Share

Chapter 12

last update Huling Na-update: 2026-02-06 19:38:09

Pumasok si Carrie sa loob ng kwarto at malaki ang ngiting inilibot ang paningin doon. Sa wakas ay makakasama na niya ang lalaking kaniyang minamahal. Isa na itong pagkakataon para sa kaniya upang mapasakanya ang lalaki at ano man ang meron ito. Ang kailangan na lamang ay alisin sa landas nilang dalawa ang asawa nito.

Sumapit ang hapunan at sabay-sabay na kumain ang tatlo roon.

"Thank you ulit ha, sa pagpapatuloy sa akin dito. Kapag nakahanap ako ng bagong apartment aalis agad ako."

Ngumiti si
Patuloy na basahin ang aklat na ito nang libre
I-scan ang code upang i-download ang App
Locked Chapter

Pinakabagong kabanata

  • The Multi-Billionaire Heiress: Vow of Ruin   Chapter 13

    Pumasok si Francis at Carrie sa loob ng cafe at agad na binati si Janna roon. Lumingon sa paligid si Carrie habang hinihintay naman ni Francis na matapos ang asawa sa ginagawa nito."Hon! Carrie!" bati ni Janna matapos yakapin ang dalawa.Humalik si Francis sa pisngi ng asawa at ngumiti naman si Carrie rito. "Nakasalubong ko si Carrie kanina kaya isinabay ko na. Eksaktong napadaan kami dito sa cafe. Malapit na ba matapos ang shift mo?" tanong ni Francis."Malapit na, may gusto ba kayong inumin or kainin?" tanong naman ni Janna sa kanila at iniabot ang menu."I think I'll have the cake and tea," saad ni Carrie at tumango si Janna bago bumaling sa asawa."How about you. Hon?""I think, I'll just have a black coffee," sagot nito at nagtungo si Janna sa loob ng kitchen area para ihanda ang kanilang order. Inilapag ni Janna ang mga orders at naupo sa tabi ng kaniyang asawa. Sa oras na kuhanin ni Carrie ang tasa ng tsaa ay bigla na lamang itong nakaramdam ng kakaiba. Mabilis itong napat

  • The Multi-Billionaire Heiress: Vow of Ruin   Chapter 12

    Pumasok si Carrie sa loob ng kwarto at malaki ang ngiting inilibot ang paningin doon. Sa wakas ay makakasama na niya ang lalaking kaniyang minamahal. Isa na itong pagkakataon para sa kaniya upang mapasakanya ang lalaki at ano man ang meron ito. Ang kailangan na lamang ay alisin sa landas nilang dalawa ang asawa nito.Sumapit ang hapunan at sabay-sabay na kumain ang tatlo roon. "Thank you ulit ha, sa pagpapatuloy sa akin dito. Kapag nakahanap ako ng bagong apartment aalis agad ako." Ngumiti si Janna roon at bigla naman hinawakan ni Francis ang kamay ni Carrie dahilan para mapatingin si Janna roon."Ano ka ba, kahit matagalan ka ayos lang. Mas mabuti nga narito ka para siguro may kasama dito si Janna minsan pag nasa trabaho ako," ani ni Francis at inalis naman ni Carrie ang kamay nito.Sa isip ni Janna ay siguro hindi niya na lang dapat pansinin o isipin pa iyon. They're childhood friends, so it's probably normal to be that close. Iyon lang iyon, wala nang iba pang kahulugan. "Kung g

  • The Multi-Billionaire Heiress: Vow of Ruin   Chapter 11

    Nagtatakang tumingin si Janna roon ngunit may bakas rin ng pagdududa. "Ahh, wala ito baka doon sa kinain ko. May kakaibang menu kasi doon sa isang resto na napuntahan ko may kulay yung food humawa siguro," pagpapalusot nito ngunit nanatili ang kunot na noo ni Janna."Hon, wag ka nang magtampo, okay? Sa totoo nga lang hindi masarap doon sa resto na 'yon. Hindi ko nga naubos di ko napansin na may kumalat pala." paglalambing nito at niyakap ang asawa."Kanina pa kasi kita hinahanap," saad ni Janna.Hinalikan ni Francis ang pisngi nito bago marahang hinaplos ang kamay nito. "Hon, nag-ikot lang talaga ko. I'm sorry if I made you worried hindi lang din kasi ako makatulog kanina." Bumuntong-hininga si Janna roon pero kasabay niyon ay sumagi tuloy sa kaniyang isipan ang sinabi ng kaibigan na may babae ang kaniyang asawa. "I'm sorry, hon. Wag kang mag-alala hindi na ako aalis sa tabi mo. I'll tell you right away if I'll leave," ani nito at marahang tinitigan ang asawa roon.Napanguso si Ja

  • The Multi-Billionaire Heiress: Vow of Ruin   Chapter 10

    Nagcheck-in ang mag-asawa sa hotel at agad na iginaya ng mga staff roon. Nakamasid naman si Carrie sa dalawang mag-asawa mula sa malayo. She sipped on her cocktail as she watched them enter the elevator.Nasa may beach area ang mag-asawa, si Janna na ngayon ay naglalakad patungo sa tubig suot ang isang two-piece bikini swimsuit. Nakaupo naman sa sun lounger si Francis at nagbabasa ng magazine roon.Hindi napansin na naglalakad na patungo sa kanya si Carrie kaya naman nang makita ang mga binti nito sa gilid ng kaniyang mga mata ay agad siyang nag-angat ng tingin rito."Hi, babe." Mabilis na napatayo si Francis doon at agad napatingin sa gawi ni Janna. Kasalukuyan itong lumalangoy kaya naman hinawakan nito si Carrie sa kaniyang braso."Anong ginagawa mo rito? Sinusundan mo ba kami? Hindi ba sinabi kong iwasan muna natin ang magkita lalo pa at nandito si Janna?" mahina ngunit mariing bulong nito.Inalis ni Carrie ang kamay ng lalaki mula sa pagkakahawak sa kaniya at ngumisi rito."Relax

  • The Multi-Billionaire Heiress: Vow of Ruin   Chapter 9

    Mabilis na umiling si Janna roon tila ayaw paniwalaan ang sinasabi ng kaibigan."Ano bang sinasabi mo? Hindi magagawa ni Francis 'yan," ani ni Janna habang umiiling."Alam kong mahirap paniwalaan pero bilang kaibigan mo hindi masama ang alamin ang totoo." Hindi alam ni Janna kung ano ang dapat niyang gawin dahil mahirap sa kaniya ang maniwalang may ibang babae ang asawa lalo pa at babagong kasal pa lamang sila nito."Hindi magandang biro 'yan, Adrian. Alam mo tara na lang at sumunod na tayo kay Sofia roon," aniya at nauna nang maglakad doon.Wala na ring nagawa pa si Adrian kung hindi ang sumunod na lamang papasok sa loob ng mall. Sinalubong sila ni Sofia roon na mukhang kanina pa naiinip sa paghihintay sa kanila."Ano ba, ang tagal niyo ha. Ano bang pinag-usapan niyo sa parking?" tanong nito.Nagkatinginan ang dalawa bago sumagot si Janna roon."Wala, may hiningi lang advise si Adrian," saad nito."Ano naman 'yon? Bakit hindi rin sa akin?" tanong ni Sofia at kabadong ngumiti na lam

  • The Multi-Billionaire Heiress: Vow of Ruin   Chapter 8

    Kinuha ni Francis ang wineglass sa gilid at sumimsim doon bago muling tumingin kay Janna."Talaga? Ano daw ginagawa niya rito?" tanong nito."Well, sabi niya kasama niya yung boyfriend niya. Actually naisip ko nga na iinvite sila para we can do a double date since nandito na rin naman sila." Tumikhim si Francis doon bago hinawakan ang kamay ni Janna at tumingin sa mga mata nito."Hon, this is supposed to be our night. Carrie and her boyfriend seem to have already spent a lot of time together today. Maybe, next time we can invite them?" suhestiyon nito at ngumiti si Janna roon."Yeah, sure." Nagpatuloy sila sa pagkain doon at ilang sandali pa ay may inilabas muli si Francis na isang pulang kahon mula roon. Iniabot iyon ni Francis kay Janna at agad itong napatingin doon."Ano 'to?" "It's my gift for you, open it." saad nito at kinuha ni Janna ang kahon. Marahan niyang binuksan iyon at isang kwintas din ang naroon.Tumayo si Francis at kinuha ang kwintas bago ito isinuot kay Janna. H

Higit pang Kabanata
Galugarin at basahin ang magagandang nobela
Libreng basahin ang magagandang nobela sa GoodNovel app. I-download ang mga librong gusto mo at basahin kahit saan at anumang oras.
Libreng basahin ang mga aklat sa app
I-scan ang code para mabasa sa App
DMCA.com Protection Status