Wixon Foltajer was born with a silver spoon in his mouth. Ngunit dahil sa labanang yaman ng kanyang mga magulang at ng angkang Monato ay napunta siya sa isang mahirap na mag-asawa. Sa paglipas ng panahon ay nakilala niya ang mayamang babae na si Umica Sares at sila ay nagpakasal. Kasal man ay lage naman siyang ininsulto at minamaliit ng mayayaman nitong kamag-anak. Hanggang sa siya ay biglang nawala dahilan upang inakala ng lahat na patay na siya. Lumipas ang mga taon at muli siyang nagbalik bilang isang makapangyarihan na tao. Isang walang kinatatakutan na lider ng kanilang makapangyarihang angkan, na nagtatago sa dati niyang mahirap na buhay noon.
Lihat lebih banyakMatapos palayasin sa mansyon ay naglakad siya sa pribadong kalsada ng pangalawang pinakamataas na subdivision sa Folmona. Paulit-ulit na itong nangyayari sa kanya subalit paulit-ulit din niyang iniintindi para sa kapakanan ng kanyang asawa. Sa ngayon ay wala siyang ibang magagawa kung hindi ang magtiis muna sa masamang ugali ng angkan nito. Inaaliw na lang niya ang sarili habang nakatingin sa naglalakihan at naggagandahang mga mansyon sa Monato subdivision. Pangarap niya noon pa man na bilhan si Umica ng mansyon. Hindi sa Monato subdivision, kung hindi sa pinakamayamang subdivision sa Folmona, ang Foltajer mountain. Doon ay nakatayo ang mga first class mansyon at nasa state of the art ang seguridad sa loob ng mga naninirahan doon. Hindi basta-basta ang halaga ng isa sa mansyon doon, kaya alam niyang hanggang panaginip at pangarap na lang muna siya ngayon. Lagi niyang sinasabi sa kanyang sarili na kung mangangarap man siya ay sasagarin na lang niya.
Hawak-hawak niya ang kanyang bisikleta at nagpasyang hindi na muna ito sakyan. Nagbabaka sakaling may mabundol na suwerte sa kanya. Milagro kumbaga.Sa bawat posteng kanyang madaanan ay hindi niya mapigilang ikumpara ang sarili niya sa mga ito.“Mabuti pa kayo may silbi. Ako, ewan ko kung hanggang saan kayang magtiis ni Umica sa katulad kong hindi siya kayang bigyan ng magandang buhay . . . Hanggang yuko na lamang ako sa bawat pagsubok na dumating sa kanyang buhay, lalo na sa pera . . .” bulong niya at mapait na ngumiti. Alam niyang malala na ang insecurities na kanyang nararamdaman. Subalit wala siyang magagawa dahil totoo naman ang kanyang mga iniisip sa sarili niya. Sa bawat araw na dumaraan ay parang nilalamon rin siya ng mapanlait na mga boses ng mga kamag-anak ng asawa niya.Upang bahagyang mapanatag ang kanyang kalooban ay ninamnam muna niya ang katahimikan ng gabi at nagpakawala nang mabigat na buntong hininga. Sa bawat buga na kanyang ginawa ay tila mas lalong bumibigat ang kanyang pakiramdam, dahilan upang malalim siyang napaisip.“Hindi ko na alam kung ano ang aking gagawin upang matulungan kita, Umica. Labis na akong nahihiya at nalulungkot dahil nahihirapan ka . . .” bulong niya sabay park ng kanyang bisikleta sa gilid nang makarating siya sa park ng subdivision. Ngunit kalaunan ay napagpasyahan niya ring dalhin ito sa loob. Nakita siya ng mga nagbabantay doon, ngunit kinamayan lamang siya ng mga ito at kumaway lang din siya. Malaya siyang nakapasok sa loob dahil kilala niya ang mga nagbabantay. Sa tagal niyang nanirahan sa mansyon ng matandang Sares ay halos nakilala na niya ang mga trabahador sa Monato subdivision.Ilang sandali pa ay narating na niya ang isa sa paborito niyang spot sa park. Matagal na niyang gustong dalhin doon si Umica. Hindi nga lang niya magawa dahil pinagbawalan siya ng Lolo nito na lumapit sa dalaga kapag nasa labas sila ng bahay. Hindi siya maaring maglambing dito sa harap ng mga tao. Itinarak ng matanda sa puso at isipan niyang isa lamang siyang surot na na-inlove sa isang purong Diyosa.Marahan siyang naupo sa isang bench na nakalagay sa ilalim ng puno. Mula doon ay malaya niyang pinagmamasdan ang makinang na mga bituin sa langit. Sinariwa ng kanyang diwa ang bawat araw at mapapait na mga pangyayari sa buhay ng kanyang asawa simula ng pinili siya nitong mahalin. Alam niyang langit at lupa ang pagitan nilang dalawa. Subalit hindi iyon naging hadlang upang piliin siya nito. Sa bawat araw sa kanilang pagsasama bilang mag-asawa ay ni minsan, hindi nito pinaramdam sa kanya na matindi ang kanyang pagkukulang bilang lalaki. Mabigat ang pinapasan nito at dumagdag pa siya, ’yun ang labis na nagpapalungkot sa kanya. Mas lalo pa siyang dinudurog dahil mahal din siya ng mga magulang nito.“Kung mas malakas lang sana ako at makapangyarihan . . . Sana isinilang akong mas maykakayahan. Hindi naman mayaman ang iniisip ko. Nais ko lang maging kapakipakinabang para sa ’yo, mahal ko.” Hindi niya alam kung gaano siya katagal na nakatingala. Basta ang alam niya ay unti-unti na siyang humihiga sa bench habang hinihila ng matinding pagod at pagkadismaya.“Bro . . . Wixon . . . Wixon . . .”“Uhmmm . . .”“Bro, umuwi ka na. Nakatulog ka na rito sa park.” Isang marahan na tapik sa kanyang braso ang mabilis na nagpabalik sa diwa niya sa mundo.“Ha? Nako! Pasensya ka na, bro. Nakatulog ako nang hindi ko namamalayan.”“Oo nga. Inaabangan kitang lumabas kanina pa. Nagtataka na ako kaya ay pinuntahan na kita rito.” Napapakamot siya ng kanyang ulo sa sinabi nito.“Nako! Patay!” Agad siyang napatayo nang makita ang oras sa mumurahin niyang relo.“Oo. Alas-kwatro na nang umaga,” turan nito dahilan upang alanganin siyang ngumiti. “Sige, bro. Pasensya ka na. Magpapaalam na rin ako. Kailangan ko pang tawagan si Umica. Nag-aalala na ’yun sa akin pati sina Mama’t Papa.” Mabilis ang kanyang mga kilos na sumampa sa kanyang bisikleta at nagmamadaling pumadyak palabas ng park upang habulin ang kanyang oras. Ngunit, bago tuluyang umalis ay kinuha muna niya ang kanyang telepono.“Umica, mahal ko.”“Wixon!” Bahagya niyang nailayo ang kanyang telepono sa tenga dahil sa biglang pagsigaw nito na may kalakip pang hikbi. Hindi na niya kailangan maghintay dahil nakaabang na ito sa kanyang tawag.“Pa-pasensya ka na, mahal. Dumaan ako sa Monato park, kaso hindi ko namalayan na nakatulog ako. Pasensya na talaga, pati na rin kina Papa at Mama.”“Pinag-alala mo ako nang husto . . .” bulong nito sa kabilang linya at talagang humagulgol na.“Akala ko umalis ka dahil nagalit ka sa sinabi ni Lolo at ginawa ni uncle at ng mga kamag-anak ko.”“Mahal kita, Umica. Ang maramdaman lang na mahal mo ako ay sapat na iyon sa akin. Handa akong tanggapin ang lahat ng masasakit na salita, at mga pisikal na pananakit. Ang hindi ko lang gusto ay pati ikaw pagtawanan din nila at pagkakatuwaan.”“Umuwi ka na, mahal. Hihintayin kita rito sa bahay.”“Hindi ka ba pumasok sa Opisina mo ngayon?” nagtatakang tanong niya rito. Alam niyang masyadong estrikto sa trabaho ang Asawa niya. At hindi ito basta-bastang lumiliban.“Wala ring silbi kung pumasok ako. Lumilipad ang aking isipan sa kakaisip kung napano ka na. Lalo’t hindi ka rin tumatawag.”“Pasensya ka na talaga, mahal. Sige, uuwi na ako. Ngunit, dadaan lang ako saglit sa pampublikong pamilihan. Narito na ako kaya di diretso na lang ako roon.”“Si-sige. Mag-ingat ka, Wixon . . . Mahal kita . . .” sabi nito sa kabilang linya bago nito tuluyang pinatay ang telepono.Dahil sa tawag na ’yon ay gumaan muli ang kanyang pakiramdam. Masaya siyang pumadyak hanggang makarating sa pamilihan. Labing-anim din na minuto bago siya nakarating doon, subalit hindi siya nakaramdam ng pagod dahil labis ang kanyang kasiyahan. Ginugol pa niya ang sampung minuto sa pamimili bago tuluyang nagpasya na umuwi na. Gamit ang basket na nakalagay sa harapan ng kanyang bisikleta ay maayos niyang nadala ang mga pinamili at banayad din ang kanyang pag padyak. Nakangiti pa siya habang inaalala ang kanyang asawa nang nakarinig siya ng sunod-sunod na mga putok. Dahil doon ay labis siyang naalarma at nagmamadaling pumadyak upang mabilis na makauwi. Ngunit, ang hindi niya inaasahan ay nakita niya ang isang ginang na binabaril, habang nagtatago ito sa likod ng isang mamahaling sasakyan nang liliko na sana siya sa short cut na palagi niyang dinadaanan matapos mamalengke.“I-ilag po!” sigaw niya at nagmamadaling bumaba sa kanyang bisikleta. Natumba pa ito dahilan upang magkalat ang kanyang mga pinamili. Ilang sandali pa ay nagtuloy-tuloy na ang putukan.“Ayos lang po ba kayo?” tanong niya sa Ginang habang tinatakpan ang sugat nito sa braso.“Wa-Walter . . .” bulong nito habang matamang nakatitig sa kanyang mukha. Pumatak pa ang luha nito at nakikita niya ang matinding kagalakan sa maganda nitong mga mata.“A-ayos lang po ba kayo?” Muling tanong niya rito.“Ayos lang ako, hijo. Salamat sa iyong pagtulak sa ’kin. Baka kung saan na tumama ang balang ’yun kung hindi mo ako nasagip,” turan nito na parang normal lang para dito ang natamong tama ng baril. Nagtataka pa rin siya dahil panay ang titig nito sa kanya.“Baka po ilang saglit lang at narito na rin ang mga pulis.” Laking pagtataka niya nang pagak itong tumawa. Pinahid nito ang luha at hinila siya pagilid.“You can’t count on them this time, hijo. Sa ngayon ay nasa pamilyang Monato ang kanilang loyalty. Walang ibang magsasalba sa ’tin kung hindi ’yung meron lang tayo,” wika nito at muling ikinasa ang hawak na baril matapos punitin ang suot nitong damit at tinali sa sugat nito.“Baka po mas lalong dumugo ang iyong sugat, Madam ’pag naglikot kayo,” nag-aalala niyang turan dito.“Malayong-malayo ito sa bituka, hijo. Ngayon na tinulungan mo ako ay malaki ang posibilidad na madamay ka. Kaya riyan ka muna sa likuran ko, at magtago ka. Ngunit, bago ang lahat. May itatanong lamang ako sa ’yo. Mayroon ka bang balat na hugis mapa sa iyong dibdib?” Halos lumuwa ang kanyang mga mata sa tanong nito. Tanging kanyang Ina, Ama at si Umica lamang ang nakakaalam ng balat niyon.“Saan— Ilag!” Kung kanina ay naririnig lamang niya ang palitan ng mga putok sa bawat sasakyan at sa sasakyan na kanilang pinagtataguan, ngayon ay lantaran na niya itong naramdaman mismo sa kanyang katawan. Dilat ang kanyang mga mata habang pinapakiramdaman ang sarili. Napapaigik siya dahil ngayon lamang niya naramdaman ang matinding sakit dahilan upang unti-unting namanhid ang kanyang katawan. Saglit pa siyang nakatayo hanggang natumba na siya dahil hindi na niya kayang suportahan ang sariling bigat.“Madam! Ayos lang po ba kayo? May sugat ang Donya! Madali! Kilos!”“Ayos lamang ako. Ang batang ito ang tulungan ninyo. Magmadali kayo, gawin ninyo ang lahat upang mabilis siyang makarating sa hospital nang ligtas at humihinga. Pakiusap! Unahin ninyo siya. Sasabay ako sa inyo sa Hospital.” Napangiti siya nang marinig niya ang mga katagang iyon. Isa lamang ang ibig sabihin nito. Dumating na ang backup ng Ginang. Nagpapasalamat din siya dahil kahit papano, isa ito sa mga taong pinahalagahan ang buhay niya. Iyon na lamang ang huli niyang narinig matapos maramdaman na tila ay napuputol na ang kanyang paghinga. Pakiwari niya ay nasa ilalim siya ng tubig at nalulunod dahil walang kahit na anong hangin ang pumapasok sa sistema niya.“U-Umi-Umica . . .” Pumikit ang kanyang mga mata at naglandas ang kanyang mga luha. Ngayon lamang niya naisip ang naging kapalit ng kanyang ginawa. Nagdurugo ang kanyang puso sa isiping mawawala na siya sa mundo na hindi man lang niya natulungan ang kanyang butihing asawa. Sa huling pagkakataon ay iniwan niya sa lugar ang mapait niyang mga luha, nagkalat na mga pinamili at ang nasira niyang bisikleta.‘Kung bibigyan ako ng pagkakataon na mabuhay pa. Babalik ako, mahal ko at sa araw na ’yun ay sila naman ang hihingi ng tulong sa ’tin . . .’DAHIL unang nagbaba ng tingin ang Tito Disandro ni Umica ay wala na rin siyang nagawa kundi ang ibaling sa ibang direksyon ang kaniyang tingin.“Miss Umica, this way please,” anang babaë na nag-guide kay Umica papasok sa loob ng conference room.‘What a bad coincidence!’ Kulang na lang ay romolyo ang mga mata ni Umica dahil sa kaniyang nakikita. Ang tanging upuan na bakante maliban sa chairman’s seat, ay ang upuan na lang na katabi ng Tito Disandro niya. It turned out na iyon din ang upuan na iginiya ng babaë kay Umica.‘Para namang may iba akong choice. Isipin ko na lang na ito pa lang pag-approve sa ’kin na isa sa maglalahad ng proposal ay blessing na .’ Umica swallows her bitterness at tumingin sa babaë.“Thank you, Ma'am,” ani Umica at umupo na rin.Ngumiti naman ang babaë bago muling lumabas ng silid.Napatingin naman si Umica sa lalaking ngayon ay nakangiti sa kaniya.“Good afternoon, Miss Umica Foltajer.” Napataas naman ang isang kilay ni Umica.‘Hindi ko kilala ang lalaking ’t
UMICA was standing outside the five storey building of Zagher construction. Kabababa lamang niya ng kotse kasama si Froso, kung saan ay ito ang nagsilbi niyang driver. A driver na kanina pa siya naiilang dahil sa mukha itong royalty dala ng kasuotan nitong itim na sosyal at sumisigaw ng salapi. Sa likuran naman niya ay ang tatlo niyang personal guards na sakay mula sa ibang sasakyan. Habang si Umica naman ay gamit ang unang sasakyan niya na binili nila ni Wixon mula sa Owindo cars. Isang ash grey na kulay na ngayon ay may tatak ng black rose. A sign na isa siya sa pamilya ng Foltajer. A vip to be exact. Ang kaibahan ng black rose design mula sa common Foltajer insenya ay mayroon itong faint jade color sa paligid ng rosas. “Miss Umica, ayos ka lang po ba?” Alanganin naman na napangiti si Umica sa tanong ng secretary niyang si Piya. Panay ang ayos nito sa buhok, maging sa suot nitong salamin.“Piyaline, yes I admit, kabado ako. Pero bakit mas mukha kayong kabado ni Sasha compare sa ’ki
ISANG linggo na ang lumipas matapos ang naganap na welcome back banquet ng tyrant queen. Sa ngayon ay naghahanda na si Wixon para sa gagawing pag-turn over niya sa CEO position sa kaniyang asawa. As of the moment ay naghahanda na rin si Umica para sa gagawin nitong business proposal. Isang malaking deal ang nasalihan nito during the banquet. The main objective of the project was the expansion of the Foltajer mountain wall, upang maisama na sa boundary ang ari-arian na nabili ni Wixon sa Owindo clan using his mother's money. Wixon could just hand the position right away to his wife. Ngunit mahigpit ang pagnanais ni Umica na patunayan muna nito ang sarili bago tanggapin ang posisyon. The Foltajer mountain district one wall expansion is worth billions. Maliban sa top tier ang gagamitin na mga materials ay ekta-ektaryang lupain ang pagtatayuan ng wall. Wixon’s mother, Amarina proposed na ang old contractor nila ang gagawa. Dahil maliban sa alam na nito ang gagawin ay nakatitiyak silang
WHEN Umica saw her Tita Sandra approaching, ay nakatitiyak siyang wala itong magandang gagawin. Kaya naman ay handa siyang magparaya o umalis na muna. Dahil ayaw niya talagang sirain ang unang pagkikita nila ng mother-in-law niya. Maliban pa sa kadahilanang wala na siyang kahit na konting amor sa pamilya ng mga Sares. Na kung hindi lang ito ang sure name ng kaniyang ama ay matagal na niyang binago ang Psa niya.Umica slightly tugged on her husband's suit. “Wixon mahal . . . Puntahan na muna natin si Mommy Amarina. I have something to tell her.” Umica was aware na kahit magsinungaling pa siya ay alam niyang gets na ni Wixon kung ano ang kaniyang tunay na dahilan, lalo pa’t kita naman sa mga mata niya iyon.“Okay, mahal. Whatever you say.” Umica felt a sense of relief nang hindi na nagtanong pa sa kaniya si Wixon.They were about to go nang napansin ni Umica na mas bumilis pa ang hakbang ni Sandra at tuluyan na silang nagpang-abot. Wala na siyang nagawa pa kundi haparin ito habang nakak
MABILIS ang mga hakbang niyang nagtungo sa isang parte ng bulwagan kung saan ay nakatago at bahagyang madilim. Mabilis na inilibot ang paningin na tila mayroong nais hagilapin. Hindi naman nagtagal ay sumilay ang mga ngiti sa kaniyang labi nang makita na ang hinahanap.Agad siyang lumapit sa isang magandang babaë na ang galak ay nabibilang sa isang maharlikang pamilya.“I will never forget your kindness, Miss V,” anito at nag-bow bago muling sumama sa iba pang mga bisita. Hawak pa rin niya sa kaniyang kamay ang flash drive na inabot patago ng babaë sa kaniya.“Mr. Sares, where have you been?” Ngumiti si Disandro matapos kumuha ng alak mula sa waiter na lumapit sa kanila. He is currently at peak sa pagiging good mood niya. And he was determined not to ruin such a wonderful moment.“Oh, I just had an important call from home,” pagsisinungaling niya sabay simsim ng alak.“Such a family man!” komento ng isang businessman na may magarang tindig.“Well, speaking of family, pinag-uusapan nga
Osmond was leaving soft kisses sa buhok ni Hailey. They were acting like close na close sila kahit na isang gabi lang naman talaga sila naging close, at naghubaran na agad.“I’m sorry that I couldn't be with you for the last month. Sobrang busy lang talaga. Idagdag pa ang pasaway kong kapatid. I know your pregnancy is sensitive. I should be with you at least. Kahit ’yon na man lang ay magawa ko . . .” Nakaramdam ng labis na guilt si Osmond. Though Hailey was saying na okay lang ito. Alam naman niya kung ano ang totoo. Because like a creep, pinalagyan niya sa kaniyang assistant nang patago ng mga cameras ang loob ng tahanan ni Hailey. For safety purposes. That's what Osmond believed. Win-win na lang iyong mga nakikita niyang ginagawa ni Hailey sa tuwing sinisilip niya ang monitor.“I-it’s fine. I'm a doctor kung nakakalimutan mo, sanay na akong mag-alaga.” May ngiti sa labi habang sinasabi iyon ni Hailey. Osmond could feel na talagang mahal nito ang napiling propesyon. Biglang nawala s
Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.
Komen