Share

Pagbabalik sa trono

Penulis: figuresofspeech
last update Terakhir Diperbarui: 2022-11-23 14:13:33

Nang masigurado na niyang nakalayo na siya ay saka pa lamang siya tumigil. ’Di naman siya hinihingal sa haba ng tinakbo niya, ngunit hinihingal siya sa ’di sinasadyang pagtatagpo nila ng kanyang asawa.

Kahit maraming taon na ang lumipas ay asawa pa rin niya ito. Hangga't di iyon nawawalan ng bisa ay sa kanya pa rin si Umica. ‘Your beauty is timeless, my love . . .’ Iniisip niya habang naghahanap ng maaaring kanyang matitigilan. Matapos ang ilang sandali ay tumigil na rin siya sa paglalakad at sumandal muna saglit sa isang lumang pader na nilulumot na. Dahil sa porma niyang naka-reading eyeglasses, sombrero at jacket ay ’di maipagakakailang mapagkakamalan talaga siyang masamang tao, o pulubi. Idagdag pa ang backpack niyang may punit at mumurahin. Bahagya na rin siyang umupo sa gilid upang pagpahingahin ang mga paa niya. Wala sa sariling napatingala siya sa isang lumang building. Nilulumot na rin iyon at inakyatan na ng mga vines.

“Heto, kuya. Kainin mo para mas maayos kang makapag-isip. Inumin mo rin itong tubig para ’di ka hinihingal.” Tulala siyang napatitig sa isang batang babae na mga nasa eleven to thirteen years old. Mahaba ang buhok nito at napakaitim ng kulay niyon.

“Sana nga ay totoong babalik ang tyrant queen. Gusto ko po talaga siyang makilala. Isa po ako sa mga batang nabigyan ng pagkakataon na makapag-aral sa University dito dahil sa sponsorship niya.” Malapad ang mga ngiti nitong nakatingala sa may two story building. Kahit luma na iyon ay halatang matibay pa rin. Kaya ngayon ay nakumperma niyang, isa ang lumang building sa pag-aari ng kanyang ina.

“Salamat po dito, Ma'am.” Lagi niyang iniisip na mas mababa siya sa mga taga rito, lalot ang pakilala niya ay mamamasukan siya bilang isang driver ng mga Foltajer. Nakayuko pa rin siya at iniiwas ang kanyang mukha.

“Bago ka lang po ba rito?” Tumango siya upang sagot sa tanong nito.

“Isa ka po ba sa mag-a-apply na bodyguard ng mga Monato?” Nakikita niya na biglang nalungkot ito.

“Sa-sa Foltajer po.”

“Hay! Mabuti naman. Mukhang totoo talagang muli siyang babalik. Alagaan mo pa ang sarili mo, kuya! ’yang kalsada po sa unahan. Sumakay ka lang ng bus diyan at malayo-layo pa ang Foltajer mountain dito.”

“Samarah! Nariyan ka lang pala. Kanina pa kita hinahanap!” sigaw ng isang babae na kalalabas lang sa harap ng isang beauty salon.

“Mama, nariyan na po!” Bago pumasok ang mag-ina ay nakita niya ang paghalik nito sa noo ng anak at habang madaldal itong nagpapaliwanag basi sa gesture ng kamay nito. Nang nasa pinto na ang mga ito ay lumingon ang Ginang at na-bow ito sa gawi niya.

“Mukhang maganda talaga ang naiwan na reputasyon ng mga magulang ko sa ilang narito . . .” Mangha pa rin niyang pinagmamasdan ang sandwich at maingat na pinasok sa loob ng kanyang bag. Binuksan niya ang tubig na bigay ng batang babae at nilagok ang laman niyon. Nang nawala na ang labis na tibok ng puso niya ay saka pa lang siya tumayo at nagsimulang lakarin ang kalsadang itinuro no’ng bata. Kahit alam na niya ang kanyang gagawin ay iba pa rin ang pakiramdam na marinig iyon sa isang may mabuting loob. Nang narating niya ang waiting shed ay tumayo siya sa gilid upang bahagyang lumayo sa mga babaeng above the knee ang suot na mga saya at may iba pang napaka kapal na make up. Ang pupula pa ng labi ng mga ito. Pakiwari niya ay mukhang kinain na ang lipstick at ’di ipinahid. Bahagya siyang lumayo sa mga ito matapos narinig ang mga bulong-bulungan nito. ’Di rin nakailag ang isang babae sa paningin niya, nang umusod ito at nangdidiri na pinagmasdan siya.

Mabuti na lang at matapos ang ilang minuto ay dumating na rin ang bus, na hinihintay din pala ng mga ito.

Marahan siyang naglakad at naunang pumasok sa loob. Pinili ni Wixon ang pinakadulong parte ng bus upang doon maupo. Isang oras pa ang bubunuin niya sa beyahi bago marating ang pasukan ng Foltajer mountain.

Nang nakasakay na ang lahat ay nagsimula ng baybayin ng bus ang daan kung saan halatang paakyat.

Kahit bahagya siyang napagod sa mahabang b’yahe, lakad at takbo ay alerto pa rin siyang nakaupo sa likod. Sa labas man siya nakatingin ay nakikita niya maging ang sa harapan niya. Dahil maraming pasahero ay sa bandang hulihan na lang ang bakante. Kaya ang iba sa kasabayan niya kanina sa waiting shed ay nakaupo pa rin malapit sa kanya.

“Sa tingin mo ba ay isa rin siyang aplikante? Mukha kasing mayaman ang tindig. Pero pang dukha naman ang ayos . . .” Rinig niyang bulungan ng dalawang babae.

“Baka bababa rin diyan sa unahan. Alam mo namang may tatlong stop ito bago diretso sa Foltajer mountain.”

Makalipas ang fifteen minutes ay tumigil na ang bus sa unang stop nito. May iilan na bumaba at maramirami ang sasakay sana kun ’di lang puno ito.

“Mukhang marami talaga ang naglalayon na makapagtrabaho sa mga Foltajer. Feeling ko ’yang mga bagong sumakay ay mga aplikante rin. . .”

“Oo nga. Sa loob ng halos pitong taon at mahigit ay ngayon na lang ulit nagkaroon ng galaw sa Foltajer mountain. Kaya natitiyak kong darating talaga ang tyrant queen . . .”

“Shhh . . . Basta gawin na lang natin ang ating best.” Tumahimik na ang mga ito kaya mas nakakapag-concentrate siya sa paligid.

Nang lumipas ang panibagong fifteen minutes ay muling tumigil ang bus. Ngunit sa pagkakataong ito ay wala ng bumaba. Bagkus ay marami ang nasa waiting shed ngunit ’di na makakasakay dahil puno pa rin ang bus kung saan lulan siya. Maging ang ibang mga bus na dumadaan ay punuan din.

“Ehhh . . . Thirty minutes na lang at mararating na natin ang pasukan ng Foltajer mountain . . .” Napapailing na lang siya dahil talagang excited ang mga babaeng kasabayan niya. Sa pagkakaalam niya ay isinabay sa kanyang pagdating ang recruitment ng tatlong babaeng taga silbi. Dalawang driver, at limang trabahador sa malawak na flower garden nila. Isinabay din ang pagdating ng mga aplikante sa panahon na papasok siya roon. Para na rin sa siguridad niya kahit wala siyang mga kasamang army niya. Ngunit kahit anuman ay alam niyang mayroong umaaligid na mga tauhan niya sa paligid. Lalo’t kanina pa niya nararamdam na may nakatitig sa kanya, ngunit wala namang hatid na panganib.

Habang naghihintay na lumipas ang tatlumpung minuto ay itinuon niya na lang ang sarili sa pagbabasa ng newspaper na nakuha niya mula sa terminal ng mga Jeepney.

Basi sa balitang lokal ay ikakasal na nga ang nag-iisang tagapagmana ng angkang Monato. Sa ibaba ng article ay ang mukha ng lalaking napakalapad ang ngiti, katabi ang babaeng nakangiti rin. ‘Umica . . . Masaya ka ba? Does losing me brought you a better life? Would you still want me if ever I show up? Would you still accept me?’ Mga tanong sa isipan niya. At kahit anong pilit niyang iwaksi ang kamay ng lalaking Monato na nakahawak sa balingkinitang bewang ng kanyang asawa ay ’di niya magawa. Mistula itong gasolina na mas lalong pinapaapoy ang galit niya para sa mga Monato.

“Nasa labas na tayo ng Foltajer mountain!” anunsyo ng driver, kaya mabilis pa sa kidlat na nagpulasan ang mga pasahero palabas ng bus. Nagkakatulakan pa ang mga ito na muntik ng humantong sa suntukan at sabunutan. Ngunit alam niyang alam din ng lahat na hindi tino-tolerate ang karahasan sa labas ng Foltajer. The punishment would be fatal. Kaya wala ng nagawa ang mga ito kun ’di ipagpatuloy ang importante na pakay sa lugar. Naging maayos uli ang lahat ngunit nag-uunahan pa rin sa pila.

“Mr. Baka ’pag ’di ka nagmadali ay sa hulihan ka na sa pila. Mukhang mahaba-haba pa naman. Baka rin ’di mo na abutan ang cut-off,” sabi ng driver sa kanya. Bahagya naman siyang ngumiti. ‘Some people are born thoughtful really.’

“Sa online po ako nag-apply, sir. Driver po ang papasukin kong trabaho.”

“Ay naku! Ang swerte mo, hijo. Hindi ka na rin pipila. Good luck sa panibagong yugto ng iyong buhay. Mabuting tao ang mga Foltajer. Aalagaan ka nila . . . basta alagaan mo rin sila,”anito at kinawayan siya bago tuluyang nakababa sa bus.

Pinagmasdan muna niya saglit ang mahabang pila sa gilid ng isang massive gate. Sa gilid naman nito ay nakahilera na iba’t ibang mamahalin na mga stores. “Yeah, mukha na talagang little town ang Foltajer mountain. It looks like Folmona never sleeps . . .” bulong niya at naglakad tungo sa gilid ng malaking gate kung saan may nakabantay na guards sa pasukan ng tao. Kahit mag aala-singko pa lang ng umaga at may kadiliman pa sa paligid ay talagang dumagdag na ang mga tao. Hindi niya inaasahan na aabutin din siya ng umaga kahit na target niyang makarating sa mansyon nila mamaya pang hapon. Ang iniisip din niyang sampung oras ay naging lima na lang. Agad naman siyang napahanga sa galing ng taktika at plano ng kanang kamay niyang si Froso. Anak ito ng kanang kamay naman ng kanyang ina.

“Hoy! Saan ka pupunta? Narito lang ang pila. ’Wag kang sumingit!”

“Shhh! Hayaan mong mga guards ang makipag-deal sa kanya.”

“Baka isa siya sa mga applicant na nakuha bilang driver. It was held online.” Rinig niya ang sigaw ng isang lalaki, pati ang mga bulungan sa paligid. ’Di niya tuloy mapigilang mapakamot ng ulo. Mistula naka kuha pa siya ng maraming atensyon.

“Good morning. Driver?” Tumango siya at ibinigay ang hawak niyang identification card na may naka kabit na passed.

“Sige . . . Pumasok ka na sa loob,” sabi ng guard sa normal na boses. Ngunit ramdam niya ang panginginig ng kamay nito habang inaabot ang card niya. Agad naman niya itong sinamaan ng tingin upang ayusin nito agad ang kilos. Mukhang nasindak naman ito at muling umakto na bahagyang dominante.

“Gro, buksan mo na ang gate. Driver!” Alam niyang sinadya nitong ilakas ang salitang driver upang matigil na ang mga bulong-bulungan ng mga nasa pila.

Bago tuluyang pumasok sa nakabukas na maliit na pinto sa tabi ng massive gate ay nag-bow muna siya sa lahat ng naroon.

Nang nasa loob na siya ay agad niyang nakita ang malawak na lupain kung saan mukha itong little city. May mga establishments na alam niyang para sa mga trabahador ng Foltajer mountain. Kahit mayroong limang mansyon ang nasa loob nito ay alam niyang iisa lang ang may-ari; siya. Sa gilid ng hall ay may naka-park na mga sasakyan. Agad naman siyang lumapit sa lalaking nakatayo sa gilid nito.

“Boss, sa main mansyon po ako tutungo. Maaari mo ba akong ihatid?” Agad niyang nakita ang pagkabigla sa mga mata nito. Ngunit ngumiti rin ito kalaunan.

“Iyon pong itim na sasakyan na ’yon ang maghahatid sa ’yo, boss. Isa ka sa bagong driver ng mga Foltajer ’di ba?” Ngumiti siya at tumango.

Wixon was walking with ease gayung nasa loob na siya ng kanilang vicinity. Dito ay alam niyang bantay sarado na talaga ang security niya.

Nang malapit na siya sa labas ng mamahaling sasakyan ay agad na lumabas ang isang lalaki. Yuyuko na sana ito ngunit mabilis niyang sinamaan nang tingin kaya naudlot iyon. Mabilis itong tumayo nang matuwid at inayos ang itim na suit. Ginalaw nito ang kamay at itinuro ang pinto ng sasakyan. Agad naman siyang pumasok roon. Nang nakaupo na siya ay automatikong bumalik ang nakakasindak niyang awra. Mistula may nakapaligid na itim na puwersa sa kanyang katawan at matatakot ang sino man kahit na tingnan lang siya.

“Welcome back, Master Wixon,” bati sa kanya ng lalaki kanina. Nakayuko ito ngayon habang nasa driver seat. Dahil tinted ang sasakyan at tiyak niyang bulletproof pa ay inalis na niya agad ang kanyang malaking eyeglasses. Bahagya niyang hinilot ang mga mata niya at malapad na ngumiti. Ngunit ang ngiting iyon ay puno ng panganib.

“It’s good to be back, Froso.” Huminga siya nang malalim sabay kuyom ng kanyang kamao nang muling bumalik sa kanyang isipan ang asawa niya. Umica was there. Sa sobrang lapit nito sa kanya ay pwedw na niya itong yakapin at halikan.

“It’s good to finally see you back, Master Wixon.” Tumingin siya rito sabay silay ng kanyang makahulugan na ngiti.

Lanjutkan membaca buku ini secara gratis
Pindai kode untuk mengunduh Aplikasi

Bab terbaru

  • The Mirciless Son-in-law   Ridiculous comeback

    WHEN Umica saw her Tita Sandra approaching, ay nakatitiyak siyang wala itong magandang gagawin. Kaya naman ay handa siyang magparaya o umalis na muna. Dahil ayaw niya talagang sirain ang unang pagkikita nila ng mother-in-law niya. Maliban pa sa kadahilanang wala na siyang kahit na konting amor sa pamilya ng mga Sares. Na kung hindi lang ito ang sure name ng kaniyang ama ay matagal na niyang binago ang Psa niya.Umica slightly tugged on her husband's suit. “Wixon mahal . . . Puntahan na muna natin si Mommy Amarina. I have something to tell her.” Umica was aware na kahit magsinungaling pa siya ay alam niyang gets na ni Wixon kung ano ang kaniyang tunay na dahilan, lalo pa’t kita naman sa mga mata niya iyon.“Okay, mahal. Whatever you say.” Umica felt a sense of relief nang hindi na nagtanong pa sa kaniya si Wixon.They were about to go nang napansin ni Umica na mas bumilis pa ang hakbang ni Sandra at tuluyan na silang nagpang-abot. Wala na siyang nagawa pa kundi haparin ito habang nakak

  • The Mirciless Son-in-law   Flashdrive (Miss V with Disandro)

    MABILIS ang mga hakbang niyang nagtungo sa isang parte ng bulwagan kung saan ay nakatago at bahagyang madilim. Mabilis na inilibot ang paningin na tila mayroong nais hagilapin. Hindi naman nagtagal ay sumilay ang mga ngiti sa kaniyang labi nang makita na ang hinahanap.Agad siyang lumapit sa isang magandang babaë na ang galak ay nabibilang sa isang maharlikang pamilya.“I will never forget your kindness, Miss V,” anito at nag-bow bago muling sumama sa iba pang mga bisita. Hawak pa rin niya sa kaniyang kamay ang flash drive na inabot patago ng babaë sa kaniya.“Mr. Sares, where have you been?” Ngumiti si Disandro matapos kumuha ng alak mula sa waiter na lumapit sa kanila. He is currently at peak sa pagiging good mood niya. And he was determined not to ruin such a wonderful moment.“Oh, I just had an important call from home,” pagsisinungaling niya sabay simsim ng alak.“Such a family man!” komento ng isang businessman na may magarang tindig.“Well, speaking of family, pinag-uusapan nga

  • The Mirciless Son-in-law   Osmond proposal

    Osmond was leaving soft kisses sa buhok ni Hailey. They were acting like close na close sila kahit na isang gabi lang naman talaga sila naging close, at naghubaran na agad.“I’m sorry that I couldn't be with you for the last month. Sobrang busy lang talaga. Idagdag pa ang pasaway kong kapatid. I know your pregnancy is sensitive. I should be with you at least. Kahit ’yon na man lang ay magawa ko . . .” Nakaramdam ng labis na guilt si Osmond. Though Hailey was saying na okay lang ito. Alam naman niya kung ano ang totoo. Because like a creep, pinalagyan niya sa kaniyang assistant nang patago ng mga cameras ang loob ng tahanan ni Hailey. For safety purposes. That's what Osmond believed. Win-win na lang iyong mga nakikita niyang ginagawa ni Hailey sa tuwing sinisilip niya ang monitor.“I-it’s fine. I'm a doctor kung nakakalimutan mo, sanay na akong mag-alaga.” May ngiti sa labi habang sinasabi iyon ni Hailey. Osmond could feel na talagang mahal nito ang napiling propesyon. Biglang nawala s

  • The Mirciless Son-in-law   Osmond's plan

    SA gitna ng pag-uusap nina, Umica, Wixon at Hailey ay naramdaman ni Osmond ang pag-vibrate ng kaniyang cellphone. Kinuha niya iyon mula sa secret pocket ng kaniyang suit at binasa ang mensaheng natanggap.‘It’s Froso . . .’ Tumingin siya sa gawi nina Wixon at lumapit sa mga ito.“Master Wixon, Madame Amarina is looking for you and Miss Umica,” aniyang nakayuko. Osmond wanted to steal a glance at Hailey. Ngunit dahil nasa trabaho siya ay pinipigilan niya ang kaniyang sarili. He could also see na naiilang talaga ito sa kaniya. Sa loob ng isang buwan ay tanging secretary lang naman niya ang nakikita nito. Kaya ay naiintindihan ni Osmond kung awkward man ang pakikitungo nito sa kaniya ngayon.“Okay. Mahal, let's go back. Hinahanap na tayo ni mommy.”“But what about Hailey?” Hinawakan ulit ni Umica ang kamay ni Hailey. Marahan itong hinihimas at inaalo.“Umica, Wixon, pwede bang dito na muna ako sa silid? Immediately, the horror on Umica's face was showing.“Ano? Masama ba ang pakiramdam m

  • The Mirciless Son-in-law   Father of the baby

    Malinaw sa paningin ni Wixon na imbes sa ina niya, ay ang kaniyang asawa ang naging highlights sa piging nito. Alam din niya sa kaniyang sarili na ito ang plano ng kaniyang ina. Nang kausapin siya nito patungkol sa pagpapakilala niya bilang tagapagmana ng mga Foltajer ay umayaw siya, sa kadahilanan na hindi na siya makagagalaw nang malaya. O ’di kaya ay magiging mainit ang mata ng mga kalaban niya sa negosyo sa kaniya at hindi na siya makakilos nang patago upang maging sandigan ni Umica.Habang pababa si Umica ng hagdan ay kita ni Wixon ang matinding confusion sa maganda nitong mukha. Ngunit naroon pa rin ang nag-uumapaw na confidence at pagiging professional nito.“You look gorgeous, my dear daughter, Umica. I'm so happy to finally meeting you . . .” Nakatingin lamang si Wixon sa ina niyang niyayakap ang kaniyang asawa. Habang nakapaskil naman sa mukha ni Umica na labis pa itong nagulat.“Master Wixon?” Wixon was so absorbed with the moment while looking at his wife, dahilan jung ba

  • The Mirciless Son-in-law   Filial daughter-in-law

    MAKALIPAS ang halos dalawang oras. Sa labas ng Casas Height . . .Maaliwalas ang harapan ng building kung saan ay may magaganap na isang malaking piging. Sa harapan nito ay nakahelira ang mga light stand na gawa sa purong ginto, na mayroong ilaw na nagsisilbi ring palamuti at liwanang. Nakalatag naman sa sahig ang isang carpet upang magsilbing apakan ng mga bisitang dadalo. Naka-stand by din sa gilid ang mga highly trained guards upang mapanatili ang kaayusan at siguridad ng mga dadalo na malaking tao galing sa loob at labas ng Folmona.Thirty minutes na lang at magsisimula na ang piging. Marami na ang mga bisitang dumating at marami pa ang inaasahan na dadalo, lalo pa’t matagal ng inaasam ng mga taga Folmona ang sandali na ito.Sa paglipas ng ilang minuto ay halos magkasunod lamang na tumigil ang dalawang mamahaling sasakyan sa harapan ng Casas height. Unang bumukas ang pinto ng isang itim na kotse at lumabas ang isang lalaki. Kasunod naman na nagbukas ang pinto ng kotseng kulay pula

Bab Lainnya
Jelajahi dan baca novel bagus secara gratis
Akses gratis ke berbagai novel bagus di aplikasi GoodNovel. Unduh buku yang kamu suka dan baca di mana saja & kapan saja.
Baca buku gratis di Aplikasi
Pindai kode untuk membaca di Aplikasi
DMCA.com Protection Status