MasukIniwan at hiniya ni Alexander Dela Cruz si Xavielle Elyza Angeles dahil wala siyang yaman at pangalan, kahit siya ay buntis sa anak nito. Sa pagkasira ng kanyang loob, dumating ang kanyang tunay na ama na si Donato V. Angeles—mayaman at tinitingala na ngayon—upang bawiin at protektahan siya. Dahil takot sa pamilya Dela Cruz, nagtago sila sa isang liblib na probinsya. Doon ipinanganak at pinalaki ni Elyza ang anak niyang si Axielle, sa payapang piling ni Donato at ni Kian Riego, na naging tapat na kakampi at parang pamilya na rin nila. Limang taon silang namuhay nang ligtas at masaya, malayo kay Alexander na walang kaalam-alam sa kanyang anak. Ang kanilang tahimik na paraiso ay nagsilbing proteksyon—hanggang sa dumating ang pagbabago ng tadhana.
Lihat lebih banyakXavielle Elyza Angeles POV
"Alexander, parang awa mo na... huwag mong gawin ito sakin!" Buong lakas kong hinawakan ang kanyang braso, nakakapit na parang ito na lang ang tanging bagay na nagpapatatag sa akin habang parang gumuguho ang buong mundo ko. walang tigil sa pag patak ang aking mga luha at, basang- basa na ang aking pisnge ng luha, ngunit tila wala itong epekto sa kanya. Nakatayo lang siya doon, malamig at walang emosyon, tila ba hindi kami ang parehong mga taong nagmahalan nang buong puso noon. "Wag mo kong iwan, Alexander... alam kong mahal mo ako. Alam kong hindi mo gusto ang pagpapakasal sa iba. Kaya huwag mong isuko ang lahat ng meron tayo dahil lang sa gusto ng pamilya mo... dahil lang sa negosyo niyo," pagmamakaawa ko pa habang garalgal na ang boses. "Pwede naman tayong umalis, ‘di ba? Magtatago tayo. Magtatayo tayo ng sariling buhay kahit saan—kahit sa lugar na walang nakakakilala sa atin. Basta magkasama tayo, kaya nating harapin ang lahat. Mahal kita... at alam kong mahal mo rin ako." Tinitigan ko siya, umaasang makikita ko kahit kislap lang ng dating pagmamahal sa mga mata niya. Umaasang yayakapin niya ako at sasabihing tama ako, na hinding-hindi niya ako iiwan. Ngunit sa halip na lambing o pang-unawa, ang tanging sumalubong sa akin ay ang mga matang puno ng panghahamak at lamig—isang tingin na parang ako ay isang dumi na ayaw na ayaw niyang mahawakan. Dahan-dahan niyang inalis ang pagkakakapit ko sa kanyang braso. Ang simpleng pag-alis na iyon ay mas masakit pa kaysa sa anumang sampal o sumbat. Huminga siya nang malalim, tumingin sa malayo at umiwas sa aking mga mata, bago sa wakas ay magsalita—ang bawat salita ay parang matalim na punyal na isa-isang tumatarak sa aking puso. "Mahal? Xavielle, huwag kang magpakalunod sa imahinasyon mo," malamig na simula niya, ang tono ay puno ng pagkayamot at panghahamak. "Akala mo ba seryoso ako sa mga sinabi ko? Lahat ng 'yun... laro lang 'yun. Paglilibang lang kita habang hinihintay ko ang babaeng talagang nararapat para sa akin." Nanlaki ang mga mata ko. Parang nabingi ako at hindi ko naintindihan ang mga salitang lumabas sa bibig niya. "A-anong... anong ibig mong sabihin? Alex, nagbibiro ka lang, ‘di ba? Sabihin mong nagbibiro ka lang..." Napabuntong-hininga siya at hinarap ako nang buo, ang mga mata niyang dati ay puno ng kislap dahil sa akin ay ngayon ay blangko at matalim. "Alam mo ba kung sino ako? Anak ako ng mga Dela Cruz. Mayaman. Makapangyarihan. Hawak namin ang halos kalahati ng negosyo sa bansa. At ikaw? Tignan mo naman ang sarili mo," panghahamak niyang sabi habang sinusuri ako mula ulo hanggang paa na parang isa akong bagay na walang halaga. "Wala kang maipagmamalaki. Walang pera, walang kapangyarihan, walang koneksyon... isa kang walang-wala. Akala mo ba hahayaan kong makasama ang isang tulad mo sa buhay ko? Nakakahiya ka, Xavielle. Isang malaking kasiraan sa pangalan ko at sa pamilya ko kung mananatili pa ako sa tabi mo." Umiling-iling ako, hindi makapaniwala. "H-hindi... hindi totoo 'yan... sinasabi mo lang 'yan dahil pinipilit ka nila, dahil tinatakot ka nila... Pero mahal mo ako, Alex! Nakita ko sa mga mata mo, naramdaman ko sa yakap mo—" Bigla niya akong hinawakan sa magkabilang balikat at marahas na itinulak palayo, halos mapaupo ako sa semento dahil sa lakas noon. Nanginginig ang buong katawan ko, hindi dahil sa lamig ng gabi, kundi dahil sa lamig ng kanyang puso. "Wala kang alam! Ang tanga mo naman kung iisipin mong ipagpapalit ko ang kinabukasan at imperyo ng pamilya ko dahil lang sa isang babaeng katulad mo," sigaw niya, at ang boses niya ay parang kulog na dumagundong sa aking pandinig. "Wala kang halaga sa akin, Xavielle. Wala. Nagsawa na ako sa'yo. Ang dating saya, naging inis na lang. Ang dating gusto, naging ayaw na. Kaya itigil mo na ang kahibangan mo at huwag ka nang magpakita pa sa akin. Nakakasawa na ang mukha mo." Hindi na ako nakasagot. Parang naubusan ako ng hininga at tinig. Ang lahat ng pangarap, pangako, at alaala na binuo namin sa loob ng mahabang panahon—lahat ng iyon ay binura niya sa loob lamang ng ilang minuto. Tumayo siya nang tuwid, inayos ang kanyang mamahaling suot, at huling tinitigan ako—walang bahid ng awa, pagsisisi, o kahit kaunting lungkot. Para bang estranghero lang ako na nakaharang sa dadaanan niya. "Umalis ka na. At sana... sana huwag ka nang magpakita pa kahit kailan. Nakakadiri ang mga alaala ko sa'yo ay ayaw kona itong maalala pa!! " Tumalikod na siya at nagsimulang maglakad palayo, papasok sa loob ng itim at mamahaling sasakyan na naghihintay sa kanya. Habang ako naman ay naiwan doon, nakaluhod sa semento, umiiyak nang walang boses, wasak na wasak ang pagkatao dahil sa mga salitang binitawan ng lalaking akala ko ay mananatili habambuhay sa aking tabi. Pinanood ko ang paglayo ng sasakyan niya hanggang sa maglaho ito sa dilim ng gabi. Sa gabing iyon, namatay ang Xavielle na kilala niya. At sa parehong gabi, nabuo ang isang lihim na magbabago sa takbo ng buhay ko habambuhay—isang lihim na sisiguraduhin kong hinding-hindi niya malalaman, hinding-hindi niya mahahawakan, at hinding-hindi niya masasaktan katulad ng ginawa niya sakin TO BE CONTINUEXavielle Elyza Angeles POVLumipas pa ang ilang buwan, at tila huminto na ang ikot ng oras dito sa aming tahimik na paraiso. Sa loob ng malawak na lupain na ito, napapaligiran ng matatayog na puno at malalagong halaman, malayo sa ingay at gulo ng siyudad, patuloy kaming namumuhay nang payapa at ligtas. Limang taon na ang nakalilipas mula noong dinala ako rito ni Tatay, at tila bawat araw ay nagiging mas masagana at mas mapayapa kaysa sa nakaraan.Dito, sa ilalim ng pangangalaga ni Donato V. Angeles—ang aking ama—natutunan kong muli ang kahulugan ng pagtitiwala at pagmamahal. Dati, ang aking mundo ay puno ng takot, panghuhusga, at sakit dulot ng mga salitang parang patalim. Ngunit ngayon, bawat sulok ng bahay na ito ay puno ng init, kalinga, at kapayapaan. Ang bawat hangin na humahampas sa aking mukha ay nagpapaalala sa akin kung gaano ako kapalad na nakatakas sa mundong minsan nang sumira at tumalikod sa akin.Nasa silid-aklatan ako ngayon, nakaupo sa tabi ng malaking bintana habang
Xavielle Elyza Angeles POVLumipas pa ang ilang buwan, at tila naging ganap na bahagi na ng aming araw-araw na pamumuhay si Kian Riego. Kung dati ay kaming tatlo lang ni Tatay at ni Axielle ang laging magkakasama, ngayon ay laging kasama na namin siya saan man kami magpunta sa loob ng malawak na lupain na ito.Dito, sa liblib na probinsyang ito, malayo sa siyudad, malayo sa ingay, at higit sa lahat—malayo sa mga taong naging bahagi ng nakaraan ko, patuloy kaming namumuhay nang payapa at ligtas. Ang bawat araw ay pare-pareho ngunit puno ng kulay at kahulugan. Walang gulo, walang panghuhusga, walang sakit na dulot ng mga salitang parang patalim. Ang tanging naririnig ko lang ay ang tawanan ni Axielle, ang malumanay na boses ni Tatay, at ang mahinahong pakikipagkwentuhan ni Kian.Sa loob ng bahay na ito, tila nabura na ang pangalang Alexander Dela Cruz. Tila wala na siyang bahagi sa mundo ko. Sinadya kong huwag na siyang isipin pa. Sinadya kong burahin siya sa bawat sulok ng alaala ko,
Xavielle Elyza Angeles POVLimang taon na ang lumipas mula noong dinala ako ni Tatay dito, sa tahimik at liblib na probinsyang ito. Limang taon na rin mula noong nagsimula kaming mamuhay nang payapa, ligtas, at malayo sa ingay at kasinungalingan ng mundo na kinalakihan ko noon. Dito, sa malaki at maaliwalas na bahay na pag-aari ni Tatay, dito ko muling natutunang ngumiti, dito ko muling nabawi ang lakas ng loob ko, at dito ko pinalaki si Axielle nang puno ng pagmamahal at kalinga.Si Tatay—si Donato V. Angeles—ay naging lahat sa amin. Siya ang ama na hindi ko naranasan noong bata pa ako, siya ang lolo na puno ng pagmamahal sa aking anak, at siya ang tagapagtanggol na handang gawin ang lahat para hindi kami masaktan o malapitan ng sinumang mula sa nakaraan ko.Dahil sa kanya, hindi kami nagkulang sa anuman. Ibinigay niya ang lahat ng pangangailangan namin—pagkain, tirahan, damit, edukasyon, at proteksyon. Ngunit sa kabila ng lahat ng yaman at karangyaan na nasa paligid namin, tinuruan
Xavielle Elyza Angeles PovLimang taon.Limang taon na ang nakalipas mula noong gabing iyon, ngunit kahit kailan ay hindi nabura sa aking alaala ang bawat pangyayari, bawat salita, at bawat sakit na naramdaman ko. Para bang kahapon lang ang lahat. Para bang nandon pa rin ako, nakaluhod sa basang semento habang tumatangis, habang ang lalaking akala ko ay mahal ako at handang ipaglaban ako ay nakatayo sa harap ko, malamig at walang pakiramdam, na parang hindi kami ang parehong mga taong nagbahagi ng maraming alaala at pangako sa isa’t isa."Isa kang walang-wala, Xavielle. Wala kang maipagmamalaki. Walang yaman, walang pangalan, walang kapangyarihan. Akala mo ba hahayaan kong ipagpalit ang kinabukasan ng pamilya ko at ang imperyo namin dahil lang sa isang babaeng katulad mo? Nakakahiya ka. Isa kang malaking kasiraan sa pangalan ko."Iyon ang mga salitang binitawan ni Alexander Dela Cruz bago siya tuluyang tumalikod at iniwan ako sa gitna ng dilim at ulan. Mga salitang parang matatalim na






Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.