Share

Chapter 44

Duffy Pov

Pagkabalik ko sa bahay namin ay agad akong niyakap ng mahigpit ng aking ama. Alalang-alala siya sa akin. Hindi ko maiwasan ang mapaluha sa ginawa niya. Hindi ko inaasahan na mag-aalala siya sa akin kapag nawala ako ng matagal. Palagi kasi siyang galit sa akin at kapag nag-aaway kami ng aking stepmother ay ito palagi ang kinakampihan niya. Kaya naman sobrang saya ang pakiramdam ko nang yakapin niya ako ng mahigpit pagpasok ko sa bahay namin. Ang stepmother ko naman ay nagkunwari na nag-aalala rin siya sa akin ngunit binigyan ko siya ng malakas na sampal nang akmang yayakapin niya ako. Nagulat ang aking ama sa ginawa ko kaya nagtanong siya kung bakit ko iyon ginawa? Sinabi ko sa kanya ang nangyari sa akin. Na inutusan ng aking stepmother ang aliping si Hernan na pagsamantalahan ako. Mariing pinabulaanan ng aking stepmother ang sinabi ko. Nagsisinungaling daw ako dahil ang totoo ay may relasyon daw kami ni Hernan. At inutusan ko raw si Hernan na kitlin ang kanyang buhay nang ma
Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status