Habang nagmamaneho si Wayne ay hindi niya maiwasan na mag-alala dahil ang tahimik ni Leigh sa tabi niya kaya naman nagsalita siya. “Sa tingin ko ay malakas ang laban natin sa kaso mo. I just found out na meron talaga siyang ibang intensiyon kaya niya gustong makuha sa’yo ang lupa. It’s like, she’s not really interested to get paid from your father’s debts. Gusto niya lang talaga na makuha ang lupa niyo.” “Hindi ko alam kung magandang balita ba ‘yan o hindi,” mahinang saad ni Leigh na para bang wala ito sa sarili. “Ano bang nangyayari? May problema ba?” “Wala,” sagot na lang ni Leigh sa kaniya. “Gutom ka na siguro. Let’s eat.” “Wala akong gana. Umuwi na lang tayo.” At nakita na nga ni Wayne sa gilid ng kaniyang mata na itinuon na lang ni Leigh ang atensyon niya sa labas ng bintana. Hindi na lang nakinig si Wayne sa sinabi ni Leigh at imbes na umuwi ay ibang daan ang pinupuntahan nila ngayon. Alam niyang hindi makakahindi si Leigh sa pagdadalhan niya ngayon sa dalaga. “Teka, hind
Sa sobrang tagal na umiyak ni Leigh matapos ang pag-uusap nila ng kaniyang kaibigan na si Cattleya ay nakaramdam naman siya ng uhaw. Ipagpapabukas na lang sana niya ‘yon at hindi papansinin, kaya lang hindi naman siya makatulog. Doon ay nagpasya na nga siyang lumabas muna ng kaniyang silid. Pahid-pahid niya ang kaniyang luha ay naglakad na nga siya. Ngunit, awtomatiko siyang natigilan nang mapadaan siya sa nakasaradong pintuan ng silid ni Wayne. May naririnig siyang umu-ungol mula sa loob.Kumunot ang noo ni Leigh.“Ano kaya ‘yun? Gising pa kaya si Wayne?” tanong ni Leigh sa kaniyang sarili. “Hindi naman ‘yon simpleng ungkol lang, dahil kung tama ang pagkakarinig ko… ungol ‘yun nang may iniindang sakit. May nararamdaman kayang masakit si Wayne? Ano kayang nangyayari sa kaniya sa loob? Kakatukin ko kaya siya?” sunod-sunod na tanong pa rin niya dahil bigla siyang nakaramdam nang pag-aalala.Ipinagsawalang bahala muna ni Leigh ang uhaw na kaniyang nararamdaman sapagkat na
Buong kalahating araw ay tinulungan ko lang si Mama na maglaba. Pagsapit ng tanghalian ay nagluto muna ako ng lunch namin tapos nagpatuloy na ulit ako sa pagtulong. Mga bandang alas-tres ng hapon ay nagsasampay na ako ng mga damit sa likod ng bahay. Actually nawala na nga sa isip ko ang oras dahil itinuon ko lang talaga sa ginagawa ko ang buong atensyon ko. At habang abala nga ako sa pagsampay ng mga damit na nilabhan namin ay biglang narinig ko naman si Mama na tinatawag ang pangalan ko sa harapan ng bahay.“Bakit po, ma? May ginagawa pa ako eh,”sigaw ko dahil nasa likod nga ako ng bahay habang nasa harapan naman si Mama.“Pumunta ka muna dito, bilisan mo.”“Opo. Nandiyan na.”At iniwan ko muna ang ginagawa ko saka nagpunta na sa may harapan ng bahay. Agad akong natigilan nang makita ko si Wayne na nasa harapan ni Mama. Hindi rin nakaligtas sa paningin ko ang kotse niya na nakaparada sa labas ng gate namin. Bitbit niya sa kabilang kamay niya ‘yung bag ko habang nap
Kahit na hindi nakatulog ng maayos si Leigh noong gabi dahil sa mga iniisip niya, idagdag pa na sinisilip-silip din niya ang lagay ni Wayne sa kabilang kwarto, ay nagawa niya pa rin na gumising ng maaga kinabukasan.Medyo madilim pa ang paligid nang gumising siya. Pagdaan niya sa harapan ng kwarto ni Wayne ay sumilip pa siyang muli roon upang makita kung mahimbing pa rin ba na natutulog ang binata. Kinusot-kusot niya pa ang kaniyang mga mata ng bahagya niyang binuksan ang kwarto ni Wayne.Doon ay nakita niya na natutulog pa nga si Wayne. Dahan-dahan niya nang sinado’ ng muli ang pintuan at dumiretso na sa may kusina. Sa pagkakaalam niya ay tuwing alas-otso pa ng umaga dumarating si Manang Fracia. Naisip niya na kailangan na ring uminom ng gamot ni Wayne pagkagising nito kaya naman siya na ang nagkusa na magluto.Pinili niya na lang na lutuin ay ‘yung madadali lang. Kailangan niya na rin kasi na magmadali lalo na at may trabaho pa siya.Nagluto siya ng ready to mix na panc
‘Kumakain na ako.’ *Three heart emojies* Napalaki ang mata ni Leigh nang mabasa niya ang text message ni Wayne. Hindi niya alam kung bakit pero kusang nangunot ang kaniyang noo nang makita ang tatlong mapupulang puso na emoji mula sa mensahe ni Wayne.“Hays! Kasalan ko naman ‘to, eh. Bakit ba kasi sa dinarami-rami ng mga emoji dito sa phone ko ay ‘yung puso pa ang napindot ko,” reklamo ni Leigh sa kaniyang sarili. Gusto niya pang ipukpok ang cellphone niya sa kaniyang ulo, pero pinigilan niya lang dahil marami ngayon na mga staff ng restaurant ang nakapaligid sa kaniya ngayon.May mga kasabay kasi siya na nagbre-break time rin.Buong umaga ay tatlong delivery pa lang naman ang natatanggap ni Leigh, walang masyadong umo-order sa online kaya naman ngayon ay nakapahinga na siya. Dahil mdedyo nag-aalala nga siya kay Wayne kaya ang pag-text sa binata ang una niyang ginawa. Ngunit, ito na nga ang nangyari; may napindot siya na hindi dapat.Nag-message na lang siya ng panibago kay W
Mabilis na isinarado ni Wayne ang folder na kaniyang binabasa ng gabing ‘yon. Mabilis niya rin na binatuhan nang tingin ang suot niyang itim na wristwatch, at doon ay nakita niya na malapit nang mag-alas-siyete ng gabi.Tumayo siya, aabutin na sana ang itim na coat na nakasabit sa kaniyang swivel chair nang biglang pumasok sa opisina niya si Brent na hindi man lang kumatok.“Oh? Aalis ka na agad?” tanong ni Brent sa kaniya, may bitbit pa ito na halos limang puting folder kung saan ay doon napagawi ang mabilis na tingin ni Wayne.Kasalukuyan lang siya na nasa kaniyang firm ng mga sandaling ‘yon. Ang sabi niya ay hindi siya papasok sa opisina dahil nga nagkasakit siya noong gabi… ngunit dahil na-boring siya sa kaniyang bahay lalo na at wala naman doon si Leigh, kaya pumasok na rin siya noong tanghali pagkatapos na kumain nilang dalawa ng lunch.Sobrang bilis nga lang talaga na kumain ni Leigh, kung hindi nagkakamali si Wayne ay halos nakalimang subo lang ito at talagang umalis
Hinimas-himas ni Wayne ang kaniyang hita, paatas at pababa, habang diretso pa rin na nakatingin sa kaniyang mata.“Please, tell me na hindi ka na magtatrabaho. I’m offering you a secretarial position on my firm. Why can’t you just accept it, huh?”Napakakagat si Leigh sa pang-ibaba ng kaniyang labi dahil sa init na kaniyang nararamdaman sa ginagawa ni Wayne, ngunit pinigilan niya. Pinigilan niya ang kabilang sistema ng kaniyang pagkatao upang magawang sagutin ang binata.“A-ano ba, Wayne—”At hindi naituloy ni Leigh ang balak na sabihin nang biglang sinunggaban siya ng halik ni Wayne. Sobrang nabigla si Leigh ng mga sandaling ‘yon, hindi siya makapaniwala na mauuwi sa paghahalikan ang usapan nila. Ngunit nang mapansin niya na nakapikit na ang mga ni Wayne habang ninanamnam ang pagdidikit ng kanilang mga labi, kusa na rin na napapikit ang kaniyang mga mata.“Hmmm.” Hindi man sinasadya pero napa-ungol na si Leigh. Patuloy pam rin kasi ang paghimas ni Wayne sa kaniyang hita kasa
LEIGH’s POV Ramdam ko ang pagkawala ko sa aking sarili habang nakaupo lang ako rito sa may dulo ng jeep kung saan ay papunta na ako ngayon sa restaurant. Nakahawak pa ako sa handle, pero nakatulala lang ako. Hindi ko akalain ang nangyari sa aming dalawa ni Wayne.Kung pwede ko lang na pukpukin ang sarili kong ulo ngayon, baka ginawa ko na. Kaya lang, pinigilan ko ang sarili ko dahil hindi lang naman ako ang pasahero ngayon.Sana lang talaga ay hindi makita ng mga tao na nasa harapan ko ang pamumula ng mukha ko ngayon. Ramdam ko kasi na nag-iinit ang dalawang pisngi ko lalo na at tandang-tanda ko pa ang nangyari matapos ‘yung nangyari sa kotse. PAKIRAMDAM KO, sa mga bisig pa lang ni Wayne habang buhat-buhat niya ako patungo sa kwarto ko ay medyo naka-idlip na ako ng ilang segundo. Nang dahan-dahan niya na akong inilalapag sa malambot na kama ay doon pa lang ako medyo naalimpungatan.Rinig ko ang mahina at medyo paos na boses niya nang bumulong siya sa akin, “Ju