ANMELDENHindi ko na maalis sa isip ko ang numerong iyon.17-P.Ilang beses na namin itong nakita sa mga lumang records.Pero ngayon lang naging malinaw na may isang partikular na file na may reference na iyon—at noong September 19, inilabas ito sa pangalan ng papa ko.Hindi ko alam kung alin ang mas nakakabahala.Na kinuha niya ang file.O na hindi na ito bumalik sa parehong record.“May release registry,” sabi ni Nathaniel.Napatingin ako sa kanya.“Sure?”“Kung may record ng pag-release, dapat may entry kung kailan at kanino inilabas.”Dapat.Muli na namang bumalik sa isip ko ang salitang iyon.Sa dami ng nawawalang records sa St. Claire, natutunan ko nang huwag masyadong umasa sa dapat.Pero pumunta pa rin kami sa Records Annex.Hinugot namin ang lumang release registry at sinundan ang entries para sa September 19.Hanggang sa nakita namin ang hinahanap namin.09/19/2006Reference: 17-PReleased to: E. ArabiaTime: 6:42 PMHuminto ako.“Six forty-two.”Tumango si Nathaniel.“After office h
Hindi ko na binalikan ang dokumentong nakuha namin tungkol sa September 15.Hindi dahil wala na akong gustong malaman.Kundi dahil may isang tanong na paulit-ulit na bumabalik sa isip ko.Sino ang unang nagdala ng L.R. sa St. Claire?Kung doon nagsimula ang lahat, doon din kami dapat bumalik.September 12.Iyon ang unang petsang lumitaw ang L.R. sa records.At ayon sa visitor log, may isang taong pumunta sa Records Annex nang araw na iyon.M.R.Dalawang letra lang.Pero sa ngayon, iyon lang ang mayroon kami.“Hanapin natin yung security record,” sabi ni Nathaniel.Tumango ako.Kung may visitor entry, baka may naiwan ding ibang detalye sa security archives.Hindi man kumpleto ang records, baka may isang bagay na nakalusot.Ilang minuto kaming naghalungkat bago namin nakita ang folder para sa September 12.Binuksan ni Nathaniel ang pahina.09/12/2006 — 8:09 AMVisitor: FemaleReference: M.R.ID: VerifiedDestination: Records AnnexNapatitig ako sa entry.“Babae.”“Oo.”“Possible na siya
September 12, 2006.Paulit-ulit kong tinitingnan ang petsa sa lumang form.Limang araw bago ang gabing hanggang ngayon ay pilit naming binubuo.Limang araw bago lumitaw ang pangalan ko sa mga record.At ngayon, alam kong doon pala nagsimula ang L.R.Hindi sa September 17.Hindi sa A-17.Hindi sa Records Room B.September 12.“May record pa ba ng mga request noong araw na ‘yan?” tanong ko.Tumingin si Nathaniel sa mga cabinet.“Kung hindi nila tuluyang binura.”“Hanapin natin.”Binuksan namin ang ilang drawer sa lumang administrative section.May mga visitor log. Mga internal request. Mga authorization form na halos kupas na ang tinta.Hanggang sa may nakita si Nathaniel na isang binder.SEPTEMBER 2006 — ADMINISTRATIVE REQUESTSInilapag niya iyon sa mesa.Isa-isa naming nilampasan ang mga pahina.September 10.September 11.At pagkatapos—September 12.Huminto ang daliri ko.May entry.09/12/2006 — 8:16 AMReference: L.R.Description: Identity-related request.Walang pangalan.Walang d
Hindi ako agad nagsalita.Paulit-ulit kong tinitingnan ang tatlong index card sa mesa.L.R. — 09/17/2006L.R. — 09/18/2006L.R. — 09/19/2006Tatlong araw.Parehong initials.At ngayon, alam na namin na hindi ako ang subject.“Kung hindi ako ang tinutukoy ng L.R.,” sabi ko, “kailangan nating malaman kung saan nagsimula ang reference na iyon.”Tumango si Nathaniel.“Hindi sa September 17.”Tiningnan niya ang ibang cards.“Mas maaga.”Binalikan namin ang cabinet na may label na ARCHIVED REFERENCES.Isa-isa naming hinanap ang mga lumang cards.Hanggang sa nakita namin ang unang code.L.R.-01May petsa.09/12/2006Walang pangalan.Walang subject number.Tanging isang maliit na notation:REFERENCE CREATEDNapahawak ako sa card.“September 12.”Limang araw bago ang gabing paulit-ulit naming binabalikan.“May L.R.-02,” sabi ni Nathaniel.Kinuha niya ang susunod na card.09/15/2006REFERENCE UPDATEDDalawang araw bago ang September 17.At pagkatapos—L.R.-0309/18/2006Ang parehong code na nak
Hindi ako agad nagsalita.Nakatitig lang ako sa mga letrang nakasulat sa register.L.R.Dalawang letra.Pero sa pagkakataong iyon, parang mas mabigat pa ang mga iyon kaysa sa buong pangalan.“Bago pa ako,” mahina kong sabi.Hindi sumagot si Mama.“Ma, ano ang ibig mong sabihin kanina?”Dahan-dahan niyang ibinaba ang register.“Hindi ko alam kung paano ko ipapaliwanag.”“Subukan mo.”Tumingin siya sa cabinet sa likod namin.“May section dito para sa mga internal identity references.”Napakunot ang noo ko.“Identity references?”Tumango siya at binuksan ang isang maliit na drawer.May mga lumang index card sa loob. Karamihan ay may code, petsa, at reference number.Hindi ito mukhang patient records.Mas parang mga tala para sa mga dokumentong hindi dapat basta makita.Kumuha si Mama ng isang card.Pagkakita ko sa nakasulat dito, biglang bumilis ang tibok ng puso ko.L.R. — 09/17/2006“September 17?”Tumango siya.“Bakit may L.R. dito?”“Hindi ko alam.”“Pero alam mong may ganitong refer
Hindi ko maalis sa isip ko ang litrato ng kahon.Madilim na kayumanggi ang kulay nito, may mga gasgas sa gilid at isang maliit na puting label sa ibabaw.L.R.Sa unang tingin, ordinaryong lumang storage box lang.Pero alam kong hindi iyon ang dahilan kung bakit ipinakita sa akin ng unknown number.May maliit na metal plate sa gilid.17-B.“Ma,” sabi ko, “sigurado kang ito ang kahon ng papa ko?”Matagal niyang tinitigan ang larawan.“Oo.”“Paano mo nasiguro?”“Ako ang naglagay ng label.”Napatingin ako sa kanya.“L.R.?”Tumango siya.“Pero hindi para sabihin kung kanino iyon.”“Kung gano'n, para saan?”“Para malaman ng papa mo kung alin ang kahong iyon.”“Tatlo raw ang kahon?”“Oo.”“Nasaan ang dalawa?”Umiling siya.“Hindi ko na alam.”Hindi ko na siya pinilit.Sa halip, kinuha ni Nathaniel ang phone ko at pinalaki ang larawan.“May code sa gilid,” sabi niya.“17-B.”Tumango siya.“Hindi ba parang storage code?”Napatingin si Mama sa kanya.“Gano'n nga.”“May ganitong code ba sa St. C







