Share

Triad launching

last update Last Updated: 2022-12-06 17:22:28

Nang nakauwi si Umica ay agad na siyang pumasok sa kanyang silid. Wala siya sa mood at ’di na rin siya kinulit ng mga magulang niya. Nagpapasalamat naman siya dahil lagi siyang binibigyan ng space ng mga ito kahit ’di pa niya hilingin.

Matapos ayusin ang sarili ay nahiga siyang naroon pa rin sa isipan niya ang lalaking kanyang nakita sa store. Mabilis siyang tumayo at kinuha sa aparador ang unan ni Wixon. Pinagmasdan niya iyon nang ilang minuto bago muling humiga sa kanyang kama. Niyakap niya iyon nang mahigpit hanggang sa nakatulog na siya.

Kinabukasan ay nagising siyang nababahala pa rin at panay ang titig sa labas ng bintana. Mataas na ang sikat ng araw at ayaw pa rin niyang lumabas sa kanyang silid. Her thoughts wandered at walang sawang sinariwa ang mga alaala nila ng nawawala niyang asawa.

“It’s been six years, Wixon . . . Nasaan ka na ba?” Malungkot ang kanyang mga mata hanggang sa nagsimula na iyong magtubig. Umica rarely cries. Simula nang mawala si Wixon ay lubos na siyang nagpapakatatag ’di lang para sa sarili niya, kun ’di maging sa dalawa niyang ina at sa may sakit na ama.

Nang mapansin niyang umiiyak na siya ay agad niya iyong pinahid. Ngunit nang muling mapadako ang tingin niya sa tatlong delicacy na nasa bedside table ng silid niya, at naisip ang bulto ng lalaking papalayo kahapon ay ’di niya mapigilang umiyak hanggang sa napahikbi na siya.

“Ilang beses kong pinagdasal sa Panginoon na kung wala ka na talaga . . . Magparamdam ka sa ’kin kahit sa panaginip lang. Pero hindi, hindi ’yon nangyari. Dahil buhay ka pa. At umaasa pa rin ako sa pagbabalik mo, mahal ko.” Masagana pa rin ang bagsak ng kanyang mga luha habang hinahalikan ang wedding ring niya kay Wixon. ’Di man niya ito sinusuot sa palasingsingan niya ngunit ginawa naman niyang pendant ng kuwintas. Kung ’di lang sa kagustuhan ng lolo niya, ’di niya huhubarin ang singsing. Habang nakatitig dito ay isang tunog ng telepono ang muling humila sa nalulumbay niyang diwa. With blurry eyes, tinungo niya ang misa at binuksan ang kanyang bag. Kinuha ang kanyang telepono at tiningnan ang caller ID.

“Lolo . . .” bulong niya at mabilis na inayos ang sarili. Tumikhim din siya upang ayusin ang garalgal niyang boses.

“Hello po, Grandpa.” Mahina at magalang ang boses niya. Alam niyang mabilis itong nagagalit ’pag di napi-pleased. At dahil sa pagiging masunurin niyang apo rito ay naipagamot niya ang mama niya, nasustentuhan ang regular therapy ng kanyang dad, at ’di na rin sila nahihirapan sa mga bills nila. Kahit nagagalit siya dahil natuwa pa ito sa pagkawala ni Wixon ay wala naman siyang magawa.

“Umica, may gaganapin na launching ang tatlong malalaking kompanya mula district one hanggang district three ng Folmona. Maaari ding mayroong mga tagalabas. It's gonna be five days from now.”

“Yes po, lolo. Ipinaalam na po sa ’kin ng assistant ko. And until now, pasensya na po at ’di ko pa rin alam kung sino ang pangatlong kumpanya. Pero natitiyak ko pa na wala ang kumpanya natin sa list. Ang Monato electronics toys lang po at Nicanto blades, maliban sa ibang inferior na mga companies outside Folmona, ” aniya habang wala sa sariling pinipisil ang hawakan ng kanyang bag. Alam niyang magagalit na naman ito. At kahit ilang beses na ay nini-nerbyos pa rin siya sa mga maaari nitong gawin sa pamilya niya. She was not just in risk ’pag ito ang nagalit, kundi maging ang buong pamilya niya.

“And? Ako pa ba ang gagawa ng paraan upang mapasama tayo sa launching na ’yan?” Kumunot ang kanyang noo sa sinabi nito.

“I-I thought si Tito Disandro na po ang kakausap kay Davin upang mapasama ang Sares doll factory, lolo,” sabi niya. Ngunit alam na niyang sa kanya pa rin ang blame ng lahat. Nothing new. Mas mababahala siya ’pag naging mabait na lang bigla ang mga ito sa kanya.

“Aren’t you being stupid, Umica? Sino ba ang magiging asawa ni Davin, ’di ba ikaw? Why don't you use your dumb head at ng masimulan munang i-manipulate si Mr. Davin Monato!” Umica’s body trembled nang marinig na naman niya ulit ang suhestiyon nito gamit ang galit na boses. Alam niya ang ibig nitong sabihin sa manipulation. Na dapat na siyang magpagalaw kay Davin upang pagkatiwalaan siya nito. Na gamitin niyang puhunan ang kanyang katawan tulad ng ginawa ng pinsan niyang si Michene upang maikasal sa angkan ng mga Nicanto. At ang isa pa niyang pinsan na ngayon ay fiancé na ng isa sa mga young master ng Owindo clan. Ganoon naman ang role ng mga babae sa clan nila. Maging tulay sa mundo ng ibang promeninting pamilya sa Folmona, maging sa labas nito. Na kung may tagapagmana lang ang Foltajer clan ay kalilimutan ng lolo niya ang galit sa mga ito at ipapain ang lahat ng apo nitong babae na maaari pang gawing quolateral. Tulad niya, na kung ipamigay sa Monato clan ay parang wala lang. Noong nangailangan ng malaking kapital ang lolo niya upang e-launced ang desenyo ng Tiyo Disandro niya ay siya ang naging kapalit. At unti-unti pang nawawalan iyon ng silbi dahil ’di gaanong buminta ang disenyo nitong ventured millennial dolls. Kaya ngayon ay kailangan na naman niyang magsakripisyo. This was not her responsibility. Ngunit kailangan niyang e-please ang buo niyang angkan para sa pamilya niya. She was holding onto the thread.

“Pero, lolo . . . Hi-hindi ko pa po ’yon kayang gawin. Alam niyo naman po na kasal pa ako kay Wi—”

“Stupida! Don't be like an unfilial child, Umica. I will give you a chance. Kung ’di mo magawang isama ang kumpanya natin as one of the guest sa launching ng tatlong malalaking company, well I don't think that your father deserve his regular therapy sa mahal na Ospital.”

“But, Lolo! Dad is also your son . . . Don't you lo—”

“Cut the crap, Umica. Isa lang ang gusto ko. Maging kapaki-pakinabang ang pamilya ninyo!” Nanlambot ang kanyang mga tuhod at para siyang nalusaw na bagay na unti-unting bumagsak sa sahig. Her mind was in chaos ngunit ’di niya magawang makaimik. Gusto niyang magwala, sumigaw at umiyak . . . ‘When was the last time I cried so hard and forgot to be strong?’ Dumapa na siya nang tuluyan sa sahig at mahigpit na hinawakan ang kanyang kuwentas.

“Bakit ang lupit ng tadhana nating dalawa, mahal ko? Wala naman tayong inapakan na ibang tao. We just wanted to be together and have a happy and simple life . . . Pero bakit gano’n? Masama ba talaga akong anak?” Nakatulala lang siyang unti-unting tumihaya at tinitigan ang pininturahang receptacle sa kisame ng silid nila ni Wixon noon. Na-renovate na ang luma nilang bahay ngunit naroon pa rin iyon. Sapagkat ikinabit nilang dalawa iyon ni Wixon. Inakit niya ito habang may hawak itong screw driver at light bulb. Kaya imbes na ilaw ang ilagay nito ay ang dulo ng screwdriver ang ikinabit, ang naging resulta ay muntik na itong malaglag sa hagdan dahil nakuryente. Dahil naman sa pagmamadali niya upang tulungan ito ay nadulas siya sa sahig at natanggal ang towel na nakatakip sa kahubaraan niya.

“Umica! Hija? Lumabas ka na at handa na ang tanghalian. Sabihin mo sa ’kin kung masama ang pakiramdam ko at tatawagin ko ang mom mo,” sabi ng biyenan niya na nasa labas ng pinto sa kanyang silid.

“Mama . . . Lalabas na po ako. Sandali lang po,” sagot niya rito at nagmamadaling nagtungo sa banyo upang maghilamos. Tinuyo niya ang kanyang mukha at naglagay ng concealer upang itago ang bahagyang pamamaga ng mata niya. Alam niyang siya ang haligi ng mga taong totoong nagmamahal sa kanya. Kaya wala siyang choice kun ’di ang maging matatag araw-araw.

Nang makita niyang ’di na gaanong halata ang maga niyang mga mata ay mabilis na siyang lumabas ng kanyang silid. Inayos niya ang kanyang tindig sabay lagay sa daily mask niya; ang palaging masaya.

“Mami! Mama! Dada!” bulalas niya at isa-isang niyakap at hinalikan ang mga ito. Sa tuwing nakikita niya ang masaya nitong mga mukha at malalapad na ngiti ay bahagyang gumagaan at nababawasan ang bigat na kanyang dinadala.

“Anak ko, may problema ka ba?” tanong ng mami niya habang napatitig naman sa kanya ang dada at mama niya.

“Wa-wala naman po.” Yumuko siya upang itago ang nagsisimula na naman niyang mamula na mga mata. She really wants to cry. Pero alam niyang wala iyong maitutulong. Bagkos ay mag-aalala lamang ang mga ito na hindi maganda sa kanilang kalusugan.

“Is dad putting all the pressure on you again?” tanong ng dada niya na hindi naman nagkamali. Makita pa lang niya ang nag-aalalang mukha ng kanyang ama ay nahahabag na siya. Her father's health situation is not a joke. Mabigyan lang ito nang matinding pressure ay maaari ng malagay sa bingit ng kamatayan ang buhay nito. Kaya hindi siya maaaring magpa gulay-gulay.

“Anak, Umica . . . ’di mo kailangan isakripisyo ang iyong sarili. I’m feeling better now. At saka ’di ko na rin kailangan ng therapist. Doing well naman ang negosyo natin. ’Di ba, hon?” Dinamay pa nito ang mami niya na walang ibang nagawa kun ’di ang ngumiti. Alam niyang lumalago ang kanilang negosyo. Ngunit sa mata at impluwensya ng kanyang lolo, isa lamang kuto sa paningin nito ang napundar nila. Isang kumpas lang ng kamay nito ay maaari iyong maglaho na parang isang bula. In short, isang pagkakamali niya ay mawawalan sila ng kabuhayan.

“Hay naku. Kayo talaga! Syempre ayos lang po ako. May ano lang kasi . . . Kahapon po doon sa store na malapit sa company, I saw someone na katulad na katulad ang tindig kay Wi-Wixon. At ang mga pinamili niya ay tulad din ng paborito naming pagkain mag-asawa . . .” bulong niya dahilan upang malaglag ang kutsarang hawak ng kanyang biyenan.

“Linda? Linda!”

“H-ha?”

“Heto, inumin mo ’tong tubig.”

“A-ayos ka lang po ba, mama? Pa-pasensya na po sa sinabi ko. Hindi ko rin naman po sigurado. At kung siya man ’yon ay ’di niya ako tatalikuran. Sigurado akong ’di ’yon si Wixon . . .” ‘Pero sana nga ay ikaw ’yon, mahal ko . . . Wala akong pake kung nakalimutan mo na ako. Ipapaalala ko sa ’yo ang lahat.’

“Ayos lang ako, Shiela, Pandro at Umica . . . Medyo nabigla lang sa sinabi mo, anak. Hehe . . . Medyo tumatanda na nga talaga ako at nagiging emosyonal na rin," pagdadahilan nito. Ngunit alam nilang lahat higit kanino man kung gaano ito nangungulila sa anak. Kahit sabihin pang ’di nito kadugo si Wixon ay naging buhay ito ng Ginang. Kulang na lang ay ito ang magluwal. Naging pahirapan para kay Umica ang tuluyang pag galing nito dahil wala na itong nais gawin kun ’di ang mamatay matapos magising at nawawala si Wixon.

“Hayaan mo po, mama. Babalik-balik po ako roon at siguraduhin ko na makita ang mukha ng lalaking ’yon bago ako umalis.” Nginitian niya ito, dahilan kung bakit muling nagliwanag ang mukha nitong maganda.

“Pero ’wag mong iha-harass ah.”

Nagpatuloy na sila sa pagkain na nagtatawanan. Marami pa silang mga pinag-usapan ngunit umiwas na sila sa usapin na tungkol kay Wixon at mga alaala nito.

Makalipas ang isang oras ay gumayak na si Umica upang puntahan ang kumpanya ng kanilang angkan. Dahil tuluyan ng nasira ang kotse nila, at ’di naman niya tinanggap ang kotse na gift sa kanya ni Davin ay sumasakay lang siya sa public transport. Nakikipag siksikan sa ibang mga mananakay at nababastos ng ilang beses. Makailang ulit na rin siyang nanapak ng mga bastos, at protektado na rin siya ngayon lalo’t kakilala na niya ang driver at konduktor ng bus na palagi niyang sinasakyan.

Habang nag-aabang sa gilid ng daan ay tumunog bigla ang cellphone niya. Kahit ayaw niyang sagutin ang tumatawag ay wala talaga siyang choice.

“Tito Disandro? Ano na naman kaya ang pakay nito?” Tinanggap niya ang tawag at inilagay ang phone sa speaker mode.

“Umica! Bakit wala pa rin tayo sa list ng upcoming launched ng triad dito sa Folmona?” Malakas ang boses nito at halatang galit na galit. Sa ganitong mga sitwasyon ay laging siya ang ibinabala ng mga ito, because of Davin Monato.

“Tito, you told me na ikaw ang bahala ’di ba?” Labis siyang nayayamot at kulang na lang pumadyak ang kanyang mga paa.

“Para saan pa at naging assistant kita kun ’di ka rin lang naman mapapakinabangan?” Kuyom ang kanyang kamao nang narinig niya ang sinabi nito. Pakiramdam niya ay isa lamang talagang kasangkapan ang tingin ng mga ito sa kanya. Alam niyang plano ng Tito Disandro niya na ipaglapit ang anak nitong si Katleah na nineteen years old pa lang kay Davin. At sa paraan ng pagtawag nito sa kanya ngayon ay alam niyang ’di iyon umubra.

“Pupunta rito si Davin ilang oras mula ngayon. So you better be here bago kita alisan ng pwesto rito sa kumpanya!” Pinatay na nito ang kabilang linya kaya wala na siyang nagawa kun ’di ang huminga nang malalim at itago muli ang kanyang cellphone.

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • The Mirciless Son-in-law   Ridiculous comeback

    WHEN Umica saw her Tita Sandra approaching, ay nakatitiyak siyang wala itong magandang gagawin. Kaya naman ay handa siyang magparaya o umalis na muna. Dahil ayaw niya talagang sirain ang unang pagkikita nila ng mother-in-law niya. Maliban pa sa kadahilanang wala na siyang kahit na konting amor sa pamilya ng mga Sares. Na kung hindi lang ito ang sure name ng kaniyang ama ay matagal na niyang binago ang Psa niya.Umica slightly tugged on her husband's suit. “Wixon mahal . . . Puntahan na muna natin si Mommy Amarina. I have something to tell her.” Umica was aware na kahit magsinungaling pa siya ay alam niyang gets na ni Wixon kung ano ang kaniyang tunay na dahilan, lalo pa’t kita naman sa mga mata niya iyon.“Okay, mahal. Whatever you say.” Umica felt a sense of relief nang hindi na nagtanong pa sa kaniya si Wixon.They were about to go nang napansin ni Umica na mas bumilis pa ang hakbang ni Sandra at tuluyan na silang nagpang-abot. Wala na siyang nagawa pa kundi haparin ito habang nakak

  • The Mirciless Son-in-law   Flashdrive (Miss V with Disandro)

    MABILIS ang mga hakbang niyang nagtungo sa isang parte ng bulwagan kung saan ay nakatago at bahagyang madilim. Mabilis na inilibot ang paningin na tila mayroong nais hagilapin. Hindi naman nagtagal ay sumilay ang mga ngiti sa kaniyang labi nang makita na ang hinahanap.Agad siyang lumapit sa isang magandang babaë na ang galak ay nabibilang sa isang maharlikang pamilya.“I will never forget your kindness, Miss V,” anito at nag-bow bago muling sumama sa iba pang mga bisita. Hawak pa rin niya sa kaniyang kamay ang flash drive na inabot patago ng babaë sa kaniya.“Mr. Sares, where have you been?” Ngumiti si Disandro matapos kumuha ng alak mula sa waiter na lumapit sa kanila. He is currently at peak sa pagiging good mood niya. And he was determined not to ruin such a wonderful moment.“Oh, I just had an important call from home,” pagsisinungaling niya sabay simsim ng alak.“Such a family man!” komento ng isang businessman na may magarang tindig.“Well, speaking of family, pinag-uusapan nga

  • The Mirciless Son-in-law   Osmond proposal

    Osmond was leaving soft kisses sa buhok ni Hailey. They were acting like close na close sila kahit na isang gabi lang naman talaga sila naging close, at naghubaran na agad.“I’m sorry that I couldn't be with you for the last month. Sobrang busy lang talaga. Idagdag pa ang pasaway kong kapatid. I know your pregnancy is sensitive. I should be with you at least. Kahit ’yon na man lang ay magawa ko . . .” Nakaramdam ng labis na guilt si Osmond. Though Hailey was saying na okay lang ito. Alam naman niya kung ano ang totoo. Because like a creep, pinalagyan niya sa kaniyang assistant nang patago ng mga cameras ang loob ng tahanan ni Hailey. For safety purposes. That's what Osmond believed. Win-win na lang iyong mga nakikita niyang ginagawa ni Hailey sa tuwing sinisilip niya ang monitor.“I-it’s fine. I'm a doctor kung nakakalimutan mo, sanay na akong mag-alaga.” May ngiti sa labi habang sinasabi iyon ni Hailey. Osmond could feel na talagang mahal nito ang napiling propesyon. Biglang nawala s

  • The Mirciless Son-in-law   Osmond's plan

    SA gitna ng pag-uusap nina, Umica, Wixon at Hailey ay naramdaman ni Osmond ang pag-vibrate ng kaniyang cellphone. Kinuha niya iyon mula sa secret pocket ng kaniyang suit at binasa ang mensaheng natanggap.‘It’s Froso . . .’ Tumingin siya sa gawi nina Wixon at lumapit sa mga ito.“Master Wixon, Madame Amarina is looking for you and Miss Umica,” aniyang nakayuko. Osmond wanted to steal a glance at Hailey. Ngunit dahil nasa trabaho siya ay pinipigilan niya ang kaniyang sarili. He could also see na naiilang talaga ito sa kaniya. Sa loob ng isang buwan ay tanging secretary lang naman niya ang nakikita nito. Kaya ay naiintindihan ni Osmond kung awkward man ang pakikitungo nito sa kaniya ngayon.“Okay. Mahal, let's go back. Hinahanap na tayo ni mommy.”“But what about Hailey?” Hinawakan ulit ni Umica ang kamay ni Hailey. Marahan itong hinihimas at inaalo.“Umica, Wixon, pwede bang dito na muna ako sa silid? Immediately, the horror on Umica's face was showing.“Ano? Masama ba ang pakiramdam m

  • The Mirciless Son-in-law   Father of the baby

    Malinaw sa paningin ni Wixon na imbes sa ina niya, ay ang kaniyang asawa ang naging highlights sa piging nito. Alam din niya sa kaniyang sarili na ito ang plano ng kaniyang ina. Nang kausapin siya nito patungkol sa pagpapakilala niya bilang tagapagmana ng mga Foltajer ay umayaw siya, sa kadahilanan na hindi na siya makagagalaw nang malaya. O ’di kaya ay magiging mainit ang mata ng mga kalaban niya sa negosyo sa kaniya at hindi na siya makakilos nang patago upang maging sandigan ni Umica.Habang pababa si Umica ng hagdan ay kita ni Wixon ang matinding confusion sa maganda nitong mukha. Ngunit naroon pa rin ang nag-uumapaw na confidence at pagiging professional nito.“You look gorgeous, my dear daughter, Umica. I'm so happy to finally meeting you . . .” Nakatingin lamang si Wixon sa ina niyang niyayakap ang kaniyang asawa. Habang nakapaskil naman sa mukha ni Umica na labis pa itong nagulat.“Master Wixon?” Wixon was so absorbed with the moment while looking at his wife, dahilan jung ba

  • The Mirciless Son-in-law   Filial daughter-in-law

    MAKALIPAS ang halos dalawang oras. Sa labas ng Casas Height . . .Maaliwalas ang harapan ng building kung saan ay may magaganap na isang malaking piging. Sa harapan nito ay nakahelira ang mga light stand na gawa sa purong ginto, na mayroong ilaw na nagsisilbi ring palamuti at liwanang. Nakalatag naman sa sahig ang isang carpet upang magsilbing apakan ng mga bisitang dadalo. Naka-stand by din sa gilid ang mga highly trained guards upang mapanatili ang kaayusan at siguridad ng mga dadalo na malaking tao galing sa loob at labas ng Folmona.Thirty minutes na lang at magsisimula na ang piging. Marami na ang mga bisitang dumating at marami pa ang inaasahan na dadalo, lalo pa’t matagal ng inaasam ng mga taga Folmona ang sandali na ito.Sa paglipas ng ilang minuto ay halos magkasunod lamang na tumigil ang dalawang mamahaling sasakyan sa harapan ng Casas height. Unang bumukas ang pinto ng isang itim na kotse at lumabas ang isang lalaki. Kasunod naman na nagbukas ang pinto ng kotseng kulay pula

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status