The Multi-Billionaire Heiress: Vow of Ruin

The Multi-Billionaire Heiress: Vow of Ruin

last updateLast Updated : 2026-01-22
By:  filipinabellissimaUpdated just now
Language: Filipino
goodnovel18goodnovel
Not enough ratings
6Chapters
15views
Read
Add to library

Share:  

Report
Overview
Catalog
SCAN CODE TO READ ON APP

Labis ang pagmamahal ni Janna para sa kaniyang asawa na si Francis. Lahat ay ibibigay niya para lamang sumaya ito kapalit man nito ay ang sarili niyang kaligayahan o dignidad. Para sa kanya ang mahalaga ay ang pagsasama nilang mag-asawa. Ngunit sa kabila ng pagmamahal ay magagawa pa rin siya nitong pagtaksilan. Martyr, masokista, tanga sa pag-ibig, iyon na ata si Janna. Ngunit ang lahat ay may hangganan, ang lahat ng pagtitiis ay may katapusan. Dahil sa panibagong buhay, galit at poot ang mamumuo sa puso ng dalaga at ito ang magiging sandata niya upang makapaghiganti sa kanilang lahat.

View More

Chapter 1

Chapter 1

Hindi mapakali si Janna habang nakaharap sa isang malaking salamin. Hindi niya inaasahan na sa isang iglap ay magpapakasal na siya sa kaniyang nobyo. 

"Handa ka na ba, anak?" tanong ni Lira sa kaniyang anak. 

Tipid na ngumiti si Janna sa kaniyang ina at tumango rito.

"Dito rin naman po kami papunta hindi po ba?" sagot nito.

Niyakap na lamang ni Lira ang anak habang tinitingnan ito sa harapan ng salamin. Sa totoo lang ay hindi pa rin makapaniwala si Janna na magpapakasal na sila ni Francis. Isang taon pa lamang sila bilang magkarelasyon ngunit isang araw ay bigla na lamang siya inaya ng binata na magpakasal.

"Janna, will you marry me?" tanong ng lalaki habang nakaluhod ito sa harapan ng dalaga at sa kamay ay ang isang mamahaling singsing.

"Oo, Francis! Pakakasalan kita!" masayang sagot nito.

Malaki ang ngiti na isinuot ni Francis ang singsing at mahigpit na niyakap si Janna mula roon.  At ngayon ay dumating na nga ang araw ng kasal. 

Ilang sandali pa ay isang katok sa pinto ang narinig ng dalawa at doon ay pumasok ang dalawang kaibigan ni Janna.

"Congratulations!" masiglang bati ni Sofia kasunod nito ay si Adrian ang lalaking kaibigan ni Janna.

Tumayo si Janna at niyakap ang dalawang kaibigan. 

"Masaya ako para sa'yo," sambit ni Adrian at ngumiti si Janna rito.

"Salamat."

"Ma'am, mag-start na po ang ceremony in 20 minutes," ani ng coordinator sa kanila.

Samantala, palabas na si Francis sa kaniyang kwarto papunta sa venue nang isang babae ang humarang mula sa pintuan.

"Carrie, what are you doing here?" 

Ngumiti ang babae at itinulak si Francis doon saka nito isinara ang pinto.

"Whatever you're planning, stop it. Baka ma-late ako sa kasal ko," sagot nito.

"We'll just talk," saad ni Carrie ngunit taliwas ito sa kaniyang ikinikilos.

Dahan-dahang pinadaan ng dalaga ang kaniyang mga daliri sa mukha ng binata pababa sa kaniyang dibdib at mapang-akit na nag-angat ng tingin rito.

"Just a pre-wedding gift." aniya at napapikit si Francis doon.

Mas lalong idinikit ni Carrie ang kaniyang sarili at nang maramdaman ang pagpipigil ng lalaki sa harapan ay mas lalo itong napangisi.

Idinikit nito ang kaniyang labi sa gilid ng kaniyang tainga.  

"You know where to find me," marahang bulong nito at lumayo roon.

"Best wishes," dagdag pa nito at tumalikod na rito.

Ngunit nakakailang hakbang pa lamang ito ay isang kamay ang humila rito at hinatak siya pabalik roon. Isang mapusok na halik ang iginawad ni Francis kay Carrie. Isinandal nito ang dalaga sa pintuan at inangat ito habang patuloy ang paghalik nito rito.

Sa totoo lamang ay wala naman talaga sa plano ni Francis ang pakasalan si Janna. Kinailangan niya lamang gawin iyon dahil sa kaniyang ama.

"Ibibigay ko lamang ang mana mo, kung magpapakasal na kayong dalawa ng girlfriend mo. Why do you need to wait for few years. Janna is a good woman; she has manners, and I like her for you," 

"Isang taon pa lang kami, Pa. We're still exploring." 

"Nasa tamang edad na kayo, Francis. At hindi ba matagal na kayong magkakilala hindi ba? Simula pa lamang noong nasa high school kayo? At ngayon ay nagtagpong muli, hindi ba parang tadhana iyon para sa inyo?" ani ng ama ni Francis.

Napailing na lamang ang binata mula roon. Hindi makapaniwala na naririnig niya ito sa sariling ama. Ngunit naisip niyang kung ito lang pala ang kailangan para makuha niya ang kaniyang mana ay hindi na siguro masama. 

Alam naman niyang lahat ay ibibigay ni Janna sa kaniya. Hindi ito kailanman magrereklamo sa kahit ano dahil alam niyang mahal siya nito.

"Ahh! Francis!" mahinang ungol ni Carrie habang hinahawakan ng binata ang maselan nitong parte.

Binuhat nito ang dalaga at nagtungo sa dulo ng kaniyang kama at doon ibinagsak ang katawan nito. Saka ipinagpatuloy ang paghalik nito sa labi ng dalaga.

"Shit!" malutong na mura ni Francis.

Nakahanda na ang lahat para sa kasal narooon na rin ang wedding officiant at ang ilang mga abay at bisita. 

Isang malalim na buntong-hininga ang pinakawalan ni Janna bago muling tiningnan ang sarili sa harapan ng malaking salamin suot ngayon ang kaniyang trahe de boda.

Samantala, naglalakad si Adrian patungo sa kabilang parte ng venue nang makita nitong nagmamadaling lumabas ng kwarto si Carrie.

Kumunot ang noo nito at marahang nagtungo sa kwartong pinanggalingan nito. Tumigil ito sa harapan ng pintuan at akmang kakatok na sana ngunit bigla iyong bumukas at tumambad doon si Francis.

"Adrian!" gulat na usal nito.

Napatingin si Adrian sa dinaanan ni Carrie bago muling tumingin kay Francis.

"Nakita kong lumabas dito si Carrie, anong meron?" seryosong tanong nito.

"Ah, iyon ba? Wala naman, bumati lang siya. Alam mo na, magkababata kami kaya nagpunta siya rito kanina para personal na bumati." sagot ni Francis.

"Ahh, magsisimula na pala ang kasal niyo." saad ni Adrian at tumango si Francis doon. "Congratulations."

"Salamat, pare." 

Ngumiti si Francis habang inilalahad ang kamay nito sa harapan ni Adrian. Tinanggap lang iyon ni Adrian bago umalis doon.

Isang napakagandang musika ang tumutugtog ngayon sa buong lugar. Ang paligid ay napapalibutan ng mga bulaklak at ilang kilalang mayayamang pamilya sa bansa.

Nag-umpisa  ang kasal at habang nagsasalita ang wedding officiant doon ay hindi inaalis ni Adrian ang kaniyang paningin sa kaibigan.

Kung sana lamang ay nagawa niyang umamin noon, kung hindi lamang siya naduwag ay marahil siya na siguro ang lalaking kasama nito sa harapan.

Hindi rin naman maitago ni Lira ang tuwa para sa anak. Habang pinapanuod ito ay naalala nito ang namayapa nitong asawa.

'Ikakasal na ang anak natin, Anton. Sana masaya ka para sa anak natin' ani nito sa kaniyang isipan.

Samantala sa isang malaking mansiyon ay ibinaba ng isang matandang lalaki ang kaniyang binabasang libro bago tumingin sa kaharap nitong lalaki.

"Nahanap niyo na ba sila?" tanong nito.

"Hindi pa rin, Papa. Pero huwag kayong mag-alala, mahahanap natin ang mag-ina ni Anton. I promised." sagot ng lalaki at padabog na isinara ng matanda ang kaniyang libro.

Matapos ang palitan ng wedding vows ay ang pag-anunsyo ng wedding officiant roon.

"I now pronounce you, husband and wife. You may kiss your bride!" 

Inangat ni Francis ang wedding veil ni Janna at isang ngiti ang iginawad nito bago hinalikan ang dalaga sa kaniyang labi.

Expand
Next Chapter
Download

Latest chapter

More Chapters

To Readers

Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang  manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.

No Comments
6 Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status