth natin." paalala niya. Oo nga pala, ngayon kami magde-design para sa aming booth. Malapit na kasi ang intrams namin at kailangan matapos na namin 'yun agad para wala na kaming poproblemahin sa susunod na araw.
Midterm exams pa naman kaya napagdesisyunan naming magkaklase na agahan ang pag-aayos para review review na lang kami pagtapos.
"Alright, mauna ka na doon at susunod na lang ako." wika ko rito.
"O sige. Dalian mo lang ha? Alam kong mabilis kang kumilos kaya siguraduhin mo na nandun ka na in 10 minutes." pang-aasar nito.
"Sira." natatawang sabi ko. "Sige, aalis na ko." paalam niya.
Pagkaalis niya ay saka ko inayusan ang sarili at lumabas ng dorm.
Pagkalabas ko ay may nasalubong akong mga grupo ng estudyante na may hawak-hawak na flyers habang papalapit sa akin.
"Hi good morning, Miss. Sali ka naman sa booth namin. Kailangan kasi namin ng 30 participants para sa aming laro. Wag lang mag-alala, masaya doon at once na manalo ka ay may gift surprise ka pa." Dire-diretsong wika ng babaeng na sa tingin ko ay leader ng kanilang booth.
Kinuha ko na lang ang flyer na inabot nito at nangingiting sinabi na pupunta sa game nila.
Nagpatuloy ako sa paglalakad pero nagulat na lang ako ng biglang may humarurot na sasakyan sa harap ko.
Mabuti ay mabilis akong nakaatras kaya hindi ako nahagip. Muntik pa kong mahagip kaya nawalan ako ng balanse at akala ko matutumba na ko pero may bumunggo sa akin.
Pagharap ko ay saktong nahulog ang mga kahon na dala-dala ng isang lalaki. "Sorry. Hindi ko sinasadya." pamumanhin ko rito saka tinulungan siyang magdampot.
"A-Ahhh, h-hindi na. Ako na l-lang." nauutal na sabi nito kaya kahit na naguguluhan sa inaasal niya ay iniwan ko na rin siya doon.
Anong problema no'n?
Patuloy akong naglakad at natatanaw ko na ang kinatatayuan ng booth namin ng biglang may sumulpot sa harap ko dahilan para mapasigaw ako.
Sapo-sapo ko ang dibdib ko at habol ang hininga habang tinitingnan kung sino yung hinayupak na nanggulat sa akin.
Isa itong mascot na lumalabas lang tuwing may event ang campus. Tinatawag namin ito si Mr. Blue dahil sa kulay nito.
Mula sa loob ay rinig ko ang halakhak niya kaya sa inis ay hinampas ko ito. Napahawak ito sa braso na parang nasaktan talaga na ikinairap ko na lang.
Maya-maya ay tinanggal niya ang ulo ng higanteng mascot at tumambad sa harapan ko ang aking asawa--este crush.
Namula ako sa hiya dahil sa ginawa ko. Mahina akong napamura lalo na ng tumawa ito at pinagtuturo ako.
"You should have seen your face. You're so funny, Idris." natatawang sabi nito. Eto lang ang problema ko sa kanya eh. Oo gwapo siya at crush ko siya pero hindi ko maiwasan na mainis rito dahil bukod sa mayabang siya ay malakas din syang mang-asar.
"Whatever, Owen." sabi ko rito ng masamang tingin. Pero kung magaling siyang mang-asar, mas magaling ako.
"Why the hell are you on a mascot, huh? Hula ko, inutusan ka na naman ni Ms. DeVoe na maglinis ng CR pero hindi ka sumipot kaya ang ending pinagsuot ka niya ng ganyan?" nakangising tanong ko rito. Napahalaklak ako ng bigla itong yumuko at kinamot ang likod ng ulo saka nahihiyang tumingin sa akin.
"Yeah, yeah. You know what? Oo bully ako pero bakit parang mas magaling kang mam-bully sa'kin?" nakangusong tanong nito.
Cute.
Nginitian ko lang siya ng pagkatamis-tamis at hinawi ang buhok ko.
"Because I'm awesome." mahanging saad ko rito saka iniwan siya roong nagtataka.
Dumiretso na ako sa booth kung saan naghihintay si Naya at ang iba kaya sinimulan na namin ang pag-aayos.
-----
"Grabe, nakakapagod naman. Biruin mo inabot tayo ng gabi rito sa campus dahil sa letcheng booth na 'yan?" pagtatalak ni Naya saka niya isa-isang dinampot ang mga kalat.
"Eh, sino ba kasing nag-isip ng booth na to? Aber?" tanong ko rito. Inirapan lang ako nito saka nagpatuloy sa ginagawa.
Nang matapos kami magligpit ay saktong namatay lahat ng ilaw sa gym. Buti 'di kami naabutan ng pagpatay ng ilaw.
"Para sa lahat ng estudyante, magsi-uwi na kayo sa bahay at dorm nyo dahil isasara na namin ang campus. Mag-ingat ang lahat at magandang gabi." malakas na sabi sa announcement na dinig 'ata hanggang gate.
"Kain muna tayo bago umuwi." suhestiyon ko. Bigla namang lumiwanag ang mukha ni Naya dahil sa narinig.
"Sure, basta libre mo." taas-babang kilay na sabi nito.
"Oy oy, ayoko nga. Nagtitipid ako no. KKB tayo ngayon kaya tigilan mo ko." pagtanggi ko rito. Yaman-yaman niya tapos magpapalibre siya? Ano siya sinuswerte?
"Ang sabihin mo kuripot ka lang talaga." sagot pa nito. Yung totoo? Kaibigan ko ba talaga 'to?
"Halika na nga. Baka mamagya magsara na 'yun dahil sa kadadaldal natin." sabi ko na lang rito 'saka ko sinabit ang kamay ko sa braso niya. Sanay na kong lagi ko siyang ginagano'n lalo na 'pag maglalakad kaming dalawa.
Simula kasi nung first year college ay magka-roomate na kami ni Naya. Dahil sa parehas naming personality na madaldal, prangka at kalog ay madali kaming nagkasundo sa mga bagay-bagay.
Doon nagsimula ang pagkakaibigan namin. Kaya close kami nitong babaeng 'to dahil lagi kaming magkasama tuwing gagala at aalis kung saan.
"Maiba nga tayo. Ikaw, nakita kita na kausap mo si Owen kanina. 'Diba crush mo 'yon?" itsuserang tanong nito.
"Wala yon. As usual, bully pa rin at mahangin. Di na 'ata magbabago yun." natatawang saad ko. Sa kabila ng pagiging hambog at bagyo ni Owen ay hindi nawawala ang pagkahanga ko sa kanya. Gwapo kasi siya, matangkad, moreno, kulot at higit sa lahat, mapagmahal sa magulang.
Matagal na kong may gusto sa kanya pero hindi ko masabi dahil hindi naman kami masyadong close at isa pa, sa dami ng babaeng umaaligid sa kanya ay imposible namang mapansin niya pa ko.
Kaya lang naman kami nagkakausap ay dahil kagrupo ko siya sa isa naming subject kaya doon malaya ko syang nakakausap.
"Talaga? Eh bakit parang nung binanggit ko yung pangalan niya parang sumigla ka ata? Ayan oh, naghuhugis puso 'yang mga mata mo." pang-aasar niya sabay turo sa mata ko. Tinakpan ko naman ito dahil sa hiya na ikinatawa niya.
"Alam mo, umamin ka kasi sa kanya. Wala namang masama kung gagawin mo 'yun eh. Hindi 'yung ganyan na hanggang tanaw at kausap mo lang. Malay mo, gusto ka rin niya." masayang saad nito. Huh, ako aamin? No way. Ayoko nga, mamaya lalo pa kong asarin nun.
"Tsaka maganda ka naman, matalino, sexy at maba---" natigil ang pagsasalita ni Naya ng may sumulpot na mga lalaki na nakamotor at tinutukan kami ng baril.
Base sa mga suot nila ay mukha silang mga holdaper. Medyo madilim din kasi ang daan na nilalakad namin ni Naya kaya hindi malayong puntahan kami ng mga magnanakaw dito.
"Amin na 'yang mga gamit nyo kung ayaw nyong mamatay." wika ng isa habang nakalahad ang mga kamay.
Ginapangan ako ng kaba dahilan para mapalingon ako kay Naya na parang nawalan ng kulay ang mukha.
Napalingon ako sa paligid para tingnan kung may tao. Napamura ako sa aking isipan dahil bukod sa madilim ang paligid, wala ring katao-tao rito na pwedeng mahingan ng tulong.
Shit naman oh, mukhang maho-hold up pa kami.
"W-Wala kaming ibibigay sa inyo." Napalingon ako kay Naya dahil sa sinabi niya. Tiningnan niya ko kaya pinandilatan ko lang siya ng mata at bumulong.
"Anong ginagawa mo?" pasigaw kong bulong rito. Nasisiraan na ba siya? Nakita niyang nasa bingit na kami ng kamatayan, ganyan pa siya kung umakto?
"What? Alangan namang ibigay ko 'to ng basta-basta sa kanila no. Andito kaya 'yung flash drive para sa report ko bukas at kapag nawala 'yun, baka bumagsak ako! Alam mo naman si Sir." balik nitong sigaw sa mabilis na pananalita.
"Abnormal ka ba? Mas mahalaga pa ba 'yang report mo kaysa sa buhay mo? Kung ako sa'yo, gawin na lang natin ang gusto nila para matapos na 'to!"
Napasapo ako sa isip pero agad akong napapitlag ng tutukan ng lalaki si Naya na ikinanlaki ng mata ko.
"'W-Wag. Ibibigay na namin sa inyo 'to, wag nyo lang kaming saktan." kinakabahang wika ko sa mga ito.
"What the fuck?" pabulong na tanong ni Naya sa akin. Sinenyasan ko lang siya na ibigay na ang purse niya para matapos ang lahat ng 'to. Ganun din ang ginawa ko at pagtapos no'n ay kaagad silang sumakay sa motor nila pero bago pa sila umalis ay binaril muna ng isang lalaki si Naya dahilan para matumba ito sa sahig.
Natigilan ako at natulala. Hindi ko alam ang gagawin sa katawan ni Naya na nakabulagta sa sahig at wala ng buhay. Para akong natuod sa kinatatayuan dahil sa nasaksihan.
Nakarinig ako ng pagkasa ng baril at pag-angat ko ng ulo ko ay nakatutok na ang baril sa noo ko at bago pa ako makasigaw ay pinaputok na ng lalaki ang baril saka nandilim ang paningin ko.
IDRISNaalimpungatan ako dahil sa naririnig ko. Dahan-dahan kong iminulat ang mata ko at kinusot-kusot pa ito.Ang sakit ng ulo ko. Damn.Tumayo ako para alamin kung saan nanggagaling ang tunog.Parang may nagkikiskis sa pintuan ng kwarto ko kaya tumayo ako para buksan ito at para makita kung sino ang pangahas na nilalang ang maingay nang biglang may dumamba sa akin ay dinila-dila pa ang mukha ko."Oh my God! Hi!"Nagulat ako dahil sa nilalang na kasalukuyan akong inaamoy at dinidilaan. Isa pala itong cute na cute na puppy. Kulay brown ito at sa tantiya ko ay wala pa itong tatlong buwan dahil sa liit.Nang makitang tumayo ako ay tumingala ito sa'kin at tinahulan ako gamit ang maliliit niyang boses.Aww. So cute!Kinuha ko ito at binuhat. Napaiwas na lang ako ng mukha ng muli akong dilaan nito kaya napatawa na lang ako."What's your name, baby? Bakit ka nandito? Asan ang amo mo, hmm?" banayad na tanong ko sa aso pero parang wala itong narinig at sa halip ay naglilikot lang.Hinagip ko
THIRD PERSON"Ipaupo mo siya rito. Dahan-dahan lang." utos ni Sebastian kay Gavin.Kasalukyang buhat-buhat ng lalaki ang nanghihinang katawan ni Max.Bagaman ay nanghihina at nanlalabo ang paningin ni Max ay alam pa rin naman niya ang nangyayari sa paligid niya. Mas pinili na lang niyang huwag magsalita dahil napapagod siya."Ate Idris..." mahinang tawag nito sa pangalan ng kapatid. Nang marinig ito ng babae ay kaagad siyang tumabi sa kapatid at hinawakan ang kamay nitong nanlalamig niya.Hindi maiwasang mapaluha ni Idris dahil sa sitwasyon ng kapatid. Namumutla na ito na parang wala ng dugo sa katawan, nanghihina at malamig ang katawan."Gavin, prepare the cap. Hurry!" aligagang saad ng matanda. Nagkakagulo na ang mag-ama ngunit hindi nito inalintana ang natitirang oras para sa magkapatid."Hey...I'm here, Max. Masaya ka ba? Look, makakauwi ka na. 'Wag kang matakot, nandito lang ako, okay?" Tumulo ang luha ni Idris sa kamay ni Max.Pilit inabot ni Max ang mukha ni Idris at siya na an
IDRISNapatayo ako matapos marinig ang sinabi ng matanda. "Ho? Bakit ho?" kunot-noong tanong ko rito."Pawalang galang lang ho pero kasi wala na po talaga kaming ibang malalapitan. Parang awa niyo na ho, ayoko hong mawalan ng kapatid," pagmamakaawa ko pa.Sa tingin ko ay alam ko kung bakit ayaw niya kaming tulungan. Dahil ba ito sa isyu na ginawa niya noon? Na narinig kong usap-usapan na bumabalik siya sa nakaraan para makasama ang kaniyang asawa?Hindi ko alam ang dahilan kung bakit ipinasara at sinuspende ang kaniyang imbensiyon pero wala na akong ibang maasahan kundi 'yun lang.Seryoso at mariin lang akong tiningnan ng matanda na parang kinililatis ako.Binitawan muna niya ang crane niya at umupo. Pinagkrus niya ang kaniyang kamay at pinaningkitan kami ng mata."O sige. Bigyan mo ako ng dahilan kung bakit kailangan ko kayong tulungan," saad niya.Itatanong pa ba ito? Of course, dahil kapatid ko ang pinag-uusapan dito. Responsibilidad ko na tulungan siya a
IDRIS"W-Wait. Hold on for a sec. Too much information and it's still not processing. This is unbelievable," pagpigil sa'kin ni Prof. Gavin.Halata naman sa mukha niya ang matinding pagkalito dahil sa mga pinagsasabi namin. Hindi namin siya masisisi kung lubos siyang naguguluhan.'Gaya ng sinabi niya ay nandito kami sa loob ng office niya para masigurong walang makakarinig sa pinag-uusapan namin.Mainit kasi sa ilan ang apelyidong dinadala ng propesor gawa ng kaniyang ama na aksidenteng napasabog ang kabuuoan ng building ilang taon ang nakalipas.Ayon sa kaniya, pagkatapos ng insidente ay kaagad na inaresto ang lalaki (Arden) at kinasuhan dahil sa ginawa nito sa loob ng campus.Kinumpiska rin ang lahat ng kaniyang gamit kasama ang hinihinalang time machine na matagal na niyang pilit ginagawa simula ng mapunta siya sa campus.Nasa basement ng sinabing building nakalagay ang machine at doon din nakapwesto ang opisina niya.Sa loob ng ilang taon, ni isa at walang nakahalata at nakaalam s
THIRD PERSONPagkapasok pa lang ni Max sa worm hole ay alam niyang may mali na. Hindi lang sa paligid niya kundi sa katawan niya rin.Hindi katulad sa mga nakaraan niyang pagtawid mula sa kasalukuyan papuntang nakaraan, wala siyang nararamdamang kung ano pero ngayon ay mayroon na.Umiikot ang paningin niya at mistulang mabibingi siya dahil sa matitinis na tunog na naririnig niya.Napapansin din niya na ang makukulay at maliliwanag na ilaw na nadaraanan niya sa loob ng worm hole ay unti-unting nawawalan ng kulay.Patay-sindi ang mga ito at iindap-indap dahilan para mas lalo siyang mahilo. May malakas din na pwersa ang naghihila sa kaniya papunta sa iba't-ibang direksiyon dahil para umikot ang buo niyang katawan at mawala sa tamang balanse.Kung dati mabilis siyang maglakbay sa oras pero ngayon ay inabot siya ng ilang minuto bago bumungad sa kaniyang harapan ang nakakasilaw na liwanag.Tuluyan siyang nilamon nito at matagumpay siyang nakaapak muli sa nakaraan.----Ilang minuto bago siy
THIRD PERSONPagkatapos nang sagutan at pag-aayos ng magkapatid ay hindi muna sila nagkibuan ng ilang oras. Tahimik at malalim ang iniisip ni Max habang nakaupo sa kaniyang kama.Kanina, napagpasyahan ni Theresa na tuluyang i-secure ang kaniyang buong kwarto para hindi na tuluyang makapasok ni Max. Sa kagustuhang magkasundo sila ng kapatid ay walang nagawa si Max kundi sumang-ayon sa gusto nito.Pinalitan ni Theresa ang password sa secret chamber ng kwarto niya at ni-lock pa nito ang pintuan kaya imposible talagang makakapasok pa roon si Max.Lingid sa kaalaman ni Theresa ay marunong mag-hack si Max kaya marami siyang kaalaman pagdating sa mga ganoong bagay. Ngunit nagdadalawang-isip si Max kung papasukin niya ang kwarto ng kapatid gayong kakasundo lang nila.Nais ulit ni Max na bumalik sa nakaraan para pormal na makapagpaalam sa kaniyang mga magulang at humingi ng tawad sa kaniyang kapatid (Idris) sa lahat ng nagawa nita rito.Pagkatapos no'n ay nangangako siya na hinding-hindi na ni
Comments