“So, are you damn saying na nag-deliver ka ng pagkain sa ganoong klase ng lugar?” singhal ni Wayne sa akin nang makapasok na ako ngayon sa bahay niya. Actually, ramdam ko naman kanina na i-o-open niya talaga ang topic tungkol doon, hindi niya lang magawa dahil nga hindi naman kami sabay na umuwi. Dumaan pa kasi ako sa restaurant para ibalik ‘yung motor habang siya naman ay binalikan ‘yung kotse niya kung saan niya naiwan.Pagkapasok ko pa lang ay tinanong niya na agad sa akin kung anong ginagawa ko sa lugar na ‘yon, at sinagot ko lang naman ang tanong niya. Ngayon ay kitang-kita ko ang galit sa ekspresyon ng mukha niya habang diretsong nakatingin sa akin.“Oo, dahil trabaho ko ‘yon,” seryosong sagot ko sa kaniya. Hindi ko alam kung anong ikinakagalit niya ngayon, samantalang siya itong may problema sa aming dalawa.“Naghatid ka ng pagkain sa isang pasugalan!” pag-uulit niya pa. “Sinabi ko na nga ba at hindi ligtas ‘yang trabaho mo!” Napatayo na rin siya mula sa pagkaka-upo niya sa sof
Mabilis lang lumipas ang mga araw. Linggo na ngayon, at naglalakad lang ako pauwi ng bahay. Alas-singko pa lang naman ng hapon kaya naisipan kong maglakad na lang kaysa ang sumakay pa. Nanghihinayang pa kasi ako na pabaryahan ‘yung mga buo kong pera. Nanghihinayang pa ako na gastusin ‘yong sinahod ko sa loob ng buong linggo.Ito na ang huling sweldo ko sa restaurant kaya kailangan ko ‘tong tipirin. Nakapagpaalam na nga pala ako kay Ma’am Sammie. Kahit nahihiya ako sa kaniya dahil nga hindi man lang ako nagtagal sa pagtatrabaho ko, idagdag pa na nirekomenda lang ako ni Pio, wala naman akong magagawa kung hindi ang tuparin ko ang naipangako ko na kay Wayne.Nakakalungkot lang dahil alam ko naman sa sarili ko na keri ko ‘yung trabaho ko. Nakakapagod, oo... pero wala namang madali na trabaho, hindi ba? Nalungkot din ‘yung mga kasamahan ko sa trabaho sa biglaang pagre-resign ko. Nalungkot din ako kasi naging malapit na sila sa akin, lalo na si Yuki, tinuring ko na ‘yun na p
Hindi ko maiwasan na lihim na mapa-angat ang gilid ng labi ko habang nakikita ko si Wayne sa tabi ko na nakabusangot. Nakaupo siya ngayon sa may passenger’s seat habang ako ang nagmamaneho ng kaniyang kotse. Ayaw niya sana na ako ang magmaneho pero wala naman siyang choice dahil nga may sling siya sa kanan niyang kamay.Biniro pa nga siya ulit kanina ni Hanz at sinabi na kami na lang dalawa ang sabay na pupunta sa bar kasi siya lang naman daw ang mag-isa sa kotse niya. Si Oliver at Vince kasi ang magkasama roon sa isang sasakyan, tapos si Kai at Alexander naman ang magkasama, tapos solo si Fritz at Hanz sa sari-sarili nilang kotse. Pero siyempre, hindi pumayag si Wayne.Ngayon na nakikita ko siyang nakasimangot pa rin, ramdam ko na badtrip pa rin siya dahil sa kalokohan ng mga kaibigan niya.“Galit ka pa rin ba, Wayne? Ano ka ba… inaasar ka lang naman ng mga tropa mo,” medyo natatawa na saad ko. Hindi ko siya magawang batuhan nang tingin dahil diretso lang na nakatuon ang
Nang patapos na ang kanta at alam kong pabalik na si Wayne sa upuan kung nasaan ako nakaupo, mabilis akong nagpaalam kina Alexander upang pumuntang banyo. Narinig ko pa nga ang pahabol na sinabi ni Alexander at Fritz na sasamahan na nila ako pero hindi ko na lang ‘yon pinansin. Agad ko silang tinalikuran at naglakad papalayo.Parang wala sa sarili ako na naglalakad sa dagat ng mga taong nadadaanan ko. May ilan akong nakakabungguan pero hindi ko na ‘yon pinapansin pa. Masyadong blangko ang utak ko para pagtuunan pa sila ng pansin.Ngunit, tila’y pumtik ako pabalik sa realidad ng isang mabigat na kamay ang agad na humablot sa braso ko. Para akong natauhan dahil doon at saka awtomatikong lumingon upang makita kung sino ‘yon. Agad na nagsalubong ang aming mga mata na naging dahilan kung bakit ako natigilan. Kunot na kunot ang noo niya habang nakatingin sa akin.“Where are you going? Hindi ba at sinabi ko na ‘wag kang lalayo sa akin?”Napalunok ako ng laway at hindi agad nakap
"Thank you so much Mr. Ferrer, we don't really regret na ikaw ang pinili namin na humawak sa kaso ng anak ko. You deserve a better price, a BIGGER price than what we have been discussed." She said with a full smile on her lips and shakes my hand repeatedly.I just answered her with my simpliest smile that I can offer that time. Hinawakan ko kasi ang kaso ng anak niya about sa bribery and he found not guilty dahil lumabas na isang set up lang 'yun. His son is running for Vice Mayor in their province— normal na 'yung mga gano'n na kaso lalo na at malapit na ang kampanyahan."You don’t have to thank me Mrs. Winston, ginawa ko lang ang trabaho ko," sagot ko pa habang walang emosyon sa tono ng boses ko. "For now I have to go, tatawagan na lang kayo ng secretary ko about sa bills and payments," dagdag na saad ko pa at nag-shake hands na lang ulit kami for the last time then I immediately turn my head back and started to walk.I am Wayne Ferrer, isa ako sa pina
Napalunok na naman siya ng laway at sinimulan ko na ulit na lumapit sa kanya. This time ay nanatili na siya sa pinagkakatayuan niya at hindi na nagbalak pa na umatras hanggang sa tuluyan na nga akong nakalapit sa may harapan niya."Leigh Devon, I did not expect na dito pa tayo magkikita," I said while looking directly to her eyes. Walang mababakas na kahit anong emosyon sa tono nang pananalita ko dahil hindi naman ako sigurado kung natutuwa nga ba talaga sa pagkikita namin ngayon."Y- yeah, hindi ko rin i-inaasahan na dito pa kita makikita W-Wayne Ferrer." Nauutal na wika niya pa rin na naging dahilan kung bakit napangisi ako sa loob-loob ko.Nagkatitigan kami ng mga ilang minuto at mukhang binabasa namin ang iniisip ng isa't-isa. Mukhang palaban pa rin siya hanggang ngayon kaya naman ako na mismo ang unang umiwas sa kanya nang tingin."Bakit hindi tayo maupo, para naman makapag-usap tayo ng mas maayos," sabi ko at tuluyan na akong tumalikod sa kaniya.H
LEIGH DEVON's POVParang nagpanting ang tenga ko nang marinig ko ang mga sinabi ng lalaking ito na nasa harapan ko ngayon. Hindi ko inaasahan na maririnig ko ang mga salitang ‘yun mula sa kaniya.Anong akala niya sa akin? Bayarang babae?Sa tagal naming hindi nagkita ay 'yan talaga ang unang ibinungad niya sa akin ngayon? Nakakapanibago! Hindi ko maiwasan na pag taasan siya ng kilay at nilabanan ko ang mga titig niya sa akin kahit ang totoo ay parang bibigay na ang mga tuhod ko sa lapit ng mukha niya. Nakakapanghina!Hindi na kasi ako sanay na ganyan siya kalapit sa akin."Nagpapatawa ka ba? Abogado ka ba talaga o p*rn star?" pang aasar na wika ko sa kaniya dahilan kung bakit nag-backward na siya nang konti palayo sa akin. Medyo nakahinga naman ako nang maluwag dahil doon.Hindi niya siguro inaasahan na 'yun ang sasabihin ko sa kaniya dahil kahit kelan naman ay hindi ko siya napagsalitaan ng ganoon nu'ng nagsasama pa kami... I me
MABILIS ang ginawa kong paghakbang palabas ng building na 'yun, ayaw ko nang bumalik sa lugar na 'to lalo na kapag naiisip ko na nandito siya. Nang makita ko na ang pick up ni Pio ay agad na akong sumakay doon at pabagsak ko pang sinarado ang pinto noon."Anong nangyari?" agad na tanong ni Pio sa akin at base sa tono ng pananalita niya ay mukhang nakikibalita siya sa naging pag-uusap ko sa Attorney sa loob.Hindi niya alam na wala akong matinong Attorney na napala doon."Mamaya ko na lang sasabihin sa'yo, gusto ko nang umuwi," mahinang sagot ko sa kaniya at iniwas ko na lang ang paningin ko para hindi niya makita ang mga namumuong luha sa mga mata ko.Buti na lang at hindi na siya nangulit pa.Walang salita na pinaandar niya na nga ang sasakyan habang ako naman ay sa labas lang ng bintana nakatingin.Ako nga pala si Analeigh Devon but you can call me Leigh for short . 25 years old na